Tenth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

"Magkaaway kayo ni Ningning?"

 

Ayun yung narinig kong pabulong na tanong ni Ryujin sa akin habang kasalukuyang naglelecture yung instructor namin sa harap.

 

Si Ryujin yung katabi ko ngayon dahil specialized subject namin ngayong umaga and since specialized section kami kung saan iba-iba kaming strand sa iisang section, nagkahiwa-hiwalay kami. Sa core subjects kaming lahat nagkakasama.

 

Yung mga stem strand sa isa pang specialized section yung naging kaklase namin ngayon.

 

Ibig sabihin, hindi ko kaklase si crush ngayon.

 

Okay na rin siguro, nakakahiya rin magpakita sa kanya after nung nangyari kagabi. Hanggang ngayon nga parang kinikilig pa rin ako eh.

 

Mamayang ala-una pa naman yung core subjects namin kaya mamaya ko pa siya makikita. Makakapag-prepare pa ako.

 

"huh?" sabi ko, napatigil ako sa pagsusulat at lumingon sa kanya, medyo kumunot pa yung noo ko dahil sa tanong niya.

 

Lumingon muna siya sa harap at pasimpleng inusog ng kaunti yung upuan niya papalapit sa akin, may space kasi sa pagitan ng mga upuan namin. Hindi rin naman siguro mahahalata ni sir dahil busy siya sa pagsasalita at pagsusulat sa white board.

 

"Wala lang, napansin ko kasi kanina na grabe manlisik yung mata niya sayo kanina. Para ngang papatayin ka na niya sa tingin niya eh," mahina pa 'tong tumawa tapos ako naman binalik ko nalang yung tingin ko sa harap, baka mahuli kaming nagdadaldalan.

 

Terror pa naman 'to!

 

Naaalala ko pa yung panahon na naging teacher namin siya nung grade 7, takot na takot pa ako sa kanya noon. Halos lahat nga ata takot sa kanya eh.

 

Palaging nababalutan ng nakakabinging katahimikan yung room kapag andyan siya, yung tipong dumadagundong pa yung boses niya kapag bigla siyang magsasalita ng malakas.

 

Hindi ako nag-eexaggerate or what, talagang napapapitlag pa ako noon everytime na bigla niyang nilalakasan yung boses niya. Nung time pa na 'yon, nasa likod ko  nakaupo si Ryujin kaya lagi niyang nakikita kung paano ako magulat tapos lagi ko rin naririnig yung tawa niya sa likod ko after noon. Kainis lang.

 

Iyon din siguro yung reason kung bakit hindi kami magkasundo ni Ryujin nung grade 7. Naging close lang talaga kami nung grade 10 na.

 

"Atsaka alam mo ba, sinungitan pa ako noon kanina! nag-hi lang naman ako??" reklamo nito sa akin.

 

Mahina akong napatawa nang maalala ko na inis nga pala sa akin si ningning, "Hayaan mo nalang muna 'yon."

 

Hindi naman kasi talaga kami magkaaway, talagang imbyerna lang sa akin si Ningning kasi hindi ko siya pinatulog kagabi.

 

Paano ba naman kasi, buong gabi ata ako kinilig doon sa chat ni crush tapos syempre dahil andoon din si ningning, dinamay ko na rin siya kaya pareho kaming konti lang ang tulog.

 

Pero okay lang kung ilang hours lang akong nakatulog, masaya naman ako.

 

Pero si ningning, mukhang hindi siya masaya.

 

Sorry, ning. Minsan lang naman 'to, pagbigyan mo na 'ko.

 

"Ang weird nga eh," sabi pa niya kaya lumingon ako sa kanya, "Usually kasi ikaw yung palaging inis, nagkapalit ba kayo ng katawan?"

 

Hindi ko na nagawang sagutin si Ryujin nang mabaling yung atensyon ko sa harap nang marinig ko yung mahinang pagdaing ng ibang mga kaklase namin sa sinabi ni sir. 

 

Sakto namang nakita kong nakatingin sa direksyon ko or should I say sa direksyon namin ni Ryujin yung mata ni sir, "Let's start at the two girls at the back."

 

Hala, anong meron?

 

Napatingin ako kay Yujin na nakaupo lang sa harap namin, nakalingon 'to sa amin tapos pasimple niya pang tinakpan yung mukha niya para sabihin sa amin kung anong meron.

 

"Graded recitation!" walang boses na lumabas sa kanya pero nabasa ko yung pagbuka nung bibig niya.

 

Shems.

 

Dahil ba sa amin kaya biglang nagpa-graded recitation si sir?

 

Parang nadamay pa tuloy silang lahat. Kaya pala ang sama ng tingin ng iba sa amin.

 

Dahan-dahan pa kaming nagkatinginan ni Ryujin, muntikan pa akong matawa nung makita ko yung expression niya na parang sinasabi niyang "gagi tulong, wala akong alam!"

 

"Bahala ka jan," mahinang bulong ko sa kanya at ngumisi.

 

Daldal mo ha.

 

Buti nalang nag-advance study ako rito sa lesson namin kaya nasagutan ko yung tanong ni sir, naka-ilang follow up questions pa nga siya eh.

 

Kala mo sir ha, nag-aral ako no.

 

Nasagutan din naman ni Ryujin sa kanya. Alam ko namang kaya niya 'yon sagutan, medyo sumabit lang siya ng kaunti doon sa last na tanong ni sir pero okay na naman.

 

"Napasubok ako doon ah," rinig kong sabi ni Ryujin pagkatapos ng klase. Mahina nalang akong napatawa habang binabalik yung gamit ko sa bag. "Kainis, ba't ba siya naging teacher natin dito? Junior high school instructor siya dati ah, ba't biglang nalipat sa senior high?"

 

Nagkibit balikat lang ako at sinabit na yung bag ko sa balikat ko pagkatayo ko mula sa pagkakaupo, chineck ko rin muna yung phone ko kasi kanina ko pa nararamdamang nagvi-vibrate.

 

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): asan ka

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): deretso ka sa canteen

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): bilisan mo

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): kapag di ka nagreply in 5 seconds, di na kita bff

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): 5

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): 4

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): 1

 

Twinkle Yizhuo (Di ko kilala): bye #FriendshipOver #ByeBff 

 

 

Napaka ano talaga nitong bruhang 'to.

 

Paano ako magrereply, eh nagkaklase pa kami nung time na 'yon?

 

Napailing nalang ako, hindi ko na siya balak replyan. Papunta na rin naman ako doon.

 

"Hi, Winter." Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling yung boses, Si Lia. Tapos nasa likod niya rin nakatayo sila Lucas.

 

Nakangiti siya sa akin, yung tipong halos mawawala na yung mata niya. "Want to come with us? We're going to eat outside para maglunch,"

 

"Hi, my loves." bati ni Ryujin kay Lia dahilan na simangutan siya nito, "Ako, hindi mo ba ako i-imbitahin?"

 

"I told you stop calling me that!" inis na saad ni Lia habang nakakunot ang noo, "And aren't you the one na nakaisip na kumain tayo sa labas?"

 

Napag-usapan pala nila kagabi doon sa groupchat na kumain sa labas, hindi ko lang alam kasi hindi naman ako nagbabasa ng chats nila kagabi.

 

"Boss retniw sama ka na, hindi ka na nga nagsi-seen sa gc eh." napabaling naman yung tingin ko kay Lucas, "Grabe, nahiwalay lang kami ng section parang kinalimutan mo na agad kami."

 

Naparolyo naman yung mata ko sa kadramahan niya, nagsi-seen naman ako sa groupchat namin tapos nagcha-chat paminsan-minsan, nagkataon lang na busy ako kiligin kagabi kaya hindi ko naisipan na tignan yung chats nila.

 

Medyo nagi-guilty din naman ako lalo na't alam kong matatanggihan ko sila ngayon kasi nauna nang magchat sa akin si Ningning.

 

"Sorry, mukhang hindi ako makakasama ngayon. Kanina pa kasi ako chinachat ni ningning eh, siguro next time nalang?"

 

Ganto siguro problema ng mga maraming kaibigan, hindi mo alam kung saan ka sasama.

 

Dati si ningning lang naman yung palagi kong kasama eh, tapos dumagdag si ryujin.

 

Tapos nung nagsenior high ako, dumagdag yung mga kagrupo ko sa research nung grade 11.

 

Hindi ko talaga ini-expect na after nung research namin, magiging close kaming lahat.

 

Akala ko kasi after noon, hindi na rin kami mag-uusap.

 

"Sige, next time ka nalang sama. Basta libre mo ah," rinig kong sabi ni Yujin na nakapwesto sa tabi ni Ryujin.

 

"Wala akong pera, tigilan mo 'ko."

 

"It's on me next time," sabi naman ni Lia, "Basta sasama ka, okay?"

 

"Ang daya, pag-andyan si Winter libre?" rinig kong sabi ni Chaeryeong pero hindi ko na sila napagtuonan ng pansin nung magvibrate ulit yung phone ko. Paniguradong si Ningning ulit 'to.

 

At tama nga ako.

 

Naka-all caps pa siya ngayon sa chat niya.

 

Hindi ko maintindihan kung bakit atat na atat siyang papuntahin ako doon, akala ko ba inis 'yon sa akin?

 

Bati na ba kami?

 

"Guys, una na ako ah. Kanina pa talaga ako hinahanap ni Ningning," sabi ko at nagpaalam na sa kanila bago ako lumabas ng room. 

 

Syempre, hindi ako nagmadaling pumunta ng canteen. Normal na lakad lang ako kahit alam kong kanina pa ako hinahanap ni Ningning.

 

Atsaka malapit lang din naman yung building namin doon sa canteen kaya mabilis lang din akong nakarating doon.

 

Natanaw ko rin kaagad si Ningning, nakatalikod siya sa direksyon ko tapos nasa harap niyang nakaupo si Yeji. Since nakaharap sa direksyon ko si Yeji, siya yung unang nakakita sa akin.

 

At kahit malayo pa ako, kita ko na agad yung ngisi sa labi niya.

 

Kainis, trip talaga ako nito. 

 

Porket alam niyang naging crush ko siya dati?? 

 

"Hay salamat naman, dumating ka na rin!" sabi ni ningning nung makalapit ako sa kanila.

 

"Hi, cutie." bati ni Yeji tapos sinimangutan ko lang siya. 

 

I mean, alam ko namang cute ako pero huwag niya naman ipangalandakan sa lahat, baka pagkaguluhan ako.

 

Chos.

 

"Hindi pa kayo nabili ng pagkain niyo?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni ningning, napansin ko kasi na wala pa silang pagkain na binibili. Hinihintay ba nila ako?

 

"Mamaya kami bibili, may hinihintay pa tayo. Nag-cr lang sila." sagot naman ni Yeji, tumango lang ako at nilabas yung triangle kimbap mula sa bag ko na binili ko kaninang umaga doon sa convenience store sa tapat lang mismo ng school namin bago pumasok.

 

Tuna-mayo at kimchi tuna.

 

Kimchi tuna lang naman talaga yung balak kong bilhin kanina pero bigla kong naalala si crush nung nakita ko yung tuna mayo, after kasi nung encounter na 'yon parang tinotoo ko nang favorite ko yung tuna mayo.

 

Parang mas na-appreciate ko yung tuna mayo kaya ayon, napabili nalang din ako nun. Tapos bumili rin pala ako ng isa pa, bulgogi flavor naman. 

 

Just in case lang, baka kasi makulangan ako hehe.

 

May pinag-uusapan sila ningning at yeji about sa subject nila pero dahil wala naman akong alam don, hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 57 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1689 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
527 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na