Chapter 2: OT

Gil Puyat

Hindi ako nakatulog nung gabi iyon dahil sa iba't ibang dahilan.

1. Sa tagal kong nagtrabaho doon, ngayon lng talaga ako napahiya sa harap ng ibang employee. Syempre given na nakita nila Joy at Wendy mga kagaguhan ko sa life. 

2. Iniisip ko kung totoo ba yung nangyari or baka naman siya talaga yung multo na tinutukoy nila sa CR. Indenial stage ganern. 

3. Naririnig ko pa rin yung tawa nila WenJoy nung kinuwento ko sa kanila yung nanyari. Dami ko rin namang hampas sa kanila so quits lng.

4.  Ito ang pinaka dahilan kung bat di ako nakatulog. Sa ganda ba naman ng nakita kong mukha eh paano ko yun makakalimutan.  

Ang tagal kong nakatitig sa ceiling habang iniisip ko ang babaeng hindi ako pinatulog. Kinukha ko phone ko at tinignan ang time.

3:47 a.m 

di ba.

Ang aga ko pang gigising at malamang sabog na naman akong papasok sa work.

 

 

Halata naman ni Wendy yung pagkalutang ko kaya naman binigyan nga ko ng 3 in 1 coffee. Hinahalo ko na sa paper cup ng biglang may tumapik sa likod ko.

"Ano di ka pa naka get over? Mukha kang babagsak sa desk anytime, haggang mamaya pa tayo dito" 

Umupo naman si Joy sa tabi ko habang sinabi yun. 

"Anong department kaya siya? 

"Bakit gusto mo pa alamin? Kung ako sayo kalimutan mo na siya so that you could also forget what happened."

"Eh baka naman ayaw niya talaga kalimutan kasi unforgettable yung mukha ni ate gurl sa CR" sabi naman ni Wendy at tinaas baba niya yung eyebrows niyaa

Hindi ako nakasagot aa statement niya at ito namang si Joy lalo pang nagduda sa akin.

"ohhhhh bakit crush mo yun nohhh? Malas mo naman, for sure  mo pa mas naalala niya kaysa sa itsura mo" 

Bastos rin talagaa bibig nitong ni Joy minsan eh. Lakas na naman ng tawa nung dalawang bugok na yun. Minsan talaga niniisip ko kung bat di na lng ako mag resign para di ko nasila makasama.

 

We continued working after nila ako asarin. Di ko na lng sila pinansin at buti na lng walang follow up question mula sa kanila. 

Halos 2 hours na kaming overtime kaya naka ramdam na rin kami ng pagod. Na una nang nagyaya si Joy umuwi  dahil susunduin na rin siya ng jowa niya.

Halos 4 years na rin sila ni Hyoseob. "Crush" ang nickname namin ni Wendy kay Hyoseob dahil based sa story nila, crush na talaga ni Hyoseob si Joy kahit di pa sila magkakilala noon. Pina kilala lang sila ng mga Mutual friends nila kaya doon nag simula love story nila. Sana all di baaa.

Parehas naman kami ni Wendy na walang jowa sa ngayon. Sobrang homebody kasi nito ni Wendy kaya di ko alam kung pano magkaka jowa to. Lagi niyang sinasabi "Hindi ako maghahanap, kung may darating edi go lang". Ang kaso wala namang dumarating so baka choice na rin niyang di mag jowa.

 

"Ingat kayo ni Kuya Crush, sabihin mo wag masyadong bilisan yung pag drive sa motor" nag goodbye na rin ako at si Wendy habang pinapa alala niya yun kay Joy.

May kotse naman ni Wendy kaya hiwalay na kami ng floor sa elevator. Bumaba na siya at nag paaalam sakin tapos pumunta na siya sa parking. 

Ako naman maglalakad pa ng halos 5 mins para makasakay papuntang Gil Puyat station. Sa may EDSA station lang kasi banda yung condo ko kaya kayang kaya i commute. Si Joy naman taga Pasay lang rin, perks lang talaga na may hatid sundo aiya dahil masipag si Crush. Si Wendy ang medyo malayo dahil sa Cavite pa siya kaya buti na lng may kotse siya. .

 

Mararamdaman mo talagang tumatanda ka na kapag hinihingal ka na sa taas ng hagdanan ng LRT. Parang bundok ang inakyat ko, nagmamabilis pa ko dahil ayokong maabutan ang last train. 

Buti na lang naalala ko kanina mag load sa Beep card gamit Gcash ko. (oo mga prends, download mo lng Beep app, para di ka na pumila para mag load. May dagdag transaction fee nga lng pero maliit lng naman) *Gcash beke nemen.

At kahit bakla ako, sa may female area pa rin naman ako sumasakay hahahaha basta may vags pwede dun. Medyo malakas naman ang hangin ngayong gabi kaya kahit pinapawisan ako sa pag akyat, di na rin ako nagpunas ng pawis. 

May ilang tao na rin nag dumagdag sa tabi ko na naghihintay para sa train. Lumingon ako sa paligid pero nagulat ako ng may isang maputing babae dun sa far right ng platform. 

Tinitigan ko siya at alam ko sa buong pagkatao ko na siya ang babaeng di talaga nagpatulog sa akin kagabi.

At alam niyo ba kung bakit OT ang title ng chapter na toh? 

 

O

Tumibok ang puso ko

 

Kung ganitong OT lagi ang mararanasan ko edi okay lng kahit thank you lang ang ibigay sakin. Ito lang ang OTY na tatanggapin ko.

 

Pasulyap sulyap ako sa kanya, pero hindi niya ko napapansin dahil scroll ng scroll lng siya sa phone niya. 

Hanggang sa dumating na ang train at sumakay na kami. Di ko siya masyadong makita dahil nasa kabilang part siya nung train. Gusto ko man pumunta doon kaso ayoko na maabala yung ibang nakatayo rin sa loob. 

At ano naman ang gagawin ko pag lumapit ako sa kanya? Kakausapin ko ba siya? O tititigan lang ulit

Umusog naman sa harap banda ang mga katabi ko, mukhang pababa na sila sa next station kaya naisingit ko na sarili ko para makapunta sa kabilang part ng train.

Nung papalapit na ko nakita ko siya sa malapit sa pintuan. Long black hair at small back and waist ang view ko ngayon. May sling laptop bag siya sa shoulders niya. Hawak niya rin ang maliit na lunch bag sa kabilang kamay niya. At wow may Hydroflask rin siya, yayamin ang water bottle. Kaya siguro di ko siya nahanap kaninang  lunch break dahil nagbabaon siya. 

 

Narinig ko na ang train announcement, humakbang ako ng mas malapit pa sa kanya. Pero nung bumukas na ang pinto, agad na siya bumitaw sa handrail at bumaba. Sa Libertad Station pala siya bumababa. Sayang isang station lang ang pagitan namin. 

Pinanood ko siya habang naglalakad na siya sa ticket gate. Tumunog ang beeping sa loob na nagsisignal na malapit ng sumara ang pinto. Habang naririnig ko yun nakita kong nahulog niya ang lunch bag na hawak hawak niya.

Ang weird ng adrenaline rush ko, dahil bago pa ko maipit ng pinto, tumalon ako papalabas tumakbo para pulutin ang lunch bag na nahulog niya. Inabot ko sa kanya ito nang nakayuko ang ulo ko. 

Nakarinig ako ng mahinang "Thank you" galing sa kanya. Slight na dumaplis yung kamay ko sa kamay niya sa pag abot ko. Di kami nagkatinginan dahil tumalikod na siya agad at nagmamabilis pumunta sa ticket gate. 

 

Bumalik rin ako agad sa harap ng platform para maghintay ng next train. Oo na, para kong tanga na pinapahirapan ang sarili imbes na nakababa na sana ko sa station ko ngayon.

Pero salamat sa instinct ko, natulungan ko siya at nakita ko ang ID niya na suot suot pa niya. Habang pinupulot ko yung lunch bag niya, nabasa ko na sa marketing department siya. 

Ang pinaka nakakatuwa sa lahat, kita ko ang whole name niya.

JOOHYUN IRENE BAE

 

Kung sino man nagpasimuno ng "Wear your ID at all times"

Thank you so much talaga. Sana Chickenjoy ang ulam mo ngayong gabi. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiiglues
#1
Chapter 2: cute
howdoyouknowmee
526 streak #2
Chapter 2: Upvoted