SPECIAL CHAPTER

how to deal with a break up
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI

 

“Here. Take it.”


“Buksan mo. Tignan mo kung kasya sayo.”


“It's for you.”


“Rene.. let's get married.”


Napakamot ka ng ulo sa inis. Nakakailang practice ka na kasi kung paano mo ba ibibigay yung binili mong ring. Balak mo na kasi magpropose sakanya.


Handa ka na kasi.


Handang handa na.


Sure ka rin naman na ganon na rin siya. Gusto mo na rin itong bakuran dahil naiinis ka na sa mga umaaligid sakanyang mga lalake at babae.


Napagusapan niyo na rin ito dati nung kakabalikan niyo lang.


“Boo, saan mo gustong magpakasal?” nasamid ka sa biglang tanong ni Irene. Napatawa naman siya.


“Gusto ko kung ikakasal tayo sa Canada, o di kaya sa Netherlands. Basta kahit ano sa dalawang yan.” tumango ka at napangiti. Bigla mo kasing naimagine ang sarili mo sa altar habang hinihintay siyang papalapit sayo.


“Babu, don't you wanna adopt kids?” nabalik ka ulit sa reyalidad dahil sa tanong niya. “Kids? Huh.. ikaw bahala..” sagot mo nalang. Hindi ka rin kasi sure.


Okay ka naman sa mga bata pero hindi mo alam kung kaya mo ba mentally na magpalaki ng isang bata. Financially stable nga kayo kaso wala rin ito kung di ka mentally stable pagdating sa pagpapalaki ng isang bata.


Malaking responsibilidad kasi iyon. Hindi lang basta na gusto mo magpalaki, dapat committed ka rin sa thought na iyon at handang handa ka.


“Wag nalang pala.” napalingon ka sakanya. “Bakit? Kung gusto mo mag ampon tayo, kaya naman sigu—”


“No. Ayaw na. Pag nagkaron tayo ng anak, mawawala atensyon mo sakin. May kahati na naman ako sa atensyon mo. Ayaw.” napatawa ka sa sinabi niya. Parang bata.


“Gusto ko akin lang atensyon mo, babu ha.” tumango ka naman at nginitian siya. Lumapit ka sakanya at hinalikan ang noo nito. “Iyong iyo lang, babu.”


“Miss Kang? Miss—”


“Y-yes, sir?” nabalik ka sa reyalidad. Kanina ka pa pala tinatawag ng boss mong si Suho. Masyado kang nalunod sa lalim ng iniisip mo.


“You okay? Ang lalim ata ng iniisip mo,” natatawang tanong ni Suho. Napakamot ka ng ulo at nagbow. “Sorry, sir. May kailangan po kayo?” umiling si Suho. “Suho nalang,” panimula nito. “Parang kaibigan na rin tayo no, bestfriend kami ni Joohyun eh.” napangiti ka naman at tumango.


“Anyways, need ko lang sana yung mga papeles from JTR Company. As I recall, sa office mo yun napadala, right?” tumago ka naman at hinanap na yung documents na dumating kanina.



“Here, s-sir, I mean, Suho-ssi.” natawa si Suho at umalis na. Kinapa mo ulit ang bulsa ng blouse mo at tinignan ang box ng ring. “Paano ba kita ibibigay?”















————















“Lisa, ayaw mo pa bang pakasalan si Jennie?” nasamid ang kaibigan mong kasalukuyang kumakain. Panay ubo ito habang marahang hinahampas ang dibdib niya.


“Luh, ganon kalakas epekto ni Jennie sayo? Whipped.” pang-aasar mo. Tinarayan ka naman niya at pinunasan ang bibig niya. “Nakakagulat kaya tanong mo,” natawa ka naman sa sagot niya.


Sabagay, nakakagulat naman talaga. Lalo na yung word na “kasal”, malaking responsibilidad kasi iyon. 


“Well? Ano nga?” tanong mo ulit. Tumingin naman siya sayo at pinanlisikan ka ng mga mata. “Bakit mo ba natanong?” umismid ka. “Wala lang. Tagal niyo na kaya.” mas lalong nanliit ang mga mata niya.


“Mas matagal kayo, paalala ko lang.” at ngumisi na siya. Mukhang natunugan na ang totoong intensyon mo. Tumawa ka nang mahina at ngumiti, “Balak ko na siya pakasalan.” at nasamid na naman ang kaibigan mo. Sa nonexistent tubig naman na.


“Seryoso?!” sigaw nito kaya sinamaan mo siya ng tingin. Napatingin kasi ang mga tao sa paligid niyo. Nakakahiya.


Kinuha mo yung box at pinakita sakanya. “Seryoso nga,” nakanganga siya habang manghang-mangha sayo. Natawa ka naman sa reaksyon niya. Tinapik-tapik niya ang braso mo at nag thumbs up sayo, umaaktong naiiyak din. Parang tanga lang.


“Proud ako sayo tol, naunahan mo pa ko.” sambit niya habang umaacting. Natawa na naman at mahinang binatukan siya. “Bagal bagal ka kasi. Mas matagal na sana kayo ni Jennie kung di ka lang 5 years nagpakipot.” tinarayan ka niya at siniko.


“I have my reasons naman no. Naneto eh, cinocongrats ka na nga ganyan ka pa.”


Parehas kayong napatawa. “Pero seryoso, need ko tulong mo. Di ko alam paano ko sasabihin tsaka ibibigay to eh.”


“Simple lang naman siguro gusto ni Irene diba? Edi simplehan mo lang din. Ikaw nakakakilala dun, di ko rin masuggest mga idea ko kung magppropose man ako kay Jennie kasi kahit magbestfriend yon, kita mo namang ibang iba aura nilang dalawa.” napatango ka. May point siya.


Si Jennie kasi mahilig sa surprises, mamahalin tsaka nasa dugo niya na ata ang pagiging mayaman.


Si Irene naman kahit galing din sa mayaman na pamilya, simple lang gusto niya. Naalala mo nga, yung effort mo sakanya noong first monthsary niyo. Wala ka kasing ka-pera pera pa noon, student ka palang din. Ginawan mo nalang siya ng handwritten letters at naglagay ka nalang din ng mga designs para naman may ka-effort effort.


Nung binigay mo sakanya iyon, mangiyak ngiyak siyang tanggapin. Sobrang grateful siya sa mga maliliit na bagay at simpleng bagay na binibigay mo sakanya—which is why you fall for her din. Bukod sa naiintindihan niya ang family situation niyo, she never asked for things na hindi mo kaya like gifts na expensive or out of town na dates. All that matters to her is you're with her.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
karinasaurus11
44 streak #1
Chapter 12: This is such a cute short seulrene story 🥹
baeddeulgi_
#2
Chapter 12: Next month agad 😭 ACCCCKKK ang cute thank you author! sulat ka pa seulrene stories please
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 9: Kabado bente habang nagbabasa. Akala ko ihahanda ko na namam yung tissue ko e,🤧
Moksy23
#4
Chapter 12: ❤
serenedipitea
#5
Chapter 12: ang cute ng story <33
Goeynceilove
32 streak #6
Chapter 12: Yey! What an amazing Bonus chapter 😎🤘
Good luck on your exams! Aim high with flying colors💯
Kylie_123 #7
Chapter 12: 🧡🧡🧡
Nalanaomi2
#8
Hii
goseumdochi_ #9
Chapter 11: JAIAYSGWJAOSHSHW KYOT
Kylie_123 #10
Chapter 11: Cute naman ng mag babu 🧡🧡🧡