Chapter T-10

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

Ilang araw pagkatapos ng pangyayari, ngayon ay dito na rin tumigil sa bahay si Giselle, ayaw pa nga nya noong una dahil 1 month vacation lang naman daw sya dito at ayaw nya makaabala, pero dahil na rin sa araw araw nya na pagpunta dito, alam namin na hindi lang dahil kay Karina,  sila Lolo na mismo ang nag alok sa kanya, noong una pa naman ay inaalok na sya na dito na tumigil dahil wala syang kasama sa mansion nila Karina, pero nahihiya daw sya. Sa huli, pumayag na din sya,  nabudol ni Ningning. 

 

Nagprisinta pa nga si Ryujin na gusto nyang magkasama sila ni Giselle sa kwarto dahil naging malapit din ang dalawa sa pagpunta punta ni Giselle dito, pero ang Ningning nyo, lihim na pinagbantaan si Ryujin na hindi nya na ito papakabitin sa hotspot nya kapag tinuloy ang binabalak, kaya si Giselle na ngayon ang gumagamit ng isang bakanteng room sa bahay. At si Ningning naman madalas na rin dito makitulog, sa kwarto naman sya ni Ryujin, kasi nga sabi nya...

 

"Dito na lang ako sa room ni Ryujin para safe, kasi nga Beshie marupok ako, baka mauna ka pa maging ninang kesa sa akin"  nahampas ko nga ng barbeque sticks, good luck na lang talaga kay Giselle mukhang planado na ni ning ang kasal nila. 

 

 

Papunta na nga ako sa Parang para sunduin sila Ryujin, kasama nya si Karina at Giselle, kukunin nila yung mga kahoy na pinatuyo nila nung isang araw para pang gatong, at oo kasama si Giselle, maarte lang talaga si Giselle pero game na game sya sa mga gawain dito sa bukid, sya mismo ang nagprisinta na sumama sa bestfriend nya, mukhang enjoy din naman sya kahit na nga tila may truck ng bumbero kapag nagugulat sya, rinig na rinig ang tili nya mula sa gitna ng palayan hanggang sa amin. Wala din kasi si Lolo at may inasikaso sa bayan. 

 

"Ryujin! umuwi na daw kayo kakain na" gulat na gulat si Ryujin ng abutan ko sila ni Giselle sa ilalim ng mataas na puno ng mangga, hawak nya ang laylayan ng damit nya na parang may hinhintay sa taas ng puno, si Giselle naman ay nagbabalat ng mangga sa gilid at may asin pa na baon sa pinunit na dyaryo. 

 

"I-insan a-anong ginagawa mo dito?" mabilis syang lumapit sa akin at inakbayan ako palayo sa puno. Pabalik balik ang tingin nya sa akin at sa puno ng mangga. 

 

"Kakain na, bakit hinahayaan mo kumain ng mangga si Giselle ng hindi pa nakain ng tanghalian? Kapag pinagsaktan ng tyan yan Ryujin ha." tumingin tingin ako sa paligid . Teka...

 

Nasaan ang asawa ko?

 

"Nasaan si Karina? Bakit kayong dalawa lang ang nandito?" kitang kita ko ang pamumutla at panlalaki ng mata ni Ryujin. Kinakabahan ako baka mamaya may ginawang kalokohan na naman to at dinamay si Karina.

 

"A-ano nasa bahay na ata! Oo! umuna na umuwi kani kanina lang!" natataranta nyang sagot.

 

"Wala sya sa bahay Ryujin, kung uuwi sya makakasalubong ko sya, iisa lang ang daan papunta dito."  gago nito ni Ryujin ano na naman kaya ang ginawa?! 

 

Pinanliitan ko sya ng mata

 

"O-oo nga insan, buti pa mauna ka na umuwi baka abutan mo sy-" hindi na natuloy ni Ryujin ang sasabihin ng narinig namin tumili si Giselle sa likuran namin.

 

"YU JIMIN! I TOLD YOU TO WAIT FOR RYUJIN TO CATCH THE MANGOES! YOU ALMOST HIT ME IN THE HEAD! YOU IDIOT!"  sigaw ni Giselle habang nakatingala sa taas ng mangga. 

 

Tangina...

 

Mabilis ako tumakbo sa tabi ni Giselle at tumingala, gulat na gulat si Karina ng makita nya ako sa ilalim ng mangga, may hawak syang isang bugkos na bunga ng mangga at nakaupo sa may sanga ng puno. 

 

"BABABA KA O BABABA KA?!" sigaw ko mula sa baba ng puno. Putek ang taas taas ng inakyat nya! Ako nga na laking probinsya hindi tinangkang akyatin itong matandang puno ng mangga dahil mataas. 

 

Gulat na gulat parin syang nakatingin sa akin at hindi kumikilos.

 

"BABA!" sigaw ko. Mukhang natauhan dahil mabilis nyang inihulog ang hawak nyang mangga malayo sa amin ni Giselle. At dali daling tumayo sa sanga na inuupuan nya.

 

"Wait mahal!" nataranta na sya

 

"UMAYOS KA KARINA YU! PAG IKAW NAHULOG DYAN AKO MISMO BABALI NG BUTO MO!" sigaw ko. 

 

Ninenerbyos ako sa bawat galaw nya, malilintikan talaga itong dalawa ni Ryujin sa akin pag uwi. 

 

"See? I told you two,  we should sungkit na lang instead of climbing that tree." maarteng sabi ni Giselle sa likod ko na tuloy parin sa paglantak ng mangga.

 

"Nagreklamo ka pa talaga? Anlakas mo nga kumain ng inaakyat namin na mangga." bulong ni Ryujin 

 

"hmp! It's so sour naman" 

 

"Malamang mangga" 

 

Jusko nagsisihan pa. tiningnan ko ulit si Karina na nakababa na ng puno. nagkakamot sya ng ulo ng lumapit sa akin. Tingnan mo, pati galawan pareho na sila ni Ryujin. 

 

"Sorry..." 

 

Sinamaan ko lang sya ng tingin

 

"I'm sorry, hindi naman mataas"  wala pa kaming anak pero pakiramdam ko may panganay na agad ako. Napabuntong hininga na lang ako.

 

"Mahal mataas yang puno na yan, matanda na rin at marurupok na ang sanga kaya delikado ng akyatan"  lumapit sya sa akin at yayakap sana ng makita ko na puro pantal ang leeg at braso nya. Umiwas ako dahil naiinis ako! 

 

Winter hinga ...asawa mo yan ...hingang malalim

 

"I'm sorry hindi na mauulit." nakanguso nyang sabi at hinila si Ryujin sa tabi nya. 

 

"Insan sorry na , kasalanan ko, hindi na mauulit, please wag mo sabihin kila Lola, natatakot ako matulog sa pakwanan may multo dun eh" nagmamakaawang sabi ni Ryujin.

 

Hindi ako umimik 

 

"Sorry na huy insan, ako na muna ang tatao sa ihawan promise! mag double date muna kayo mag asawa kasama yung hap chekwa at hap haponesa na mag-MU" binato sya ni Giselle ng buto ng mangga

 

"Aray! Totoo naman!" 

 

"Shut up!" namumulang sabi ni Giselle. 

 

"Bilisan nyo na at kakain na ,naghihintay na sila lola."  tumalikod na ako at nag lakad. 

 

"S-sandali insan wag mo ako isumbong!" 

 

"Ikaw ang tatao sa ihawan Ryujin" 

 

"Ok lods tenkyu!" 

 

"Mahal! wait for me!" 

 

 

Ang presyon ko Karina Yu...

 

_____

 

"Sinabi ko na sayo diba? Wag ka ng aakyat ng puno at delikado, malapit ko na kayong pagbuhulin ni Ryujin" sermon ko sa kanya, naka upo sya sa kama at nakatayo ako sa harap nya, nilalagyan ko ng katinko ang mga pantal nya. Pinapak na pala ng hantik sa puno jusko! 

 

"Tingnan mo puro ka pantal" hinila nya ako sa bewang palapit sa kanya. 

 

"Sorry na talaga mahal, hindi na mauulit" hinila nya pa ako hanggang sa mapaupo na ako sa kandungan nya. Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.

 

"Delikado kasi yun mahal, buti kung katulad ka ni Ryujin na mala-unggoy kung umakyat" naramdaman ko na natawa sya.

 

" Sorry.." tumingin sya sa akin na akala mo inapi at ngumuso. Mabilis ko syang hinalikan sa labi , mabilis lang naman sana pero nahawakan nya ako sa likod ng ulo ko para diinan ang halik namin, wala na akong nagawa kundi ipulupot ang braso ko sa balikat nya. Hinapit nya na rin ako sa bewang. At lalo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo 0 points #1
Chapter 81: Chapter 81: Jutmiyo naman Winter at Karina HAHAHAHA. I'm having a baby fever right now because of Khio
asdfghjklmaeee
124 streak 0 points #2
Chapter 81: Kahit siguro ako mapagdidiskitahan kong kagatin yung cheeks ni mochi eh ang cutieee talaga. Also, welcome back sa cravings episode ni nanay winter na may plus 1 nang kasama, ang mochi na yan na napa jutmiyo tuloy HAHAHAHA. At ikaw naman Erik bakit ginawa mong pet si mochi HAHAHAHAHA. Mission success talaga si ning kay khio at allison 😂
jaangwaang
880 streak #3
Chapter 68: At tatlo nga talagang khio ang kasunod hahahaha
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 81: Pati ako beh nangasim 😭😭😭
GimmeGummiesTY
#5
Chapter 81: okay, at dahil jan, manunungkit din ako ng mangga namin lol lt nadadamay na si khio hahahahaha
jushshhh 20 streak #6
Chapter 81: nangangasim din ako pagbabasa hahahahah
lazchata17
#7
Chapter 81: "jutmiyo naynay"

Khio inaanak bat ang cute cute moooo???? Kagigil ka.
ROYAL_LOCKSMITH 23 streak #8
Chapter 81: Ayy nako jutmiyo ka naynay, kawawa naman ang mochi na yan, nakagat na nga ng mommy, ginawa pang pet tapos pinakain pa ng maatim na mangga. Hayyyy 😄 ...

Tapos ang bait bait ng mimi na yan. Alagang alaga pati ang naynay.

Belated happy birthday mimi.
glanishaaa
#9
Chapter 81: Ambebe khio na yan hayyy ♥️♥️♥️
_soshivelvet
#10
Chapter 81: Hahahahahahahaha jutmiyo talaga naynay wintew!!!! kasama na din si khio sa kulit ng cravings ng naynay nya huhuhu na-sad din ako bigla na amgiging ate na si mochi, feeling ko ako si winter tas nalulungkot ako na baka ma-feel ni mochi na left out sya pag dumating na triplets kahit unintentionally 😭😭