Chapter 1: 7:45 p.m

Gil Puyat

10 am 

Wala kang ibang maririnig kundi mga keyboard keys namin sa office na halos masira na sa kapipindot.

Umagang umaga at kita ko na ang kunot na noo ni Wendy dahil inis na inis na siya sa kausap niyang Ops. 

"Wendy" first kong tawag sa kanya

"Uy Wendy, tawag ka ni Ma'am Tiffany kanina pa" 

Biglang tayo naman siya nang pagulat at tumingin sa pwesto ng boss namin. 

"Yes po maam, do you need me po"  

I took a peek sa itsura ni ma'am, at kita kong ang confused look niya kay Wendy. 

"Ms.Wendy, I'm good and I'll call you na lang if I need anything"

 

Sabay sabay ang tawa ng mga teammates namin after makaupo ni Wendy sa seat niya. 

"Walang hiya ka talaga Seulgi! Ngayon mo pa talaga ko ginago" galit na galit na sabi ni Wendy sakin habang hinahampas niya ko

"Ehh panong di ka pag tritripan, napaka seryoso mo dyan kanina pa"  natatawang sabi ni Joy, pagtapos makipag High five sakin.

 

Halos three years ko ng officemates si Joy and Wendy, sabay kaming na hire ni Joy at mas nauna naman si Wendy. Typical lang na company slaves lang ang role namin sa life. Papasok ng 9am at uuwi ng 6pm. Paulit ulit at di mo malaman kung may katapusan ba to.

Naiiba lng ang sched namin pag need mag OT pag may monthly reports na need ipasa. Sadly, ito ang last week nitong January so for sure OT kami nitong mamaya. 

 

3 p.m 

Bumaba kaming tatlo para mag break time. Kinuha ko na ang lighter ko at humithit na ng yosi sa labas ng 7/11. Si Joy at Wendy naman ay bumibili sa loob ng snacks nila for tonight, nag pasabay na lng ako.

Sa bawat pag buga ko, makikita mo ang mga taong naglalakad papunta sa mga sakayan. Kita na rin yung mga motor na dumadaan, sama mo na rin mga sasakyan. 

Well, much better na makita to kahit saglit kaysa naman nakatitig sa monitor buong araw. Umay na rin ako sa itsura ng mga ka team ko charrr.

Tho di ako mag rereklamo pag dating sa looks nila Joy at Wendy. Si Joy ang tallest, siya na rin ang iest and sobrang ganda niya pag when she smiles. Wag mo nga lang guguluhin pag seryoso sa work, dahil dun mo makikita ang pag tataray niya.

Pretty ang description ko for Wendy. At sobrang puti niya parang pumapak ng Bear brand yung nanay niya habang pinaglilihi siya. Mas maliit siya sa akin kaya mas madalas kong kabardagulan tong unano na to. 

 

Speaking of the devil, pabiro akong pinush ni unano kaya nabitawan ko yung yosi ko. 

"Ang deep naman ng iniisip nito" sabi sakin ni Joy habang inaabot ang paper bag sakin. Chineck ko at nakita ko ang Lasanga na medyo mainit pa.

"Pano napaka dami nating paperworks di ko alam kung paano ko tatapusin" sagot ko kay Joy while walking pabalik sa office

"At this point, tayo na nag mauunang patapos kaysa sa paperworks" 

" Ohhh kaya pala deadline tawag noh, kasi literal na ma dededs pala tayo" 

"HAHAHAHAHA gagu ka Wendy" 

 

6 p.m

Kita na namin ang mga nag aayos ng gamit sa ibang department. Yung iba lumalabas na ng room papuntang elevator. 

"Mga sunbae, di pa ba kayo baba ba? tanong ni Winter na na fresh grad at new hire sa amin. 

"Go home na kayo ni Karina, marami pa kasi kaming aayusin" sabi ni Wendy sa kanila at sabay ng nagpaalam si Winter at Karina.

"Sanaaa ollll umuuwi na juicecolored when kaya tayo" rant naman ni Joy 

"may bukas pa naman, umuwi na kaya tayo ng maaga?" suggestion ko sa kanila

"Tanga Seulgi bawal umuwi, baka umaga na kamo tayong umuwi HAHAHA" 

" Sira ulo ka talaga wends"

 

7:45 p.m

Nag CR muna ko bago tapusin ang last kong papers. 

Hindi na ko nagpasama sa kanila dito, kahit may nalaman kaming story na may multo daw minsan sa CR.

Di naman ako naniniwala dun kaya, lakas loob na kong pumasok sa cubicle.

Habang inilalabas ko na ang need kong ilabas, may narinig akong mahinang creeek sa right side ko. Promise medyo nakaramdam na ko ng kaba dahil alam kong kaming tatlo na lang ang natitira sa 10th floor.

Nagmadali na kong i-angat ang pants ko, muntik ko pa makalimutang i flush yung toilet. Agad agad kong binuksan yung pinto ng biglang kumislap pa yung ilaw sa CR.

" AHHHHHH AJSBSIWOAKSSLKX MOTHERR KERR"

GULAT KONG SIGAW NG MAY NAKITA KONG BABAENG MAHABANG BLACK HAIR SA HARAP KO  

Kita ko naman ang pagkagulat rin niya, na medyo napatalon in front ng mirror. "oh my gahd" mahinang sabi ni babaeng black hair

Dahan dahan naman siyang humarap sa akin. 

HOLY

 

Si Sadako ang expected kong makita, pero bakit Goddess ang nasa harap ko ngayon? 

White long sleeved shirt na nakatuck in sa skirt ang suot niya. Sobrang ganda ng ilong at labi niya. Pero walang tatalo sa hazelnut eyes niya na nakatitig sa akin ngayon. 

 

" So- sorry, di ko alam na may ibang tao papala dito kanina"  hiyang hiya kong sabi sa kanya.

"No worrries, pero nagulat rin talaga ako sayo kanina"  mahinang sabi niya. Nag smile naman siya pagtapos niya sabihin ito.

 

Sinundan ko lang siya ng tingin papunta sa door. Lumingon naman siya sakin nung hinawakan na niya yung door knob. 

"uhmmm... miss....."

Lumaki naman ang mata ko na tumigin sa kanya while waiting kung ano ang sasabihin niya.

 

 

"Kanina pa naka-open yung zipper mo" 

 

 

Mas lalo namang lumaki ang mata ko pag tingin ko sa baba. 

 

 

Exposed Polka dot is waving

 

 

Closed door.

Lumabas na siya.

 

 

 

Pero ako nasa loob pa rin sa CR at nag co-contemplate sa buhay kung bakit ang tanga ko rin talaga minsan. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiiglues
#1
Chapter 2: cute
howdoyouknowmee
528 streak #2
Chapter 2: Upvoted