Chapter 3.5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

I held my breathe.

Shes in her casual attire. A white shirt inside her black blazer partner with her faded jeans.
A white tote bag in her shoulder as usual.

Bakit nandito sya?

Nakatitig lang kami sa isat isa. 


Pero unti unting bumaba ang tingin nya sa kabuuan ko. Okay naman siguro ang suot ko? Nakalong sleeve polo shirt ako na nakafull tuck sa aking black pants.

Yung galaw ng mata nya.

Nakita ko kung paano lumakbay ang mata nya pababa. Kung paanong tumigil ito sa bandang dibdib ko. 

Dibdib ko?

Napatingin ako sa sarili. Medyo basa na yung polo ko. Mapapansin din ang namumuong pawis sa dibdib ko. Masyadong mainit ang panahon ngayon. Tapos dinumog pa ako ng yakap ng mga katrabaho ko sa faculty. Kaya siguro grabe ang pawis na natamo ko.

Kaya siguro nakatingin si Doc dahil sa kadugyotan ko!

OMG ka Seulgi!

Pasimple kong itinaas pa ang hawak ko sa kahon. Yung tipong matatakpan ang banda sa dibdib ko. Dahil sa ginawa ko, nalipat doon ang pansin nya. Mabuti naman.

Tumikhim sya. Binalik ang paningin sa mga mata ko. 

Nakalimutan ko na namang huminga.

"Let me guess, nagtuturo ka dito?" nakangiting tanong nya pagkatapos ng ilang minuto naming titigan. 

"Hindi na ngayon" maikli kong sagot. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Dahil sa tuwing sya ang kausap ko, nawawalan ako bigla ng sasabihin. Hindi ako makahanap ng mga salitang magpapatagal sa usapan namin.

Sa kanya lang ako ganito.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ulit niya. 

"Hindi na ako nagrenew you know.." parang naintindihan naman nya ang ibig kong sabihin. Nanlaki ang mata nya. 

Kahit anong gawin nya, maganda pa din sya.
 
Oh god shut up seulgi! Kumalma ka!

"You mean.." tinuro nya ang sarili. Natatawa akong tumango. Mas lalo pa syang nagulat. Nilagay nya ang kanang palad sa bibig nya.

Cute din.

"Hey its okay. Desisyon ko naman 'to" pag aassure ko sa kanya. Ayokong isipin nya na may kinalaman sya kaya umalis ako dito. 

"I suddenly felt bad" halos pabulong na sambit nya. Halata sa itsura nya ang panghihinayang.

Tangna! Ayusin mo kasi Seulgi! Gusto kong kamutin ang pisngi kung hindi lang dahil sa hawak ko.

"No Doc. You have nothing to do with this. Nagdesisyon na akong wag nang magturo bago ka pa dumating.  Plano ko na talagang hindi magrenew ng contract dito. Tinapos ko lang yung tatlong taon. Gusto kong magfocus nalang sa pagiging Engineer ko." sunod sunod na sabi ko. Kahit ako di makapaniwala na tuloy tuloy ang pagsasalita ko. 

Juskopo. Sana naintindihan nyaT_T

"Is that so?" naniniguradong aniya. 

Segurista talaga 'to si Doc eh.

"Yups. No worries" nakangiting sagot ko. Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa kanyang mukha. 

Anong iniisip nya?

"You finally talked longer than before" 

Nangunot ang noo ko. Anong sinasabi nya? I need a further explanation! 

Tumawa sya.

 Juskopo eargasm! 

"Hindi ka naman kasi palasalita. Sa mga encounters natin nagsasalita ka lang kapag tinatanong kita" paliwanag nya.


Ah

Paano naman kasi ako makakapagsalita di ba? Kung nababasa nya lang siguro ang mga iniisip ko....

"I- I just dont want you to feel bad." mahinang sabi ko. Hindi na naman ako makatingin sa kanya. Akala mo interesedo ako sa mga buildings ng schools.

Sino kayang engineer nito? Ang galing gusto kong palakpakan!

"Nabawasan na. I know naman na may part pa din yung project kaya nagdesisyon kang umalis dito" narinig kong ani nya.

Tama naman sya. Pero totoo yung sinabi kong pinag isipan ko na ito bago pa sya dumating sa buhay ko! Char.

Wait. Bakit nga pala sya nandito?

"How about you Doc?" tanong ko. Binalik ko na ulit ang tingin sa kanya na nasa akin pa din ang mga mata.

Yung matang yan!

 Kapag ako nainlove sana may sumalo.

"What about me?"

Ikaw! Ikaw na maganda at crush na crush ko!

"I mean ano kakong ginagawa mo dito?" paglilinaw ko. 

"Right. I just want to talk with  school administrator. Its about my sister"

May kapatid sya dito?

"Wheres the admin building? Kanina pa ako naghahanap. Sabi nung guard diretsuhin ko lang daw 'to" luminga linga na sya sa paligid.

Dont worry Doc. I got you!

"Samahan na kita" offer ko sa kanya. Mabilis nyang ibinalik ang tingin sa akin. 

"You dont have to. I'll-

"Tara na Doc balita ko may nakaschedule silang meeting mamaya." Tiningnan ko ang oras sa relo ko. "Malapit na pala. Hatid na kita baka maabutan mo pa sila" pag aaya ko sa kanya. Nagdadalawang isip pa sya nang magsimula na akong maglakad.

Wala nang atrasan 'to. 

Naramdaman ko ang pagsunod nya sa likod ko. Gusto ko syang sabayan kayat binagalan ko ang paglalakad ko. Palihim akong napangiti ng maabutan nya ako. Magkatabi na kaming naglalakad sa gitna ng covered walk.

Mabuti nalang walang mga estudyante.

"So may kapatid ka na nag aaral dito?" maya maya'y tanong ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kanina ko pa iniisip kung nagkaroon ba ako ng student na may apelyidong Bae.

Baka naman ibang course?

Mostly sa Engineering kasi ako nagtuturo kung may Educ man mga Math Major lang.

"Shes not here. Yet" napalingon ako sa kanya. "Shes still in Korea. She wants to transfer here. Be with me. You know, we're really close to each other. Kaya andito ako para ayusin yung paglipat nya" pagpapatuloy nya. Nakatingin sa dinadaanan.

Ibig sabihin ba nun sa Korea din sya nag aral?

Kailan lang sya nandito?

"Ma'am Seul!" pareho kaming nagulat sa sigaw ng taong kasalubong namin. Medyo malayo pa sya kaya nanliit na naman ang mata ko upang kilalanin kung sino sya.

Ah si Yerim. A 5th year civil engineer student. Masyado na silang busy ngayon dahil first sem ang ojt nila. Pero hindi halata sa isang 'to. Unlike other engineering student,  hindi sya mukhang stress.

"Oh kumusta?" tanong ko nung makalapit na sya.

"Im so haggard Dad" hinihingal na sambit nya. Napalunok ako. Parang bigla akong nagka stiff neck. Ayokong makita ang reaction ni Doc sa paraan ng pagtawag sa akin ni Yeri.

Kahit ako hindi ko alam kung bakit yun ang tawag nya. Ang sabi nya lang muka daw akong daddy figure.

Ang ganda ko kaya! Bakit hindi Mommy?

Masyado kong close si Yeri. Isang beses ko lang sya naging estudyante. Nung third year palang sya. Nagkamabutihan lang kami ng ugali. Parang nadadala nya ako sa edad nya. Feeling ko magkasing edad lang kami kapag sya ang kasama ko.

"S-saan ka mag oojt?" tanong ko nalang. Ngunit naagaw ng kasama ko ang atensyon nya. Tinitigan nya ito.

"Hi" rinig kong bati sa kanya nito. Hindi ko pa din sya matingnan.

"Hello po. Kayo po ba yung artistang dinedate ni Daddy Seul?" dire diretsong sambit ni Yeri 

Siraulo kang bata ka! Nabasa nya kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
32 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi