007
how to deal with a break upSEULGI
“Bwisit ka. Ayoko nga sabing pumunta eh. Kinasabwat mo pa talaga si Mama eh, no?” inis mong sabi. Hindi naman matigil tigil kakatawa ang dalawang asungot na nasa harapan mo.
“Kunwari ka pa, ate Seulgi, gusto mo rin naman makita si ate Irene.” pang-aasar ni Yeri.
“Pupunta siya?” walang malay mong tanong kaya mas lalong lumakas ang tawa nila. Bwisit.
“Uyyyy, umaasa~” Yeri.
“Miss mo?” Joy.
“Namimiss niya yan.” Yeri.
“Miss na ang babu?” Joy.
“Nagsisisi na?” Yeri.
“Mahal pa no?” Joy.
Inirapan mo nalang sila at pumikit. Lord, bakit ganito ang mga kaibigan ko?
————
“We're hereeee!” sigaw ni Joy kaya napadilat ka. Nakangisi pa rin ito kaya inirapan mo ulit. “Di ako tatagal ah. Bahala kayo.” tumawa naman sila.
Papaakyat kayo sa 10th floor at nang makarating dito, bigla kang hinila ni Joy bago pumasok sa room kung nasaan daw ang mga kaibigan niyo.
Sinuotan ka bigla ni Yeri ng blindfold habang hawak hawak ni Joy ang mga braso mo.
“Ano ba yan, bakit may pa-blind fold pa!”
Narinig mong bumukas ang pinto. Inaalalayan ka ni Joy sa paglakad. “Hi guys!” rinig mong bati ni Joy.
Naririnig mo na rin ang mga tawanan ng iba niyong kaibigan maliban sakanya.
Wala siya?
“Tanggalin niyo na yan!” rinig mong nagsalita si Jisoo. Maya maya ay may naramdaman kang humawak sa handkerchief na nakapiring sayo.
Nanlaki ang mga mata mo pagkadilat mo.
“Irene..”
————
“Lisa! Joy! Para kayong—” at tuluyan kayong sinaraduhan ng mga bwisit mong kaibigan.
Lumingon ka. Nakatitig pala siya sayo. Nang mapansin niyang lumingon ka ay napaiwas naman siya.
“We're locked.” mahina mong sambit. Tumingin ka ulit sakanya na nakatingin lang sa baso niya.
you, Joy. Sabi mo sa isip mo.
Wait.
Alam ba ni Irene to?
Bakit wala man lang siyang reaction?
Hindi ba siya naaawkwardan?
“Seulgi..” muntik kang masamid sa nonexistent na tubig na nasa bibig mo. Lumingon ka naman sakanya, hinihintay na ituloy kung may balak man siyang sabihin.
Meron naman siguro, diba?
Bakit ka naman niya tatawagin kung wala. diba?
“Congrats.” and that made you confused.
Congrats?
Huh?
She w
Comments