Third Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Another day, another pagsulyap na naman kay crush!

 

It also means na kailangan ko na naman ulit mag-isip ng kung anong pwedeng idahilan para lang masilayan ko siya.

 

Ang weird pero parang may something lang talaga sa kanya na hindi ko maintindihan at lagi ko siyang gustong makita.

 

Ewan ko ba, feeling ko hindi makukumpleto araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

 

Para akong nanghihina.

 

Syempre hindi ko pa rin nakakalimutan yung pamamahiya na ginawa ko sa sarili ko sa harap mismo ng crush ko kaya hindi muna ako makalapit doon sa store nila. 

 

Sa loob ng dalawang linggo na nakalipas simula ng nakakahiyang pangyayari na 'yon, napagdesisyunan ko na bumili nalang muna doon sa katapat na tindahan tapos pasimple nalang akong susulyap sa direksyon niya.

 

Kung ano-ano na nga yung ginawa kong reason para makalabas, na kesyo nagccrave ako ng something na mabibili ko like c2 since hindi naman ako nainom ng softdrinks tapos minsan bumibili rim ako ng biscuit kung hindi c2 ang bibilhin ko.

 

May isang beses nga na hindi ako makasulyap sa kanya ng ganoong paraan kasi may truck na nagdeliver ng grocery tapos doon pa talaga nakaharang sa tapat ng tindahan kung nasaan yung crush ko.

 

Paepal lang.

 

Kaya ang ginawa ko, doon ako kila aling beth bumili ng c2 na memabili ko lang. Kahit sobrang labag sa loob ko na bumili doon kila aling beth ginawa ko pa rin para lang masilayan ko si crush.

 

Nagsettle muna ako sa ganun, pinapalipas ko lang yung nakakahiyang encounter ko with crush kasi hiyang-hiya talaga ako para sa sarili ko.

 

Puro na ata c2 yung iniinom ko sa loob ng dalawang linggong nakalipas.

 

Dati puro tubig lang iniinom ko tapos sobrang dalang lang ako uminom ng ibang inumin bukod sa tubig pero ngayon puro c2 na yung iniinom ko.

 

Hindi ko naman ginagawa 'yun araw-araw. May araw din na hindi ako nakakasulyap sa kanya, busy din kaya ako sa school. Hmp! 

 

Pero syempre, kapag alam kong wala na kong gagawin, para-paraan na naman akong lumabas ng bahay.

 

Napansin na nga rin ni mama yung madalas kong paglabas ng bahay pero dinahilan ko nalang na gusto ko bumili ng c2. Hindi ko nga alam kung naniwala ba talaga si mama sa dahilan ko kasi mga ilang segundo rin nanatili sa akin yung tingin niya pero tumango lang naman siya at wala nang sinabi.

 

Kay mama talaga siguro ako nagmana. Pareho kaming tahimik at kadalasang walang imik.

 

"Aalis ka?" Napapitlag ako sa gulat nang biglang marinig ko ang boses ni Ate Taeyeon kaya agad akong napatingin sa may pinto ng kwarto ko kung saan siya nakatayo.

 

Nakakagulat naman 'tong si Ate.

 

Bigla-bigla nalang sumusulpot.

 

"Ate, nakakagulat ka!" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko.

 

Hindi pinansin ni ate yung sinabi ko at nagbato lang sa akin ng panibagong tanong, "Saan punta mo? Mukhang napapadalas na ang paglabas mo ng bahay ah. Siguro may boyfriend ka na talaga, susumbong kita kay mama!"

 

Agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate at mabilis na tumanggi.

 

Boyfriend???

 

Err.. 

 

Ate, bakla po ako!

 

Kainis talaga si ate. Kung ano-ano pinagsasabi, may balak pa akong isumbong eh totoo namang wala akong boyfriend!

 

Kadiri ha.

 

Ate, wala akong boyfriend, okay? Para-paraan lang ako sumulyap kay crush kaya lagi akong lumalabas.

 

Hehe

 

Pero syempre hindi na nila kailangan malaman 'yon kasi panigurado tutuksuhin lang ako ni ate kapag nalaman niya mga pinaggagawa ko.

 

"Ateeee! sabing wala nga eh." pagrereklamo ko rito habang nakasimangot, "Bibili lang ako ng c2, napaka ano mo talaga!"

 

Okay, paano ko sasabihin kay ate na never akong magkakaroon ng boyfriend kasi babae rin ang hanap ko?

 

Pinanghahawakan ko yung sinabi ko na ang maganda ay para sa maganda lang.

 

Atsaka hindi ko pa kasi na-oopen sa pamilya ko about sa ual orientation ko, ang tanging may alam lang ay yung mga malalapit kong kaibigan sa school.

 

Pati na rin siguro nung ibang mga naging crush ko... 

 

Baliw kasi si Ningning, kapag nagsasabi ako doon laging nalalaman ng mga nagiging crush ko!

 

Hindi niya naman sinasabi sa mga crush ko na crush ko sila, halatang halata lang talaga sa kilos niya kasi palagi siyang nanunuksong tumitingin sa akin kapag andyan yung crush ko o kaya naman biglang nagsasabi ng "yiee!" kaya nalalaman nila.

 

Parang tanga lang.

 

Hindi raw sasabihin pero yung mga kilos at reaksyon niya naman yung nagsasabi. 

 

Actually hindi ko na nga alam kung sino pa yung nakakaalam, feeling ko nga marami nang may alam eh o baka nga lahat na ng estudyante sa school ang may alam. Thanks to Ningning.

 

Pero okay lang, hindi naman big deal sa akin. 

 

Ano bang pake nila kung bading ako. 

 

Kung may problema sila, sapakan nalang oh.

 

Chos. Hindi pala ako marunong makipagsapakan.

 

Tatawag nalang akong resbak. Sila ning siguro pwede na.

 

Wala rin naman akong pake sa sasabihin ng ibang tao.

 

Pake ko ba sa kanila.

 

"May c2 sa ref ah, ba't ka pa lalabas?"

 

Napatingin naman agad ako kay ate, "Ha?"

 

Narinig ko naman yung sinabi ni Ate pero tinanong ko lang ulit para makasigurado kasi kailan ba kami nagkaroon ng c2 sa ref?

 

"Bumili si mama kahapon." agad naman akong napababa ng hagdan at dumiretso sa kusina para tignan kung mayroon ba talagang c2 sa ref.

 

Baka kasi jinojoke time lang ako ni Ate, mahilig pa naman ako nun pagtripan.

 

Pero hindi pala talaga.

 

Halos mahulog ang panga ko nang bumungad sa akin yung loob ng ref namin.

 

Puno ng c2 yung isang shelf doon sa loob ng ref namin tapos iba't ibang flavor pa.

 

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon.

 

Mata-touch ba ako kasi binilhan ako ni mama ng maraming c2? O iiyak kasi hindi ko naman paborito 'yun kasi dahilan ko lang naman 'yun para masilayan si crush.

 

Alam ko namang mahal na mahal ako ni mama kaya ayaw niya akong mahirapan pa na lumabas araw-araw para bumili lang ng c2.

 

Pero mama naman ehhh!

 

Sinisira mo yung diskarte ko huhu.

 

Reason ko lang naman yung c2 para makita siya.

 

What if umiyak nalang ako rito.

 

Chos!

 

Nawala rin ang atensyon ko doon nang biglang marinig ko ang sigaw na tawag sa akin ni Mama mula sa ikalawang palapag ng bahay namin. 

 

Kumunot ang noo ko bago naglakad paakyat para tanungin kung ano 'yun.

 

"Bakit po ma?" tanong ko nang makarating ako sa kwarto niya.

 

Naabutan ko siya doon sa loob na nasa harap ng laptop niya na busy kakatype, rinig na rinig ko pa yung tunog ng keyboard sa pagtatype niya. May trabaho ata.

 

May naririnig din kasi akong nagsasalita sa laptop niya, mukhang nasa meeting din siya. 

 

May mga narinig nga rin ako na nagsasalita sa ibang lenggwahe, chinese ata or korean or japanese? hindi ko alam. 

 

Ang alam ko logistics manager ang trabaho ni mama. Matagal na rin siya sa trabaho niya.

 

Lagi rin siyang may kausap sa phone niya tapos laging nakatutok sa laptop niya, kahit nga weekend or walang pasok bigla-bigla nalang may tumatawag sa kanya kaya parang wala rin siyang pahinga.

 

Naloka rin ako nung nakita ko laman ng messenger ni mama, punong puno ng mga chats tapos puro mga groupchats or personal messages mula sa mga katrabaho niya. 

 

Pero kapag nagmemessage naman kami, nasasagot naman agad ni mama. 

 

Na-familiarized na nga rin ako sa mga terms na lagi kong naririnig kapag may kausap siya like POD, RN, warehouse, receiver, tracker, etc,. 'Yun yung mga terms na natandaan ko dahil sa dalas niyang banggitin ito.

 

Gusto na nga patigilin ni ate si mama magtrabaho kasi mayroon na naman siyang stable job pero hindi pa pwede kasi baka mahirapan siya lalo na't malapit na rin kasi ako magcollege.

 

Grade 12 next year, pagtapos nun college na ako.

 

 

Simula kasi nang maghiwalay sila mama at papa, si mama lang yung nagtrabaho para sa aming dalawa ni ate.

 

Bata pa lang kami noon simula ng maghiwalay sila mama at papa. Walong taong gulang si ate noon tapos ako naman isang taon pa lang kaya wala akong maalala na memories kasama yung papa namin.

 

Si ate Taeyeon ang paniguradong mayroong memories kasama si papa pero hindi naman siya nagkukwento sa akin about doon, kahit si mama ay hindi rin masyadong nagkukwento.

 

Ang alam ko lang nalulong sa bisyo yung tatay namin kaya sila naghiwalay, balita ko nga may ibang pamilya na rin 'yon.

 

Hindi ko na rin naman masyadong inalam dahil never din naman ako naghanap ng tatay, kuntento na naman ako sa kung anong mayroon kami ngayon.

 

Masaya naman kami na kaming tatlo lang.

 

"Winter pa-cashout ka nga muna sa labas, may parating akong delivery wala akong pera rito." sabi ni mama habang busy pa rin siya magtype, ni hindi manlang tumingin sa akin.

 

Napangiti naman ako kaagad at masiglang nagsabi ng "Sige!"

 

Shems ito na yung pagkakataon ko na makita ulit yung crush ko! 

 

Napalakas pa nga ata yung boses ko kumpara sa normal na volume ng boses ko kaya agad na napatingin sa akin si mama na halatang nagtataka.

 

Narealize ko rin kaagad yung naging reaksyon ko kaya agad kong tinanggal yung ngiti sa labi ko at sumeryoso, "I mean, sige po."

 

Nagkunwari pa akong medyo masama ang loob dahil inutusan ako pero ang totoo, loob-loob ko nagdidiwang na 'ko.

 

Alam kong duda pa rin si mama sa kinikilos ko pero hinayaan niya nalang ako, nung masend niya sa gcash ko yung pera umalis na rin ako kaagad sa kwarto niya.

 

Mahirap na baka kung ano-ano na naman itanong niya sa akin.

 

Syempre, bago ako umalis nagpalit muna ako ng disenteng damit tapos nagpabango na rin ako para maganda at mabango akong pupunta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 54 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1684 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
522 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na