La vie en rose

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi pa sumisikat ang araw nang umalis ako sa bahay. Nasanay na rin ako, isang taon na ring ganito ang routine ko everyday. Will wake up ng four in the morning, kakain, maliligo, magda-drive papunta sa flower shop na hindi naman kalayuan mula sa tinitirhan ko.

 

 

Exactly 6:15 AM nang dumating ako sa shop.

 

 

Inunlock ko na ang tailgate ng pickup truck ko at isa-isa nang ibinaba ang mga bagong bundles ng bulaklak na idineliver kahapon sa bahay.

Iba't-ibang kulay ng tulips, red, yellow, purple, at pink. Daisies, sunflowers, at lilies.

 

Hindi naman ganun kalaki ang flower shop ko kaya hindi rin ganun karami kung umorder ako ng stock. Buti na lang nakasundo ko yung dealer from Tagaytay kaya pinagbibigyan niya akong umorder nang mababa pa sa minimum niya.

 

Kahit hindi man ganun kagarbo yung flower shop kong ‘to, I'm still very proud of it. After kong gumraduate ng college, nagtrabaho agad ako bilang full-time UI/UX designer at part-time graphic artist para makapag-ipon ako at magkaroon ng capital para sa matagal ko nang pinapangarap na business. I didn't ask for my parents money kahit na pwede nila akong bigyan in a snap because gusto kong i-achieve yung goal ko na ako lang.

 

5 years din ang itinagal bago ako nakampanteng kaya na ng ipon ko at kaya ko nang iwan yung trabaho kong related talaga sa course na tinake ko. Limang taon na sacrifices. I can say na worth it lahat yun.

 

Nagtataka pa yung parents ko, bakit nga ba ito yung ginusto ko.

Siguro kasi when i was a kid, fascinated na ako sa nature, especially sa mga halaman. Kung meron nga lang sigurong agriculture na course sa university na pinasukan ko, malamang yun yung pinili ko.

 

Pero kahit anong taka nila mom and dad, sinuportahan pa rin nila yung pangarap ko.

 

Architect si dad kaya natulungan niya ako sa pagdesign ng maliit kong shop.

 

Simple lang ang sabi ko sa kanya, wood, black, white, at minimalist. Yun ang gusto kong theme.

 

Ang galing ni dad, sinunod niya talaga at parang nabasa niya yung eksaktong nasa isip ko.

 

May malaking glass window sa harap na tanaw mula sa labas ang nasa loob. Black ang accent ng white wall. May glass door na may nakasabit na bell para rinig ko agad pag may taong papasok.

Pagpasok mo nakapaligid ang dark coated wooden flower stand at mga flower buckets na nakapatong dito.

Merong maliit na counter para sakin. Sa likod ng counter ang maliit ng restroom.

 

Simple lang. Hindi ganun kagarbo.

 

 

 

 

 

Inilabas ko na ang isang flower rack na para talaga sa labas ng shop.

 

Nirefill ko yung mga plastic buckets ng bagong tubig na paglalagyan ng mga bagong dating na bulaklak.

 

Kinuha ko yung bangkito at yung tools ko at ipinatong sa labas ng pinto. Sinuot ko yung thornproof gloves ko para hindi ako masugatan pag magsisimula na akong magtrim ng mga stem ng bulaklak. Nagsuot na rin ako ng dark brown na apron ko na regalo pa ni mom sakin. May nakaburda pang pangalan ko sa upper left side— “Karina”.

 

Nagstretch muna ako ng braso ko bago ko kunin yung pruning sheers sa tool box. Pagkaupo ko, nagsimula na akong magputol ng mga masyadong mahahabang stems ng bulaklak. Ginamit ko naman ang cutter para sa mga tinik ng roses.

Nakakapagod talaga yung morning duties ko pero after ko naman malinis yung mga flowers at mai-sort sila sa kaniya-kaniyang buckets nila, magaan na yung susunod kong gagawin which is flower arrangement. Pero ginagawa ko lang yun pag paubos na yung stock ko ng mga bouquets.

 

 

 

 

Halos 7 AM na nang matapos akong magtrim ng mga halaman.

 

Hinugasan ko lahat ng tools na ginamit ko at pinunasang maigi hanggang sa matuyo para hindi magrust at gumanit agad yung pivot or screws ng mga cutting tools.

 

 

 

 

Pumunta na ako sa counter para i-check yung sales ko from last month. Bayaran na naman kasi ng bills this week. Electric at water bill lang naman yung need kong bayaran since hindi naman na ako nagrerent ng pwesto dahil nabili ni dad yung lupang kinatatayuan ng shop ko. I insisted before na bayaran siya kahit hulugan, pero ang gusto niya i-save ko na lang daw yung money para makapag-expand pa.

 

 

 

Mas bumaba yung profit ko last month. Kailangan ko yatang tutukan yung social media advertisements ng shop.

Di bale, confident naman akong makakabawi ako sa Mother’s Day which is two months ko pang hihintayin.

 

 

 

Na-distract ako nang tumunog yung bell na nakasabit sa pinto.

 

“Good morning!” I greeted enthusiastically.

 

Umiwas siya agad ng tingin.

 

Familiar siya, siya yata yung bumili ng bouquet last week. Bibili kaya ulit siya?

 

Sinundan ko lang siya ng tingin habang tumitingin siya sa mga bulaklak na nasa loob ng shop.

 

Lumapit ako sa kaniya.

 

“Uhm, ito yung mga kararating lang na flowers…” pag-inform ko sa kaniya.

 

Tinanggal niya ang pagkakakapit niya sa strap ng messenger bag niya at tsaka inayos yung sleeves ng oversized t-shirt niya.

 

“… then yun naman yung mga discounted nang bundles,” I pointed sa dulong part ng rack.

 

“Discounted?” she asked habang naglalakad papunta sa discounted section.

 

Dapat yata hindi ko na minention. Mukhang naging intersted pa siya.

 

“Yup! Some of the petals kasi damaged at nalalanta na pero they're still pretty and surviving,” me trying to sell them.

 

Patango-tango pero obviously, undecided pa rin siya.

 

“Do you want a bouquet ba? Nasa labas yung available bouquets. Or succulents? Nasa labas din yun.”

 

“Uhm…” napahawak siya sa batok niya.

 

It feels like she wanted space.

 

“Or you can choose anything you'd like… I'll be right here sa counter. Let me know na lang.”

 

Dumiretso ako sa counter at naupo muna habang pinagmamasdan siya.

 

Hindi nagtagal nang kumuha na siya ng tray sa gilid ng rack at randomly na kumuha ng bulaklak sa discounted section.

Mali talagang sinabi kong discounted yun.

 

“Ito po,” she shyly handed me yung tray.

 

4 pieces ng Purple Lisianthus at 6 pieces ng White Carnation. Pinunasan ko ng dry towel yung stem at tsaka ko ibinalot sa used newspaper yung mga bulaklak at tinalian ng half an inch wide at tamang length ng white na ribbon.

 

“270 pesos lang,” sabi ko pagkaabot ko sa kaniya ng mga pinili niya.

 

Kumuha siya ng cash sa bulsa ng cargo pants niya at binigyan ako ng exact amount.

 

Hindi pa man ako nakakapag-thank you, dali-dali na siyang lumabas ng shop.

 

Mukhang papunta pa siya sa trabaho. I wonder kung kanino niya ibibigay yung mga bulaklak na pinamili niya, lalo pa't kakabili lang niya ng bouquet last week.

Yes, I'm sure na siya yun because of her distinct platinum blonde short hair.

 

Anyway. I'm glad na may kita na agad ako ngayong umaga. Sana wag ma-jinx!

 

 

 

 

Habang walang customer, ipinasok ko na muna yung rack ng mga succulents sa labas. Most of them are kinda sensitive at hindi dapat ipwesto sa tutok na araw.

 

I thought before madali lang mag-alaga ng succulents, pero pag pala inalam mo yung mga needs per type complicated din pala. Yung tipong kailangan mong imonitor kung how much water you should give them, yung soil shouldn't be pure loam soil, dapat may ibang contents like coco peat, pumice, vermicompost, at carbonized rice hull o sinunog na ipa. Kailangan nila yung mixture na yun dahil supposedly hindi dapat nai-stuck yung tubig sa roots nila dahil pwede magcause ng pag-rot ng ugat.

 

Akala ko pare-preho lang na sunlight, matabang lupa, at tubig ang kailangan ng isang halaman para makasurvive. Iba-iba pala depende sa uri.

 

 

 

 

 

 

 

 

Time goes by pretty fast. 6 PM na naman at oras na para magclose ako ng shop.

 

Hinila ko na yung flower rack na nasa labas papunta sa loob ng shop.

 

Nagwalis at nagmop na rin ako ng sahig para konting linis na lang yung gagawin ko tomorrow.

 

Pagkahubad ko ng apron, kinompute ko yung benta ko today, not bad. Looks like lucky charm ko si discount girl kaninang umaga.

 

Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa loob at nag-iwan lang ng isang bukas na bumbilya sa labas bago ko tuluyang ni-lock yung shop.

 

Naglakad ako papunta sa pickup truck na nakapark sa gilid ng tindahan.

 

Pagpasok ko, nagseatbelt na ako at tinawagan si Giselle. May planned dinner kaming dalawa.

 

“Hello?”

 

“San ka na girl?

 

Inistart ko na yung engine.

 

“I'm on my way. Sa Feliz mall ba tayo?”

 

“Oo, malapit na rin ako. Same place,” she answered.

 

Binaba ko na yung call.

 

Nagsimula na akong magdrive. Hindi naman kalayuan yung Feliz dito sa White Plains kaya walang problema sakin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

G hastily hugged me nang makita niya ako sa harap ng restaurant. Muntik pa ako ma-out of balance sa lakas ng hila niya.

I patted her back to signal her na i-let go na niya ako.

 

“Gosh Rina, I missed you!” she said.

 

Two weeks kasi siyang nagstay Japan to celebrate yung birthday ng mom niya. I told her na magstay na dun for good tutal nandun na rin yung buong family niya pero ayaw niya dahil mawawalan daw ako ng kasama.

 

Inassist na kami ng waiter sa pinareserve na table ni G.

 

“Oh by the way, here oh. Pasalubong. Mom bought these for you,” she handed me the two paper bags after we settled ourselves sa couch.

 

Hindi talaga nakakalimot si Tita.

 

“Thank you. I already messaged her na enough na sa pasalubong bago ka lumipad pabalik dito,” sabi ko pagkalapag ko ng bags sa tabi ko.

 

We started to check the menu.

 

“Yeah right, but you know mom, favorite ka nun masyado. Sabi nga niya sakin kailan ka daw ba ulit dadalaw dun.”

 

Yung last na dalaw ko doon last Christmas parang ayaw na akong pabalikin ni Tita sa Pinas.

 

“Anong sagot mo?”

 

“Sabi ko malabo na since super busy ka sa business mo,” she rolled her eyes.

 

Masyadong clingy talaga yung family ni G at siya mismo. I remember when I was about to submit my resignation letter, she was forcing me na wag na ituloy dahil mawawalan daw siya ng kachismisan sa office. Pero wala naman siyang nagawa nang maisubmit ko na.

Then eventually she resigned as well tapos naghanap na lang din siya ng freelance work.

 

“Maybe pag hindi na lang peak season. Nanghinayang din ako nung ni-close ko yung shop during Christmas, malaki yung possibility na mag-earn ako ng mas malaki during that season.”

 

She heavily sighed. “Ewan ko sayo. Loosen up girl, kaya hindi ka nagkakajowa eh,” she then called the waiter and recite our orders.

 

I ignored her.

 

Palagi ko naman sinasabi sa sarili ko na dadating din yung perfect time for that. Na I shouldn't pressure myself na maghanap lalo pa't hindi naman yun yung nasa top ng priorities ko.

 

“Anyway, speaking of jowa…” she gave me this malicious look. “… Alam mo feeling ko type ka nung dealer mo.”

 

Kung maka-dealer naman si G parang shabu yung business ko.

 

“Si Ryujin? Nah. I don't think so.”

 

She smirked. “Why? Duh, sino magtatravel from Tagaytay to Pasig para lang magdeliver ng below minimum count na bundles ng bulaklak? Lugi na nga sa gas, lugi pa sa time,”

 

I rested my back sa seat. “Coincidence lang yun, nasaktuhan lang na may errands siya sa Manila kaya sinabay na niya yung orders ko.”

 

“Ano yan? Tatlong beses sa isang buwan na coincidence?”

 

 

Nadistract kami pareho nang dumating na yung inorder naming food.

 

 

I met Ryujin two years ago bago ko pa i-open yung shop. Nasa Dangwa ako that time at nagcacanvas ng mga presyo ng bulaklak para magka-idea ako sa pricing.

Hindi pa ako naghahanap ng supplier noon natiyempuhan lang na nandun din si Ryujin na nagdedeliver ng mga halaman sa Iba't-ibang resellers.

Inask ko lang siya kung magkano ang kuha nung mga reseller sa kaniya at very accommodating naman yung treatment niya sakin.

Sinagot niya lahat ng questions ko, dun ko na rin nalaman na silang family mismo yung nag-aalaga at may-ari ng ilang hectares na plantation sa Tagaytay.

Pinaghatian nila yung business. Sa kaniya napunta yung flowers, indoor or outdoor plants, at iba pang klase ng halaman. Sa mga kapatid naman niya yung iba part ng business nila like fruits and vegetables.

 

Hanggang sa nagbigayan na kami ng contact details.

 

Akala ko nga nakalimutan na niya ako. It took me a year bago siya tawagan para umorder para sa first day opening ng shop ko.

 

Matagal daw niya ako hinintay. Inakala pa niyang joy buyer lang ako.

 

“Anyway, how's business?” tanong ni Giselle.

 

I took a sip sa banana shake before I answered.

 

“Medyo matumal last month. Pero hopefully mabawi ko rin ngayong month or at least more than that. Ikaw? How are things with your clients?”

 

She groaned. “Ugh. Gusto ko nang i-drop yung isa kong kliyente. Nakailang revisions na yung dine-design kong website hindi pa rin makuntento,” pagrant niya.

 

Yep. UI/UX designer din si G.

Funny rin ng backstory namin kung paano kami nagmeet. Same day interview, same day naming nareceive yung job offer, at same day din kami nagstart sa trabaho.

Unbelievably, same university rin kami ng pinasukan at same course din kami. Ibang block lang siya at magkaiba rin kami ng inunang subjects kaya hindi kami halos nagkikita.

Sabi niya sakin napapansin na niya ako before pero nakakatakot daw ako i-approach noon kaya parang kinalimutan na rin niya ako agad.

 

“How much ba rate mo sa kanila?”

 

“Like 50 USD per hour? I'm not sure, pero more or less ganun. Nalilito na rin ako since may 5 clients ako ngayon.”

 

Muntik pa akong mabulunan sa sagot niya sakin.

 

“5 clients?!”

 

“Yeah! I already told kaya sayo before pa. Di ka na naman kasi nakikinig.”

 

Uminom ako ng tubig.

 

“Paano mo nahahandle yun? Given na nasisingit mo pa yung pagtravel mo.”

 

She winked at me. “Wala kang bilib sakin eh. You know naman na as designer meron na tayong nakaready na templates, like minsan need ko na lang palitan yung content it self and yung colors. Halos pare-pareho lang naman yung gusto nilang mangyari… There will be few adjustments, sure, pero hindi na magiging ganun kahirap.”

 

Nagme-make naman ng sense. So possible na dinuduga lang niya yung pag input ng spent work hours niya for a certain module.

Witty talaga.

 

“I see. Magpe-preach sana ako about work life balance pero as I observed naman, mas marami ka pa ring time to rest.”

 

We both chuckled.

 

“Ano ka? Ikaw nga ‘tong may need ng work life balance eh,” sumbat niya sakin.

 

“Yeah right. Whatever G.”

 

 

 

 

After our dinner, hinatid ko na si Giselle sa condo niya sa Ortigas. Hirap siya magbook ng Grab dahil Friday kaya wala akong choice but to drive her home.

 

 

 

Late na nang makauwi ako dahil sa sobrang traffic.

 

 

 

 

 

Namili ako ng record sa vinyl collection ko.

 

“Hmmm. The Best of Bread?” I whispered to myself.

 

Kinuha ko na ang plaka at inilagay sa turntable. Since I am using the one from Audiotechnica, all I have to do is to hit the start button and automatically nang mag-aadjust yung arm to position the pin sa vinyl.

 

Make it with you. Classic.

 

I opened a bottle of wine at nilagyan yung glass ko.

 

Dumiretso na ako sa bathroom to light up yung eucalyptus scented candle. Uminom ako ng kaunting wine before ako magstart magshower.

 

I started humming sabay sa kanta.

 

Hindi talaga nakakasawang makinig ng mga old songs. Ang relaxing lang and ang meaningful ng bawat linya. You can really feel the emotion na gustong iparating ng artist.

 

“I'd like to make it with you. I really think we could make it, girl,” I sang unknowingly.

 

I don't have any issues naman sa mga latest songs, mas napamahal lang talaga ako sa mga lumang kanta dahil palaging nagpapatugtog yung parents ko nun simula bata pa ako. Pinamana na rin nila sakin yung collection nila ng vinyl, nadagdagan ko na lang ng iba pang records.

 

Naalala ko pa every weekend nasa bahay lang kami and randomly isinasayaw ni dad si mom.

 

I miss those moments.

 

 

 

 

I finished off my drink and lay down on my bed comfortably. I set the alarm to 4 AM before I finally close my eyes to sleep.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Same routine for another day.

This day I have to make a bouquet of flowers. Isa na lang kasi ang natira kahapon.

 

I picked up a dozen stalks of Pink Gerberas, enough Pink and White Gypsophilas, and, Eucalyptus Parvifolia Leaves.

 

I trimmed yung mga decaying petals and then cut few stems. Pinalibutan ko yung Gerberas ng Gysophilas and tied it using floral wire. I placed few Eucalyptus around it para hindi maging monochromatic yung itsura, I tied it again before ko ibalot sa combination of beige and old rose color na craft paper.

 

Tinalian ko ng white ribbon to put everything in place.

 

“Uhm…”

 

Nabigla ako nang may tumikhim sa harap ko. Hindi ko namalayang may customer pala. Masyado akong busy sa counter habang nagfo-flower arrangement.

 

“Uh. Sorry! Good morning!” I greeted.

 

Siya ulit.

 

Tumingin ako sa oras, same time ulit yung pagpunta niya dito kagaya kahapon.

 

Pinatong niya yung tray na may flowers sa counter.

 

Yung discounted na naman yung mga pinili niya. 4 pieces ng white roses at isang sunflower.

 

“220 pesos,” sabi ko habang binabalot yung mga bulaklak sa old newspaper.

 

Kumuha siya sa wallet niya ng exact amount at iniabot sakin.

 

“Hindi na ako nakapag-thank you kahapon kasi umalis ka agad. But thank you ulit!”

 

She slightly smiled at naglakad na palabas ng shop.

 

“See you tomorrow!” malakas na biro ko.

 

Hindi niya ako pinansin.

 

I caught myself smiling habang pinapanuod siyang maglakad palayo. Ang adorable niya as a person.

 

 

 

 

 

 

 

 

As the day goes by, araw-araw din siyang dumadaan dito sa shop para bumili ng mga discounted na bulaklak at palaging same time. Minsan naghihintay na ako sa labas para abangan yung pagdating niya.

Wala pa rin akong clue kung kanino niya binibigay yung mga discounted na flowers na binibili niya. Kahit ano kasing sabihin ko, isang sagot palagi siya o hindi siya nagsasalita at all.

 

Until malaglag niya yung wallet niya sa shop sa kakamadali niyang umalis.

 

Since I know important na maibalik agad sa kaniya yung wallet niya, the first thing I do is I check kung may ID siya sa wallet niya to know her contact details.

 

Nandito yung driver’s license niya. My eyes quickly read her information.

 

Winter Kim. Ang unique naman ng name niya. I tried to call yung emergency number na nakaindicate kaso out of coverage area.

 

Chineck ko pa ulit sa wallet niya kung may iba pa siyang ID.

 

Company ID. This will do I guess.

 

Sinearch ko yung address ng company niya, malamang papunta siya dun ngayon.

 

Ah. Sa Ortigas lang pala. Okay lang naman siguro kung personally ko ihatid sa kaniya yung wallet niya kasi for sure magpapanic siya once na-notice niyang nawawala ‘to.

 

I called Kuya Jun para bantayan saglit yung shop, siya yung katiwala ko pag may need akong puntahan at iwan yung tindahan.

 

I quickly drove papunta sa company niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Good morning, Ate,” bati sakin ng nasa lobby.

 

Nakalimutan kong naka-apron pa ako. I immediately removed it at finold nang hindi maayos.

 

“Delivery po ba?” she asked.

 

Hindi ko siya masisisi kung mapagkamalan niya akong magdedeliver dahil suot ko pa yung apron ko pagdating ko dito.

 

I shook my head and smiled at her. “No, I’m looking for Winter Kim po,” I politely said.

 

“Oh! Si Ms. Kim. Wait lang po Ma’am tawagin ko lang po. Upo muna kayo sa couch while waiting.”

 

Sinunod ko siya.

 

I observed yung place. Modern ang office nila, open space, maraming glass board sa wall na may kung ano-anong sulat, it feels like employees have freedom pumwesto kahit saan. Para siyang co-working space vibe.

 

When I searched kanina, marketing company ito. No wonder busy lahat ng tao.

 

Napatayo ako when I saw her.

 

She looks different pag naka-formal attire siya.

Parang bigla akong nahiya sa suot kong nakatuck-in na collared black shirt na may nakalagay na Flower Works na pangalan ng shop ko.

 

Nataranta pa akong iniabot sa kaniya yung wallet niya.

 

“You left this sa shop kanina. Nalaglag mo yata.”

 

Her lips smiled. “Thank you,” tipid niyang sagot sakin.

 

Medyo may awkward silence between us.

Parang pareho kaming hindi alam ang sasabihin. We can’t even look at each other’s eyes.

 

“Uhm. Sige, I have to go. Have a nice day!” sabi ko.

 

Kinuha ko na yung apron ko sa couch at nagmadaling lumabas.

 

 

 

It feels nice na naibalik ko sa kaniya yung wallet niya. She seemed happy naman kahit may pagka-masungit yung vibe niya. Na-caught off guard lang din ako kasi unexpected na para siyang karespe-respeto pag nasa office siya pero pag bumibili siya ng discounted na bulaklak sa shop, para lang siyang adorable teenager na inutusang bumili ng parents niya. What I mean is, super cute siya outside office.

 

 

Naglakad na ako papunta sa pickup truck at nagdrive pabalik sa shop.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

As expected same time in the morning na naman siyang pumunta sa shop kahit Saturday. Wait, I can now call her by her name. Winter!

 

She’s wearing baggy pullover sweatshirt and maong short. May dala siyang dalawang coffee. Mukhang galing pa siya sa Starbucks nearby.

 

“Good morning, Winter!” I beamed at her.

 

Hindi niya ako pinansin.

 

I pretended na busy sa counter habang nag cu-cut ng white na ribbon and nag-aayos ng stack ng old newspaper while quietly observing her sa discounted section ng flowers.

 

Kinuha niya yung tray sa gilid ng rack at nagsimula nang kumuha ng bulaklak.

 

Agad akong tumingin sa ginugupit kong ribbon nang maglakad na siya papunta sa counter.

 

Pinatong niya yung tray sa harap ko.

 

I put down the scissors and started counting yung mga napili niya.

 

6 Red Roses, 1 Sunflower, and a bunch of Daisies.

 

“460 for these.”

 

I told her while wrapping them sa old newspaper.

 

She gave me 500 pesos. First time na hindi exact amount yung binigay niya sakin.

Kumuha ako ng dalawang 20 pesos sa cash box at iniabot sa kaniya kasama yung mga bulaklak.

 

“Thank you,” maliit na boses niyang sabi.

 

Hindi ko na napigilang mapangiti.

 

“You’re welcome!”

 

Tumalikod na siya habang bitbit yung bouquet at yung coffee.

 

Napahinto siya saglit bago niya i-push yung door.

 

I looked at her.

 

Bumalik siya sakin at iniabot yung isang coffee.

 

“Uhm. Muntik ko pa makalimutan. For you pala.”

 

Confused akong tumingin sa coffee papunta sa kaniya.

 

“Huh?” I pointed at myself.

 

“Para—para sa paghatid mo sa wallet ko sa office kahapon,” she explained while staring at my apron.

 

I softly chuckled. “You don’t have to, but thank you,” pagkakuha ko sa kape.

 

Nagpasalamat siya ulit at lumabas na ng shop.

 

Natiyempuhan namang sobrang bumuhos nang malakas ang ulan. Na-stuck tuloy siya sa labas ng shop.

 

 

 

 

 

Ilang minuto ang lumipas na nakatayo lang siya dun. I was thinking na baka may susundo sa kaniya or nagbook na siya ng Grab pauwi pero mukhang wala naman.

 

 

 

 

 

Itinigil ko muna ang ginagawa ko sa counter at pinuntahan siya.

 

“Winter,” I called her.

 

Medyo gulat pa siyang tumingin sakin. Masyado bang feeling close kung tatawagin ko siya by her name?

 

“Do you need an umbrella? Meron akong spare dito sa shop,” offer ko.

 

She shook her head. “No—no. I’ll just wait na lang na tumila yung ulan.”

 

Tumingala ako sa langit. Mukhang matagal pang titila ang ulan, masyadong madilim ang langit.

 

Pumasok ulit ako sa loob ng shop at kumuha ng dalawang wooden stool.

 

Inilapag ko yung mga upuan sa gilid ng flower rack sa labas.

 

“Upo ka muna,” sabi ko.

 

Tipid siyang ngumiti sakin. Hindi naman na siya naghesitate na sundin ako.

 

She sat on the chair habang nakapatong yung paa niya sa crossbar ng upuan para hindi mabasa yung shoes niya sa talsik ng ulan.

 

Kinuha ko yung coffee ko sa loob ng shop. Tumabi ako sa kaniya.

 

“We can have coffee together habang naghihintay tumila yung ulan.”

 

Tumango siya.

 

“Okay.”

 

Weird ba kung natutuwa pa rin ako kahit na parang walang gana siya palagi kung sumagot?

 

Kinuha ko yung hawak niyang bouquet at ipinatong muna sa flower rack na nasa tabi niya para hindi siya mahirapan.

 

“Malayo ba bahay mo dito?” I asked.

 

Uminom siya ng coffee bago sumagot. “No. Sa Green Meadows lang ako.”

 

Kaya pala madali lang sa kaniya maging consistent sa pagdaan sa shop. Halos walking distance lang pala yung subdivision kung saan siya nakatira.

Also… Green Meadows? Executive village yun if I’m not mistaken. Well, she looks wealthy rin naman base sa pananamit at dami ng card sa wallet niya.

 

Offensive ba kung macurious ako kung bakit discounted yung binibili niyang mga bulaklak?

 

“I see. May I ask kung bakit ka palaging bumibili ng flowers?”

 

Napatingin siya sakin.

 

“I mean… I mean hindi naman sa ayaw ko. Curious lang ako kasi ikaw lang yung customer ko na everyday bumabalik dito.”

 

She then looked away.

 

Uminom ulit siya ng coffee niya.

 

Feeling ko uncomfortable siya sa question ko. Dapat yata di ko na tinanong nung una palang.

 

“Alright. You don’t have to tell me naman. I am actually glad na may regular customer ako.”

 

“Okay.”

 

Siguro kung si Giselle yung kausap niya, malamang nagwalk out na si G.

 

 

 

 

Pinapanuod lang naming dalawa yung pagpatak ng ulan. Nakakaaliw din palang tumambay dito sa labas ng shop paminsan-minsan.

 

 

 

 

“You own this, right?” she asked.

 

Uy, improving. Nagtatanong na siya.

 

“Yup! Wait, paano mo nasabi?”

 

Hindi pa rin kami humaharap sa isa’t isa.

 

“Feeling ko lang. Nase-sense ko na passionate ka sa ginagawa mo eh.”

 

Really? Obvious din pala sa mata ng iba yung intense love ko para sa business kong ‘to.

 

“Paano mo nasabi?”

 

She cleared . “The way you arrange and sort yung flowers na dinidisplay mo everyday dito…” she pointed sa flower rack na nasa tabi niya. “… palaging enticing yung dating sa mga dumadaan. Palaging malinis yung shop mo. Mine-make sure mo rin na dapat tumagal yung life ng mga flowers.”

 

Nakakaflatter naman.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya.

 

“Yung bouquets sa labas. Yung flower arrangement mo. Parang may urge ako to always buy it and give it to someone kahit walang occasion.”

 

I couldn’t stop myself from smiling.

Ang sarap pala sa feeling nang may nakakaappreciate ng ginagawa mo.

 

“Really?”

 

“Yeah. Iba talaga pag mahal mo yung ginagawa mo. It reflects.”

 

Mas lalo akong namotivate sa sinabi niya. Parang na-justify ko lahat ng sacrifices ko before. Lahat ng doubts ko sa mga decisions ko. It feels like mas naging worth it.

 

“Thank you, Winter.”

 

She smirked.

 

“Sorry! Hindi pa pala ako nagpapakilala…” pinunas ko yung palad ko sa apron ko at inilapit sa kaniya to shake her hand.

 

“I’m—”

 

“Karina, right?” pag-interrupt niya sa introduction ko.

 

“How did you—”

 

Tinuro niya yung nakaburdang name ko sa apron ko.

 

“Ahhhhhhh,” I replied.

 

Hindi ko pa rin inalis yung kamay ko sa harap niya.

 

“Then, let’s formally introduce ourselves.”

 

Napatingin siya sakin.

 

Inilipat niya yung cup sa kabila niyang kamay at shinake ang hand ko.

 

“Nice to meet you, Winter,” sabi ko.

 

“Likewise,” tipid na reply niya.

 

Ininsist ko sa kaniya na Rinrin or Rina na lang yung itawag niya sakin pero mas gusto raw niya yung Karina.

 

“Wala ka bang ibang lakad today? Like with friends since weekend naman?” pag-open ko ng topic.

 

Mukhang walang balak huminto yung ulan. Meron na ring pagkulog at pagkidlat na nagaganap.

 

“Wala. I don’t have any.”

 

I frowned. “Impossible naman yun.”

 

“Yeah. Looks impossible pero that’s the truth. May mga kakilala ako, yes, but I don’t actually hang out with them.”

 

“Hindi ba sad yun?”

 

“I’m used to it.”

 

Kaya siguro hindi rin siya sanay makipagsocialize.

 

“Edi I’ll be your friend. Feeling ko naman magkakasundo tayo,” I confidently told her.

 

She looked at me na parang nagdi-disagree siya sa sinabi ko.

 

“Huh?”

 

“Pareho tayong mahilig sa flowers. I can say na enough na yun,” I chuckled.

 

Inubos niya yung coffee niya at tsaka itinapon yung cup sa trashcan.

 

“Di ka nag-aagree?” I asked.

 

“Ang hirap namang sagutin ng question mo.”

 

Natawa ako sa kaniya. Halata naman na sa face niyang hindi siya nag-aagree sa sinabi ko pero tina-try pa rin niyang maging nice sakin.

 

I beamed at her. “Fine! Wag mo na lang sagutin. Basta magkaibigan na tayo.”

 

Nag-thumbs up pa ako sa kaniya kahit na uncomfortable siyang ngumingiti sakin.

 

 

 

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
taeng_sica
#1
Chapter 1: reread!

ganda talaga kahit bitin.. thanks again for this!
TYTFshipper
257 streak #2
Chapter 1: Sequel po tor pls 😭
seiikihavre
#3
Chapter 1: bakit bitin???? wala ng kadugtong??? huhuhuhu
hiver_pogi
#4
Chapter 1: sobrang bitin 😭
IceWolf23 #5
Chapter 1: ang gandaaaaa
bae_dantes #6
Chapter 1: pwede po bang mag-request ng part 2? ang ganda sm fr fr.
Ren_451
#7
Chapter 1: BINASA KO TO DURING MOVING UP NAMEN SA SCHOOL TAS UMIIYAK AKO HABANG TINATAWAG MGA PANGALAN NAMEN HUHUHU ANG SAKIT SA HART PERO ANG GANDA NUNG STORY 🫶
danonymous #8
Chapter 1: Pwede po part 2? 😭
shinsetsu00
#9
Chapter 1: YO WHAT HAPPENED NEXT????
Topkangseul
#10
Chapter 1: Ang ganda talaga 😔 part 2 when