Pangatlong Pahina - Diba?

Fond
Please Subscribe to read the full chapter

Winter 

 

 

Present

 

 

Aah-Aray. Ang sakit ng leeg ko, pati na din pala yung likod ko. Sisiguraduhin ko talaga na magpamasahe kay Karina bukas. Sabado na naman bukas at pauwi na din ngayon si Karina galing sa Bulacan, may business trip kasi siya dun. 

 

Nag-commute lang ako pauwi. Pag-pasok ko sa building ng condo namin napansin agad ako ni kuya guard.

 

"Hello po ma'am! Welkam back!"

 

Nginitian ko nalang muna siya, wala talaga ko sa mood ngayon.

 

"Ma'am pahinga ka po, mukhang pagod na pagod po kayo ah." pag-aalala ni kuya.

 

"Salamat po. Kayo din po, pahinga din kayo ah. Magandang gabi po." bati ko, dumeretso na ako sa elevator pagkasabi ko. Grabe, pagod.

 

Actually, hinahatid-sundo ako ni Karina most of the time, basta't kakayanin ng schedule namin, pero dahil nasa Bulacan nga siya, no choice ako kundi mag-commute.

 

 

Ding~

 

Bumaba na ako sa elevator, binuksan ko na din ang pinto ng condo at pumasok. Finally… makakapagpahinga nako.

 

Nami-miss ko na si Karina. Apat na araw din kasi yung stay niya dun, wala tuloy akong kayakap nitong nagdaang mga gabi :(

 

 

Ting~

 

Tumunog yung phone ko sa bag habang naghuhubad ako ng sapatos. Inilagay ko muna sa shoe rack ang mga ito at saka dinukot ang phone ko.

 

Ayy, si Karina pala.

 

Karina: Babyyy, ang trafficccc :((( I might get home later than expected. Don't wait for me na if inaantok ka na, for sure pagod ka din so you better rest ⊂(´・◡・⊂)

Karina: I brought Tita's sinigang din btw. She told me to get some daw for the both of us (~ ̄³ ̄)~ 

 

 

Hihihi, ang cute naman nung mga emoji emoji na sinesend niya. At yung sinigang nga pala! Tinext ko si Mama na ipagluto non si Karina dahil gustong gusto niya yung sinigang ni Mama. Buti naman pinag-uwi siya ni Mama, na-miss ko na din kasi luto niya.

 

Nagtampo pa nga sakin si Mama nung tinext ko siya, yung sinigang daw namimiss ko pero siya hindi, di na daw ako umuuwi. Sus, syempre di yun totoo noh! Di lang talaga ko makauwi ng Bulacan dahil nga sobrang busy. Sabi pa niya buti daw ang si Karina nabisita siya. 

 

Feeling ko tuloy inasar na naman ni Mama ang baby ko. Kesyo 'kelan kayo magpapakasal?' at kesyo 'di kayo bumabata, kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Baka mamaya iwan ka pa ni Karina dahil sa bagal mo gumalaw Winter."

 

Syempre di naman sa ayaw namin, pero mas mabuting paghandaan muna namin diba. Tsaka sabi nga ni Karina 'no need to rush' naman daw. Plus, I don't see myself spending my future with someone else other than her naman.

 

 

Winter: Uyyyy, buti naman! Sinigang :D!!!

 

Karina: Really ಠ_ಠ? I've been gone for 4 days and sinigang talaga yung inaabangan mo?

 

Winter: Nooooo… of course not mahalllll! I miss you hehe :*

 

Winter: Nagda-drive ka ba? Kung oo, stop texting na ha. Focus sa road mahal :)

 

Karina: Haha, red light pa naman babe, don't worry, I will be careful. Big girl na ko ୧( ˵ ° ~ ° ˵ )୨

 

Winter: Hahaha ok ok if you say so mahal. 

 

Karina: Bye na Win, I'll be going na. Take care dyan ahh, and dream about me 😏. Love you!

 

Winter: ok ok lol. Love you more!

 

 

Hehehe, lumalabas na naman pagka-pilya nito ah! Di naman siya ganito dati, simula talaga nung naging kami unti-unti na siyang nagiging bold. Ito talaga siguro napapala pag laging kasama si Ningning, sabi ko naman sa kanya wag siyang laging sumasama diyan kay Ningning, masyadong bad influence!

 

Mamaya na nga ako kikiligin, maliligo muna ako, para naman pag-uwi ni Baby fresh na ang buong pagkatao ko.

 

 

 

Hehehe, ang sarap talaga sa feeling ng bagong ligo. Fresh!

 

Naks, fresh. Gulay ka beh?

 

Anyway, alas ocho na at wala pa rin si my baby love honeybunch sweetie pie . Check ko muna kung nagchat…

 

Awts nuebayan wala.

 

Sabi niya matulog daw ako at wag siya hintayin, pero ang aga pa naman tsaka di pa naman ako inaantok… hmmm

 

Ayy! Oo nga pala, may movie ata sa tv tuwing ganitong oras. Nood muna ko pampalipas oras. 

 

Teka anong channel nga ba yun… ahhh eto.

 

Sakto pala eh, magii-start palang yung movie.

 

Ano bang title nito, mukhang korean movie ata. Naaalala ko ganito yung mga intro nung mga ganon eh.

 

May lumabas na something sa may taas ng screen, ito na ata yung title.

 

Forgotten

 

Forgotten? Parang familiar.

 

Wait nga, parang eto ata yung nirecommend ni Ryojen sakin ahhh. Ito ba yun?

 

 

Samahan ng mga cute

 

Win qt: oi Ryu

Win qt: gcing p b u?

 

Ryummy: bkit?

 

Win qt: dba may recommendation ka sakin n movie? Anu title non?

 

Ryummy: Fifty shades of grey? Ride or Die?

 

Win qt: hinde hinde, yung korean

 

Ryummy: I saw the devil? Handmaiden?

 

Ahndaengdaeng: HAHAHAHA bat puro mga SPG naman yang mga nirerecommend mo? Yan na ba mga trip niyong panoorin ngayon?

 

Ryummy: manahimik k ahnyujin ah, ikw ata ung nahuli ko nung isang araw na-

 

Ahndaengdaeng: HOY!

 

Win qt: maya n kau magharutan.

Win qt: forgotten ata title non ryu. un b un?

 

Ryummy: ahhhh! Ou, ganda niyan. Tungkol sa pamilya gnun. Bkit? papanoorin mo?

 

Win qt: ou, manonood aq kaya wag kayo chat ng chat ahh. wag kau magulo, wag istorbo.

 

 

Pinatay ko na yung cellphone ko at tumingin sa tv.

 

Nakasakay yung pamilya sa kotse, mukhang maganda naman ito. Sabi naman ata ni Ryujin family story ata to, feeling ko drama or slice of life, mahilig ako sa mga ganon.

 

 

Ting, ting, ting, ting~

 

Bwiset talaga. Kakasabi ko lang na wag chat ng chat eh.

 

 

Samahan ng mga cute

 

50 unread messages

 

Ryummy: ajcnsjsj

 

Ahndaengdaeng: oncjdj

Ahndaengdaeng: glgkjfjc

 

Ryummy: Miss ka na namin, Ka-TM! Dahil mahalaga ka sa amin, bibigyan ka namin ng FREE 100MB pang-internet valid for 1 day! #TodoAngGVsaTM Share-A-Load not included.

Ryummy: 1/2 Looking for the power to do what you want? Get Smart's NEW Power All 99, with 8 GB for all sites & apps, UNLI Tiktok and UNLI Text to all, for P99 only!

 

Ahndaengdaeng: You're trying to access sites not included in your promo OR haven't subscribed to one yet.

 

Win qt: kakasabi ko lng n manahimik kau eh -_-

 

Ryummy: cno ka naman pra pakinggan namin aber? 🙄

Ryummy: special b u?

Ryummy: rebisco kba? Siopao kba?

 

Win qt: k

 

Ahndaengdaeng: Ha

 

Win qt: 🤨

 

Ahndaengdaeng: hatdog

 

Winter Kim left the group.

 

 

Bwiset talaga! Diko tuloy nakita kung ano na nangyari sa movie. 

 

Bahala sila don. Ngayon siguro wala nang manggugulo noh?

 

 

Lumingon na ako pabalik sa tv para manood ulit ng matiwasay.

 

 

Huh? Ano yun?

 

May kung ano anong tunog na nang-gagaling dun sa pinto nung isang room sa bahay nung bida.

 

Ang creepy naman. 

 

Sumabay pa yung atmosphere tsaka sound effects. Horror ba to? Bat parang horror.

 

Bubuksan na niya yung pinto, lumalakas ang tensyon, lumalakas din ang background music.

 

Alam mo yung mga scene sa horror movie pag may magja-jumpscare na? Ganon!

 

Shet horror ata to eh! 

 

 

Ayy. Biglang lumabas yung kuya niya, pinigilan siya sa pag bukas ng pinto.

 

Horror nga ba to? Ayoko pa naman nanonood ng horror. Masyado kasi akong matatakutin… obvious ba?

 

Sinearch ko muna sa google para sure, mahirap na! Mag-isa lang ako ngayon!

 

Hmmm

 

 

Forgotten

2017 • Thriller/Mystery • 1h 49 m

 

 

Ohhh, di pala drama to, mystery pala.

 

Pwede na yan, medyo gusto ko din naman nung mga ganyan. 

 

Ang lakas maka-feeling detective pag nanonood ng mga mystery eh. Favorite ko pa dati yung Detective Conan para kungyare alpha kid, genius.

 

Tsaka di naman pala horror. Sige sige, panoorin ko habang naghihintay kay my baby loves honeybunch sweetie pie.

 

 

 

Hyung!

 

 

Oh my god. May bugbugang nagaganap.

 

Hala kinidnap yung kuya nung bida!

 

Hala!

 

 

Ting, ting, ting~

 

 

Tumutunog na naman cellphone ko bwisit talaga. Basag moment!

 

 

Hyuuuung!!!!

 

 

Hala, sige! Habulin mo! Buti di siya nadulas kakatakbo, maulan pa naman sa movie.

 

 

Ting, ting, ting~

 

 

Nako naman!!!

 

Sinasabi ko talaga, pag si Ryu na naman toh!

Napakabwisit talaga!

 

 

Ayyy, hindi pala.

 

Si Karina pala.

 

 

Karina: Hey baby!

Karina: You still awake?

Karina: I'm planning na mag drive-thru sa Jollibee… do you want anything?

Karina: babe?

Karina: What are you doing :(((

Karina: Reply ka 😑

 

 

, lagot. 

 

 

Winter: Mahaallll, sorryyyy.

Winter: I'm awake pa :D, nanonood kasi ako movie, di ko tuloy napansin yung phone ko hehe

 

Karina: Sure, sure it's fine :)

Karina: So, do you want anything?

 

Winter: Syempre naman! Burger steak, tuna pie, at ikaw 😏.

 

Karina: Oh, I see 🙈

Karina: Wait for me then 😏

 

 

Hihihi, nako naman Karina! Excited tuloy ako heheheh (insert tawa ng mangkukulam)

 

 

Ay anak ng kabayo.

 

Binabangungot yung bida. Nagising tuloy siya. 

 

Madalas din ako bangungutin lalo na pagkatapos manood ng horror videos.

Pati yang makalaglag pusong Gabi ng Lagim ni Jessica Soho. Nagagalit tuloy sakin si Karina, wag na daw ako manonood ng mga ganon.

 

Syempre sinunod ko siya, mahirap na pag nagalit pa si Karina noh.

 

Sabi naman ni Yujin napaka-UNDERstanding ko naman daw.

 

Sus! Parang siya hindi ah! Kitang kita mo pagiging UNDERstanding niya pag kasama niya si—

 

Dug! Dug!

 

Owshet. Ayan na naman yung kumakalabog sa mahiwagang pintuan na yun.

 

Natahimik ang paligid.

 

Ayan na naman yung tension build-up.

 

May kumakalikot sa door knob nila.

 

Tangina natatakot nako ah.

 

Lumalakas na yung music. Huhu, ano ba tong pinapanood ko?

 

Nagtago sa ilalim ng kumot yung bida. As if naman may magagawa siya sa ilalim ng kumot noh. Kayang kaya naman yan hilahin ng mumu kung mayroon man. Sana naman wala huhu.

 

Tumahimik na ulit.

 

Tinanggal na nung lalaki yung kumot niya.

Tumingin-tingin sa paligid.

 

Whews, wala naman pala. Takot ako don ah. Kala ko meron—

 

 

WAHHHHHHH!

 

 

 

 

 

 

Huhuhu ayoko naaaaa.

 

Akala ko ba hindi horror?

 

Scam.

 

Bat naman may bumulagang white lady?

 

Surprise?

 

Tanginang surprise yan.

 

Pinatay ko agad yung tv pagkatapos tumili.

 

Feeling ko mag-rereklamo na naman yung kapitbahay namin sa ingay ko. Masisisi niyo ba ako? Sorry na! 

 

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto.

 

Kumot. Kumot. Kumot.

 

Nilakasan ko ng konti yun aircon tapos nagtalukbong sa kumot.

 

Unan no.1? Check.

Unan no.2? Check.

Ice bear kong stuffed toy? Check.

 

Nasa tabi ko na ang lahat.

 

Wala naman sigurong magtatangkang mambulaga sakin ditong multo noh? Diba?

 

Diba?

 

Bakit naman kase yun pa pinalabas sa tv!

 

Irereklamo ko yang google na yan! Fake news!

 

Karina my honeybunch sugar plum asan ka na ba baby… ayoko na!

 

Malayo pa ba siya? Di ko na yata kaya mag-isa dito. Tawagan ko na nga.

 

.

.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
windy_day
Hello, won't be updating this for some days siguro... Suuuuper busy! Try ko after matapos ang lahat ng yun, promise!
Twt: @__windy_day
No comments yet