Choco de menta

Choco de menta
Please Subscribe to read the full chapter

NOTE: Hello, another one shot! Meron din akong pinost na ningselle, pakitignan nalang sa profile ko kung gusto niyo. Hindi po ako nag proofread. Pagpasensyahan niyo na mga errors and such. Gets niyo na yun if may typo o mali. Enjoy! (๑ᵔ⤙ᵔ๑)

 

song recommendations:

 

lullaboy — someone like u

sam kim — love me like that

yahya — happiest

thuy — universe

faime — sunrise

 

 

"Win. . ." Napalingon kaagad ako nung magsalita si Ryujin sa tabi ko, medyo tumaas pa ang kilay ko, nagtatanong ang tingin kung bakit niya ako tinawag.

 

"Yung laway mo." Nakita mong nagpipigil ito ng tawa, ito na naman yung mukha niya na halatang bibwisitin ka sa buong araw dahil may nakita siyang kahihiyan na ginawa mo kaya naman wala kang magagawa kundi ang sumpalan siya ng pagkain sa bunganga para matahimik siya at mapang-asar niyang tawa. "Titig na titig kay Karina, teh?"

 

Of course, inaasahan ko na 'to. Inaasahan ko na babantayan niya ang bawat kilos ko towards Karina lalo na nung mahalata niya ang pag iwas ko in purpose sa babae sa tuwing lalapit ito sa pwesto namin. As much as I hate it, talagang observant ang walanghiyang 'to kaya naman kahit anong pagtatago ko, talagang mahahalata niya ako. Ang nakakainis pa, pati ata yung iba naming kaibigan nahahalata na ako. Hindi ko alam kung obvious ba ako talaga o masyado lang nilang napapansin mga ginagawa at kilos ko dahil kilalang kilala nila ako.

 

"Alam mo yung maganda?" I asked sarcastically, nakita ko na naman ang paglawak ng ngiti niya. "Yung manahimik ka."

 

Dami mong satsat, Ryujin. Kung ilaglag kaya kita kay Hyewon na ikaw yung naglagay ng mint choco sa lunch box niya nung nakaraan? Parang gago kasi, akin yun, eh! Paborito ko yun, kaya lang ang kaibigan namin na si Hyewon grabe kung isumpa ang mint chocolate kaya naman doon talaga kami nagtatalo most of the time. Mabuti nalang talaga kakampi ko si Chaewon lalo na kapag mint chocolate ang usapan. The only person I could trust in this cruel world full of mint choco haters.

 

"Alam mo yung maganda?" She repeated, mocking my voice. Ready na ready talaga siya kapag binibwisit ako, eh. "Yung umamin ka!"

 

"Manahimik ka nga, ang ingay mo." Hinatak ko naman ang kwelyo niya para payukuin siya, medyo pinagtinginan kami dahil pasigaw lang naman niya sinambit iyon. Napaka siraulo talaga. "Gusto mo bang putulin ko dila mo?"

 

"Wag ka nga." Hinampas naman niya ang braso ko, ang lakas pa ng halakhak niya. "Best asset ko 'to, no! Alam mo bang magaling 'tong dila ko?"

 

I gave her a disgusted look, scrunching my nose. "Ang baboy mo talaga."

 

"Gago." Ryujin laughed loudly, ang saya saya na naman niya. Hindi ko talaga alam anong nahithit nito kung paminsan na ganito siya. "Ang bastos ng utak mo!"

 

Ako pa nga raw. Ako pa ang nasisi bandang huli. Pakipaalala nga na babatukan ko siya hanggang sa maalog ang utak niya at magfunction na siya nang maayos kasi pakiramdam ko talaga siraulo siya ngayon.

 

"Hoy, bakit nakatambay kayo riyan?" Napatayo naman kami bigla nung dumaan yung dance instructor namin na si Teacher Irene, medyo nakataas pa ang kilay nito, iba talaga ang hatid niyang aura at kilabot sa amin most of the time. Pero inaamin ko naman, magaling talaga siyang guro. Kaya lang, kaya lang— daig pa niya menopause minsan!

 

"Hi, ma'am." Agad namang pinakita ni Ryujin ang set of teeth niya na nagsisiputian at para bang endorser siya ng isang toothpaste sa pagkakangiti niya. Tignan mo 'tong timang na 'to, akala niya ata madadala niya si Ma'am Irene sa pangiti ngiti niya. Kung ako ngitian niya ng ganyan sa ganitong sitwasyon baka mas lalo ko siyang nasapok.

 

"Bakit ganyan ka makangiti? Mukha kang asong ulol, Miss Felipe." Agad naman akong napabungisngis nang rumolyo ang mga salitang iyon sa bibig ni Ma'am Irene na para bang wala siyang sinabing makakasakit ng damdamin ng estudyante niya. Napanguso naman agad si Ryujin kaya naman mas lalo akong nag enjoy. Sa sobrang banas ko sa kaniya minsan, nagiging satisfaction talaga kapag nababara siya, eh. "Kung may training man kayo ngayon, huwag kayo tumambay rito, pumasok kayo sa loob ng court."

 

Tumango naman agad kaming dalawa na para bang maamong tupa kaya naman nginitian nalang niya kami bago umalis. Inaamin ko ulit, maganda talaga si Ma'am Irene, sobrang ganda! Actually, crush ko nga siya noon. Kaya lang talagang kadikit na ng pangalan niya ang kilabot dahil nuknukan talaga siya ng taray! Lahat nalang pinansin niya. Pero kahit na ganon, mabait naman siya lalo na kapag masunurin ka. Sobrang strikta lang talaga which is understandable naman dahil teacher siya. PE teacher siya at madalas talaga siya sa mga sayaw. Siya rin ang teacher ng dance club kasama si Ma'am Seulgi kaya naman kilala rin nila kami dahil member kami ng bugok kong bestfriend ng club. Required kasi na pumili ka ng club or org na sasalihan mo ayoko naman sa acads related dahil ayoko sumakit ang ulo ko lalo kaya naman doon nalang ako sa sayaw since naeenjoy ko pa yun.

 

Agad ko siyang kinaltukan nung mapansin kong sinundan pa niya ng tingin si Ma'am Irene. "Ayan kasi, bakit mo ba ako hinatak dito sa hagdan? Dinadamay mo ako palagi sa kalokohan mo!"

 

"Engot ka talaga." May diin na usal naman niya para bang sigurado pa sa sinasabi niya, gago 'to, ah. "May sasabihin nga kasi ako, gusto mo ba bumalik tayo sa court at isigaw ko sa'yo sasabihin ko? Pwede naman. Uy Winter, diba crush mo si Ka—"

 

"Tumahimik ka na." I cut her off, throwing her a death glare. Malakas talaga ang amats niya at minsan gusto ko nalang siya ipatapon sa Pacific Ocean o kaya naman isabak siya sa North Korea para naman may silbi siya.

 

"Ano ba kasi yun?" Naiiritang tanong ko naman habang kinakamot ang pisngi ko. "Bakit ba push na push ka sa akin kay Karina, huh?"

 

"Kasi malapit ka na mag trenta tapos single ka pa rin!" Balewalang sabi naman nito na para bang wala siyang kagagahang sinabi kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

 

"Tangina mo, anong trenta? Bakit mo naman ako pinapatanda!" Reklamo ko naman sa kaniya at as usual, narinig ko na naman yung tawa niya na tuwang tuwa sa reaksyon ko.

 

"Doon ka rin pupunta, baka mag trenta ka talaga tapos single ka pa rin dahil sa sobrang torpe mo." Pang-aalaska pa niya kaya naman inismiran ko siya.

 

"Hindi mo ako masisisi—" Sinamaan ko pa siya ng tingin na para bang kasalanan niya ang pagdudusa ko ngayon dahil sa sarili kong katorpehan. Alam ko namang ako lang ang may kasalanan at sarili ko talaga ang dapat sisihin, masyado akong maraming pinalagpas na opportunidad para sa aming dalawa ni Karina. Maraming tyansa na pwede kami magkausap pero hindi ko ginawa. Maraming pagkakataon na pwede kong gawin, pero nawawalan talaga ako ng lakas ng loob pag nandoon na ako sa sitwasyon na yun.

 

Bakit ba kasi ang duwag duwag ko? Para bang nauubusan ako ng sasabihin kapag nandyan siya, nagmumukha na rin akong tanga sa harapan niya most of the time dahil nauutal ako at nakakagawa ng kung anong kashungahan. Of all people, bakit siya palagi ang nakakakita ng ganong side ko? Yung nakakahiyang side ko, for Pete's sake! Yung side na mapapatago ka nalang sa kahihiyan o gusto mo nalang magpalamon sa lupa dahil sa humiliation na nararamdaman mo. Grabe yung hiya na nararamdaman ko, sirang sira na talaga image ko sa kaniya at mukhang hindi ko na maaayos yung maaaring tingin niya sa akin.

 

"Masyado siyang mataas para sa akin!" Dagdag ko pa sabay pakawala ng isang pagod na buntong hininga. Hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin at sana hindi kami madaanan ulit ni Ma'am Irene dahil baka mapagalitan na naman kami.

 

"Oo, literal." Napabunghalit naman si Ryujin kakatawa matapos niyang sabihin iyon kaya naman napaawang ang bibig ko at agad na binatukan siya dahil sa inis, kailan ba siya magseseryoso? Napaka gago talaga, eh. Pinagtrip-an na naman ang height ko?! "Aray, ha!"

 

"Bagay sa'yo yan, ang sama ng budhi mo." Turan ko naman sabay paikot ng mata.

 

"Sinasabi ko lang naman! Sabi mo kasi mataas siya sa'yo, eh totoo naman, diba?" Ngumisi pa siya, nakakainis pa kamo ang pag-pat niya sa ulo ko na para bang isa akong aso na pine-pet niya. "Cute size ka naman pag katabi mo siya, pwede na."

 

"Putangina mo, RJ." Sinipa ko siya dahil tarantado siya at deserve niya rin talaga masipa. Tadyakan ko talaga 'to! "Pwede ba?"

 

"Joke lang!" Nakahawak pa siya sa tyan niya dahil sa kakatawa, ang kabilang kamay naman ay pinanghihimas niya sa binti niya na sinipa ko. "Eto na, seryoso na."

 

Nagdududang tinignan ko naman siya dahil parang hindi naman kapani paniwala ang sinabi niya ngunit ginantihan niya lang ako ng isang ngiti.

 

"Huwag mo kasi maliitin ang sarili mo, bespren. Hindi ka naman masama, hindi ka panget, hindi ka tarantado, hindi naman patapon ang buhay mo! Bakit ka mahihiya? Bakit ka manliliit?"

 

I let out a soft sigh, scratching my nape. "Kasi nga. . . hindi ko alam ang gagawin ko paano siya malalapitan nang hindi ako nabubulol, nauutal o wala akong magagawang katangahan. Lagi nalang kasi, everytime na nasa paligid siya, tsaka naman ako magpapanic at may magagawa akong hindi ko dapat ginagawa in the first place tapos ayun, mahihiya na ako at madudurog na naman ako! Grabe wasak na wasak na confidence ko."

 

"Ano namang reaction nya?" Genuine na tanong naman niya habang inaayos ang buhok niya.

 

I gave her a long look, which she returned with one eyebrow arched up. "Oh, ano, bakit ganyan ka makatingin? Huwag mong sabihin na hindi mo napapansin?"

 

I shook my head, biting my lower lip. "No— hindi naman sa ganon. Pero kasi, wala naman akong ibang nakikita? Paano ko ba mababasa yun? Eh nakatingin lang naman siya sa akin, minsan nakakunot ang noo niya, minsan naman blanko lang. Minsan nagtataka. Ganon lang naman, wala akong ibang nakikita. Hindi ko alam kung natuturn off ba siya kasi hello, ipapahalata ba niya yun?"

 

"Point taken." She answered, tumatango tango pa. Nakalagay ang daliri niya sa may chin niya, bahagyang nakatilt pa ang ulo niya, parang may malalim na iniisip. "Hindi mo ba napapansin na lumalapit siya sa atin madalas?"

 

Napakamot naman ako sa kilay ko, counted ba yun? "Bakit naman siya hindi lalapit eh pinsan niya yung kaibigan natin na si Hyewon, remember?"

 

Napaawang naman ang bibig niya na para bang ngayon niya lang narealize ang sinabi ko kaya agad akong napailing. Sabog talaga 'to. Totoo naman kasi ang sinabi ko, kaya napapalapit sa amin si Karina kung paminsan, dahil kay Hyewon na tropa namin. Minsan sinasabay niya ang pinsan niya tuwing lunch break, but that doesn't mean na required akong makisama sa usapan nila lalo na kapag nagsasalita rin si Karina. Tahimik lang ako pag nandyan siya, may something about sa presensya niya na nakakapagpatikom ng bibig ko.

 

Hindi ko talaga kayang magsalita sa harapan niya na parang wala lang, hindi ko kayang i-shrug off yung nararamdaman ko nang ganon ganon lang. Masyado na ata talaga akong tinamaan to the point na talagang hindi ko siya matignan sa mata sa tuwing nagkakasalubong kami sa hallaway o kaya'y lalapitan niya ako para may itanong, madalas about kay Hyewon.

 

Para bang natutuod ako kapag nararamdaman kong nasa paligid lang siya, naninigas ang katawan ko at kung ano ano ang nasasabi ko na hindi makakabuti para sa reputasyon at dignidad ko kaya naman pinipili ko nalang na huwag umimik. Baka nga iniisip niya, ayoko sa kaniya dahil okay naman ako sa iba— I'm functioning properly naman pag kausap ko ang iba pero ibang usapan na kasi siya.

 

Iba na ang tama niya sa akin, iba ang epekto niya sa buong sistema ko at alam ko na ako lang din ang matatalo bandang huli sa nararamdaman kong 'to.

 

Nararamdaman ko na walang pag-asa pagdating sa kaniya. Simula't sapul, walang dapat ipaglaban.

 

"Pero kahit na!" Mukhang may pinaglalaban na naman siya. "Try mo na kasi makipagkaibigan."

 

Napatingin ako sa kaniya na para bang may karumal dumal siyang sinabi at nahindak ako dahil sa itsura ko ngayon, "No way! Mas gugustuhin ko pang halikan paa mo kesa kausapin siya para makipagkaibigan."

 

Hindi ko talaga kaya.

 

Hindi sa ayaw ko.

 

Talagang hindi lang nakikisama ang buong katawan ko, bibig ko, utak ko. Gusto ng puso ko, pero anong magagawa ng puso ko laban sa buong katawan ko?

 

Hindi ko kayang malapit sa kaniya, pakiramdam ko mapuputulan ako ng hininga.

 

"Sige nga halikan mo nga!" Natatawang hamon naman niya at tinaas pa ang paa niya kaya naman hinampas ko iyon at sinamaan siya ulit ng tingin. Sineryoso naman siya, syempre exagg lang talaga ako! Ganon ako katakot sa thought na makikipagkaibigan ako kay Karina.

 

"Pumasok na nga tayo." Napatingin siya sa wrist watch niya, sabay tayo mula sa pagkakaupo namin sa hagdanan. "Mamaya na natin pag-usapan 'to, laro na muna tayo ngayon. Umayos ka ha!"

 

Napalunok naman ako at tumayo na rin habang pinapagpag ang pambaba ko. Kanina ko pa kasi natatanaw si Karina mula rito sa kinauupuan namin, kasalukuyan silang naglalaro ng badminton nung kaibigan niya. Kaya naman pakiramdam ko malalagutan na naman ako ng hininga pag pumasok kami sa court dahil hello, nasa iisang lugar na naman kami! Paano ako makakapagfocus nyan?

 

Lalo na at kitang kita ko ang maputi niyang leeg dahil naka pony siya ngayon! Mukhang ang bango bango pa rin niya kahit na may pawis na siya. Ang fresh niya pa rin tignan, paano yun?

 

"Takbo muna tayo!" Agad na desisyon niya pagkapasok namin sabay takbo, walang paligoy ligoy. Hindi pa nga nagpoprocess sa utak ko ang nangyayari. "Huling matapos sa sampung ikot sa court, manlilibre!" Dinagdagan pa niya ang sinabi niya ng isang ngisi bago mabilis na tumakbo kaya naman nanlaki ang mata ko.

 

"Hoy, ang daya mo talaga!" Sigaw ko naman pabalik sa kaniya. Napatulala pa ako saglit habang nakatitig sa kaniya na tumatakbo na paikot sa court.

 

"Ryujin Felipe!" I shouted her full name and ran after her at full speed, not caring
about the attention I gathered. Hindi ako pwedeng manlibre 'no! Ang lakas pa naman lumamon ng yawa na 'to.

 

"Takbo, ang bagal!" Rinig ko naman sigaw niya pabalik kaya naman inirapan ko siya, hindi naman marami ang tao sa court. Kaya lang, ang problema ko, nakalimutan ko na nandito nga rin pala si Karina, naglalaro sila. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan 'to pero may nagawa na naman akong nakakahiya habang nasa paligid siya.

 

Hay, Winter, malala ka na talaga.

 

Medyo naaabutan ko naman si Ryujin, siguro mauuna ako sa kaniya kung hindi siya nandaya at nagpatiuna habang ako eh hindi pa ready. Tawang tawa naman siya habang inaasar pa ako kaya naman sumasakit din ang tyan niya at napapabagal ang pagtakbo niya. Nagtetake advantage naman ako, ang ligalig kasi ng gago, eh. Nakakatatlong ikot na ata kami nang matigilan ako sa pagtakbo dahil may tumanang shuttlecock sa mukha ko.

 

Oo, hindi sa likod. Hindi sa tuktok ng ulo ko. Hindi sa batok. Hindi sa gilid. Hindi sa braso. Hindi sa tyan. Sa mukha talaga, saktong sakto pa!

 

"Oh my god, sorry Winter!"

 

Umayos ka nga, Winter. Hindi naman masakit ang bala ng badminton, para ngang wala lang kahit na tumama sa mukha mo, pero bakit ka tumigil habang nakahawak pa sa pisngi mo na para bang engot kaya naman nagkaroon ng chance si Karina na lapitan at i-check ka?

 

Kung hindi ka lang sana tumigil at pinagpatuloy mo nalang ang pagtakbo edi sana hindi ka nilapitan ni Karina ngayon at hindi ka nahihipnotismo sa taglay niyang ganda.

 

Walanghiya naman, oo.

 

"O—okay lang." Medyo nauutal na sabi ko naman at binigyan siya ng tipid na ngiti, hindi ko siya matignan talaga sa mata pero para hindi ako magmukhang rude eh binalingan ko naman siya ng tingin, napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Hindi naman bola tumama sa akin, hindi naman masakit. N—nagulat lang ako." Sinubukan ko naman, sinubukan ko na ayusin ang boses ko hanggang sa abot ng makakaya ko dahil masyado na akong kotang kota sa mga katangahan na pinapakita ko sa kaniya. Ayoko namang madagdagan ang kaweirduhan na ginagawa ko sa harap niya.

 

"Are you sure?" I saw how worry passed through her eyes kahit na there's nothing to be worry about. Napaiwas ulit ako ng tingin, hindi ko siya kayang tignan ng matagal. Hindi naman talaga ako nasaktan, sobrang liit at gaan lang ng shuttlecock. Natigilan lang ako dahil nagulat ako. . . that's it.

 

I took a deep breath, and turned to her again, straightening my shoulders a little. I tried my best to look at her. Hindi naman ako nagsisi dahil ang ganda ba naman ng bubungad sa akin pagkaharap ko talaga. Pero at the same time, nandoon ang kaba. Nandon ang hindi maipaliwanag na kabog ng dibdib ko na tanging siya lang ang nakakagawa.

 

"Okay lang, Karina. . . thank you sa concern, bumalik ka na ron. Maglaro na kayo." Sambit ko naman sa kaniya, tsaka ko lang naalala na hinahabol ko nga pala si Ryujin. Wala na, talo na nga siguro talaga ako. Pero ipagpapalit ko ba 'tong moment na 'to na nakausap ko siya kahit papaano? Wala namang katumbas 'to, ano ba naman ang ilibre ko si Ryujin kung ang kapalit naman eh ang malamlam na mata ni Karina na nakatingin sa akin ng diretso habang sinusuri ang mukha ko.

 

Baka nga lang ikahimatay ko ito. Bakit ba masyado siyang malapit sa akin?

 

"Sigurado ka talaga?" Kagat kagat pa niya ang ibabang labi, hindi ba siya naniniwala sa sinasabi kong ayos lang talaga? Isa pa, hindi naman ako nasaktan talaga. Kung nasaktan ako edi sana borlogs na ako ngayon kung sa mukha ako natamaan.

 

I breathed out a soft laugh, spearing a hand through my hair. "Okay lang!" For the first time, hindi ako nautal sa sinabi ko at para bang natural lang sa akin na kausapin siya. Nginuso ko pa ang kalaro niya na mukhang hinihintay siya.

 

"Laro ka na ron, ayos lang ako. Salamat ulit sa concern." Wika ko sa kaniya, napatingin ako kay Ryujin nang bigla niya akong pasimpleng kurutin sa may pwet-an dahil nakaikot na pala siya at nakadaan sa may pwesto namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit nginitian niya lang ako ng nakakaloko at alam ko na ang pinapahiwatig ng itsura niya na yun.

 

"Sige, if you say so! Sorry talaga." Masyado talaga siyang mabait, wala namang masakit at alam naman ng lahat na hindi naman mabigat ang shuttlecock, jusko feather nga lang ata yun. Pero eto siya, chinecheck pa rin ako at minemake sure na hindi talaga ako nasaktan kahit na hindi naman talaga.

 

Tatalikod na sana ako nang mahagip ko ang matamis na ngiti niya, napakurap naman ako. Nakita kong ako ang nginitian niya pero agad din siyang tumalikod para bumalik sa paglalaro kaya naman naiwan akong nakatayo rito.

 

I felt breathless. My heart was beating rather erratically, taking away my sanity— if that's even possible.

 

Paano nagagawa ng isang simpleng ngiti na makapagpabaliw ng isang tao? Bakit ang ganong kasimpleng bagay ay kayang makapagpawala sa akin sa ulirat ko? Bakit para akong kinakapos ng hininga eh nakatayo lang naman ako habang tinititigan siya?

 

Kahit na para akong nanghihina gawa ng ngiti niya, nagsimula na ulit akong tumakbo kahit na alam kong huli na ang lahat dahil talo na talaga ako kahit anong gawin ko. Pansin ko ang nanunuksong tingin ni Ryujin ngunit hindi ko nalang siya pinansin. Sanay na ako sa pang-aasar niya. Lalo pa't kitang kita niya na nagkaroon kami ng mini interaction ni Karina kanina.

 

"Oh, bakit ganyan makangiti si Ryujin? Parang asong ulol." Napatawa agad ako nang sabihin iyon ni Chaewon dahil ganon na ganon din ang sinabi ni Ma'am Irene kay RJ nung makita niya itong ngumiti. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria dahil vacant naman namin ngayon at wala naman kaming ibang tatambayan. Ayos nga rito, eh. Marami pang pagkain kaya rito nalang kami.

 

"Mga walanghiya kayo, ang ganda ganda ng ngiti ko!" Agad namang humalukipkip si Ryujin, naka crossed arms na siya ngayon. Hindi bagay sa kaniya magtampo, at oo may binabagayan yun sa paningin ko. Si Ryujin, mas masarap siyang sakalin kahit na nagtatampo siya dahil siya naman puno't dulo palagi ng stress ko.

 

"Oh, eh ano nga kasing nangyari?" Tanong naman ni Minju sa tabi ng girlfriend niya na si Chaewon. Kasalukuyan itong nakahilig sa braso ng isa naming kaibigan kaya naman umasim ang mukha ko. Edi sila na may jowa, naknamputa.

 

"Kasi nga, kinausap na ni Winter si Karina!" Masayang balita naman ni Ryujin, pumapalakpak pa. Para bang sinabi niya na magkakaroon na ng world peace o 'di kaya nama'y magkakaroon na ang Pilipinas ng maayos na presidente kung makapagpahayag siya ng magandang balita.

 

Sa hindi ko malamang dahilan, gulat na gulat naman ang dalawang magjowa na kasama namin ngayon sa table at napatingin din sa akin. Mukhang sinisigurado pa ang sinabi ni Ryujin. Sabagay, kung si Ryujin ba naman ang magsasabi eh magdududa rin talaga ako.

 

"Totoo?!" Naunang nagreact si Chaewon. Nanlalaki pa ang mata niya. Para bang kaya niyang ipusta ang atay niya na hindi totoo ang pinagkalat ni Ryujin dahil sa sobrang pagkagulat at pagdududa niya.

 

"Bakit gulat na gulat kayo?" Nagtatakang tanong ko naman, ganon ba ako kalala? Isa pa, wala namang special talaga sa nangyari kung tutuusin. Kung titignan mo, sobrang simple lang naman ng conversation namin. Sinigurado niya lang na okay ako and poof, tapos na. Natapos na ron. Ang nakakaproud lang sa sarili ko ngayon eh hindi naman ako nakagawa ng sobrang nakakahiyang katangahan sa harapan niya this time. Kahit na medyo kinakabahan at nauutal eh nakausap ko naman siya nang maayos.

 

"Mas magtaka ka kung hindi kami nagulat, ibig sabihin ineexpect namin sa'yo yun!" Sabi naman ni Minju, "Aba'y ang tagal mo na crush yun, ah? Hindi ka nga lumalapit o nagsasalita kapag nakikikain siya sa atin. Close na namin siyang lahat bukod sa'yo."

 

Oo na Minguri, bakit kailangan pa ipamukha?

 

"Oo na, wala namang nangyari. Natamaan niya kasi ako ng shuttlecock sa mukha at nilapitan niya lang ako para i-make sure na hindi ako nasaktan. Malamang, hindi naman masakit dahil hindi naman mabigat. Kaya ayun, sabi ko bumalik na siya sa paglalaro dahil ayos lang naman."

 

"Dapat nag inarte ka! Hina mo naman." Narinig kong patutsada ni Chaewon, tignan mo 'to, tuturuan pa ako ng kung ano. "Magpaka sad girl ka." Natatawang dagdag pa niya.

 

"Gago ka ba? Mukha naman akong ewan non, ano gusto mo himatayin ako dahil natamaan ako ng shuttlecock sa mukha? Ang OA, ha!" Tugon ko naman sa kaniya sabay nguso pa. Uminom ako ng C2 na nasa harapan ko. Mabuti nalang at malamig pa.

 

"Eh kasi naman, natapos agad yung usapan niyo, sayang naman!" Mukhang sang-ayon pa si Minju sa suggestion ng jowa niya, ano ba 'tong dalawang 'to?

 

"Torpe kasi nitong tropa natin, eh." Natatawang sabi naman ni Ryujin, makapagsalita 'tong isang 'to akala mo hindi mautal utal nung umamin siya dati sa crush niyang si Yeji. "Ayaw kasi sundin tips ko! Edi sana sila na ni Karina ngayon."

 

"Ang baho ng tips mo, Ryujin." Masungit na sabi ko naman sa kaniya kaya naman nag make face siya agad. Natatawa naman sa amin yung dalawa sa harapan namin. Hindi naman na bago na magbardagulan kami ni Ryujin palagi. Actually kahit sino talaga nakakaaway ko lalo na kapag inaasar nila ako kay Karina. I need peace of mind, please.

 

"Isa pa, bakit niyo ba pinipilit 'tong Karina agenda na 'to? Hindi nga tayo sure sa uality nung tao. Tsaka kahit na into girls siya, mukha bang mapapansin ako non o magugustuhan pabalik? Ang labo, ha." I scoffed habang sinasara ang bote ng C2. Kakainom ko lang pero parang nanunuyo na naman lalamunan ko dahil sa pinag-uusapan namin. "Makakamove on din naman ako, ayoko na ipahiya ulit ang sarili ko."

 

Sa totoo lang, hindi naman kami totally strangers ni Karina. Hindi kami close, oo. Pero nauna ko pa siyang nakilala kaysa sa mga tukmol na 'to. Natatandaan ko, graduating palang ako ng senior highschool non. It was normal day naman for me, uwian na, pumunta akong convenience store para bumili ng chocolate mint cookies dahil paborito ko iyon. As usual, marami akong binili dahil bitin sa akin ang isang pack lang na may lamang ilang piraso lang. Hindi ako sinundo ng tatay ko that time kaya naman naglakad nalang ako dahil nga ginastos ko na ang pera ko, hindi naman sobrang malayo ang bahay namin kaya keri lang dahil may nilalapang naman ako.

 

Kaya lang nung napadaan ako sa playground, may natanaw akong babae na kasing age ko lang ata, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi naman sa chismosa ako pero parang ganun na nga dahil natigilan ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya, pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya at masasabi kong maganda talaga siya kahit na nakabusangot siya. Para siyang natalo sa sugal kung makatungo siya.

 

"Bakit ganun ang itsura niya?" Tanong ko sa sarili ko habang ngumunguya, nakatingin lang ako sa babae na kasalukuyang nakaupo sa swing ngayon at nakatulala. Mukhang ang lalim talaga ng iniisip niya base sa itsura niya ngayon.

 

Hindi naman ako yung sociable na tao, introvert lang ako at madalas. . . awkward. Hindi ko kayang magbuhat ng conversation kagaya ng ibang tao na para bang natural nalang sa kanila ang pagiging machika at madaldal. Maraming baong kwento kaya naman hindi ka mabobored pag sila ang kausap mo. Pero ako kasi, wala akong confident sa pagsasalita ko. Pakiramdam ko, wala naman akong interesting na masasabi kaya tinitikom ko nalang ang bibig ko at sa mga kaibigan ko lang talaga ako nagsasalita na walang harang o pagitan na tinatayo kong pader sa ibang tao.

 

Mas madalas nakatingin lang ako, nakikinig. Mas prefer ko makinig. Mas magaling ako ron.

 

Kaya naman ngayong nakatingin ako sa babae na mukhang kailangan ng makakausap ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya i-approach o dapat ko ba siyang kausapin gayong hindi naman niya ako napapansin dahil masyado siyang maraming iniisip ngayon.

 

Pero hindi ko rin naman kaya na iwanan siya dahil sa hindi malamang dahilan, nalulungkot din ako na malungkot siya kahit na hindi ko naman siya kilala.

 

Kaya naman kahit na nahihiya ako, kahit na wala naman akong sasabihin, lumunok ako at dahan dahang lumapit sa gawi niya. Tumigil ako sa harapan niya at mukhang napansin niya ang presensya ko dahil nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa.

 

"Hi. . ." Mahinang pagbati ko naman sa kaniya at inayos ang pagkakabitbit sa bag ko. Hawak hawak ko rin ang cookies na kinakain ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko o kung ano ba ang sumanib sa akin at ginagawa ko 'to pero grabe, ang ganda niya lalo sa malapitan. Kahit na ang lungkot ng mga mata niya, ang ganda ganda pa rin niya.

 

She brushed a strand of her brown hair behind her ear nervously. Her smile was timid at first, but then grew to her eyes. And what pretty ones they were. I could stare into them for hours.

 

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya lalo na nung ngitian niya ako, "Hello."

 

Napakurap ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit para akong naaaning bigla?

 

Bakit nga ba ako nandito? Ano bang pakay ko?

 

Ewan ko rin. Aaminin ko, napaka impulsive ng desisyon ko na lumapit dito sa kaniya habang wala naman akong pwedeng sabihin o gawin dahil hindi naman kami magkakilala.

 

"Uhm, uupo ka ba?" Tanong naman niya, mukhang tinutukoy ang swing na inuupuan niya. Agad naman akong umiling.

 

"Hindi. Hindi ako uupo." Sagot ko agad dahil mukhang patayo na siya. Bahagyang napakunot ang noo niya at naguguluhan na ata sa akin dahil nakatayo lang ako sa harapan niya at hindi ko naman sinasabi kung ano ang gusto o kailangan ko.

 

"Uhm." I cleared my throat, napatingin siya ulit sa akin at again, nasa akin na naman ang atensyon niya. Kahit na nag aalangan, agad kong inilagay sa lap niya ang pack ng chocolate mint cookie na binili ko kanina. Meron pa naman ako, pero naisipan ko lang siya bigyan kahit na alam kong medyo shunga ako dahil hindi naman lahat gusto ang ganyang klase ng flavor. Hopefully, sana, hindi siya kagaya ng mga kaibigan kong sila Hyewon at Minju na halos isuka ang flavor na paborito ko.

 

Nang balingan ko ulit siya ng tingin, there's a hint of pink visible in her cheeks— she's blushing.

 

Walang sabi sabi na tumalikod ako at naglakad papalayo kahit na narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Napapapikit nalang ako habang nakahawak sa dibdib ko dahil parang lalabas ang puso ko anytime sa bilis ng tibok nito.

 

Iyon ang huling beses na nagkita kami, not until natapos ang school year at nagcollege na kami. Nabalitaan ko na may nagtransfer sa school namin na magandang babae— matalino pa raw dahil ang taas ng nakuha niya sa entrance exam. Naging usap usapan iyon kaya naman maging sa akin, na wala namang pake sa mga ganong uri ng balita ay nakarating.

 

Hindi ko naman inaasahan na ang babae na binigyan ko ng cookie nung araw na iyon na bumabagabag sa akin gabi gabi kahit na sandali ko lang naman siya nakita— ang tinutukoy nilang lumipat dito sa eskwelahan namin.

 

Isa lang ang tiyak ko, tama sila, maganda nga.

 

Sariwang sariwa pa sa utak ko ang una naming pagkikita matapos niyang lumipat dito. Kung paano niya ako tignan, alam kong namukhaan niya ako. Napansin ko rin ang paglawak ng ngiti niya nung tignan ko rin siya kaya naman napakurap ako dahil sa nasilaw ata ako sa ganda ng ngiti niya at napaiwas ako ng tingin. Ayoko man isipin niyang snob ako o ano— pero may something sa titig niya na hindi ko matignan ng matagal.

 

Doon na nga nagsimula ang lahat, hindi naman ako sobrang uncomfortable sa kaniya. Hindi rin dahil sa pakiramdam ko unsafe ako pag nasa paligid siya. Hindi ganon. Talagang. . . talagang naggagay panic lang ako everytime na nakikita ko siya.

 

At oo, alam kong malala na ako. Malakas na ata talaga ang tama ko.

 

Hindi ko naman intensyon na mapalayo talaga sa kaniya hindi katulad ng mga kaibigan ko na close naman sa kaniya at nakakausap siya kahit na anong oras nang walang takot at pag aalinlangan. Hindi ko naman ginusto na maging awkward kaming dalawa kapag kaming dalawa nalang at wala yung iba naming kasama. Talagang, talagang ganon na, eh. Mahirap na baguhin. Mahirap na ibahin ang tingin niya sa akin. Isa iyong horror experience for me, ang maisip na baka kung ano ano na ang naiisip niya sa akin dahil laging may aberya sa tuwing nasa iisang lugar kaming dalawa.

 

Sa sobrang awkward ko, pakiramdam ko naweweirduhan na talaga siya sa akin minsan. Ayoko man syempre, dahil image ko iyon at baka maturn off siya, talagang nakakagawa ako ng katangahan kapag nandyan siya. Hindi mo naman pwede balikan ang nakaraan para ayusin yung mga nagawa mo kaya naman tumatatak nalang sa isip ng tao kahit pa na sabihin mong matagal na nangyari, maaalala at maaalala pa rin nila.

 

It , but that's how it works.

 

"Uy, ano iniisip mo?" Napakurap ako at napalingon sa mga kaibigan ko nang tusukin ni Ryujin ang pisngi ko, natulala na pala ako nang hindi namamalayan. Nang mapagtanto ang sitwasyon ay nakita kong unti unting umukit ang ngisi sa labi niya. "Ikaw ha, iniisip mo ba kung paano mo makakausap si—"

 

"Hindi." Mabilis na sabi ko, agad na pinutol ang kung ano mang sasabihin niya.

 

"Magpatulong ka nalang kay Hyewon." Suhestiyon naman ni Chaewon, taas baba pa ang kilay nito na para bang may naisip talaga siyang magandang ideya. "Kausap ko si Eunbi kanina eh, sabi niya magkasama raw sila."

 

"Ay, oo nga 'no? Gamitin kaya natin si Eunbi para mapapayag si Hyewon na ilakad 'tong si Winter sa pinsan niya?" Parang gago na sumakay na naman sa idea si Minju, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagmamahal niya para kay Chaewon dahil lahat nalang ng sabihin nito ay kaaya aya sa pandinig niya.

 

Napasinghal naman ako. Kailan ba talaga sila titigil sa kakapilit sa akin na gumawa ng move kay Karina? Mukha bang may plano akong i-pursue 'yung tao? Kung meron, edi sana matagal ko nang ginawa. Kulang ako sa kumpiyansa, lakas ng loob, at tamang pag-iisip!

 

"Alam niyo, mga sinasabi niyo papanget nang papanget." Insulto ko naman sa kanila at napaismid ulit, nag crossed arms nalang ako. Napanguso naman yung magjowa sa harap ko. "Hindi ako manghihingi ng tulong dahil wala naman akong balak in the first place, tigilan niyo 'ko."

 

"Sigurado ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ryujin, nangalumbaba pa siya. "Ayaw mo ba kay Karina?"

 

"Hindi naman sa ayaw ko, okay. Talagang—"

 

"Gagi, si Karina!" Napatigil ako sa pagsasalita nung magsalita si Chaewon. Nagmistulang yelo ako sa harapan nila dahil bigla akong nanigas at kahit ang kumurap ay hindi ko na rin nagawa, wala akong ibang marinig ngayong mga oras na 'to kundi ang sariling tibok ng puso ko.

 

I kept my face as straight as possible. Hindi ko pinapahalata na ang simpleng anunsyo na iyon ay naging dahilan ng isang gyera sa kaloob looban ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ba 'tong mahika na 'to na para bang may kakaibang hatid sa akin ang bawat bagay tungkol kay Karina.

 

Pasimple akong lumingon sa kung saan man sila nakatingin, assuming na nandoon nga si Karina ngunit nang tapunan ko ng tingin ang gawi na iyon ay wala naman akong Karina na nakita.

 

Napakunot ang noo ko dahil nagtataka ako sa nangyayari, and when I turned around to look at my friends, I immediately saw their teasing look. Ryujin was still holding back a laugh. I also realized that they were just fooling me and that Karina didn't really enter the cafeteria. Tanginang yan. Nauto na naman ako.

 

"Ayaw mo nga!" Eksaheradang sabi ni Ryujin kaya naman pabiro ko siyang sinabunutan at inirapan ko nalang silang tatlo.

 

Mabilis na lumipas ang araw at wala namang bago, pumapasok lang ako at minsan naman eh pumupunta sa club namin dahil may inaaral kaming sayaw para sa program. Nagtetraining din ako sa basketball dahil iyon ang sports ko, kahit na maliit ako para sa iba, hindi naman naging hadlang iyon para makapaglaro ako, pwe.

 

Wala namang masyadong ganap, at malamang, wala rin kaming progress ni Karina dahil wala naman talaga akong balak na mag make move ano, mangyari na ang dapat mangyari pero hindi pa rin ako magkakaroon ng lakas ng loob para i-approach siya.

 

"Oh, bakit ganyan itsura mo?" Napalingon ako kay Giselle, kaibigan ko na kablockmate ko rin sa class ko ngayon. Nakita ko siya kanina sa may gate kaya naman nagsabay na kami, hinatid pa muna namin yung girlfriend niya na si Ningning sa classroom na kachikahan ko rin bago kami pumunta sa room. At oo, nakihatid talaga ako. Lakas maka third wheel, eh. Naglalakad na kami ngayon sa hallway, may mga tao pa rin naman pero yung iba nasa loob na ng classroom nila.

 

"Para kang nagreview sa expsych kahit na sa biopsych talaga tayo may quiz!" Natatawang biro niya sa akin kaya naman napatawa ako, kaya lang maya maya lang din ay napatigil siya sa pagtawa na para bang may dumagok bigla sa kaniya. "Gago— oo nga may quiz nga pala tayo, hindi ako nakapagreview!"

 

Bumunghalit ako sa kakatawa nung bigla siyang nagpanic dahil napagtanto niya na hindi siya nakapagreview. Hindi rin naman ako nagreview pero okay lang, sanay na ako, charot. Pero confident naman ako na may masasagot ako kahit hindi perfect. Chill lang tayo rito mga pare.

 

"Hindi ka ba magrereview?" Kunot noong tanong nito nang mapansin na tinatawanan ko lang siya, "Tara na!"

 

"Mauna ka na," Ngumuso naman ako. "Ayoko tumakbo, nakakatamad."

 

Napakamot naman siya sa ulo niya, "Sige na nga! Sumunod ka na rin, ha." Sabi niya at dali daling tumakbo sa room namin para makapagreview. Napailing naman ako habang natatawa na tinitignan ang pigura niya na unti unting lumalayo sa paningin ko, malamang nawala na naman sa isip niya dahil nag bebe time na naman sila ng jowa niya.

 

Kumuha ko ng mint choco candy sa bulsa ko na madalas kong nginangata kapag wala akong magawa, hindi pa naman ako late kaya naman hindi ako nagmamadali. Kumakain lang ako habang pasulyap sulyap sa paligid at napansin ko rin na hindi ganon kaganda ang kalangitan ngayon, parang madilim kahit na umaga palang.

 

Napalingon ako sa gilid at agad na nakuha ng isang babae na may hawak na libro na nakatambay sa labas ng room nila ang atensyon ko, hindi ko rin mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang papel na nakadikit sa libro niya na wag abalahin, nag-aaral ako nang mabuti. Kaya naman kitang kita iyon dahil nakadikit iyon sa libro na buhat niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko yung sticky note sa noo niya na may naka marker na BUSY AKO kaya naman lumawak lalo ang ngiti ko.

 

Cute.

 

Mukhang hindi talaga siya mapuknat sa ginagawa niya dahil seryosong seryoso ang itsura niya at medyo nakakunot pa nga ang noo niya habang nagbabasa, may sinusulat din siya na sa tingin ko mga keyword nung nirereview niya.

 

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin para kumuha ng tatlong candy sa bulsa ko, iyon nalang ang natitira dahil naubos ko na yung iba. Lumunok muna ako bago dahan dahan na lumapit sa kaniya, hindi pa ata niya napapansin ang presensya ko dahil sa sobrang tutok siya sa inaaral niya.

 

Without saying a word, nilapag ko yung candies sa mesa ng armchair na inuupuan niya, napansin kong natigilan siya nang maramdaman na nakatayo ako sa harapan niya kaya nag-angat siya ng tingin at agad na nagtama ang mata naming dalawa.

 

Tsaka ko lang pinagsisihan ang ginagawa ko nung mapansin na niya ako, bakit ko nga ba 'to ginagawa?! Bakit ako lumapit? Bakit binibigyan ko na naman siya ng mint choco?

 

Embarrassment had my face heating. Hindi ko naman napaghandaan 'to, bakit ba kasi hindi ako nag-isip muna bago ko pinairal 'tong kagagahan na naisip ko at wala sa sarili na lumapit sa kaniya at binigyan siya ng candy kahit na hindi naman siya nanghihingi?

 

The sides of her lips twitched. Pinasadahan muna niya ako ng tingin, para bang tinitiyak pa na totoo akong nakatayo sa harapan niya base sa pagdududa sa mukha niya. Ngunit maya maya lang din ay napakurap siya at napansin kong napaayos siya ng upo. Bahagyang namumula na ang pisn

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Ang daming may ayaw ng mint choco sa comsec HAHAHAHHAA ako rin ayoko sa mint choco (〒﹏〒) I just complimented it for the sake of the story HSHDHWHWJWJAJJA bakit kasi gusto ng aespa ng mint choco? #QuestionOfTheDecade. CHAROT HAHAHAHAHA salamat sa pagbabasa and sa mga comments!

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
336 streak #1
Chapter 1: Chapter 1: goooooddd this is sooo inn cutee and as a maruya enjoyer 🤣 this one made me chuckle a lot
readeronlysad #2
Chapter 1: I loveeeee this!
IceWolf23 #3
Chapter 1: salamat mint choco. Salamat Minju HAHAHAHA
kmjaureader
#4
Chapter 1: Gagi ang cute nakakatuwa sila. Wala po ba part 2? ano kaya magiging reaction nung mga tropa ni win? haha
yujisaurus
#5
Chapter 1: cutie!! huhu
yongsunsbaldcap_oop-
#6
Chapter 1: ANG. GANDA!!! grabi grabi!! Halos maiyak na ako sa sa sobrang pagkaproud sayu wintot. Ang cute cute niyong mga ajuju kwoah!! (nasa kendi na siguro ang true love)
gomtokkim
2139 streak #7
Chapter 1: rereading hehehehe
Luwijen
#8
Chapter 1: YUNG KILIG KO
TakuyaKen
#9
Chapter 1: ahahaha i hate mint choco pero kung magustuhan ko ba i would have a gf? 😂😂
warmestwinter
#10
Ganda pa rin nito. I hope you're doing well, author. Take care!l