Payak ang buhay nang 'di ka kilala

Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

4:30 am

 

First day sa trabaho so bawal pindutin yung snooze button sa cellphone para maka tawad pa nang additional five minutes. Umayos ka, Winter Minjeong Kim. Wala eh. Takot ka magkarecord ng tardiness since pre-school kaya bumangon ka na dyan.

 

Lumabas na ako ng kwarto ko at mukhang gising na si Ate Wendy.

 

Ay, either gising na or di pa natutulog.

Paano ba naman kasi eh sa pinili nyang mag dual degree of Doctor of Medicine and Master in Business Administration sa Ateneo de Manila. Pre-med nya is Pharmacy in University of Santo Tomas. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ang sipag mag-aral. Eto yung sumpa kapag yung pinili mong buhay ay nasa medical field. Yung main goal nyo is mapagaling yung mga pasyente kahit halos kayo na yung maging pasyente. Kulang sa tulog, di nakakakain ng maayos, tapos yung sweldo... no comment. 

 

"Uy Winter. Gising ka na pala. Nakaluto na ako ng almusal. Corned beef with itlog para sa first day mo." Kumuha na ako ng plato at kubyertos pagkatapos kong i-on yung heater para magpakulo na ng tubig para makapagtimpla na kami ng kape para sa almusal at para na din sa kape na ititimpla namin as baon. Yes, kape na talaga yung dumadaloy sa mga ugat namin.

 

"Thanks Ate Wends. Teka, kakauwi mo palang ba or di ka nanaman natulog?" Ayun. Kumukulo na yung tubig. Kinuha ko na yung mug kong penguin na galing sa Starbucks. Birthday gift slash belated christmas gift according sa nagregalo na itatago ko nalang sa pangalang Shin Ryujin, best friend ko since high school na sinundan ako hanggang college. Pati kurso ko sinunod na rin nya. Ganun sya ka clingy sakin.

 

"Mga alas-tres na kami nakauwi nila Seulgi at Sana. Tinapos pa kasi namin yung powerpoint para sa case study. May presentation  kami mamaya" Maingat nyang pinaplantsa yung white coat nya habang nginunguya yung tinapay na may itlog na palaman.

 

"Pero bakit naka uniform ka na? May duty ka ba ngayon?  Di ko talaga gets kung bakit kahit simpleng scrambled egg, nasasarapan ako basta si Ate yung nagluto. Yung tipong pang five star restaurant yung experience kapag sya yung naghahanda ng kakainin namin. Sure na kaya syang gusto nya talagang mag doktor? Di pa naman siguro huling mag change ng career? Mag enroll sa culinary school at maging chef. Char. One-half char.

 

"Hehe. Umuwi lang talaga kami para makaligo at makapagbihis. I'll go na in an hour. Mahirap na at baka abutin pa ng traffic." Tumayo ako para kunin yung favorite tumbler nya. Sakto pa naman yung natirang tubig sa heater para sa kape na ipapabaon ko. According sa kanya, gusto nya yung timpla ko. Effective para buhayin yung katawan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tamago_312
Pasensya na if it took a while for me to update. Madaming ganaps sa life at ngayon lang talaga ako nagka oras to finish this chapter. I guess I'm back into writing na again. Hopefully. Hehe

BTW
#HAPPYJIHYODAY 🥳

Comments

You must be logged in to comment
Jae_Rivero
#1
Chapter 5: miss u otor happy new year!
cleofierayne 35 streak #2
Chapter 5: Yieeee more and more! Hahaha 🤣 grabe Kars cutie pala haaaaaa excited na sa next chap!
Enterusername_here
#3
Chapter 5: Naks crushie na agad si wintot hahaha
osumnevercease
#4
Chapter 4: the story is great so far po, please continue this
Elatedbliss #5
Chapter 4: New reader here! Invested na ako dito sa story Author! Kelan next update? Hehehe
TakuyaKen
#6
Chapter 4: ay ou terror ung chief haha
syrenity
#7
Chapter 3: Nako nako. Parang may binabalak ata ang isang Karina ha. Ch0ur.
kimmynjeongg
#8
Chapter 3: author yung "siberia" ba, galing sa kanta ng ang bandang shirley??
Enterusername_here
#9
Chapter 3: Si tzuyu pala yung nakatapon hehehe akala ko si madam.
syrenity
#10
Chapter 1: omg first chap pa lang hooked na meee