Entry #3 | KAEL

Survive: The Genesis
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

[ ENTRY # 3 - 09/11/22 (DAY 01) | HADES UNIVERSITY ] 



 

[Notes: Written by Mikael.]


 

Nawalan ng gas yung sasakyan na ninakaw ko mula sa condo ko nung malapit na ako sa gate nung school. Alam kong sign na iyon na something is wrong, kaya nagstay muna ako sa loob ng sasakyan ng ilang minuto bago lumabas nung sasakyan. Dinasal ko ata lahat ng prayer na alam ko. 

 

Pagkalabas ko, kita ko ang mga nakakalat na kotse sa daan na inabandona na ng mga may-ari nila, possibly trying to outrun the zombie hordes na dumaan dito sa lugar na ito. It feels so creepy how a school I’ve always been going to everyday feels so deserted now na parang hindi talaga ito ang lugar na kabisado ko.

 

Hades University stands before me, the gate unlocked at mukhang may mga zombie na nakapasok sa loob, mukhang civilians at may ilan naman na estudyante na nakagat na din. I try to search a familiar face, at parang nakikita ko sa kanila ang iba ko pang mga schoolmates na nakikita ko sa school madalas whenever I’m here.

 

No sign of my friends, though. Wala pang sign kahit isa.

 

Well, looks like I have to do the inevitable.

 

Dahan-dahan kong ininspect yung bawat kotse, trying to find any supplies I can use to help me rescue the friends na maaaring nasa loob ng school. Napansin ko na nasa loob pa ang susi at hindi nakalock ang mga ito dahil sa pagmamadali nung mga may-ari, making my life easier as I entered each one of them and found more than enough to what I need.

 

A multipurpose knife, some food for myself and the others I would find as survivors sa loob ng school. I also found some pieces of clothing, a rope, a mini hatchet as well as some survival supplies na nakalagay sa isang hiking bag dun sa parang RV car na nasa gilid ng daan. But my favorite of them all I found upon one ragged looking car at the end of the street, at pinagkasya ko ang ilang boxes ng ammunition for  this.

 

It’s a ing .357 Magnum, as well as other pistols that I’ve seen just in the movies.

 

Nakahanap pa ako ng strap para ilagay iyon sa may chest area ko like those police detective types of harness sa katawan, and I also find some tape na inilagay ko sa forearm ko for protection, putting it over a clean sweater na nahanap ko sa isa pang kotse sa labas.

 

When my preparations are done, agad kong kinuha yung makeshift na spear ko, making it stronger with the duct tape and some other knives I found para isang tusok lang sa kalaban mapapatay ko na agad sila. When I decide that it is already adequate, sinimulan ko nang pasukin yung loob ng school.

 

Binilisan ko lang yung pagsuyod sa bawat hallway at field, killing zombies who dared to come close to me and trying to do it quietly since walang silencer yung baril na nakuha ko. The sweater against my skin felt hot and heavy and I wonder silently kung nagawa bang mahanap ni Riley yung mga kaibigan na hahanapin niya.

 

I wonder if she’s alright—pero mukhang hindi ko na malalaman iyon dahil napakalayo ng Xion Entertainment building dito sa Hades University kung nasaan kami ngayon.

 

I scanned all the rooms and tried to find everyone that’s still alive, pero nalungkot ako dahil parang wala nang natira at lahat ng nadaanan ko ay mga zombie na—mabilis ko silang dinispatiya, not leaving anyone alive for fear na baka pag nakita ko ang mga kaibigan ko dito ay malagay pa sila sa panganib with zombies roaming around.

 

I was about to go to the third floor nung pinag-usapan naming building na meeting place nang makarinig ako ng mga boses sa pinakadulong room, and I recognize it to be the dance room kung saan kami nag-usap na magkita a lot of times. 

 

A survivor?

 

No, madaming boses.

 

Fearing that it might be just zombies na napagkamalan kong mga boses, I grab the revolver I had since baka hindi ako maging masyadong mabilis to stab through them. I checked the chamber and found it full of bullets, ready to be shot. 

 

I just hope that my days of playing COD Warzone can help me get ready with this, .

 

I kick open the door, instantly aiming the gun in front of me and keeping my breaths steady habang agad kong sinipat kung nasaan yung mga tao or zombie sa loob—

 

“What the —Kael?!” biglang sigaw nung nasa loob na malakas, and I sigh in relief as I hear familiar voices inside the room, at sinara ko muna yung pinto at napaupo sa harap nito habang nilapitan na nila ako, clearly surprised and glad that I’m already here.

 

(I won’t beat around the bush and just tell their names right here.)

 

Una, si Piper Rosaline Montero, fourth year Engineering at may hawak siyang sledgehammer na may stain na rin ng dugo at kung ano-ano pang hindi ko na sasabihin pa. Pangalawa ay si Sadielyn Elyse Atayde, fourth year Mechanical Engineering at mukhang galing pa siya sa garage sector nitong school dahil crowbar ang hawak niya. Panghuli ay si Jillian Rochelle Ayala, fourth year Agricultural Technology at may hawak pang shovel na galing sa fields na nadaanan ko kanina.

 

But three people are still missing from them—

 

“Kael… Wala na si Jason.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Piper habang agad siyang niyakap ni Sadie, at hindi ko alam ang nangyari pero nanghina ako nang marinig ko ang salitang iyon mula sa kanya.

 

“A-Ano nangyari?” tanong ko, at hindi na nakasagot si Piper dahil sa mga luha niya kaya si Jill nalang ang sumagot for her.

 

“Dinistract niya yung zombies sa first floor, tapos hindi ko na alam… Hindi ko na alam kung nasaan siya. All I heard from him was a shout of pain.” naiiyak na sabi ni Jill, at tumango na lang ako habang tumayo, figuring out that if no one here would take initiative, I would dahil alam kong kailangan na naming makaalis sa lugar na ito.

 

“I’ve cleared the building, pero baka may mga lumabas pang mga zombie dito. S-Sila Klaire tsaka Lia, nakarating ba sila dito?” I ask, and Jill nods as she shows me the last text she received from them, since alam kong nacut off na din ang signal for texting dito sa loob ng Etereo dahil sa announcement ng Martial Law kanina.

 

klang: sis, punta lang kami sa building b sandali nagugutom daw si lia

 

jill: gegege wag kayo mabagal baka dumating na din si kael d2

 

jason: ikaw lng nmn mabagal jill

 

jill: STAHP

 

klang: PUTANGINA MAY NAGKAKAGATAN DITO

 

sadielin: HA ANONG NAGKAKAGATAN

 

sadielin: KLAIRE??? LIA OKAY LANG BA KAYO

 

Yun na yung last text, and I sighed as I got up, pero pinipigilan pa ako nila Sadie na tumayo—I know we have to move now, dahil kahit isang building pa lang ang nakiclear ko alam kong pwedeng dumugin pa rin kami dito ng mga zombie.

 

Agad kong binuksan ang bag ko at binigyan silang tatlo ng baril kada isa, as well as some ammo boxes at ilang magazine na pinuno ko na kanina ng mga ammunition for easy switching. Nakatitig lang sila sa mga baril habang binibigay ko iyon sa kanila, and I even check on the melee weapons they have para macheck ko kung pwede ba nila iyon gamitin in replacement of a gun.

 

“You… You came prepared, ano?” tanong ni Jill sa akin habang tumango na lang ako, sighing as I zipped up the bag ulit at chineck ulit kung mayroon bang zombie sa labas—, meron nga.

 

“Anong building sila Klaire?” tanong ko, at chineck uli nila yung messages nila kanina since hindi ko na alam kung saan ko nailagay ang phone ko with all the chaos that had happened. “Building B, dun sa may… field.” sagot ni Piper na nanlumo dahil alam naming lahat na madaming tao doon at the hour bago mag outbreak, kaya sigurado ako na madaming zombie dun ngayon.

 

“We’d have to circle around. Hindi naman siguro aalis sila Klaire dun, and they’d most likely stay inside the building like what you guys did—”

 

“Pwede ba natin hanapin si Jason?” tanong ni Sadie, her hands shaking as she gripped the small pistol na binigay ko sa kanya. “I… I think he’s still alive, I know he’s still alive here somewhere.” 

 

“We’ll try,” ang nasabi ko na lang, dahil hindi ko rin sigurado kung mahahanap namin si Jason at this time, especially dahil sinabi nga nila kanina na napaligiran si Jason ng mga zombie while distracting those monsters for these three na sa tingin ko ay dumiretso dito sa dance room.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sungoesdown
#1
Chapter 2: pag may apocalypse na for sure hindi na natin maiisip yung ibang taong kilala natin and magstick nalang sa ibang survivors instead of humiwalay, right? dalawa lang din sila :/ pero im still going to read hihi
Elatedbliss #2
Chapter 5: Ay gage nkakatakot to 😱