Eleventh Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Napakamalas ng araw na 'to.

 

Sa dami ng pwede kong malimutan, yung extra napkin ko pa talaga. At sa mismong araw pa talaga na meron ako!

 

Lagi naman akong may dalang extra, hinding-hindi 'yon nawawala sa loob ng bag ko kaya laking gulat ko nalang talaga na wala akong nakita ngayong kailangan ko na.

 

Kaya heto ako ngayon, nasa loob ng cubicle at abalang kinakalkal yung loob ng bag ko kasi baka bulag lang talaga ako maghanap.

 

Halos tanggalin ko na nga lahat ng gamit ko sa bag ko kakahanap pero wala talaga.

 

Napabuntong hininga ako habang tinitignan yung ibang gamit ko na nasa lapag na dahil sa paghahalungkat ko sa bag ko.

 

Wala sa loob kong binalik yung mga gamit ko sa loob ng bag, hindi ko na nga inayos yung pagkakalagay basta nilagay ko lang.

 

Nakakainis naman kasi.

 

Hindi ko naman matandaan na inalis ko 'yon sa bag ko kaya paano mawawala?

 

Tinry ko rin i-contact si ningning para papuntahin siya rito at dalhan ako ng napkin pero parang pinagkakaisahan ata ako ng tadhana.

 

Sobrang hina ng signal.

 

Parang gusto kong magwala at sumabog.

 

Ano bang meron at parang napakamalas ko naman ata sa araw na 'to?

 

Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa sobrang inis.

 

Halos 30 minutes na akong stuck dito sa loob tapos wala pa masyadong napunta rito para mag-cr kaya wala rin akong mapaghingan ng favor.

 

Ilang minutes pa yung hinintay ko pero wala talagang pumupunta rito.

 

What if umiyak ako?

 

Sobrang tahimik pa rito sa loob, ang tanging naririnig ko lang yung tunog ng ventilator sa loob ng cr.

 

15 minutes nalang mag-iistart na yung klase namin.

 

Final na ba talaga? Wala bang pupunta para mag cr dito?

 

Kasi kung oo, legit na iiyak talaga ako huhu mama ko na-stuck ako rito sa kubeta wala akong extrang napkin.

 

Tapos mukhang hindi pa ako makakapasok sa next class namin dahil sobrang strict ng instructor namin doon sa subject na 'yon.

 

Once na malate, absent na agad. Hindi siya nagpapapasok sa room kapag late ka sa klase niya.

 

Iiyak na sana dapat ako nang biglang may marinig akong nagbukas ng pinto ng cr, kasunod ng yapak ng sapatos sa sahig.

 

Totoo nga, may himala!

 

Halos mabuhayan naman ako ng loob at pinakinggan kung totoo ba talaga yung narinig ko.

 

Baka kasi nabaliw na ako rito sa loob tapos kung ano-ano na yung naririnig ko.

 

Narinig ko yung na pagbukas ng faucet at saglit na tunog ng pag-agos ng tubig.

 

Hindi pa ako baliw.

 

Totoong may tao nga!

 

"Uh hello? may tao ba dyan?"

 

Ang tanga lang. Malamang meron!

 

Unless kung may malignong nagbukas ng faucet...

 

Anubayan, at this point parang tinatakot ko lang yung sarili ko. 

 

"Uhm.. ano kasi... nadatnan kasi ako ngayon tas ano... wala akong extra..." ang awkward tuloy kasi yung pinto lang ng cubicle yung nakikita ko tapos hindi ko pa sure kung may kausap ba talaga ako. 

 

Tapos medyo nahihiya rin ako humingi ng favor pero kinapalan ko na yung mukha ko or else ma-stuck talaga ako rito!

 

"Uh.. m-may extra napkin ka ba jan?" nahihiya kong tanong. Grabe lang, never kong inimagine na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon.

 

Next time talaga, magdadala ako ng isang dosenang pakete ng napkin!

 

Chos. Baka wala na akong mapaglagyan sa bag ko kung ganon.

 

"I don't have one with me right now..." rinig kong sagot ng tao sa labas.

 

Oh diba! May tao nga, hindi siya maligno.

 

"Bilhan mo ako," walang hiya kong sagot pero agad ko rin naman inayos yung pagkakasabi ko nang marealize ko na parang ang demanding ng tono ko. "Sorry! I mean, pwede mo ba akong bilhan?"

 

Grabe, nakakahiya. Baka isipin niya napakamando ko, ako na nga 'tong humihingi ng favor.

 

Wala akong narinig na sagot after nun kaya nagsalita ako ulit, nagmamakaawa. 

 

Kung ano-ano na nga pinagsasabi ko para lang mapapayag siya, pinangakuan ko pa na iti-treat ko nalang siya after nito kahit wala naman akong pera na panglibre sa kanya.

 

Akala ko hindi pa papayag si ate pero mukhang tumalab naman siguro yung mga pinagsasabi ko sa kanya nung marinig ko siyang magsabi ng "Okay,"

 

Yes! Thank God.

 

Agad akong nagpasalamat sa kanya then after nun narinig ko na yung tunog ng yapak niya na paalis ng cr.

 

Ang saya-saya ko kasi finally, makaalis na rin ako rito. Patient akong naghintay sa kanya na makabalik pero after ng ilang minutong na nakaalis na si ate unti-unti na akong nayayamot.

 

Nasaan na kaya 'yon?

 

Bakit parang ang tagal?

 

Mabagal ba siya maglakad o baka bumili siya sa malayo?

 

Nagsimula na mag-isip ng kung ano-ano yung utak ko nang bigla akong napaisip what if hindi na ako balikan ni ate? Lalo na't parang ang demanding ko pa kanina.

 

Hala.

 

Hindi naman siguro diba?

 

Pumayag naman siya eh.

 

Tinry kong alisin sa isip ko yung possibility na 'yon, mukha namang mabait yung nahingian ko ng favor kaya hindi niya naman siguro ako papaasahin.

 

Kung talagang iniwan niya ako rito, magkapigsa sana siya sa pwet.

 

Chos.

 

Hindi ko alam kung masyado lang akong occupied sa pag-ooverthink pero hindi ko namalayan na mayroon na palang pumasok sa cr, napa-igtad ako at napahawak sa dibdib ko sa gulat nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng cubicle kung nasaan ako.

 

"S-sino yan?" 

 

"Here." irinig kong sabi niya tapos inabot niya doon sa ilalim ng pintuan yung napkin na dala niya.

 

Kaagad ko naman 'yon kinuha at nagthank you. Kung sino ka man, Ikikiss kita paglabas ko. chos.

 

Ate, hulog ka ng langit sana hindi ka muna kunin ni Lord.

 

Pagkatapos kong magpalit, next ko namang inayos yung sarili ko pati yung gamit kong ang gulo-gulo. 

 

Hindi ko alam kung andoon pa sa labas si ateng hulog ng langit pero gusto ko naman magmukhang presentable sa harap niya kung sakaling maabutan ko pa siya.

 

After kong makasiguro na ready to go na ako, binuksan ko na yung pintuan ng cubicle.

 

Unang tumambad sa akin yung nakapwesto sa harap lang mismo ng cubicle ko habang nakasandal siya doon sa sink.

 

Akala ko namamalik-mata lang ako kaya napakurap ako ng ilang beses nang makita ko yung mukha ng nasa harap ko.

 

Ngumiti ito sa akin ng kaunti, "Done?"

 

Halong pagkagulat, pagkalito at pagkakaba yung emosyong nararamdaman ko.

 

Siya ba yung hulog ng langit na nagdala sa akin ng napkin?

 

Kaya pala parang pamilyar yung boses pero hindi ko lang masyadong pinagtuonan ng pansin kanina kasi occupied yung utak ko kung paano ako makakalabas dito.

 

"U-uy, hi." parang tangang sabi ko, "uh ikaw ba yung nag-abot sa akin ng ano.. uh napkin..?"

 

Tumingin ito sa paligid na parang may hinahanap kaya napagaya rin ako sa kanya, "Do you see anyone else here?" 

 

Oh.

 

Oo nga naman, ang tanga mo self.

 

Nahihiya akong umiling at napakamot sa likod ng ulo ko, "S-sorry, ang bobo ng tanong. Pero ano.. thank you pala.."

 

"No problem. Kanina ka pa ba naghihintay na may dumating dito?"

 

Nahihiya naman akong tumango, "Oo.. Akala ko nga habang buhay na ako sa loob eh." sagot ko tapos narinig ko yung pagtawa niya ng mahina dahil sa sinabi ko.

 

Pero agad akong natauhan nang maalala ko na may next class pa pala kami kaya dali-dali kong tinignan yung phone ko para icheck yung oras.

 

12 minutes late na kami.

 

"Hala.." mahinang sabi ko nang makita yung oras tapos inangat ko yung tingin ko kay crush na nakatingin lang sa akin, curious kung anong meron.

 

"Hala sorry, Hinintay mo pa ba ako? Dapat nauna ka na, late ka na tuloy." Worried kong sabi pero yung taong nasa harap ko kalmado lang tapos parang wala lang sa kanya na late na kami.

 

Nakailang sorry pa ako sa kanya, siguro nga kung hindi pa siya nagsalita para pigilan ako mag-sorry hindi pa ako titigil. "Hey, it's fine. No need to say sorry, Winter. Late na naman tayo nung makabalik ako rito so I just decided to wait for you to finish."

 

"And besides, you promised to treat me, right?" napatigil naman ako sa sinabi niya.

 

Hala siya.. naalala niya pa 'yon?

 

Grabe, wala pala akong takas. Kala ko okay na yung thank you lang.

 

Pero may bigla akong narealize. Kung iti-treat ko si crush, kaming dalawa lang ba?

 

As in kaming dalawa lang?

 

Napalunok ako.

 

Mukhang mapapasabak ako ah.

 

Kinikilig ako na kinakabahan.

 

Shems.

 

Date with crush? enebe.

 

"Pero ano, ice cream lang ha." sabi ko habang nahihiyang ngumiti sa kanya, "wala kasi akong budget ngayon eh,"

 

Date with crush pero low budget version.

 

Sorry ha, kapos kasi ako ngayon. Tsaka ko na siya dadalhin sa mamahaling restaurant kapag kumikita na ako ng pera.

 

Chos. Iti-treat ko lang naman siya as a thank you, pero kung makaakto ako kala mo date talaga.

 

Pero hindi naman masamang mangarap diba? Malay mo lang naman...

 

Natawa naman 'to ng mahina, "You're so cute, Winter. I was actually just joking, hind

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 52 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1683 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
519 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na