one

stop, listen, and look (at me)
Please Subscribe to read the full chapter

Mahilig magmasid si Ningning.

 

Yung tipong malayo ka palang, alam na niya agad kung ano ang pakay mo sa kanya.

 

Kahit pa nga maliit na kuto yan na gumagapang sa buhok mo, mapapansin niya agad.

 

Pero parang kadiri naman ata kung may kuto nga talaga ‘no?

 

Sa kanilang magkakaibigan, si Ningning yung kaibigan nilang kakailangin mo talaga ng effort para hindi ka niya mahuli na may tinatago sa kanya.

 

Alam na alam na niya ang galaw ng mga kaibigan niya eh.

 

Hindi na rin nila mabilang ang mga taon na naging magkaibigan sila.

 

Siguro nga ganon talaga kapag napalapit na kayo sa isa’t isa.

 

Walang kapatid si Ningning ngunit hindi siya nakakaramdam ng pag-iisa dahil para na rin namang kapatid ang turingan nilang magkakaibigan sa isa’t isa.

 

Syempre kung kapatid ang turingan nila, araw-araw yan may bangayan.

 

“Sino na naman yung naglagay ng bato sa bag ko?!” Padabog na itinapon ni Ningning yung bato na nahalungkat niya sa bag niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang mga kaibigan na abala sa kanya-kanyang ginagawa.

 

Lagi na lang ganito ang eksena tuwing hapon habang pauwi sila.

 

“Ikaw yung kumain ng pagkain ko kanina ‘no?” pagduro ni Winter kay Karina na masama rin ang tingin sa isa.

 

“Hindi kaya!”

 

“Anong hindi! Nakita kaya kitang nagtapon kanina sa basurahan!”

 

“Ha! Pano ka naman nakasisigurado na supot ng pagkain mo yung itinapon ko!” singhal naman ni Karina at masama na ang tingin dito kay Winter.

 

Ganito naman lagi ang eksena sa kanila. Ano pa nga bang bago?

 

Natanggal na agad sa listahan ng aawayin ni Ningning yung dalawa niyang kaibigan na nagbabangayan sa gilid.

 

Hindi pa rin nawawala yung inis ni Ningning sa naglagay ng bato sa bag niya. 

 

Kaya pala ang bigat buhatin kanina sa likod eh.

 

Inis na binalingan ni Ningning si Giselle na nangingiting nagtitipa sa cellphone niya. Nang mapansin nitong may nakatingin sa kanya, agad itong umiwas ng tingin at pinipigilang umangat ang sulok ng labi.

 

Mas lalong nainis si Ningning.

 

“Giselle!” malakas niyang sigaw na pati ang hindi pa rin tapos na bangayan nila Winter at Karina ay biglang natigil upang makiusyoso sa nangyayari sa dalawa nilang kaibigan.

 

Ibinaba ni Giselle ang hawak niyang phone at dahan-dahang ngumiti dito kay Ningning.

 

Hindi naman madaling mainis si Ningning pero parang napapadalas naman na yata ang pang-aasar ni Giselle sa kanya. Parang noong nakaraan lang, si Winter ang pinagtitripan ni Gi.

 

Anong nagbago at si Ningning na ngayon?

 

Meron kaya siyang schedule?

 

Hinabol na ni Ningning si Giselle nang magsimula itong tumakbo papalayo sa kanya. May pagka-sadista rin kasi itong si Ningning.

 

 

 

 

 

“Tama na! Aray! Masakit!” Hinaing ni Giselle nan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
and that's it! salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa SLL. see you in my next stories kapag lumuwang na ang sched ko hahaha. this week na ang midterms namin😖

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh 20 streak #1
Chapter 10: SH4BUUU
ryujinie__
677 streak #2
Chapter 1: gonna reread later 🫶🏻
M_1412 #3
Chapter 6: AAAAH NAKAKATUWA TALAGA IREREAD WAHAHAHAHAHAHA KAWAWI NAMAN TO SI GISELLE
IceWolf23 #4
Chapter 10: LT HAHAHAHAHA BAGAY NA BAGAY SILA
IceWolf23 #5
Chapter 9: eat and run HAHAHAHAHAH
IceWolf23 #6
Chapter 8: Chapter 8: Giselle kaya ba today?😭
Wemon_ 11 streak #7
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA eat and run
Wemon_ 11 streak #8
Chapter 8: giselle 😭😭 HAHAHAHAHAHA ALIW potek
M_1412 #9
Chapter 10: HSHAHAHHAHAHA LT TALAGA NETONG MGA TO
M_1412 #10
Chapter 9: HSHAHAHAHAHAHAHHA LT AMPOTEK