Marka

Indelible
Please Subscribe to read the full chapter

"Joohyun!", tawag ni mama sakin.

 

"Po?", sagot ko na nasa kwarto ko, nag-aayos dahil lalabas kami ni Seulgi ngayon.

 

"Si Seulgi nasa labas na. Alis na raw kayo", malakas na sabi ulit ni mama para marinig ko sa taas, hindi na ko sumagot at dinalian ko na lang ang paglabas sa kwarto ko.

 

"Alis na kami, ma", paalam ko kay mama na agad naman akong kiniss sa pisngi.

 

"Mag-ingat kayo. Kiss mo na lang din ako kay Seulgi", pang-aasar ni mama.

 

"Ma naman!", asar kong sabi bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Alam kasi niya na crush ko siya.

 

"Kanina ka pa?", tanong ko sa kanya nung makarating ako sa kinatatayuan niya.

 

"Teh. Ang init init. Ba't ang tagal mo magbihis", pag-iinarte niya.

 

"Luh. Akala mo naman mabilis tong magbihis", irap ko sa kanya at napatawa naman siya.

 

"Joke lang teh. Tara na?", aya niya at tumango naman ako.

 

Nakasakay kami ngayon sa bike niya papunta sa perya dahil pista ngayon sa bayan namin. Mahilig kasi kami ni Seulgi sa rides at mga games ng pista. Lagi na kami dito simula pagkabata, magkakilala na kami. Kalaro ko na siya mula four years old kami nung lumipat sila galing probinsya.

 

Umiiyak kasi siya nun nung madaanan namin siya nina papa papuntang perya. Tinanong ko bat siya umiiyak sabi niya wala raw siya kalaro dito hindi tulad sa dating bahay nila na maraming bata at mga ate niya doon. Kaya siguro nagsimulang ate rin ang tawag niya sakin dahil hinahanap hanap niya ang mga ate niya doon non at nag volunteer ako na pwede naman niya kong tawaging ate kahit magkaage lang kami kasi why not? Biglang gusto ko na lang gawin ang lahat para sa kanya the first time na nakita ko siya.

 

Simula nun kapag nagpupunta na kami ng perya kasama parents ko. Sinasama na namin si Seulgi hanggang ngayon na kaya na naming magpunta na kami lang dalawa.

 

"Teh", tawag niya sakin.

 

"Bakit?", tanong ko.

 

"Yung ice cream nasa kamay mo na ano ba kasi iniisip mo. Kanina pa kita tinatawag di ka nasagot", sabi niya na napapailing dahil ang lala na pala ng tunaw na ice sa kamay ko.

 

"Naisip ko kasi. Paano na tayo kapag nag high school na. Baka makalimutan mo na ako", biglang sabi ko at napatigil siya sa pagpupunas ng kamay ko.

 

"Hala. Ano naman yang sinasabi mo teh. Walang ganyan na mangyayari", bigkas niya bago punasan yung natitirang dumi sa kamay ko.

 

"Seul. Alam mo naman na gusto kita diba? Bata pa tayo ngayon. Pero alam mo naman na gusto kita", nahihiyang sabi ko.

 

"Oo teh. Alam ko. At gusto rin kita pero alam naman natin na maaga pa para diyan. Tsaka naandito lang naman ako kahit magkaiba na tayo ng school after ng grade school eh", kasiguraduhan ang naramdaman ko sa bawat bigkas niya ng mga salita.

 

"Palagi?", napakagat ako sa labi ko nung masabi ko ang salitang ito.

 

"Hindi. Pero sa bawat sandali", kurot niya sa pisngi ko bago bitawan ang ngiti niyang hindi na makita ang kanyang mga mata.

 

 

"Joohyun!", malakas na pagtawag sakin na biglang napabangon ako.

 

"Joo!", tawag ulit sakin ni Jennie.

 

"Oh. Why? Late na ba tayo sa school?", biglaang tanong ko. Wala pa kasi ako sa wisyo.

 

"Hindi. Sabado ngayon. Pero kasi umiiyak ka na naman habang tulog", sabi niya at napahawak ako sa mukha ko. Oo nga. Basa na naman ulit ng luha ang aking mga mata.

 

"Uhm", napakagat ako sa labi ko. Naalala na naman kita, Seul.

 

"Napanaginipan mo na naman siya?", tanong nito at tumango lang ako 

 

"Akala ko ba okay na kayo nun? Diba nga lagi kayong magkasama non kahit iba na school niyong dalawa? Naandiyan lang siya---"

 

"Sa bawat sandali", pagtutuloy ko sa sinasabi ni Jennie.

 

"Wala ka pa balita?", tanong ulit niya at napakagat ulit ako sa labi ko. Dahilan para yakapin ako ni Jennie dahil alam niyang masakit. Seulgi, ang sakit eh. Di ko na naman napigilan maiyak sa bisig nito at nakalimutan ko na kung pang-ilan na iyak ko na to simula nung hindi ka magparamdam.

 

"Ano sabi ng mga kaibigan niya?", tanong ulit ni Jennie nung medyo tumahan na ako sa pag-iyak.

 

"Di raw nila alam eh", walang gana na sagot ko.

 

"Kailan nga ulit nung huli kayo nagkita?", tanong niya at napaayos na siya ng upo sa kama ko.

 

"Nung third year pa tayo", naiiyak na sabi ko.

 

"Hala. Mga six months na rin yun ha. Di ba araw-araw naman kayo nagkikita non matapos niyo maggraduate ng grade school?", pati si Jennie hindi makapaniwala sa tagal ng pagghost mo sakin, Seul.

 

"Kaya nga. Tsaka alam mo ba. Everytime na napapanaginipan ko siya. Parang nagkwekwento lang ako tas nakikita ko yung kami noon. Hindi mismong ako yung gumagalaw kundi nakikita ko lang yung mga sarili namin ganon", kasi laging ganun talaga ang nasa panaginip ko. Ang weird pero ayokong matigil na mapanaginipan siya. Yun na lang yung chance na nakikita ko siya.

 

 

-----

 

 

Naandito ulit ako sa bahay ng bestfriend niya. Hinihintay siyang makauwi. Sabi ko kasi update ako kapag may balita na siya kay Seulgi. Kaso nakakalimutan yata kasi busy din siya sa school nila. After kasi nung magtransfer na raw si Seulgi, out of reach na niya raw siya kasi baka sa school na nilipatan niya busy din siya.

 

Ang malala ni hindi ko alam saan siya school na lumipat or kahit man lang saang bahay sila nakatira wala ako idea. It feels like i'm totally blocked sa buhay niya. Iniiwasan ko rin na isipin na baka may nakilala na siyang iba. Pero kasi nung last na nagkita kami she assured me na ako lang and I trust in her words. Kapag kasi nagbitaw siya ng salita alam kong papanindigan niya.

 

"Wendy!", nabalik ako sa wisyo nung makita ko si Wendy na bumaba ng taxi at papalapit sa pinto ng bahay nila.

 

"Ate Joohyun", ramdam ko yung pagod sa boses niya at may halong lungkot.

 

"Okay ka lang?", tanong ko at tumango naman siya.

 

"Si Seulgi?", tanong niya at napakagat ako ng labi. Alam agad niya.

 

"Sorry ate. Wala pa ako balita sa kanya. Ni hindi ko rin siya mahagilap. Tsaka sobrang busy din sa school dahil papalapit na ang graduation", oo nga. Gagraduate na kami. Which is understandable naman kasi ganun din kami kabusy sa school. Sana lang before graduation magparamdam na ikaw ulit, Seul.

 

"Promise babalitaan mo ko?", tinignan ko siya na puno ng pag-asa. Wala na rin kasi ako ibang matatakbuhan. Si Wendy na lang ang alam kong may kakahayan na macontact ko siya.

 

Sinubukan ko rin na  alamin ang number na gamit niya pero kapag tinatawagan ko na nagiging unattended na siya. Sinubukan ko rin sa social media niya kaso deactivated naman account niya. Kaya nakakawalang pag-asa na talaga. Kaso nga lang mas matimbang yung tiwala ko na babalik siya eh. Alam kong pag may pagkakataon babalik si Seulgi sakin. Ganyan kalaki ang tiwala ko sa kanya.

 

 

-----

 

 

"Joo!"

 

"Seul!"

 

"Kanina ka pa?"

 

"Medyo lang"

 

"Sorry Joo. Traffic kasi eh. Alam mo naman dalawang sakayan pa bago ako makarating dito tapos nasakto pa na yung jeep kanina puno na kaya kailangan ko ulit hintayin yung sumunod na jeep para mapuno. Tapos---"

 

"I miss you", mahigpit na yakap ko sa kanya para matigil na siya kakaexplain. Ang mahalaga kasi naandito na siya.

 

"I miss you too", mahigpit niya rin akong niyakap. "Hey, umiiyak ka ba?", tanong niya nung marinig niya ang pagsinghot ko.

 

"I miss you, Seul. I miss you"

 

"Naandito lang naman ako. Sa bawat sandali. Dahil sa bawat sandali na tumitibok ang puso mo. Kahayagan na naandiyan lang ako kasi ako yung tinitibok nito", haplos niya sa likod ko at mas lalo akong sumuko sa bisig niya. Namiss ko siya.

 

"Balang araw tayo?"

 

"Balang araw tayo. Tahan na, Joo"

 

 

"Joohyun Bae!", ramdam ko ang mahigpit na kamay na nakahawak sa pisngi ko at pasigaw na pagtawag sa pangalan ko.

 

"Tangina naman, Joohyun", kita ko yung takot ni Jennie ngayon.

 

"Bakit? Anong nangyari?"

 

"Anong anong nangyari. Joo, hingal na hingal ka habang natutulog tapos ang tindi ng pag-iyak mo. Yun yung nadatnan ko galing sa school. Akala ko ano na mangyayari sayo kapag hindi ka nagising. Tapos sinasabi mo ang "I miss you" sa bawat paghikbi mo", pageexplain nito na bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya.

 

"Hindi ko na alam Jennie. Noon kase kaya ko pa. Hanggang days turned to weeks turned to months na wala siyang paramdam", maluha luha ko na naman na sabi.

 

Naalala ko tuloy yung nangyari sa bahay nina Wendy nung nagpunta ako kahapon.

 

"Wendy. Please. Sabihin mo naman oh kung may iba na siya. Hindi ako magagalit. Promise"

 

"Joohyun, hindi ko talaga alam. Wala akong balita pa sa kanya"

 

"Wendy naman eh. wag niyo naman ako pagmukhaing tanga. Ramdam ko kasi na tinatago niyo siya sakin. Or worst tinataguan niya ko. May nahanap na ba siya na mas better sakin?"

 

"Joo, hindi ko talaga alam"

 

"Tangina naman eh. Hindi naman mahirap na sabihin kung may iba na o ayaw na niya"

 

"Sorry Joohyun. Hindi ko talaga alam. Sorry"

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 1: 🤧🤧🤧