Chapter 1

Our Playlist

CHAPTER 1

 

“Buisit ka talaga Ning Yizhou!” pabulong kong sigaw sa cellphone ko.

“Enjoy mo na lang muna yan, bes.” Sabi ni Ning.

“Paano ko eenjoyin to eh alam mo namang ayaw ko sa mga ganitong set up.” Nanggigigil na ako talaga.

“Lia, it’s been two years since you’ve been on a date. I think it’s time to meet new people din. We’re worried kaya namin ginawa ito.” Narinig kong sinabi ni Karina sa phone.

 

Napabuntong hininga na lang ako. “Kars, I know. I’ve moved on naman na eh. But still, I’m not ready for a relationship.”

“Girl you’ll never be ready if you don’t go out and see the world for yourself” sabi ni Ning ulit.

“Shet Ning may matino ka pa lang nasasabi.” Natatawang sinabi ni Giselle sa background. Narinig ko ang malakas na hampas ni Ning at ang pag-aray ni Giselle na tuloy pa din ang tawa.

“Well para naman magka-gana na si Lia magsulat ng kanta noh.”

“Baliw ka. Yan lang habol ni Ning kay Lia. Parang di kaibigan.”

“Hindi ah. Sinasabi ko lang.”

“Maganda naman mga kanta niyo ah” sabi ko

“Magaganda nga pero kasi, iba pa rin yung songs na tinutugtog namin pag ikaw ang gumawa.”

 

I missed writing for you guys too.

 

“Anyways, just try to have fun. I already sent you your blind date’s number. I-text mo na lang.” Pahabol na sabi ni Karina bago binaba ang phone.

 

Nandito ako ngayon sa isang maliit na cafe ngayon. Walang masyadong tao kahit Friday ngayon kasi medyo sa liblib na lugar itong cafe. Ang sabi ni Karina lalabas daw ang banda at ininbitahan ako sa get together. Kaya pala pinag-ayos nila ako ng susuotin. Ngayon hinihintay ko yung supposed blind date ko. Nagtext na siya na paparating na daw eh kanina pa yung 10 minutes niya. Kakainis.

 

From: Unknown

 

Hello. Nakasuot pala ako ng leather jacket para madali mong makita. Sorry talaga nalate. I’m almost there. Again. Sorry.

 

That was 3 minutes ago. Saktong narinig ko nag-open ang pinto ng resto at pumasok ang isang babae na naka leather jacket na nakatutok sa phone. Shin Ryujin?! Siya ang date ko?

 

Inalis niya ang tingin sa phone at biglang nilibot ang mga mata sa cafe.

 

Alam niyo ba yung feeling na bigla na lang bumagal yung tibok ng puso at hindi mo namalayan na nagpipigil ka ng hininga. It’s like everything around you fades into the background and all you’re focus goes to her and her alone. It feels like everything is in low motion. And when your eyes finally meet, it’s like drowning in a pool of mystery that you want to uncover and you want to keep drowning in them. Beautiful

 

Kinabahan ako ng todo kasi pamilyar yung feeling. Nakakatakot. Kabag lang ito.

 

Papalapit na siya sa table ko.Kumaway ako sa kaniya para sumenyas. Mukha siyang confused bakit ko kinakawayan.

 

“Uhm, yes?” Tanong niya pagkalapit nito.

“Uhm. I’m Lia, you’re date?”

“Date?” Biglang nagbago ang istura ng mukha nito. “Sabi ko na nga ba may balak sina Winter eh, buisit” pabulong niya tong sinabi.

“I’m sorry, Winter? Uhm, well nabanggit ka ng friend ko and I haven’t been waiting for that long. I haven’t ordered anything yet.”

“Look, miss pasensya but I’m not into dating right now, I’ve been set up so you can just order anything, it's on me, and let's go our separate ways.” Sabi ni Ryujin.

 

WTF? Ang rude ah. Medyo ekis ka na sakin. Sayang, fan mo pa man din ako.

 

“Sorry to burst your bubble pero kaya kong bumili ng sarili ko. It’s good pala na hindi na ito matutuloy tong date na to.” Inirapan ko siya at nagliligpit na ako ng mga gamit.

 

“Ryu!” Narinig ko ang isang sigaw. Tinignan namin ni Ryujin to ng sabay. Kumunot nanaman ang noo niya habang tumatabo papalapit si ate na naka mask.

 

“Win?”

“Yep. Oh, hello po.” Nag-peace sign si ate girl na feeling ko si Winter, ang vocalist ng Zys. Gusto kong mag-fangirl ng todo kaso naalala ko na badtrip pala ako.

“Sino siya Ryu?” pabulong (pero rinig) niyang sinabi kay Ryu

“WHat are you doing here, Win? And I don’t know her. Aren’t you supposed to know her kasi sinet up mo kami?”

“Huh? Pinagsasasabi mong gaga ka. Wala akong ganung idea ngayon. Hi po, Winter pala pero shhh lang.” Nagwink siya at nag-shh sign lang siya sakin. Ang cute.

“Lia pala.”

Nagshake hands kami ni Winter. Napansin niyang tahimik si Ryujin at siniko ito. Nang tumingin kay Winter, napabuntong hininga na lang siya.

“Well, as I was saying, niyaya kita dito Ryu kasi pumupunta dito si crushie, so nasubukan ko yung coffee dito at ayun masarap. Hilig mo sa kape eh so niyaya kita. Wala akong date na sinet sayo. Bakit?”

 

Ahhh. Kaya pala.

 

“Ah sorry, I guess it’s my fault. Akala ko siya yung sinet ng mga kaibigan ko na blind date eh. Pasensya.”

“Ahh. May ginawa nanaman tong kaibigan ko noh? Pasensya na Ms. Lia, meron lang siya ngayon kaya ganun.”

 

Nagulat ako nung binatukan ng malakas ni Ryujin si Winter. Pati sa kabilang table na curious sa ganap.

 

“Gago.” Luh nagmura si Ryujin. “Wala ako ngayon. Akala ko pakana mo nanaman. Hayst. Uhm, sorry Ms. Lia. I’m really sorry, akala ko lang talaga.”

 

“Ah, it’s ok, like I said, I’m also at fault kasi napagkamalan kita. Nagtext kasi yung date ko na naka-leather jacket siya so I assumed na ikaw yun. Sorry.”

 

Narinig ko si Winter na sumisinghot at nakita kong nagpupunas ng pekeng luha. “Grabi, bati na si mama at si papa. Masaya na ang pasko ko ulit.”

“Para kang baliw, umayos ka nga muna Winter.”

“Kkk.” sagot ni Winter. “Anyways, how about we grab ourselves a drink na and get our own table. Mukhang hintayin pa ni Ms. Lia ang date niya. Enjoy Ms. Lia”

 

Nagpahabol ng wink si Winter bago hinila si Ryujin papunta sa cashier. Umupo ulit ako sa upuan at naghintay.

 

Makalipas ang sampung minuto tumunog ulit ang phone ko.

 

From: Unknown

 

Hi, I’m here. Just getting out of my car.

 

Bumukas ang pinto ng cafe and pumasok ang isang matangkad na lalaki na naka-leather. Ahhh.

 

“Hello.” Bati nito. “Sorry, I’m late. Sobrang daming ginawa sa work and sobrang traffic pa. My name is Jeno pala.”

 

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. “Lia. It’s ok.”

 

“Ito pala, para sayo.” Inabot ni Jeno ang boquet ng flowers. Any girl would’ve swoon siguro pag bigyan ng ganito but I’m more into books than flowers. Plus, pinaghintay niya ako ng isang oras. Like, no. Ekis ka na.

 

“Pasesnya na ulit. Umorder ka na ba?”

“Hindi pa.”

“Sige. What do you want? My treat.”

 

Kung si Ning siguro ito malamang sasabihin nya "Boy, bobo ka ba. Of course libre mo dapat ito kasi ikaw nagpahintay dito."

 

Inorderan niya ako ng food and we talked. Medyo ok naman siya kausap. Lee Jeno, isang anak ng conglomerate sa South Korea. May branch sila dito sa Pilipinas at siya ang inatasan ng father niya na mag-manage ng branch dito kaya sobrang busy talaga niya. Mabait naman siya. Pogi din. And may manners. Kaso, ang problema, ang daldal niya. Medyo mahangin din pero given naman since mayaman and may itsura pero, ang daldal niya. Hindi ako makasingit.

 

Alam kong tahimik akong tao pero, Lord please naman pagpahingain niyo naman tong tao na to kakasalita. Magtatanong sakin tapos sasapawan niya ako bago ako makasagot. Hay.

 

Wala pang isang oras sa date namin may tumawag sa kaniya. Habang may kausap siya sa phone tinignan ko yung table nila Winter and Ryujin. Nag-uusap lang sila pero mukhang nag-aayos na sila ng gamit. Sana all pauwi na. My social battery is drained na, so sana matapos na tong date na ito.

 

“Hey, Lia. Sorry ha, pero I need to go na. Emergency sa work. I need to go home para ayusin yung reports namin.”

“It’s ok.” Masaya kong sinabi. Yes, uuwi na rin ako. Wooh.

“Bawi ako next time. I really enjoyed talking with you.” Luh. Wala ng next time.

 

Nagaayos na ako ng gamit ng biglang may kumalabit sakin. Si Ryujin.

 

“Uhm. Hi?”

“H-hello again. Sorry. Iniwan ako ni Winter.” Okay?

“Uhm. Okay?”

“Nagpaiwan ako.” Again… Okay?

“I just want to say, I’d like to take you out tonight, as in now.”

“Uhm. Oka- wait what?” Did I hear that correctly?

“I want to take you out tonight. As a way to apologize for my behavior kanina.”

“Ok naman na yun. Sabi ko nga na kasalanan ko din naman”

“Still, just say yes. Mukha din sawi ang blind date mo eh. Hehe” Aba mokong to ah.

“Please say yes?” Tangina hindi ako marupok

___________________________

 

"So, Miss Shin, saan naman tayo pupunta?"

 

Naglalakad kami ngayon with Ryujin leading. Naka-face mask and cap siya para hindi siya makilala.

 

"Well, I know you just ate and all but are you up for takoyaki? I'm craving for takoyaki eh."

 

"Wow, conyo ka naman na"

 

Natawa lang siya. "This is how I normally talk when calm."

 

"Lol. Nakaka-nosebleed ka naman. Pero sige kung saan ka masaya. Anyways, yeah sure, hindi pa naman ako busog."

 

"Nice. Malapit na tayo. I promise you, out of this world ang takoyaki nila."

"Pero hindi ba sara na mga stalls? Late na kasi eh."

"Maabutan natin sila"

 

After walking for 10 minutes nakarating din kamis sa isang maliit na takoyaki stall. Pasara na nga sila pero mukhang kakilala ni Ryujin ang may ari ng stall kaya napagbigyan kami ng last batch.

 

"To go na po kuya Jun."

"Dito na kayo ah Ryujin para makakain kayo ng mas matino." Sabi ni kuya Jun na inaayos na ang order namin.

"Naku, hindi na po. Pupunta na lang po kami sa park. At tsaka para hindi na din kayo magabihan."

 

Tinignan kami ni kuya Jun ng matagal. Parang gusto pa niya kasing makipagdebate kay Ryujin na mag-stay na lang dito sa stall. Pero nakakahiya naman na dahil nga late na ng gabi.

 

Nginitian ko si kuya Jun. "Kuya, ok lang po. Sa park na kami para feel na feel namin ang gabi."

"Sigurado ba kyo? Pwede naman talaga dito eh. Wala sa akin kung magtagal kayo dito."

"Ok lang po talaga." Sabi ko habang todo ngiti ako.

"O sige. Kayo bahala. Ayan, ibabalot ko lang. Ryujin ingatan mo iyang jowa mo ah. Baka mahulog ibang tao sa kaniya."

 

Nanlaki mga mata namin at dineny agad kay kuya na hindi kami mag-jowa.

 

"Ah ganoon ba? Akala ko mag-jowa kayo eh. Ang cute niyo pa naman. Bagay na bagay."

 

____________________________

 

“Ang sarap naman nito. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko.”

 

Nandito kami sa park ngayon. Kokonti na lang ang tao kasi maghahating gabi na. Nag-take out kami ng takoyaki at dumiretso sa park.

 

“Masarap ba?” Tanong ni Ryujin na pinapanood akong kumakain.

“Kakasabi ko lang na masarap, di ba?” Sabi ko bago ko sinubo ang isa pang piraso ng takoyaki.

 

Nakatitig lang si Ryujin sakin. Napatingin ulit ako sa kaniya at nahiya. “Bakit?”

 

Nagulat ako ng biglang lumapit sa Ryujin at pinunasan ang aking labi ng tissue.

 

“Ang kalat mong kumain. Para kang bata.” Natatawa niya tong sinabi.

 

Huh. May dimples pala siya. Ang cute. Ang cute pa niyang ngumiti.

 

“Bakit ka nakatulala diyan? Nahulog ka na ba sakin? Wag.” Pabiro nitong sinabi.

“Luh. As if. Fan ako ng Zys pero sungit mo kaya kaya ekis ka na sakin. Si Winter na lang bias ko.” Inirapan ko siya pero tinawanan lang ako.

 

“So, how about you continue with your story?” sabi ni Ryujin.

“Ok, ok. So ayun, akala ko get together. Medyo busy na kasi mga kaibigan ko kaya bihira na lang magka-yayaan. Sinend nila yung details nung cafe na pupuntahan, tapos sabi nila casual pero gandahan ko daw suot ko. Pag dating ko dun nagtext na si Jeno and the rest is history. Nakakainis lang talaga yung mga yun.”

“I feel you.”

 

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Na-gets naman niya ang meaning.

 

“My bandmante, sans Yeji, they’re pushing me to date again.”

“Akala ko ba may mga dating ban kayo.”

“We have. Pero secret lang dapat yun hehe.”

“Luh, kung malaman ng mga tao yan baka ma-issue ka nanaman.”

“Alam na alam ah. Crush mo ko talaga noh.” Pagbibiro nito pero may halong bitterness sa tono ng boses niya.

“Dati yun kaso masungit ka pala.”

 

Tumawa na lang si Ryujin.

 

“Pero seryoso, bakit mo kinuwento ito kung sikreto lang?”

Ryujin shrugged. “I know I shouldn’t but talking with you is easier than I imagined. Probably because you’re a stranger.”

 

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot nung nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

 

“Stranger. Hindi naman masakit.” Sinabi ko habang may pahawak sa puso effect. “Sino ba naman ako noh?”

 

Natawa na ng todo si Ryujin. Beautiful

 

Sana palagi ka na lang nakangiti. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Tinitigan ko na lang ang buwan. Full moon ngayon. Ang ganda din ng buwan.

 

Every time na nalulungkot ako or nao-overwhelm, I look up at the moon and bask in its glow.

 

“So stranger. It seems late na ang gabi.” Sabi ko habang nakatingin sa buwan.

 

“Y-Yeah.” Rinig ko na nag-stutter siya. Tinignan ko si Ryujin at medyo namumula siya.

 

“Bakit ka namumula? Ok ka lang ba?” Agad kong binuksan yung water bottle niya. Baka nabilaukan, hindi pa man din ako marunong mag CPR.

 

“Ok lang ako. May sumabit lang.” Sabi nito. Hindi niya ako tinitignan pero medyo namumula pa din. Baka nahihiya. Cute naman.

 

“Hatid na kita?” Tanong ni Ryujin after namin mag-ayos ng gamit.

“Ok lang ako. May masasakyan pa naman.”

“Hatid na kita.”

 

_______________________

 

“Dito na ako.”

“Sure ka?”

“Hindi, hindi. Malamang, kakasabi ko lang.”

“Malay ko bang joke time lang to.”

“Grabi, mukha ba akong joker?”

“Hindi, mukha kang sloth. Hahaha”

“Gago ka ah.”

“Minumura mo ako? Ako na si Shin Ryujin? Luh, isumbong kita sa followers ko.”

“Nye nye. Dito ka na lang.”

“Pero seryoso. Dito ka talaga? Bookstore kasi yan eh.”

“Oo. Sa taas yung saamin.”

“Ahh. Alright then.”

“Uhm. Thank you ah Ryujin. I really enjoyed tonight.”

“Wala yun. Thank you din Lia. I also really enjoyed tonight.”

“Alright stranger.”

“Haha see you when I see you I guess?”

“I’ll see you talaga kasi sikat ka, baliw.”

“I mean in person.” natawa niyang sinabi

“Ayaw. Mahal ang tickets niyo noh. Unless buong group na meet and greet.”

 

Natawa nanaman si Ryujin. Mukha ba akong clown? Well, basta nakangiti siya ok lang maging clown para sa kanya.

 

“Well. Good night.” Ayoko pang matapos ang gabi.

“Bye.”

“Bye.”

 

Paalis na sana ako, pero bumalik ako at tinawag siya na papaalis pa lang.


“Ryujin. Don’t worry, hindi ko ikukwento kahit kanino yung sikreto niyo. Don’t worry, stranger.”

 

________________________

 

It’s already 12:30 AM at kakatapos ko lang mag-shower. Tulog na si ate nung umuwi ako. Nakauwi na pala siya. Chineck ko yung phone ko.

 

1 message from ate

1 message from Kars

2 messages from Gi

1 message from unknown

1 message from Soobin

10 missed calls from Ning

1 email from Sment

 

Leche tong Ning. Daming missed calls.

 

Tatawag sana ako ng biglang tumawang si Ning.

 

“Hoy Choi Lia, buti buhay ka pa.” Sigaw ni Ning. Inilayo ko ng slight yung phone ko sa tenga. Pang-lead vocals talaga itong babaeng ito.

 

“Yep.”

“Ang tipid sumagot. Dali chika na!”

“Ning, let her rest first. Baka kakauwi lang niyan.” Boses ni Kars yun ah.

“Nandiyan pa rin kayo sa studio?” Sabi ko.

“Oo. Kakatapos lang namin mag-practice. Pauwi na din kami.”

“Ingat kayo ah.”

“Yep yep. Now spill. Andito din sila Kars and Gi. Pati si Soobin and Yuna. Inaabangan nila yung deets!”

“Wala. Okay naman si Jeno.”

“Really” bosses ni Karina

“I mean, ok lang siya. Mabait, pogi and good mannered.”

“So, sparks fly?”

“Hindi eh. Medyo draining lang maghintay at kausap kasi medyo madaldal. Pero mabait.”

“Pero still no?”

“No, Kars. Friends yes, pero more than that, maybe not.”

“Why not give it a chance?” sumbat ni Gi

“Hindi maaari! Walang ide-date si Lia ng wala akong approval!”

“Ako ba approved Yuna?”

“Manahimik ka Soobin. Hindi!”

“Manahimik ka Yuna! Kita mong kausap ko tong si Lia.”

 

Ang energetic talaga nila. Buti kaya ni Kars and Gi makasama 24/7 sila. Don’t get me wrong, I love them to death kahit magkaiba personalities namin pero nakaka-drain din talaga kasi kasama mga energetic na tao. Pero nakakatuwa silang kasama.

 

“Well, kumain at nagkwentuhan lang kami konti. Mostly siya ang nagkwento about sa sarili niya.”

“Tapos?”

“Tapos tumawag yung sa office niya, then nagpaalam. Tapos”

“Ayon lang?”

“Kay Jeno? Oo.”

“Oooooh. So wala ng ganap?”

 

Ikwento ko ba?

 

“Hmmm. Meron?”

“Ano? Buisit ka pabitin ka pa. Ikwento mo na dali. I want tea!”

“Eto na. Ang hyper mo talaga kaloka ka. So, nameet ko si Ryujin and Winter sa cafe.”

 

Kinuwento ko yung mga nangyari, from meeting namin ni Ryujin to Ryujin apologizing. Hindi ko na kinuwento yung impromptu date baka magkaissue pa.

 

After nung phone call namin, binasa ko iyong email from Sment. Aside from managing our bookshop, nagfe-freelance songwriter ako for Sment.

 

To: Choi Lia

 

Good evening, Ms. Choi!

 

We know that you have been on hiatus for quite a long time and we understand that you need time for your well-being. We are happy to inform you that you are still welcome to work with our artists. Should you want to return to work, our doors are open for you anytime.

 

We are having a comeback for AEs and your skills and talent are much appreciated. Still, it is up to you if you would accept.

 

Thank you for your consideration.

 

Very Truly Yours,

 

SMENT

 

______________________

 

It’s 2 AM. Hindi ako makatulog. I’ve been replaying what happened kanina. Medyo kinilig ako talaga kay Ryujin kasi nga fan ako. FAN LANG.

 

There’s just something about her eh. I’ve also been thinking a lot about writing for the band.

 

Nung high school kasi kami, we’ve already been playing as a band. Ako yung pianist nila. Then we met Soobin and Yuna, tapos na-feel ko mas kumpleto kapag sila na lang. So, I quit the band and told them that I’d write for them since the band is perfect. Muntik pa kaming mag-away away but the band was ultimately formed, thus, AEs was born.

 

Una gigs lang talaga sinasalihan. Then there was a battle of the bands contest. So naturally sumali sila. I told them to sing an original song para may impact. I wrote the song, then they sang it. And the rest was history.

 

Now, they’ve been playing for almost 4 years professionally and I’ve never been more proud of them. Kaya, that’s why I’ve been thinking of writing for them again. Our dream.

 

_______________________

 

It was 2:30 AM when I decided to start writing. But no lyrics or music comes to mind. Nakakainis.

 

I decided to watch youtube vids or look at inspirational stories pero no luck. I checked my social media account at bumungad agad yung mukha ni Ryujin.

 

Naalala ko nanaman yung smile niya; tawa niya; mukha niya; at mga mata niya.

 

Binaba ko yung phone at kinuha ang gitara. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ko mga nangyari nung kinagabihan. Inalala ko yung paghihintay ko sa cafe para sa blind date. Tapos yung pagpasok niya.

 

Naalala ko din si Jeno na madaldal. Tapos yung table kung nasaan si Winter and Ryujin. Inaalala ko lahat yung mga nangyari. Hindi ko namalayan na naghuhum na ako.

 

Huminga ako ng malalim at sinubukan kantahin ang lyrics na nasa utak ko.

 

There I was again tonight

Forcing laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place

Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face

All I can say is, it was enchanting to meet you

 

Naalala ko din yung pinunasan mo yung bibig ko ng tissue

 

Your eyes whispered, "Have we met?"

'Cross the room your silhouette

Starts to make its way to me

The playful conversation starts

Counter all your quick remarks

Like passing notes in secrecy

 

Naalala ko din yung lungkot sa mga mata mo

 

And it was enchanting to meet you

All I can say is, I was enchanted to meet you

 

At naalala ko din nung nguimti ka na sakin ng walang bahid ng kalungkutan

 

This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonderstruck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you

 

Song: Enchanted by Taylor Swift

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
snsdsoshigg #1
Chapter 3: moreee!