Prologue

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

PROLOGUE.

 

"Gusto mo?" Inalok ako ni Minju ng cheese sticks na kasalukuyan niyang nilalapang ngayon habang nakatambay rito sa bakeshop na pinatayo at minamanage ko, umiling nalang ako dahil busy ako sa pagcheck ng mga ingredients kung kumpleto ba, lumalakad ako at tinitiyak na walang kulang na harina, o kung ano pa man. Hindi naman ako magbubukas ngayong araw for some reason kaya naman nandito lang kami sa loob habang may nakalagay na closed sign sa labas ng pintuan.

 

"Ang taray naman, stable ka na talaga, ha." Natatawang saad naman ni Chaewon sa tabi ng girlfriend niya, sinulyapan ko nalang silang dalawa habang napapailing. "Feeling ko binlock ako sa facebook nung ibang kamag anak natin."

 

Napatawa ako nang makita ang itsura niya, pati si Minju eh napabungisngis dahil naintindihan naman namin ang context kung bakit siya binlock sa facebook.

 

"Puro nagdudugong ngipin kasi shineshare mo, o 'di kaya naman mga bulok na ngipin, o yung may mga nana na, nakakawalang gana yun, kadiri, te." Umiiling na saad ko naman sa kaniya, dentist kasi siya, hindi ko alam dito — laman ng timeline niya eh puro mga ngipin, nakakadiri pa naman para sa mga madidirihin sa ganon. Kailangan talaga shineshare?

 

"Kung hindi nga lang kita mahal, baka inunfriend na rin kita." Natatawang sambit ni Minju, kasalukuyan pa rin siyang kumakain ng cheese sticks na kanina pa niya buhat buhat. Nakatambay lang sila rito dahil gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako magbubukas ngayong araw. May pupuntahan din kasi ako mamayang hapon. Business stuff.

 

Kakatapos lang ng grand opening nito last last week, so far okay naman dahil marami na ring nakakaalam nito, meron din kasi akong page sa facebook at marami na rin yung likes non. Nakakatulong din kasi yun para mapromote yung shop ko, makikita mo naman na effective dahil kahit hindi taga rito eh dinadayo 'tong shop ko dahil sa mga pinopost ko sa social media.

 

Maganda ang pagkakagawa ng buong shop, instagrammable nga raw at maaliwalas din kung titignan mo. Malinis ang glass wall, maganda ang interior design. Tanaw na tanaw rin ang counter kung saan ilalagay ang mga pastries. May mga couches din na kulay sky blue, yung mga mesa ay kulay puti, pati na rin yung sahig ay maganda rin ang design at kulay na bumagay naman sa kabuuang itsura ng shop. Malawak din ang buong lugar at binabalak ko nga rin magpatayo ng ibang branch kung sakali mang magiging successful talaga at may sapat na income na para i-expand ang business ko.

 

Gusto ko nga rin palagyan ng second floor dahil malaki rin ang napanalunan ko sa international competition na sinalihan ko nitong nakaraan. Maganda rin naman kasi ang benefits, isa pa, mas makikilala rin ako pati na ang shop ko kaya naman kapag may opportunity ay ginagrab ko talaga. Nananalo naman ako most of the time at syempre, grateful ako sa lahat ng blessings na nakukuha ko dahil simula palang naman 'to ng journey ko.

 

Sa ngayon, meron akong napatayo na bakeshop sa sarili ko, hindi naging madali — marami rin akong kailangang isaalang alang, marami rin akong tiniis at sinakripisyo. Grabe rin pagod ko para lang mapunta ako kung nasaan man ako ngayon.

 

Thankful din ako sa mga tao sa paligid ko, dahil hindi nila ako iniwan sa mga panahong lugmok na lugmok ako.

 

Kahit na sakit sila minsan sa ulo ko.

 

"Grabe ka naman, baby! Maging supportive ka naman sa akin!" Nakangusong pagmamaktol naman ni Chaewon, eto na naman po sila, lagi talagang nasasaktuhan na ako ang kasama nila tapos ganito yung scenario nilang dalawa.

 

"Supportive naman ako sa'yo, ah." Giit naman ni Minju, nakakunot pa ang noo. "Kaya nga friends pa rin tayo sa facebook!"

 

"Ganoon ba yun?!" Salubong ang kilay na tugon naman ni Chaewon, naka crossed arms na ito ngayon habang ako naman eh busy na ngayon sa laptop ko. Bakit nga ba sila ulit nandito? Ah, para manggulo.

 

"Oo, ganon!" Sigaw naman pabalik ni Minju, "Kung hindi ako supportive sa'yo edi sana inunfriend na kita dahil nandidiri rin ako sa mga shineshare mo!"

 

"Ay, ganon?! Kadiri ako?!" Gusto ko nalang mapasapo sa mukha ko habang naririnig ko ngayon ang usapan nila. Hindi ko alam kung away magjowa ba talaga 'tong ganito o abnormal lang silang dalawa kaya naman nakakatanga rin ang usapan nila.

 

Why am I here just to suffer?

 

"Hindi ikaw, yung shineshare mo kako!" Depensa naman agad ni Minju sa sarili niya, bakit ba ganito silang dalawa? Hindi ko na talaga sila maintindihan sa araw araw na kasama ko sila, mabuti nalang hindi pa ako nahahawa sa kanila — well, sa pagkakaalam ko.

 

"Hindi, pinapalabas mo na ako!" Iba rin talaga topak nitong pinsan ko, eh. Ang linaw linaw naman kausap ni Minju, siya lang nagpapagulo ng sitwasyon.

 

Hindi ko nalang sila pinansin at tinawagan nalang yung kapatid ko. Habang naghihintay ako na sumagot siya, nakatitig lang ako sa laptop ko, iniisip kung ano pa ba ang magandang idagdag sa menu. Marami na rin naman, iba't ibang uri ng matamis. Syempre, may mga drinks din panulak.

 

"Hello, ate?" Narinig ko ang boses ni Wonyoung sa kabilang linya, umayos naman ako ng upo at naririnig ko pa rin na nagtatalo yung dalawa sa harap ko pero hindi ko na sila inintindi.

 

"Wony, anong oras ka uuwi?" Tanong ko naman sa kaniya, tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong maaga pa pala. Actress slash model kasi siya kaya naman tinatanong ko kung anong oras siya uuwi dahil masyado siyang busy nitong nakaraang araw. Sanay naman na ako dahil bata palang siya eh kinukuha na talaga siya sa mga ganyan, gandang bata, eh. Confident pa.

 

"Ate, I don't know pa eh. Wait, I'll ask Gaeul." Si Gaeul yung kaibigan niya rin noon pa man na naging manager na niya ngayon, nakakatawa nga silang dalawa, eh. Pero ang mahalaga, comfortable naman si Wonyoung dahil kilala niya rin yung taong makakasama niya sa araw araw.

 

"Mga 8pm daw tapos na rin 'tong filming." Nawala siya ng ilang segundo pagkatapos eh ganyan ang sinabi niya pagbalik niya, napapatango naman ako dahil aayain ko siyang kumain sa labas kaya ko siya tinawagan. Gusto ko rin kasi siyang makausap dahil hindi ata sila okay ni Yujin nitong nakaraang araw. Gusto ko lang malaman niya na willing akong makinig sa kahit anong problema niya, at wala man akong solusyon sa lahat eh meron naman akong balikat at tenga na mai-ooffer.

 

"Hmm, okay. I'll pick you up nalang. Kain tayo after?" Tanong ko naman, sumandal ako habang hawak hawak ang phone ko na nasa kaliwang tenga ko.

 

"Sure, ate!" Excited na sabi naman niya kaya napangiti ako, kahit na matanda na rin siya, baby pa rin ang tingin ko sa kaniya. "Pero wag ka na pumunta rito, ate. Pupunta nalang ako sa shop mo."

 

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman? "Bakit, Wony? Ang hassle pa kung pupunta ka pa rito, susunduin na kita para dire diretso na tayo."

 

"Ate, huwag na, I can manage naman. Isa pa, gusto ko rin pumunta sa shop mo!" I pursed my lips after hearing that, kapatid ko siya at malamang, magkasama na kami bata palang kami kaya naman alam ko kung may bumabagabag ba sa kaniya o wala. At tiyak kong may tinatago siya sa akin ngayon base sa tono ng boses niya.

 

Pero nanahimik nalang ako at hindi na nagsalita, mamaya ko siya gigisahin tungkol dito pag nagkita na kami. Sa ngayon, hahayaan ko nalang kung anong gusto niya dahil hindi naman siya magpapatalo sa akin.

 

"Okay," Yun nalang ang sinagot ko, letting it slide. "Gusto mo lang kumuha ng pagkain dito, eh." I and let out a soft laugh.

 

"Well, kinda! Namiss ko mga bake mo, ate." Natatawang usal niya kaya naman napangiti nalang din ako.

 

"Sige na, mamaya nalang. Kamusta naman pala shooting niyo? Hindi ka ba pinapahirapan ni Direk Irene?" Tanong ko naman sa kaniya, hindi naman na siya bago sa acting industry pero protective pa rin ako sa kapatid ko kahit na alam kong sanay naman na siya at alam niya ang ginagawa niya.

 

"Hindi siya ang director ngayon, ate. Pero why are you asking me like that? Para namang ang sama ni direk sa akin!" A soft chuckle escaped from her lips. Mabait naman talaga yung direktor na yun, sobrang strikto nga lang niya, syempre gusto niya maging maayos yung mga ginagawa niya. Pero nag aalala lang din ako dahil baka mamaya sa sobrang perfectionist nung tao eh napapahirapan na rin niya yung kapatid ko. Parang baby pa naman 'tong si Wonyoung minsan, pag nasisigawan, umiiyak. Pero sabi niya nga sa akin, masasanay rin naman daw siya at kaya naman niya ang sarili niya kaya hinayaan ko nalang. Masaya naman siya sa ginagawa niya, eh.

 

"Wala akong sinasabing ganyan, ha. Naninigurado lang ako." Natatawang sabi ko naman, binalingan ko ng tingin yung dalawa sa harapan ko at nakita kong okay ba sila, naghaharutan na naman. Lalakas talaga ng topak. "Bakit nga pala hindi?"

 

"Hindi ko rin alam, eh. Pero pinalitan siya ngayon ng bagong director, ay wait ate, scene ko na!" Hindi pa siya natatapos sa sinasabi eh bigla siyang nagpanic dahil tinatawag na pala siya, hindi pa ako nakakasagot ay narinig ko nalang na binibilinan niya si Gaeul na ito nalang ang magpatay ng tawag, mukhang nagmamadali talaga siya.

 

"Hello, Gaeul?" Tanong ko naman nung magsalita si Gaeul sa kabilang linya.

 

"Hello, Win! Ano kamusta? Scene na ni Wonyoung, eh. Nagmamadali paano ayaw mapagalitan, hindi niya kasi kinakausap yung bagong director dito." Pagpapaliwanag naman niya, napataas nalang ang kilay ko. Bagong director ba talaga? Pwede pala yun? Ano kayang nangyari kay Ate Irene at bigla siyang pinalitan? Ichachat ko nga yun. Bakit biglang naipasa sa iba yung project niya?

 

"Bakit hindi kinakausap?" Nagtatakang tanong ko naman, hindi naman snobbera ang kapatid ko, sobrang ingay nga rin niya lalo na nung nag artista siya kaya naman lahat ng nakakatrabaho niya eh okay sa kaniya, dahil nagiging kaclose niya rin kaagad.

 

"Hindi ko rin alam." Tanging sagot naman nito. May mga naririnig akong ingay sa kabilang linya pero hindi naman na bago yun dahil ang daming tao ron, mga artista and staffs nandoon sila lahat.

 

"Independent film maker 'to, eh. Actually, kilala siyang director dahil maganda at bata pa. Marami ring kumukuha sa kaniya kaya naman nagulat din ako kanina na siya yung pumalit kay Direk Irene. Hindi naman na siya bago sa film industry pero mostly sa mga films niya eh siya lang talaga yung gumagawa, pero sumisikat naman at nakikilala dahil sa magandang storyline na siya rin daw ang sumulat. Nakakahanga nga siya kasi hindi kilalang actors yung kinukuha niya tapos napapasikat ng mga gawa niya. Ngayon kasi galing na sa production company yung movie at ididirect nalang niya. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari pero so far, magaling talaga siya. Open siya sa ideas niya at straightforward din sa mga gusto niyang mangyari. Hindi ko lang alam kung iyon ang dahilan kung bakit hindi siya kinikibo masyado ni Wonyoung, eh kahit naman si Direk Irene na masungit din kinukulit ng batang yun."

 

Napalunok naman ako, nagiging sensitive talaga ako kapag about filming ang usapan. Hindi ko nalang gustong pag usapan palagi pero malabo naman lalo na't artista na ang kapatid ko at may ginagawa siyang movie ngayon. Sobrang lapit lang namin sa film industry, sa acting industry, at nasasakal ako sa thought na yun.

 

"Sino ba yan?" Tanong ko naman, nacucurious kasi ako dahil sinabi naman ni Gaeul na sikat na director daw sa industry. Bata pa raw, ibig sabihin magaling talaga siya para mabigyan siya ng malalaking project sa murang edad.

 

"Si—" Kagaya ni Wonyoung kanina, hindi na naman naituloy ni Gaeul ang sinasabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Wait lang Win ah, mamaya na tayo mag-usap. Tinatawag ako ron, eh."

 

Kahit na gusto kong sabihin na ituloy mo muna yung pangalan, hindi ko nalang ibinuka ang bibig ko about that kasi it doesn't matter to me naman. Nacurious lang ako pero hindi naman para magmakaawa ako para malaman yung impormasyon na iyon sa bagong director ng movie ni Wonyoung. Hindi na ako nagsalita at bumuntong hininga nalang ako.

 

"Sure, sige. Pakisabi nga pala kay Wonyoung, after niya riyan dumaan muna siya sa bahay at kunin yung hoodie ko, okay? Gusto ko muna magpalit sa mas comfortable na clothes, after kasi ng pupuntahan ko eh dito nalang ulit ako didiretso sa bakeshop. Mag-iingat din kamo siya." Bilin ko naman sa kaniya, binilisan ko na rin pagsasalita ko dahil baka may importante na siyang gagawin.

 

"Sige, sige! Sabihin ko iyan, may gagawin lang ako. Bye, Win! Goodluck sa meeting!" Napatawa naman ako dahil ang lakas ng boses niya. Kahit na hindi ko siya nakikita alam kong kumakaway siya na parang ewan. Kahit naman kasi sa call, may paganon siya kahit 'di siya nakikita ng kausap niya, parang ewan.

 

"Sige bye na, kulit." Binaba ko na yung tawag at nagsettle na ulit ako sa inuupuan ko, kinuha ko yung tomato juice na iniinom ko at napansin kong tinitignan ako nung dalawa sa harapan ko. I raised my eyebrow.

 

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Pagsusungit ko naman sa kanila, nakaakbay na si Chaewon kay Minju. Pustahan maya maya magbabangayan na naman sila, laging may away bata eh.

 

"Sure ka bang hindi mo type si Gaeul? Sayang naman." Malungkot na sabi ni Chaewon kaya naman napakatat nalang ako, siraulo talaga 'to, i-oopen up na naman yung topic na yun. Naalala ko, nahiya ako kay Gaeul dahil shinip ba naman kaming dalawa at nakarating pa sa tao. Binibigyan kasi ng mga ungas na 'to ng malisya lahat.

 

Nakita ko namang kinurot ni Minju si Chaewon sa hita at napangiwi naman yung pinsan ko, "Baliw, hindi iyan. Si Somi ang type nyan!"

 

Chaewon scrunched her nose, "Hindi, mas gusto ko si Gaeul para kay Winter!"

 

Inalis naman ni Minju ang pagkakaakbay ni Chaewon sa kaniya at salubong ang kilay na naman na hinarap ang girlfriend niya, "Hindi, mas bagay sila ni Somi. Bulag ka ba?"

 

Napabuga nalang ako sa hangin dahil umaapaw na talaga ang stress sa katawan ko at napahilot nalang ako sa sentido ko, give me some strength and patience, Lord.

 

"Wala akong gusto sa kanilang dalawa," Pagsingit ko naman sa usapan nila. Para kasing mga engot, nagtatalo pa eh wala naman akong gustong jowain sa dalawa na yun. Pare

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
1234_qwerty
#1
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#2
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#3
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #4
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#5
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
500 streak #6
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
500 streak #7
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #8
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕
cleofierayne 35 streak #9
Chapter 8: Winterr magpakatatag ka nagmahal ka lang pero ang martir mo lods hahaha kaya kayanin mo.