Chapter 3

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Tiningnan ko ang oras sa relong nasa kanang kamay ko.

Tatlumpong minuto na syang late.

Baka naman masyado lang akong maaga? 

Dalawang  oras na ata akong nakaupo dito sa coffe shop na sinabi nya. Hinihintay sya.

Hindi ko din naman masisisi ang sarili. Dumiretso na ako dito pagkatapos namin mag usap ng dati kong kliyente. 

Tinapos ko na kasi ang lahat sa amin. Charut.
 
Matagumpay naman kasing natapos ang project. Sakto lang sa target date. Huling usap na namin yung kanina. Malaki daw ang pasasalamat nya sa akin. 

Syempre. Ako lang 'to.

May gagawin atang celebration pero hindi ako sigurado kung makakapunta ako. Magiging busy pa din kasi ako. Masyadong nagmamadali si Doc.

Doc 

Anong oras kaya sya dadating?

Alas dose ang usapan namin pero alas dyes palang andito na ata ako. Ayoko na kasing umuwi pa sa amin at hintayin ang oras. Nakakapagod bumyahe.

Wala pa kasi akong sariling sasakyan. Nag iipon palang. Nakakahiya naman magpasundo kay Wendy. Masyado na syang busy sa school dahil pasahan na ng grades. Matatapos na kasi ang klase.

12:30 na.

Lampas dalawang oras na pala ako dito. Napailing nalang ako. Madami na ang dumaan na customers. Ubos na din ang inorder kong kape. Pansin ko na din ang mayat mayang sulyap sa akin ng isang staff.

Masyado atang nagagandahan sa akin.

Sorry. Taken na po ako!

Kagabi ko lang nareceive ang text ni Doc or should I say kagabi lang sya nagreply sa akin  nung tinanong ko sya kung kailan nya gustong makipagkita. Tatlong araw ata akong nakaabang sa reply niya matapos nyang mag LSM.

Ganda yarn?

Sabagay, Doctor nga pala. Wala silang time para lumandi.

Lumandi?

Piste ka talaga Seulgi! Kung anu-ano iniisip mo. Trabaho ang isipin mo!

Natanaw ko mula dito sa loob ang pagparada ng isang itim na kotse sa labas.

Napigil ko ang hininga.

Ikalma mo yang kabaklaan mo Seulgi!

Dahan dahan ang pagbukas ng pinto. Isang magandang babae ang lumabas.

Kagome kooooooo

Juskopo! Bakit naririnig ko ang dugyot na seulgi nung elementary?

Pumasok na sya sa coffe shop. Nilibot ng tingin ang buong paligid hanggang sa tumigil ito sa kinauupan ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Nagkita na kami nung nakaraan linggo diba?

Inaamin kong nagandahan ako sa kanya nun pero hindi katulad nito na halos hindi na ako makahinga.

Dahil ba sya ang unang iniyakan ko?

Sya ang unang naging crush ko?

Na naalala ko na kung gaano ako patay na patay sa kanya noon?

Na sya ang gay awakening ko? Char.

Pinagmasdan ko lang sya habang papalapit sya dito. Hindi ko alam kung nakangiti ba ako. Ang alam ko lang sobrang ganda nya. Tao pa ba yan?

Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang long sleeve blue shirt na naka front tuck sa kanyang khaki pants.

Para syang koreana. Hindi doctor 'to, kundi korean model!

"Kanina ka pa?" natigil ang bakla kong isipan nang magtanong sya. Narinig ko na din ang boses nya nung nakaraan, pero ngayon, iba na din ang epekto sa akin nito. 

Still my Ate Dancer.

"Hindi naman" nagpapasalamat ako at hindi ako nautal. Pero gayunpaman, pilit pa din akong naghahabol ng hininga. 

Ang bango nya. 

Umupo na sya sa tapat ko. Nilagay sa tabi nya ang puting tote bag na dala. Tumingin ulit sya sa akin.

"Sorry nga pala kung nalate ako sa usapan. Its just that-

"Okay lang. I understand naman. You're a doctor indeed and..." hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko. Paano kasi tutok na tutok sya akin. Juskopo.

"And?" hinihintay nya talaga yung sasabihin ko. Ano nga ba ulit yun? Hindi ko na tuloy makuha kung ano ba yung dapat sasabihin ko. English kasi dapat yun!

"And... ano masyado kang busy. Madami kang pasyente." 

Ayoko na. Gusto ko nang umuwiT_T.

"Right" nakangiti nyang sabi. Hindi ko na tuloy sya masyado matingnan. "Nakaorder ka na ba? Anong gusto mo?" mabilis naman ang pag iling ko.

"Okay lang. Naubos na yung inorder ko kanina" sinulyapan nya ang empty cup na nasa gilid. "Ikaw baka gusto mo? Oorder ako" tatayo na sana ako nang magsalita ulit sya 

"No its okay. I dont usually drink coffee" 

Eh bakit dito nya gusto magkita?

"Ganun ba" maikling sagot ko. Kahit gustong gusto ko syang tanungin tungkol sa mga nangyari sa buhay nya. 

Marami akong gustong sabihin.

Kung kumusta ka na? Naaalala mo pa ba ako?

Tanda mo yung batang nagpapapansin sayo noon? Yung umiiyak dahil sayo?

Syempre hindi mo alam kasi hindi mo naman ako nakitang umiiyak.

Kung saan sya nag aral. Kumusta ang pagiging doctor nya.

Kumain ka na ba?

May jowa ka na ba? Joke lang.

Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka matakot sya bigla sa akin. Baka umatras 'to at maghanap ng ibang inhinyero para sa project. Wag naman.

Kaya self magpigil ka. Kaya mo yan!

Nag umpisa na syang magpaliwanag tungkol sa kung anong gusto nyang mangyari sa sarili nyang ospital. 

A Children Hospital I mean. Sinabi na nya sakin 'to nung nakaraan. Na plano nyang iparenovate ang dating hospital malapit sa bayan nila. Inabandona na ito ng may ari. Nabili na din nya ang lupa doon.

Hanggang kailan kaya nya ako pahahangain?

"My partner is an architect. Hes the one who did the drawing layout for the project but I helped him with the designs"

Partner?

Okay Seulgi suit yourself.

Baka naman partner nya lang sa gagawing hospital di ba?

Not partner as in asawa o jowa?

Buong paguusap pinagmamasdan ko lang sya. Nakakapagsalita lang ako kapag may tinatanong sya o kaya gusto nyang hingin ang opinyon ko.

Maya maya pa, napansin ko ang paghangod nya sa kanyang lalamunan. Nauuhaw na ata. 

May kung ano syang kinuha sa kanyang bag. 

Hydro Flask na kulay pink. 

Palihim akong napangiti. Her taste as usual.

Naka tumbler lang sya dati eh. Upgraded na sya ngayon? Bigla ko tuloy naalala yung nakasulat sa diary ko.

Kung sabihin ko bang nauuhaw ako ngayon ioofer nya pa din kaya sakin yan?

In your dreams self! Hindi ka nya naaalala.

"Magkano bili mo dyan?" agad na tanong ko para maligtas ako sa kahihiyan. Nahuli nya kasi akong nakangiti at nakatitig sa iniinom nya.

Titig pa more!

"Ito? I dont have any idea kung magkano 'to. You know, its a gift from my patient." paliwanag nya. Binalik na nya ito sa loob ng bag. "You like this one?" tanong nya pa.

"H-hindi ano kasi nakikita ko lang sa mga post kung gaano kamahal yan" tanggi ko. Totoo naman talaga yung sinabi ko. Marami ngang nabubudol dyan. May nagbebenta kasi ng mura tapos pagdating sa kanila peke naman pala.

Nagpatuloy na kami sa pag uusap. Inaamin ko masyado akong bumilib sa drawing ng partner nya. Malinis at malinaw. Pati yung designs maganda din.

Sigurado naman akong wala pa syang asawa. Bae pa din naman apelyido nya. Bakit naman ako kakabahan sa jowa? Masyadong maganda si Doc deserve nya magkaroon ng kabit! Chos.

Kahit nagpaalaman na kami sa isat isa, sabay pa din kaming lumabas ng shop. Nasulyapan ko pa ang relieve na mukha nung staff na panay ang sulyap sa akin kanina.

Masaya na ba sya dahil sa wakas lalabas na ako? Abay bastos din!

Nagring ang kanyang cellphone. Sinagot naman nya ito.

Is that the partner? 

"Hello? Yes. Im done talking with my engineer. Im on my way there."

Putangina ano daw?

My Engineer?

Gusto kong manggigil.
 
Pero wala naman kasing mali sa sinabi nya. Totoo namang ako ang Head Civil Engineer sa hospital na ipapatayo nya. Ako lang yung nagbibigay ng meaning.

Pero wala din namang masama kung kinikilig ako hindi ba?

Naramdam ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito.

TabaJoy:
               Malapit na ako.

Si Joy. Nakalimutan kong susunduin nya pala ako ngayon. Wala syang duty kaya kanina nung nasa shop pa ako tinext ko sya kung masusundo nya ba ako. Tutal plano naman naming tatlo, kasama si Wendy na magkita kita. Mabuti nga yun, malilibre ako ng pamasahe hehehe.

 Teka

Malapit na sya? Eh bakit nakakapagtext pa sya? Siraulo talaga tong damulag na to. Sya tong nagsasabi na bawal gumamit nang phone habang nagdadrive!

"Are you waiting for someone?" napaangat ang tingin ko kay Doc. Naibulsa ko bigla ang cellphone na hawak ko. Hindi na ako nakapagtype pa ng reply kay Joy.  Nagulat ako sa kanya. Akala ko busy pa sya sa kausap nya. 

"Ah oo yung sundo ko" sigurado akong hampas na naman ang matatanggap ko kay Joy kapag narinig nyang tinawag ko na naman syang "sundo ko."

"Can I leave you here na? I mean parang hindi kasi akma na iiwan lang kita dito but the hospital called me they need me th

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
33 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi