ένα (one)

Semideus Academia - School of Demigods
Please Subscribe to read the full chapter

Third Person's POV

"Psst," sitsit ni Ryujin sa katabing si Yuna. Pagkaharap ng katabi, itinuro niya ang kaibigang halos dalawang oras ng tulog. "Tingnan mo si gago tulog na naman ata"

 

Lumingon ang nakababata sa likod, at hindi maiwasang mapatawa sa nakita. Winter, although she looks so cute, is currently sleeping with partly open. Nakapatong sa desk niya ang kaniyang mga braso na ginagamit niyang unan.

 

"Mukhang tanga palagi eh," sambit ni Yuna na kinatawa nilang dalawa.

 

Currently eh klase nila. Basic Calculus ang subject. Semideus Academia is just like other schools, kaya ang mga subject na inaaral ng mortals ay tinatalakay din nila. The school will look like a medium sized abandoned castle sa mata ng mga mortals, probably due to the mist and trance na nakapaligid sa kanilang school. It is to protect the demigods from harm and monsters that want to feed on them for power. Luma man ang style ng architecture nito, ang mga facilities naman sa loob ay modern. Ang twist lang siguro eh walang subject about controlling powers ang mga normal na tao at hindi sila binababad sa training tuwing hapon para mamaster ito. Ang mga students ng Semideus ay tinetrain upang maging handa sa mga mission na itatalaga ng oracle ni Apollo. 

 

With regards naman sa kung anong year na sila, bali ang katumbas nila ay yung mga grade 12. Iba kasi ang year system sa Semideus. Basta kapag Class 1 na (current year nila), expected na silang maranasan ang mga quests. Isa pa, under pa rin sila ng younger department ng Academia. Class 2 to Class 6 kasi ang tinuturing parang college sa kanila. 

 

With regards to section, it's divided into three in every year level. There's Alpha, Beta, and Omega.

 

Alpha of course, is considered as the highest section. Kadalasan ang mga kasama dito ay ang anak ng twelve major gods and goddesses of Olympus. They need to prove themselves that they are exquisite, for example eh may mga powers na sila or ilan lang sa mga kapatid nila ang meron, para mapasama dito. Pero kapag anak ka ng big three? Zeus, Poseidon, and Hades? Matic pasok ka na, kahit di ka na mag effort.

 

Beta, the second rank. Kadalasan ng mga nandito is yung mga anak ng mga Olympians na iisa o dalawa lang ang special ability. Ang mga anak ng minor gods and goddesses, titans, nymphs, and even muses ay nandito rin.

 

Omega, the third and final rank. Sila yung wala talagang mga special ability from their godly parent. They still have the standard characteristics that demigods must possess, but not something that is gifted. Sobrang risky na ipadala sila sa missions kaya madalas ay simple task lang ang pinapagawa sa kanila.

 

Pero bago tayo muling maligaw, balik tayo sa room nila. Class 1 - Alpha section is actually just composed of the nine. Kadalasan talaga, nine lang silang nasa classroom. Pero may mga subject sila na nakakashare nila yung mga Beta at Omega. Just like now.

 

Kaya ito si Giselle, hindi mapakali. Malayo kasi ang seating arrangement na itinalaga sa kaniya kaya kahit nais niyang gisingin ang kaibigan, she can't. Unless she would want to get snapped at too. After all, si Winter, Ryujin, at Yuna lang naman ang hindi takot sa detention at suspension.

 

“Miss Ibañez,” tawag ni Miss Seohyun or Miss Seo for short, ang kanilang prof na siya ring descendant ni Athena. Napasampal nalang sa sarili nilang mga noo sina Giselle at Chaeryeong nang mapansing tulog pa rin ang kaibigan. Pilit na pinipigilan nina Ryujin at Yuna na tumawa dahil alam nilang kilala bilang isa sa mga striktong propesor ang nasa harap nila ngayon.

 

Being wary of the situation, ang seatmate ni Winter na si Minju na mismo ang gumising sa katabi. Nag-inat pa talaga siya ng konti, before rubbing her eyes with her lips slightly pouting. Napahagikhik tuloy ang katabi, finding her adorable.

 

“Had a good sleep? Hindi naman ako informed na mukha na palang bedroom ang klase ko” sarcastic na sabi ng propesor na agad namang nagpabalikwas sa dalaga, nalaglag pa tuloy siya sa upuan niya. Ngayon hindi na maiwasan, maging ang buong klase ay nagpipigil na ng tawa sa kaniya, even Karina has to bite her lip as an attempt to prevent herself to even smile.

 

“Hehehe, sorry pi,” sagot ni Winter, at nagpeace pa talaga. Hindi na sila nagulat. Sa halos tatlong taon na naging kaklase nila ang dalaga, parang wala siyang takot sa kahit sino. Siya lang yung may lakas ng loob na makipagbiruan sa lahat, even the headmaster Dionysus himself.

 

“Since you’re so confident in sleeping at my class, how about you answer the problem sa board? If f(x) = x2 cos (1/x3) , find its derivative…”

 

“Ayan tulog pa more!” sigaw ni Ryujin.

 

“Kaya pa ba retsam Win? Press one for call a friend, pero wag ako ah?” kantiyaw ni Yuna. Pinakyuhan lang siya ni Winter ng patago sa mga mata ni Professor Seo bago pumunta sa board. 

 

Don’t get her wrong, tamad at happy-go-lucky lang talaga siya pero she’s really smart. Not Athenian level, but kung magsisipag siya na kaya ni Giselle eh mas daig niya pa ang kaibigan.

 

Napadpad naman ang mata niya sa kay Karina, who’s sitting beside the window. Tinaasan siya ng kilay nito, at sa ekspresyon pa lang ng babae ay alam niyang iniisip nito na nanghihingi siya ng tulong.

 

She can’t help but shake her head, a teasing grin plastered on her lips. 

‘Apakasungit talaga.’

 

“The whole class, sagutan niyo-”

 

“f’(x) = 2x cos (1/x3) + [3 sin (1/ x3)] / x2 po,” sagot ni Winter bago pa makapunta sa board. 

 

Tumahimik ang buong silid. Everyone had their eyes wide open in shock, while Giselle, Charyeong, Ryujin, and Yuna just smirked proudly. Alam naman kasi nila na Winter is more than capable, talagang ayaw lang nito ipaalam sa iba. Her reason? Nakakatamad daw.

 

It took some seconds bago makarecover si Miss Seo. Actually hindi lang siya, maging si Karina. It may sound like Winter was just blurting numbers, pero parehas sila ng sagot. At alam din ni Miss Seo iyon. 

 

“Uhm tama naman po diba?” pagbasag ni Winter sa katahimikan. “Do I need to write down my solution po?”

 

Bago pa man makasagot ang propesora, nagring na ang bell. Indicating that it’s already their lunch time. 

 

“Yes, and no need. Class dismissed, enjoy your lunch everyone…” tugon niya, bago ayusin ang mga gamit niya.

 

*******

 

“Si Winter ba talaga yon?”

“Gagi sinapian ata eh”

“Palaging tulog sa klase yon eh! Kung hindi naman nakapikit ayon gagawa ng kalokohan by pranking the teachers or the whole school…”

 

Bulungan ng mga kaklase nilang Beta sa hallway ang umalingawngaw. Hindi tuloy maiwasan ni Karina na maalala kung paano sinagutan ni Winter

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet