Chapter 3

After All This Time
Please Subscribe to read the full chapter

“ Bakit sabay kayo ni Minjeong? ” Bulong ni Ryujin sa tabi ko, napahinto ako sa pag subo ng shanghai. Kanina pagdating namin ni Minjeong hindi na ako tinigilan ni Ryujin. Tanong siya nang tanong kung bakit sabay kami dumating ni Minjeong. Hindi rin siya subtle sa mga patingin tingin nya sa amin tuwing mag uusap or mag tatabi kami ng ex ko. Ginawa kaming libangan ng mga tao dito, kainis lang!

 

Porket ba may past kami ni Minjeong hindi na kami pwedeng umakto na parang mag kaibigan? Bakit ba ang big deal sa kanila?

 

Last wednesday, nang mag-offer ako na ihatid si Minjeong sa kanila narealize ko na there is no used if iiwasan ko siya,It is as if hindi pa ako nakaka move on sa nangyari sa amin 3 years ago If ganun ang gagawin ko, kaya after that night I decided to act normal around her, just be casual like what she’s doing. Kahit mahirap.

 

Tinignan ko nang masama si Ryujiin “ Pwede pakainin mo muna ako. Di pa kaya ako nag breakfast. ” napatingin naman siya sa hawak kong shanghai saka tumango, natawa pa siya.

 

“ Ay sorry naman hehe. Mamaya ha chika mo ” Pinagmasdan ko lang si Ryujin na umalis sa tabi ko, doon naman siya sa iba nang gugulo. Baliw pa rin hanggang ngayon, di na nagbago.

 

“ Are you okay? ” tanong ni Minjeong na nakatayo na pala sa harapan ko. Sinundan nya ng tingin kung saan ako nakatingin kanina then she chuckled.

 

“Let me guess she’s asking why we came together?” Tanong ni Minjeong. I just nodded. Napatingin ako sa dalawang soda na hawak nya.

 

Uhaw na uhaw na ba siya?

 

Di na nagbago hilig pa rin sa softdrinks.

 

She sat beside me “ Just ignore them” she said nonchalantly. Pinanood ko lang siyang buksan ang isang soda na hawak nya, nagulat ako ng inabot niya ito sa akin.

 

“ for you..”

 

Para sa akin pala.

 

“Uhm.. th-”

 

“Min, halika dito dali may papakita ako sayo!” Tawag ni Lia kay Minjeong. She smiled at me bago tumayo at puntahan si Lia.

Sinundan ko lang siya ng tingin, napapa titig na naman ako sa kanya. Bigla kong naalala what happened to us last wednesday.



 

This is too embarrassing. Gusto kong kotongan si Ryujin. Humanda talaga sa akin ang babae na yun pag nakita ko siya sa sunday.

 

“Seriously, you thought na…” Hindi na natapos ni Minjeong ang sinasabi niya dahil bigla ulit siyang tumawa ng malakas, napatakip pa siya ng bibig.

 

Kanina napansin ata ni Minjeong ang panay panay na pag hikab ko, kaya siguro bigla siyang naging madaldal ,she started talking to me. Nagtatanong lang naman sya about random stuff tapos sasagot lang ako, ganun lang kami. Suddenly I forgot na we are stuck dito sa traffic for almost an hour na.

 

“Hey. Stop laughing, masyado ka na nag eenjoy haha” awat ko kay minjeong na hanggang ngayon tumatawa pa rin sa tabi ko.

 

Hayop naman kasi tong si Ryujin, when she invited me sa binyag ng “anak nya” I really thought binyag ng bata pero it turns out na ang anak niya pala ay ang newly adopted niyang pusa. Nang gigil talaga ako sa mga trip ni Ryujin sa buhay. Eto tuloy ang sitwasyon ko ngayon pinag tatawanan ako ng ex girlfriend ko for thinking na may anak talaga si Ryujin.

 

“I’m so-sorry..Ikaw kasi” Bumaling uli si Minjeong sa side ko, she’s still wearing that smile.

 

“ I’m surprised na you didn’t know about Ryujin’s obsession with her cats. She always posts them sa ig account nya .”

 

Nag signal ako na liliko na ako, I smoothly went to the other side papunta sa lugar nila Minjeong. Malapit na kami sa kanila.

 

Bakit parang ang bilis ng oras? Ang weird din na parang biglang nawala ang mga sasakyan sa daan.

 

“Uhm.. I don’t have any social media accounts . I deactivated them a long time ago..so ayun sorry naman for not knowing haha” I said, looking at her when we stopped for a while dahil may tumawid na ale. She just nodded.

 

Natahimik na uli kaming dalawa.

 

Silence. Dahil ba sa sinabi ko? kaya she stopped talking?

 

Bibig ko talaga minsan. I didn't mean to .

 

“ Malapit na ba tayo?” I asked her. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa steering wheel ano bang klaseng tanong yan, Jimin!.

 

Wala masyadong pinagbago sa area nila Minjeong. Yung Angel’s burger na malapit sa kanila ganun pa rin medyo lumuma nga lang ang itsura. Yung 7/11 convenience store sa tapat nito andun pa rin, pero may mga tables and benches na sila sa labas, wala kasi nito dati.

 

Nilingon ko si Minjeong, to check on her dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. I got surprised when I saw her already staring at me, parang ang lalim ng iniisip niya.

 

“ okay ka lang?” Tanong ko .

 

“Yeah.. may naalala lang ako.. sorry… hmm malapit na tayo just turn left diyan sa unang kanto.” Sagot ni Minjeong, she’s playing with the seat belt.

 

Nasa harap na uli ang tingin nya. I did the same.

 

I can’t help it but blame myself for making things awkward between us.

 

Hayy.

 

It didn’t take us long, nakarating din kami agad sa tapat ng bahay ni Minjeong. Lumabas agad ako ng sasakyan and open the door for her. She look really surprised with what I did, kahit ako..

 

“Thank you again for dropping me off ..” she shyly whispered.

 

“Wala yun..”

 

I put my hands inside my side pockets, waiting for her na maglakad na papasok sa kanila. She didn’t move.

 

Nakatayo lang kaming dalawa sa tapat ng bahay nila. Suddenly, I felt nostalgic. I remembered the time when we first dated.

 

Erase .

 

Erase .

 

Kung ano ano na lang ang naiisip ko . Siguro dala lang to ng nostalgia dahil sa pamilyar na mga lugar na nadaan namin papunta dito.

 

I steeled myself na tignan siya sa mukha. Wrong move . She looks ethereal right now, siguro dala ng ilaw mula sa poste na tumatama sa mukha nya.

 

Bigla ko na naman narinig yung boses ni Aeri “ mahal mo pa ba?”

 

“ Pasok ka na.” Natatawa kong sabi sa kanya , trying to lighten the mood before she go.

 

“Yeah .. uhm Ingat sa pag drive. Thank you uli” nahihiya niya uli na sabi sa akin. She’s not even looking at me. I really need to stop staring at her.

 

Tumalikod na siya sa akin.

 

I just watched her walk away from me.

 

Sa bawat hakbang niya palayo sa akin , I can feel my heart beating loudly. I suddenly had the flashback of her walking away from me that day, And without thinking I called her name.

 

“Minjeong”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justsomeanimelover
short update muna :D ! stream girls !!
No comments yet