Winter + The Legend of Tissue

Your Song, Our Song
Please Subscribe to read the full chapter

Monday (Minjeong's POV)

Quick flashback lang sa mga nangyari noong sunday, halfday lang ang training namin kahapon kaya same routine lang, mag j-jog tas aral ng mga dribbling ng bola, warm up siyempre tas play tapos cooldown tas uwi. para akong bibe na naglalaro ng soccer sa field kagabi, sabi kasi ni ate seul "wag mong alagaan yang sakit ng binti mo" edi ayan! Ginalaw ko nang ginalaw kahapon.

 

 

 

 

Pumasok ako ng maaga ngayon kasi sa sobrang pagod ko sa training nakalimutan kong gawin yung assignment namin sa history.

 

 

 

Unknown Number: Good Afternoon Minjeong Kim, Meron tayong meeting with other journalists sa library 4pm.

 

Me: Good Afternoon din po, may i know who's this?

 

Unknown Number: this is Seeun Yoon po from 9 Tech Draft, Newswriter po ako and pinapasabi po 'yan ng president natin.

 

Me: noted. May excuse letter po?

 

Seeun daw: meron po, idadaan ko na lang po later sa room niyo.

 

 

Hindi ko na nareplyan yung seeun kasi dumating yung prof namin sa math, hindi ko alam pero baka bitawan ko din ang pagiging member ng school choir itong prof namin turo ng turo wala naman nakikinig—

 

"Mukhang malalim ang iniisip ni Ms.Kim ah, Tama ba ikaw si Ms. Kim?" gulat ako kasi nasa harapan ko na si sir

"A-ah opo bakit po?" Eka bakit ganon yung tanong ko shet malamang kasi hindi ka nakikinig Ms. Kim

"Hindi ka kasi nakikinig sa akin Ms. Kim, mukhang may malayong nilalakbay ang iyong utak"

 

 

bakit ganyan yung tagalog mo sir? mas no-nosebleedin ako sa deep tagalog kesa sa ingles

 

 

"m-may problema po kasi ako sir" sabiko sabay pekeng iyak ay tamang singhot

"Ang problema ay hindi sinasarili Ms. Kim 54 tayong narito sa silid pwede mong ibahagi yan"

"Sir bakit po kasi ang square ay equals sa circle" nakita ko siyang takang taka

 

sir distrraction lang po ito para hindi kayo makapag quiz huhu

 

"ganto po kasi yan sir, diba 90° tapos tatlong 90° pa" seryosong sabi ko habang dinidrawing yung apat na right angle, kita ko naman si sir na interesado sa sinasabi ko

 

"Tapos sir kapag pinag dikit niyo yang apat na right angle magiging square" explain ko ulit 

"And? Your point is?"

"My point is 90×4 is equals to 360, tapos ang circle po ay 360 diba? Kaya square ay equals sa circle"

"No that's not how math works Ms. Kim"

 

Ingles ingles ka ngayon sir gagalet ka na ba?

 

"pero tama naman ho ako ah" panlalaban ko pa at pinipigilan tumawa

 

"Ayokong makipag talo sayo, tanghalinh tapat pinapasakit mo ulo ko Ms. Kim"

 

Edi alam niyo na ho ang pakiramdam pag first subject ang math huh?!?!

 

 

"Taena erp pano naging circle yung square?" tanong sakin ni ryu habang sumusubo ng chowfan

"mahirap i explain sa bobo yun pre pano ba yan" pang aasar ko na kunwari ay nalungkot pa ako at sinipa naman ako ni ryu sa ilalim

"bahala na kayo jan una na ako, may meeting pa kami sa library" paalam ko

"Boss min penge 10!" sigaw ni hyunjin, hayop na 'to ang yaman yaman nambuburaot

 

 

 

Papunta na sana ako ng lib nang may tumawag sakin sa guard house

 

"Minjeong!"

 

si isa cutie pala kaso may boyfie

 

"ano meron ba't ka nandito?"

 

"pabigay naman 'to kay ate seul bawal kasi akong pumasok" sabi ni isa at napatingin ako sa guard at sumenyas si ate guard na walang id si isa

 

"sige ako na bahala" sabi ko at tumango

 

After naman niyang magpaalam ay may umakbay sa kaniyang lalaki tapos kiniss pa siya sa cheeks

 

yak pda

 

tas eto naman si kuya tumingin pa sa akin at nag smirk, pangit mo uy! para ka lang aso ni isa

punta na nga ako sa meeting baka kasuhan pa ako ng animal abuse pag pinatulan ko 'to

 

 

Habang papunta ako sa main building ay napatulala ako feeling ko may nakalimutan akong gawin, nagawa ko naman yung sa history namin, nakapag compose na din ako ng short jingle sa music. wala naman na siguro, baka kabag lang 'to

Napahinto lang ako sa paglalakad nang mag vibrate yung phone ko, baka si ryujin mangungulit at mag tatanong kung may chix sa journ

 

Seeun daw: Hi minjeong, otw na ako sa room niyo, mag prepare ka lang ng pad paper incase sa may kailangang i-notes sa club

Me: ha? bakit ka pupunta sa room?

Seeun daw: uh yung excuse letter?

 

Hala gagi oo nga pala potaena! edi aabsenan ako nung prof namin kapag wala yun— Takbo minjeong kaya mo 'yan!

 

May sumaway sakin na teacher kanina pero sige pa din ako sa pag takbo, sana wala pa yung prof namin, mejo kumpulan mga student sa may hagdanan mga nakatambay 

 

"excuse me po!" sigaw ko at tumakbo paakyat

 

hindi pa man ako nakakarating sa room ay rinig ko na agad ang ingay nila

 

"oh boss min bakit ka bumalik? tapos na meeting niyo?" tanong sakin ni ryujin at inagaw ko yung bote ng tubig sa kaniya

"wala akong excuse letter erp, dadaanan nga pala ako nung ka-member ko"sabi ko habang nag hahabol ng hininga

"dumaan lang saglit si sir eh nilagay yung bag tas nag pasama sa pres at vice sa faculty room" singit ni hyunjin

 

 

maya-maya pa ay may kumatok sa pinto namin at lahat ng mga kaklase namin ay napatahimik at napatingin lang kay ateng maputi

 

"si Minjeong Kim po?"

 

"Seeun?"

 

"yep, ito yung excuse letter abot mo na lang sa prof niyo"

 

"ning diba ikaw secretary?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya 

 

"paabot naman nito kay sir ha, alis na ako bye" sabi ko at nilagay yung letter sa table niya

 

--

Jimin's POV

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Wintojiman
#1
San ka na author, miss ka na namin 🥺
TakuyaKen
#2
Chapter 17: Ahaha siguro next event lahat na sila maging special guests
shajanie
#3
Chapter 17: Hala. nag shimijee Kay din. ... Ang cute nla tingnan sa screen..
jmjslrn #4
Chapter 16: mga bading🤧🤣🤣🤣
Jayeem
#5
tor pano alisin yung parang white na background sa mga words
yurielle
#6
Chapter 13: bahala ka jimin ayoko na sa'yo, ekis ka teh.
osumnevercease
#7
Chapter 12: iyaq na lang bhie wag na maghintay minjeong HAHAHAH
osumnevercease
#8
Chapter 11: awwts wag ka jan siz sa hindi sigurado sakit sa puso lang yan pag masyado pang invested sa ex, malaki rin chance na hindi ikaw piliin HAHAHAHA
osumnevercease
#9
Chapter 10: inang but yan
osumnevercease
#10
Chapter 9: umamin ka minjeonggg