Kabanata 1

Paglaum
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's POV

The first phase of falling in love is the lust or the desire phase. Lust is the craving for ual satisfaction which is a feeling that evolved in humans to motivate union with a single partner. 

Ilang araw ko nang pinag isipan ang bagay na ito dahil hindi talaga makatotohanan ang mga sinasabi ni Sir Medino sa klase niya. Panu naging lust ang first stage ng pagmamahalan? Edi hindi na love iyon. Payag pa siguro ako kung yung first stage ay ang attraction. Isipin niyo yun ang first stage lust tapos ang second stage attraction tas ang panghuli ay attachment parang ang up lang ng sequence ng stages na ito parang gawa gawa lang ng illuminati.  

Never in my life na na experience ko to. I have multiple crushes before and it's just a pure attraction towards them. I don't know if it's counted, but I think basing on that 3 stages of love hindi pala yun matatawag na love kasi hindi ko experience ang first stage? Parang ang halay naman isipin na lust agad ang na feel mo to the person you attracted to. Oh see! Masasabi ko talaga na first stage ang attraction. Gagong parang maiiyak pa ako bakit ba kasi lust? Iiyak na talaga ako dito.

Ewan ko kung ang laki ng pake ko sa topic na to, I'm not planning naman na sumabak sa love dahil wala akong time para doon. Masyado na yata akong invested sa klase ni Sir dapat na siyang ipatumba. 

Dalawang buwan na mula noong sumabak ako sa course na di ko naman pinangarap o kaya sumagi man lang sa isip ko ni minsan. Ang kurso ko ngayon na Bachelor of Science in psychology tapos ang pinangarap kong kurso ay Business Ad. Ang layo diba? Ganyan talaga siguro pag di tayo pinanganak na mayaman. Sino ba naman ako para maging burgis chariz. 

Isa ako sa mga malas na studyante na mas pinili ang practicality kaysa sa passion ko. Wala eh ayaw ng mama ko na mag sacrifice para sa education ko. Hindi naman sa gusto ko siyang mag sacrifice pero kasi ang unfair lang na nagawa nga nila mag sacrifice kay ate Taeyon nung nag-aaral pa tapos pagdating sakin ayaw nila. Kasi nga ayaw na daw nila umabot sa phase na yun na kakayud na naman sila para sa pagbayad ng tuition ko. Hindi nga dapat ako makakapag-aral ngayong taon dahil ang laki ng gagastuhin sa pag-alis ni ate papuntang Canada. 

Konti na lang sana papayag na ako pero nasayangan ako sa isang taon na tatambay lang ako sa bahay. Malas kasi talaga kasi hindi ako nakapasok sa State University may ibang school din na nag ooffer ng scholarship pero hindi full yung offer nila. Buti na lang nakakuha ako ng full scholarship sa San Agustin kaya ginrab ko na ang role ng pagiging students athlete yun nga lang yun slot na papasukan ko ay yung kursong ito. Libre naman lahat pati yung dorm ko na malapit lang din dito. Ang layo kasi pag umuwi ako sa bahay namin sa Silay, pagod na nga ako sa training plus pa yung byahe. Kaya hindi na ako magugulat kung isang araw matumba ako ng walang kasugat-sugat. 

"Hoy tanga gumising kana. Time na." Naramdaman ko ang batok ni Ryujin sa akin. Dalawang buwan pa lang kaming magkakilala nitong babaeng to pero maka asta parang mula pagkabata magkakilala na kami.

"Ang epal potangina." Bulong ko. Nandito kasi kami sa library ni Ryujin kaya hindi ako makasigaw. 

"Tanghaling tapat ang init ng ulo mo, may regla ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at inayos ang hoodie na suot ko. Naputol tuloy yung malalim kung pag-iisip. 

"Sorry naman ssob win, umalis na kasi si Lia. Tara na baka pag initan na naman tayo ni Miss Bae." 

Palagi kaming tambay sa library tuwing lunch break at kung my free time kami. Kung iniisip niyo na nandito kami para mag-aral, nagkakamali kayo. Tangina kasi ng babaeng to napagkakamalan kaming stalker dahil sinusundan niya palagi yung crush niya daw na si Lia na nursing student na palaging naka tambay sa library with her friends. Favorite spot ko na din talaga ang library bukod kasi sa tahimik ang lugar na 'to, ang lakas din ng aircon kaya feel na feel ko mag suot ng hoodie o di kaya ng flannel. 

"Ikaw lang naman pinag-iinitan dinadamay mo pa ako." Sabi ko ng nakabusangot pa rin.

"Bibigyan na nga kita ng kape mamaya. Tangina nito." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. 

Patay malisya niya akong tiningnan dahil sa pag bigla ang pagngiti ko.  

"Gago iisipin ng mga nadadaanan natin na kinikilig ka dahil sakin. Hoy itigil mo yan di bagay sayo. Alipin sa kape si gago." Napangiwi siya dahil mas nilawakan ko pa ang ngiti ko at humarap sa kanya. 

"Ikaw nga alipin sa mga babae. Pa crush crush ka pa tapos pagnapansin ka nanakawan mo lang ng halik at iiwan. Apaka bastos." Saad ko pabalik sa kanya.

"FOUL! Gagi pre seryoso naman ako, ako kaya ninanakawan ng halik. Buti ka pa muntik ka lang manakawan." Bahagya akong napatawa dahil doon. 

Kung nagtataka kayo kung bakit palagi kaming mag kasama, kasi naman first day of school after dismissal namukhaan niya ako sa Akasha Restobar na umiinom mag-isa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
526 streak #1
Upvoted!