End

Traitor

 

"Ipaglalaban kita. Handa akong lumaban para sa 'tin."

 

"Seulgi, susugal pa ba tayo sa laban na alam nating sa huli, tayo yung dehado?"

 

"Don't conclude the outcome yet, hyun. Hindi natin hawak ang hinaharap."

 

"I'm saying the possible consequences if we follow what our heart desires, Seul. Marami tayong mababangga, maraming balakid sa relasyon natin, maraming hindi tanggap yung pag-ibig natin para sa isa't-isa. I-i don't want them to look at us that way, Seul..."

 

"Bakit ba lagi kang nagbabase sa sasabihin ng ibang tao? Hindi naman sila yung karelasyon mo, Joohyun. Just... P-please just focus on me, Honey. We'll get through this. Trust me in this, okay?"

 

"Seulgi, your own family doesn't want our relationship. Paano natin malalabanan to kung sariling kadugo mo, hindi tanggap yung meron tayo?"

 

"Joohyun, I love you hun, okay? Let me handle this. Trust me on this, okay?"

 

"I love you too, honey."

 

---

 

"Flowers for you, hon?" Bungad ko sa napakagandang girlfriend ko na ngayon ay kakagising pa lang. "Breakfast in bed?"

 

"Seeeul~" pag-uunat nya saka namumungay ang mga matang tumitig sa akin. "Red rose slash breakfast in bed. Seriously, what's gotten into you? May nagawa ka bang kasalanan?" Pag-aakusa nya sa akin.

 

Tinungkod ko ang mga siko sa harapan nya saka ko nilagay ang mukha ko sa palad ko. "I just want my girlfriend to feel special because I am her girlfriend and she's having a blast in our relationship."

 

"You know what, you're so cute, honey." She went closer to me and pulled me closer to her. Pareho na kaming nakahiga sa maliit nyang kama. She hugged me tigtly and I hugged her back as tight. "Gosh, I love you so much Seulgi."

 

Natawa ako dahil sa pagiging clingy nya. "I said breakfast in bed, not cuddles. You're a baby, Bae."

 

"I'm your baby, of course."

 

"Tsa." 

 

Mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin at ginawaran ko sya ng mahabang halik sa kaniyang noo. "I love you so much, Bae Joohyun."

 

"I love you more, Kang Seulgi."

 

---

 

"Are you still dating that girl, Seulgi? Didn't I tell you to leave her already? Gosh! Your Dad didn't raise you to be a dyke!" Nandidiring paninimula ni Mama pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Kakagaling ko lang sa apartment ni Joohyun, gosh, I wish I stayed the night in her place.

 

Dire-diretso akong tumungo sa kwarto ko at hindi pinansin ang nanay ko.

 

"Seulgi, I'm talking to you. Huwag kang bastos kapag kinakausap kita. Ganiyan ka ba pinalaki ng tatay mo?" Pahiyaw niyang habol sa akin.

 

I didn't listen to her. I hate it when she would bring up Tatay's name whenever we're having this argument. Si Tatay ang nagpalaki sa akin kasi hiwalay sila ni Mama. Tatay accepted me for who I am at ang magaling kong nanay na iniwan ako mula pagkabata ay hindi matanggap kung ano ako. Lagi siyang umaakto na sya yung laging nasa tabi ko noon pero iniwan niya naman kami. Kung puwede nga lang na umalis ako sa puder niya, ginawa ko na. Pero nangako ako kay Tatay na mags-stay ako sa pamamahay nya hangga't sa makatapos ako, bago mamatay si Tatay.

 

"Seulgi I'm talking to you. Kailan mo ba lalayuan yung babaeng yun? Bakit ba lagi kang nakadikit don?" Medyo kumakalma nang tanong ni mama. Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya hinarap.

 

"Ma, please lang. Lubayan mo na kami ni Joohyun."

 

"Seulgi, I'm telling you. I have the connections to destroy that girl." Don na nag-init ang ulo ko.

 

"Ma, can you please stop acting like my relationship with Joohyun is killing you? Please lang. Bakit ba gustong gusto mo na maghiwalay kami? Nung iniwan mo ba kami ni Papa tapos bumalik ka sa 'min, pinagtabuyan at pinandirihan ba kita? Di naman Ma ah. Tinanggap naman kita ah? Kaya ma, please lang. I'm begging you. Pwede bang tanggapin mo kami ni Joohyun as a compensation nang pag-iwan mo sa amin noon?" Naiinis na buwelta ko na kinatahimik naman ni Mama kaya pumasok na ako sa kwarto ko.

 

---

 

"Let's go on a date?" We're settled on her apartment's couch when she looked at me with a sweet smile on her face. Inakbayan ko sya at inilapit sa akin kasi sobrang cute niya habang matamis ang ngiting nakatingin sa akin.

 

"Plano mo ba akong patayin sa mga ngiti mong yan?" Pagbibiro ko saka kinurot ang ilong nya na kinadaing nya naman. "Aray seul!" Pagmamaktol nya saka kinurot ako sa tagiliran na kinatawa ko.

 

"Sorry na. Hindi ko maiwasang manggigil sayo eh. Sobrang cute mo kasi, hun." I said to her saka ko sya patagilid na niyakap.

 

"Back to your question, why ask me on a date now, Miss Bae? It's freaking midnight you know?" Pambabara ko sa kaniya. Napaka-unusual kasi ng timing neto ni Joohyun. Pasalamat sya mahal ko sya.

 

"Gusto ko lang magpa-pagod ngayong gabi kaya gusto kong lumabas." Ngumisi ako.

 

"Kung ganyan naman pala gusto mo, tara na lang sa kwarto mo." Pang-aasar ko sa kaniya kaya nakatanggap na naman ako ng kurot sa tagiliran.

 

"Napaka-harot mo talag Seulgi."

 

"I'm just kidding Joohyun." Tumayo ako at saka ko nilahad ang kamay sa kaniya. Nakangiti niya naman itong tinanggap.

 

"Any date ideas? Saan mo gustong kumain?"

 

"Busog pa ako eh."

 

"Ano? Eh akala ko gusto mo magdate?"

 

"Kainan lang ba ang ginagawa kapag nagdedate huh?" Medyo nagreen naman ako sa sinabi ng babaeng to.

 

"Eh anong gusto mong gawin?" Tanong ko pagkababa namin sa apartment nya. 

 

"Midnight walk!" She exclaimed while bringing our intertwined hands in the air. Napatawa naman ako sa pagiging childish niya. This is one of her personalities that I love the most. Seryoso pagdating sa iba pero pagdating sa akin, lumalabas yung pagiging isip-bata nya.

 

"Around the compound lang ba?" Tanong ko.

 

"Kahit saan tayo dalhin ng mga paa natin."

 

"Makata yarn, hyun?"

 

"Siraulo!"

 

"Nasisiraan na ako ng ulo dahil sayo." Biro ko na kinatawa nya na naman. Tumitig ako sa side profile nya habang naglalakad pa rin kami na magkahawak ang kamay. "You're glowing, honey. You're so beautiful." I said.

 

"Aish, Seulgi. Lagi mo na lang akong pinapaulanan ng compliments."

 

"You deserve it, okay? You're a very beautiful person, Joohyun. Inside and out."

 

"That's why I love you Seul! You're the standard."

 

"Of course, Si Kang Seulgi kaya tong girlfriend mo."

 

"Oh shut up, stop boasting that powerful name of yours."

 

"My name can be more powerful when you moan it, Honey." Another biro, another kurot.

 

"Aray! Ang sakit non ah!" Reklamo ko.

 

"Ikaw kasi, napakaharot mo."

 

"Slight lang eh." Natatawang sabi ko habang hinihimas ang kinurot nya gamit ang magkahawak naming kamay.

 

"Ang tigas ah." She said na kinangisi ko.

 

"Wanna touch more underneath that cloth?" 

 

"Isang harot pa Seulgi, babalatan na kita ng buhay." Pagtataray nya na kinatahimik ko na lang. Kala ko pa mandin magiging sweet sya sa akin the whole day. Hmp.

 

"Remember when we first met?" Bulong na tanong nya sa akin.

 

"You said light my cigarette." Pamimilosopo ko na ang ibig sabihin ay pagtutuloy sa lyrics nang kantang, strawberries and cigarettes.

 

"Huh?" She asked me confusedly. Kitang kita ko rin ang pagkunot ng noo nya na dahilan kung bakit pigil-tawa ako ngayon kasi ayaw ko nang makatikim pa ng kurot nya.

 

"Nevermind." Sagot ko na medyo natatawa.

 

"Dinodogshow mo na naman ako no?"

 

"Hoy hindi ah! Kaya kitang idogstyle pero ang dogshowin kay ay di ko magawa." Malakas na tawa ko na kinatigil nya sa paglalakad.

 

"Alam mo, lagi mo akong inaasar." Masungit na komprunta nya sa akin na kinangiwi ko. Hinarap ko sya nang maramdamn kong humarap sya sa akin. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at pinasadahan nang tingin ang napakaganda nyang mukha. "Cute mo kasi kapag naaasar."

 

"Tse! Cute mo mukha mo. Puro ka biro pero di mo naman kayang idaan sa action." Naiiling na sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. Hoy, so ibig sabihin???

 

Dali dali syang lumakad paalis sa akin kaya patakbo ko syang sinundan. "Honeyyy~" malambing kong tawag sa kaniya saka ko sya inakbayan. 

 

"Saka na yon kapag kasal na tayo." Mahinang bulong ko na kinatawa nya. Bipolar ba tong girlfriend ko?

 

"Love you so much, Hon!" Sagot nya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi at nagpatuloy na kami sa paglalakad na puno ng asaran at kuwentuhan.

 

---

"Imbitahan mo yung girlfriend mo na pumunta dito for dinner. Tomorrow at 7:30 PM, Seul. Don't be late." My mother firmly said na kinalaki ng paningin ko.

 

"M-ma..."

 

"Don't be too fluttered Kang Seulgi. Pero I want to ask you this question anak. Does she make you happy?"

 

"Ma..." Medyo naluluha nang usal ko. Finally! Is this a sign that she's finally accepting me? Us? 

 

"She makes me feel beyond happiness Ma. She never failed to fulfill the emptiness inside me. She's my everything."

 

"Dapat na ba akong magselos?" Medyo naluluha nang tanong sa akin ni Mama.

 

"Thank you so much! Thank you so much, Ma!" I attacked her with a warm hug. After more than 10 years, I felt the warmth of my mother again.

 

"As long as you're happy, anak."

 

---

 

Hindi ako mapakali at para akong kiti-kiti sa kama ko kanina dahil sa magandang balitang natanggap ko mula kay Mama. Ito na yun eh. Ito na yung hinhintay namin ni Joohyun, ang basbas ng aking nanay. Mawawala na yung overthinking niya tungkol sa amin, magiging masaya na kami at malayang ipahayag ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Sasabog na yata ang puso ko sa kilig.

 

Hindi ako makatulog kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harapan ng apartment ni Joohyun para ipahayag sa kaniya ang magandang balita. Hindi na ako nag-abalang itext sya para surprise yung entrance ko. Hehe! Shet, kinikilig talaga ako malala.

 

Kumatok ako sa pintuang nasa harapan ko. Matagal ko itong kinatok. Shems, baka nananaginip na yung honey ko sa mga oras na to? Nakaistorbo pa yata ako.

 

"Who the is knocking on my door at this time?" Narinig ko ang mataray na boses ni Joohyun.

 

"Love, don't mind that. Keep on doing what you're doing." Natigilan ako nang makarinig ako ng isang hindi pamilyar na boses. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang mag-sink in sa akin ang ibig sabihin ng sinabi na yon ng may ari ng tinig. What the heck?

 

"Whoever that er, she/he's disturbing our time, love." Malambing na boses ni Joohyun ang aking narinig. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko na dahil sa kilig ay napalitan na ng takot at pangamba. Please lang, sana nagkakamali ako ng mga naririnig. Nagma-malfunction yata yung tainga ko dahil sa sobrang saya. Tama.

 

Muli kong kinatok ang pintuan. "!" Rinig kong daing ng isang napakapamilyar na boses, at kilalang kilala ko kung sino ang may ari non.

 

"Just open the door, Love. Nandoon yung damit mo, napunta yata don." A manly voice told her. , please. Tell me it's not what I'm thinking. Joohyun... Hon? Hindi mo naman yata kayang gawin sa akin yon diba?

 

Sunod-sunod na katok ang ginawa ko kasi hindi na ako mapakali at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Gusto kong lumayo sa harapan ng kwartong ito pero gusto ko ring malaman kung tama ba o mali ang hinala ko. Kahit na alam kong,

 

"Seulgi!"

 

Tama nga yung nasa isip ko.

 

I broke down when I saw Joohyun's face looking at me, shivering in fear. Swollen lips, love marks. I know what hickeys are and what's on her neck is a proof that somebody did it on her.

 

Kinuyom ko ang kamao ko at tinignan sya, patuloy pa rin ang pagbuhos ng luhang kanina ko pa pinipigilan. "H-honey.. S-si Mama..." , bakit putol-putol yung mga salitang gusto kong kumawala sa bibig ko? "S-She's inviting you on a dinner w-with us. T-tomorrow. 7:30 PM." Nahihirapang pagpapatuloy ko na nanginginig na. Iwas na iwas ang tingin ko sa kaniya. Kahit na nahuli ko siya sa akto, hindi ko alam kung anong action ang dapat kong gawin. Sasabunutan ko ba sya? Sasampalin? Susumbatan? Hindi ko kayang gawin sa kaniya yun. Hindi ko kayang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Kahit na sya ang dahilan kung bakit nasasaktan ako sa mga oras na to. Tangina.

 

"Love, matagal ka pa ba dyan?" A manly voice entered the scene. Joohyun looked nervous, flustered. "B-bogum. W-wait for me there, Love." And I just wanna die on the spot when she apologetically smiled at me and shut the door infront of me.

 

"Who's that Love?"

 

"No one. Let's just sleep. I'm tired."

 

"Aww. It's fine. Cuddles?"

 

"Sure."

 

"Happy 3rd anniversary, Love." 

 

Putangina.

 

Ito na ba yung tinutukoy mong laban na sa huli alam kong 'ako' yung dehado?

 

Para akong tangang nakatayo sa tapat ng pintuan mo, hindi alam ang gagawin. Napapaupo ako habang umiiyak.

 

Akala ko magiging masaya na tayo, pero niloloko mo lang pala ako.

 

-End-

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Seul__
Oo palaaaa. Promote ko lang seulrene au nung friend ko. Hehe. @Lucidenn yung name sa twttr. Sana basahin nyo.
No comments yet