Chapter T-31

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov 

 

Sinilip ko si Karina sa loob ng kwarto namin habang nagtatrabaho sya. Oras kasi ngayon sa work from home nya. Kahit naka-leave sya sa trabaho ay naglalaan pa din talaga sya ng oras para i-monitor ang kumpanya nya. Si grandpa muna ang nandoon sa Maynila habang wala si Karina para mag-handle ng kumpanya. Dahil nga anytime pwede na ako manganak kaya hindi na sya pinayagan ni grandpa lumuwas luwas.

 

 

Dahan dahan ako naglakad palapit kay Karina habang bitbit ko ang tasa ng kape na tinimpla ko para sa kanya. Hindi naman nya ako inutusan, nagkusa lang ako. Kasi kanina nung unang silip ko sa kwarto, nakita ko na nakatingin lang sya sa laptop nya. Ang tagal ko sya tiningnan pero, wala, tulala pa din. 

 

 

Kaya naisipan ko na ipagtimpla sya ng kape. Baka kasi inaantok na sya kahit pa nga alas otso pa lang ng gabi. Pagod sila ni Ryujin ngayong maghapon, walang tinda dito sa bahay dahil nga baka manganak ako, walang tatao sa ihawan, madalas kasi na tatlo lang kami nila Ryujin at Karina naiiwan dito sa bahay dahil nasa tahian sila nanay at lola sa Batangas at kada tatlong araw lang nakakauwi, si lolo naman madalas nasa bukid.

 

 

At kahit na nga walang tinda dito sa bahay ay halos mag triple naman ang benta sa pwesto namin sa bayan, kaya si Ryujin at Karina eh nagpapalitan sa pagtulong kila Aling Bernadette at Mikay, lalo na kapag dagsa na ang tao sa hapon dahil uwian ng mga estudyante at mga trabahador. 

 

 

"Mahal..." tawag ko kay Karina pero hindi nya ako narinig, mukhang malalim talaga ang iniisip nya dahil nakatulala lang sya sa laptop, parang kanina lang nung sinilip ko sya, yung kamay nya ay nasa keyboard at nakapatong lang. Kaya napagpasyahan ko na lumapit na lang sa kanya.

 

 

"Mahal?" Inilapag ko sa harapan nya sa tabi ng laptop ang kape at marahan ko na pinisil ang balikat nya. Gulat na gulat naman syang lumingon sa akin.

 

 

"M-mahal? K-kanina ka pa?" nanlaki ang mata nya na tumingin sa akin at tumayo, hinawakan ko sya sa balikat para paupuin ulit. 

 

 

"Tinawag kita hindi mo ako narinig, nakatulala ka lang dyan, ayos ka lang ba? May problema ba? Pinagtimpla kita ng kape." hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. 

 

 

 

Bakit ka malungkot mahal?   

 

 

Ngumiti si Karina pero hindi ito umabot sa mga mata nya, nasisingkit ang mata nito kapag nangiti eh, yumuko ako para halikan sya sa noo. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago nya ako iginiya para umupo sa kandungan nya. 

 

 

"Mahal mabigat ako..." natakot ako na malalag, ang laki laki na ng tiyan ko at alam ko na bumigat ako dahil sa pagbubuntis ko, baka hindi ako kayanin ni Karina. 

 

 

Umiling sya at tuluyan na nya ako napaupo sa kandungan nya. Ipinatong ko ang braso ko sa batok nya at niyakap sya habang isiniksik nya ang mukha nya sa dibdib ko. Nag aalala ako sa kanya, tahimik itong si Karina, pero yung pagkatahimik nya ngayon alam ko na may malalim syang iniisip.

 

 

"Let's stay like this muna mahal...please?" tumango ako kahit hindi nya ako nakita, hinapit ko pa sya palapit sa akin, sinigurado ko na kung ano man ang pinagdaraanan nya ngayon ay maramdaman nya na nandito lang ako, nandito lang kami ng anak namin. 

 

 

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa din nagsasalita si Karina. Hinihintay ko din na sya mismo ang mag sabi sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya, ayoko kasi sya pilitin, hinihintay ko kapag handa na sya, kaya wala akong ginawa kundi yakapin sya at halikan ang ulo nya.

 

 

"Mahal?" maya maya ay narinig ko na bulong nya, inangat nya ang kaliwang kamay nya para ipatong sa tiyan ko at haplusin ito habang nakasandal padin ang ulo nya sa dibdib ko. 

 

 

"Hmm?" 

 

 

"I-i'm scared..." kumunot ang noo ko sa sinabi nya. 

 

 

"Saan mahal?" 

 

 

"N-natatakot ako na kapag nandito na si baby mag kulang ako bilang magulang nya, paano kung hindi ko kaya yung ginagawa ng isang magulang? Paano kung hindi ko sya ma-guide ng tama? Paano-" mabilis kong pinisil ang braso nya para matigil yung pag ooverthink nya. Ang bilis nya mag salita, halatang nag aalala talaga sya.

 

 

"Mahal, sshhh..." hinagod ko ang likod nya at hinalikan ko ulit sya sa noo. "Paano mo naman nasabi yan? Eh ngayon pa nga lang sobra sobrang pagmamahal at pag aalaga na ang binibigay mo sa amin ng anak natin." hinawakan ko sya sa pisngi ng hindi sya sumagot at iniharap ko sya sa akin. 

 

 

Nangingilid ang luha sa mga mata nya, bakas ang pag aalala at takot dito. Parang pinipiga ang puso ko, ayokong nakikitang ganito si Karina. Kasi pakiramdam ko pati ako nanghihina. Pero hindi pwede, kailangan kong tatagan ang loob ko. Kailangan nya ako ngayon, kailangan isa sa amin ang maging malakas. 

 

 

"I'm sorry...hindi ko maiwasan mag worry....kasi, I-i grew up without my moms, hindi ko alam ang pakiramdam ng may magulang, lumaki ako na hindi ko alam kung paano ba yung may magulang, wala akong idea. Sobrang thankful ko na nandyan si grandpa para alagaan ako. Pero kapag naiisip ko si baby mochi, natatakot ako, ayokong magkulang sa kanya bilang magulang mahal. K-kasi sobrang hirap, ang hirap lumaki ng naghahanap ka ng kalinga ng isang magulang."  humihikbi syang nakatingin sa akin.

 

 

Gustong gusto ko alisin yung bigat ng nararamdaman nya ngayon dahil ayoko syang makita na ganito. Pero may parte sa puso ko na napanatag ako, kasi nagsasabi na sa akin si Karina tungkol sa mga ganitong alalahanin nya, hindi na nya ito sinasarili katulad ng nakasanayan nya. Alam na nya na nandito ako para makinig at damayan sya.

 

 

Pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak ng makita ko ang tumulong luha sa pisngi ni Karina, kaya pinahid ko ito ng kamay ko. Nadudurog ang puso ko sa mga sinabi ng asawa ko. Maswerte ako na may nanay ako kahit wala si tatay, nararamdaman ko pa din ang pagmamahal ng isang magulang, may sinasabihan ako kapag masaya ako o malungkot ako. May yumayakap sa akin kapag nalulungkot ako. Pero si Karina, wala, iniimagine ko pa lang na nandun ako sa katayuan nya habang nalaki sya nahihirapan na ako.

 

 

Na-kwento din sa akin ni Karina noon na ang mga kasambahay at driver lang nila na si Mang Berto ang madalas nyang kasama noon dahil busy nga si grandpa sa kumpanya nila. May time pa nga daw na si Mang Berto na ang umaattend ng parents meeting at kapag may honor sya sa school dahil biglaan mago-out of the country si grandpa. 

 

 

Sadyang likas na mabait lang talaga itong asawa ko, hindi daw sya nagtampo kay grandpa noon kapag hindi ito nakaka-attend sa school or laban nya sa sports. Dahil naiintindihan nya daw na para din sa future nya ang ginagawa ni grandpa, at alam nya na gumagawa din naman talaga ito ng efforts para bumawi sa kanya. Pero syempre kahit ganun, maghahanap at maghahanap pa din talaga ng kalinga ng magulang ang isang bata. 

 

 

Lalo nga daw kapag family day, si Aling Thelma at Mang Berto daw ang naattend sa kanya. Tinutukso pa nga daw sya noon ng mga kaklase nya. Pero hindi na lang daw nya inintindi, kasi sobrang thankful nya daw sa dalawa na kahit hindi naman sya anak ng mga ito ay game na game sila na pasayahin sya sa buong event na iyon. 

 

 

Nakakalungkot... 

 

 

"Mahal...makinig ka sa akin, tandaan mo ang sasabihin ko sayo ha." marahan ko pinahid ang pisngi nya. "Hindi mo kailangan matakot na magkukulang ka sa anak natin, kung hindi mo alam kung paano maging isang magulang, nandito ako, dalawa tayo dito hindi ba? Mapapag aralan natin maging isang mabuting magulang para sa anak natin mahal. Ngayon pa lang sobrang na-aappreciate ko na yung paghihirap mo para sa amin ni baby. Walang perfect na magulang mahal, hindi masamang magkamali, ang mahalaga matuto tayo para sa anak natin."  ngumiti ako at hinalikan sya sa labi. 

 

 

"Basta magkasama tayo mahal, kakayanin natin, hindi ka na mag isa, lagi mong tatandaan yan, nandito na kami ni Mochi, may pamilya ka na, mahal na mahal ka namin ni baby, Mommy Jimin."  suminghot singhot sya at humalik sa tiyan ko. 

 

 

 

"I-i love you both so much too. Thank you." humihikbi pa din sya na tumingin sa akin kaya napangiti ako, ang cute cute ng abunjing ko na to. Kinabig ko sya para yakapin at halik halikan sa mukha. 

 

 

"Tahan na panganay ko, love love ka namin ni bunso." biro ko sa kanya at napangiti ako lalo ng maramdaman ko ang pagtawa nya sa dibdib ko. 

 

 

Makalipas ang ilang sandali ay tila kumalma na sya kaya nakahinga na ako ng maluwag. 

 

 

Ang kaso...

 

 

"Nanay Winter, I'm hungry, I want milk." nagulat ako ng marahan nyang kinagat ang dibdib ko kaya naitulak ko sya palayo, wala pa naman akong suot na bra dahil medyo masakit nga ang dibdib ko, nag uumipisa na kasi itong magka-gatas. Tiningnan ko ang suot ko na dark blue na duster at nakita ko ang bakat ng lumabas na gatas dito dahil sa pagkagat ni Karina. 

 

 

"Bwiset ka! nakuha mo na agad mang manyak pagkatapos mo magdrama dyan!" ang sakit tuloy, kaya hinaplos haplos ko muna. Pinalo ko ng mahina ang kamay nya ng hahawak din sya sa kabilang dibdib ko. 

 

 

"I'll help you..." nguso nya sa akin. 

 

 

Nako, duda ako sa tulong na yan. Ngayon pa na halos isang buwan na syang diet sa pagkaldag. 

 

 

"Wag ako Karina, kagabi pa nagapang yang kamay mo. Ang sakit sakit na nga, nilalapirot mo pa." sermon ko sa kanya. Tuwang tuwa lang sya kasi lumaki daw ang dibdib ko, kaya ayan, ang kamay hindi matigil. Napaka talaga. 

 

 

"Sabi ni doc pwede i-massage eh, hmph! padede lang eh." nanlaki ang mata ko, jusko! kung ano anong natututunan ng asawa ko simula nung nandito si Yeji at lagi ng natambay dito.

 

 

Nakukuha na nya minsan ang salita ni Yeji, kaya minsan napipisil ko ang labi, kasi minsan hindi naman nya alam ang meaning, ibang meaning ang binibigay ni Yeji kapag tinuturuan sya. Isa pa yung higante na yun eh, nadagdagan ang sawayin ko dito. 

 

 

"Heh! Ano ka sanggol? Inumin mo na nga yang kape mo. Maliligo na ako." tinulungan na nya ako tumayo at pagkatapos ay tiningnan nya ang kape nya. 

 

 

"Mahal, walang creamer, baka naman..." 

 

 

"Magtigil ka dyan, may coffeemate sa kusina, lagyan mo kung gusto mo ng creamer!" mabilis ako lumabas ng kwarto at baka mahigit na naman ako ni Karina, mahirap na. Baka ma-trigger at mapunta sa early labor agad. Hindi pa ako ready manganak. 

 

 

 

_______

 

 

Kanina pa paikot ikot si Winter sa loob ng kwarto nila habang hina hahagod hagod ang balakang nya. Kanina pa kasi ito sumasakit simula ng gumising sila ng umaga, Inutusan na nga nya si Karina na imasahe sya dahil iniisip nya na baka sa pagkakahiga nya lang at nangalay sya.

 

 

 Nawala naman, pero naramdaman nya ulit ito kanina noong pabalik balik na sya sa banyo para umihi. Tila kada limang minuto yata ay nasa banyo sya para umihi. Nagtaka na nga sya dahil hindi naman na sya nainom ng tubig. 

 

 

Napatigil si Winter ng maramdaman nya na medyo humilab ang tiyan nya. Kaya pinilit nyang maglakad papunta sa kama hawak ang ibabang bahagi ng tiyan nya para umupo. Napahugot sya ng hininga. Hinaplos haplos nya paikot ang tiyan nya para maibsan ang pag sakit nito. 

 

 

"Lalabas ka na ba anak? Hindi pa ata ready si nanay..." bulong ni Winter habang pilit inaalala ang breathing technique na natutunan nya sa lamaze. Naghintay pa sya ng ilang sandali at makalipas ang halos Isang minuto ay nakahinga sya ng maluwag ng mawala ang sakit nito. Kinabahan sya, hindi pa sya ready umire. 

 

 

"Anak, wag mo papahirapan si nanay ha, tapang tapangan lang si nanay pero ang totoo natatakot na ako. Kaya please kung lalabas ka na, labas ka sa unang ire pa lang ni nanay kung pwede."  natawa sya sa sarili nya. Sana lang ay kahit ngayon lang ay makinig ang anak nila sa kanya. 

 

 

Pinakiramdaman muna nya ang sarili katulad ng napag aralan nila sa lamaze, kailangan nya oras ang pabalik balik na contractions nya , dahil maari na Braxton hicks lang ito or false labor katulad noong nakaraan. 

 

 

Dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas nya itong maramdaman, dinala na nga sya sa ospital dahil akala nila ay mapapaaga ang panganganak nya. 

 

 

"Aa-ahh.." napahigpit ang kapit ni Winter sa kutson ng kama ng maramdaman nya ang mas masakit na paghilab ng tiyan nya, gusto na nyang sumigaw para tawagin si Karina na nasa kusina, ang kaso parang kakapusin sya ng hininga sa sakit. 

 

 

"Manganganak na talaga ako! Sure na!"       

Walong minuto na kasi ang pagitan ng pagsakit nito at halos isang minuto na ang contraction na nararamdaman nya.

 

 

"S-sandali lang anak, t-tawagin natin ang mommy mo...aahh ! KARINA!." sigaw nya pero alam nya na malabong marinig sya ni Karina kung nasaan man ito. Tiningnan nya ang cellphone nya na nasa tukador, kailangan nya kunin ito para matawagan nya ang asawa nya. Pasalamat na lang sya at hindi naiwan ni Karina ang cellphone nya sa kwarto nila. 

 

 

Hinintay nya na mawala ulit ang sakit. Kaya ng medyo mawala ito at alam nya na kaya na nya tumayo ay wala syang inaksaya na panahon para kunin ang cellphone nya. Tumayo agad sya hawak ang ibabang bahagi ng tiyan nya dahil pakiramdam nya ay malalaglag na ang bata sa sinapupunan nya kapag naglalakad sya.

 

 

Sumandal sya sa tukador bilang suporta kung humilab man ulit ang tiyan nya at dali dali nyang pinindot ang emergency call sa cellphone nya. Naka-emergency call kasi si Karina sa cellphone nya. Dalawang ring lang ng marinig nya ang boses ng asawa nyan.

 

 

"Mahal? May kailangan ka?"       

"Oo!" mabilis nyang sagot ng humilab na naman ang tiyan nya.

 

 

"Ano po yun mahal ko?"       

Malambing na tanong ni Karina sa kanya. 

 

 

Napahugot sya ng hininga dahil tila dumoble ang paghilab ng tiyan nya at naninigas na din ito  "KARINA MANGANGANAK NA AKO! WAG KA NG MAGPA-CUTE DYAN! HALIKA NA DITO!" sigaw nya at tuluyan na syang namilipit sa pagkakatayo. 

 

 

"OMG! WAIT MAHAL!"      

Yun lang at narinig na nya ang mabilis na yabag ng paa nito sa sahig papunta sa kwarto nila at ang malakas na pagbukas ng pinto. 

 

 

 

 

"MAHAL!" dali daling nilapitan ni Karina si Winter na nakasandal sa tukador at hawak hawak ang tiyan habang namimilipit sa sakit. Hinawakan nya sa bewang ang asawa nya at sinuportahan ang katawan nito.

 

 

"C-can you walk or you want me to carry you?" pinilit nya na ikalma ang sarili nya kahit pa nga nanginginig na ang mga kalamnan nya sa kaba habang nakikita nya si Winter na namimilipit sa sakit. 

 

 

"K-kaya ko maglakad, m-mahal y-yung gamit ni baby k-kunin mo-Uggh! Karina ang sakit!" daing ni Winter. 

 

 

Natataranta na sya, inabot nya gamit ang paa nya ang upuan na malapit sa gilid ng kama at tinulungan nya muna maupo si Winter bago sya nagmamadaling pumunta sa aparador para kunin ang bag na pinaglalagyan ng gamit ng anak nila. 

 

 

"I will call the doctor mahal ok?" tumango si Winter at huminga ng malalim katulad ng technique na itinuro sa kanila sa lamaze. Lumuhod si Karina sa tapat nya hawak ang cellphone sa kamay nito, maya maya ay sumagot na ang doctor sa kabilang linya. 

 

 

"Hi doc, may contractions na po na nararamdaman si misis." hiwakan nya ang kamay ni Winter at marahan itong pinisil. Nakapikit lang si Winter at ginagawa ang breathing technique na natutunan nito. 

 

 

"Ok, ilang minuto na po ba ang pagitan ng contractions nya and yung pain mismo Ms Yu? "       

Tanong ng doctor nila. 

     

"Mahal? Na-orasan mo ba ilang minutes yung gap ng contractions mo and yung mismong pain?" tanong nya kay Winter, dumilat ito at tumango. Ini-loud speaker ni Karina ang cellphone para marinig ng doctor si Winter. 

 

 

"8-10 m-minutes po ata yung pagitan, y-ung contractions po, halos isang m-minuto." hinawakan ni Karina ang tiyan ni Winter at nagulat sya ng maramdaman nya na matigas ito kumpara sa dati. 

 

 

"I advice you to take a warm bath po muna. Nasa first stage pa lang po si misis ng labour, I think nasa 2-3cm pa lang ang opening ng cervix nya. Let her take a long warm bath and try to relax, after that, you can come to the hospital na po, dito na lang natin i-monitor si misis dahil alam ko na nagwoworry kayo. Ipapahanda ko na po ang room para sa inyo.      

"Thank you so much doc. Tawag po ulit kami kapag papunta na kami." 

 

 

"Anytime Ms Yu, You're welcome po."       

Binaba na nya ang tawag at tiningnan si Winter. Medyo ok na, mukhang nahinto muna ang paghilab ng tiyan nito. Hinalikan nya ang kamay ni Winter at ngumiti. 

 

 

"Wala tayong bathtub mahal, gusto mo ba punuin ko yung drum sa labas ng warm water?" biro nya para kahit papaano madistract ang asawa nya sa sakit. Natawa si Winter at pinisil sya sa pisngi. 

 

 

"Bago mo pa mapuno ang drum, nakapanganak na ako." huminga ito ng malalim at ngumiti sa kanya. " Are you excited mommy Jimin?" tanong nito at niyaya na sya na tulungan tumayo para maligo.

 

 

"Sobra po nanay Winter, I wanna hug and kiss na po our little mochi.." kahit kinakabahan ay pareho silang naeexcite na makita ang anak nila. 

 

 

"See you soon anak."          _______    

Winter's Pov

 

 

Hindi ako na-inform na para palang hinahati ang balakang mo kapah nag lalabour! Nasa sasakyan na kami papunta ng ospital at nasa gitna ako ni Karina at Ningning nakaupo. Habang nasa likod si Giselle na hindi ko alam bakit may dala syang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo 0 points #1
Chapter 81: Chapter 81: Jutmiyo naman Winter at Karina HAHAHAHA. I'm having a baby fever right now because of Khio
asdfghjklmaeee
124 streak 0 points #2
Chapter 81: Kahit siguro ako mapagdidiskitahan kong kagatin yung cheeks ni mochi eh ang cutieee talaga. Also, welcome back sa cravings episode ni nanay winter na may plus 1 nang kasama, ang mochi na yan na napa jutmiyo tuloy HAHAHAHA. At ikaw naman Erik bakit ginawa mong pet si mochi HAHAHAHAHA. Mission success talaga si ning kay khio at allison 😂
jaangwaang
880 streak #3
Chapter 68: At tatlo nga talagang khio ang kasunod hahahaha
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 81: Pati ako beh nangasim 😭😭😭
GimmeGummiesTY
#5
Chapter 81: okay, at dahil jan, manunungkit din ako ng mangga namin lol lt nadadamay na si khio hahahahaha
jushshhh 20 streak #6
Chapter 81: nangangasim din ako pagbabasa hahahahah
lazchata17
#7
Chapter 81: "jutmiyo naynay"

Khio inaanak bat ang cute cute moooo???? Kagigil ka.
ROYAL_LOCKSMITH 23 streak #8
Chapter 81: Ayy nako jutmiyo ka naynay, kawawa naman ang mochi na yan, nakagat na nga ng mommy, ginawa pang pet tapos pinakain pa ng maatim na mangga. Hayyyy 😄 ...

Tapos ang bait bait ng mimi na yan. Alagang alaga pati ang naynay.

Belated happy birthday mimi.
glanishaaa
#9
Chapter 81: Ambebe khio na yan hayyy ♥️♥️♥️
_soshivelvet
#10
Chapter 81: Hahahahahahahaha jutmiyo talaga naynay wintew!!!! kasama na din si khio sa kulit ng cravings ng naynay nya huhuhu na-sad din ako bigla na amgiging ate na si mochi, feeling ko ako si winter tas nalulungkot ako na baka ma-feel ni mochi na left out sya pag dumating na triplets kahit unintentionally 😭😭