Chapter 1

Ang Tinder Love Story
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ako mababaw na tao.

 

Hindi mahalaga sa akin ang physical appearance ng isang potential jowa para magustuhan ko siya. Ang mahalaga sakin, I know her well enough para makipagrelasyon sa kanya. 

 

Katulad ng huli kong naging girlfriend.

 

Pag tinatanong ako ng tao kung maganda yung jowa ko that time, sasabihin ko mabait siya, caring, at mahal ako. Dedma na sa itsura, charot.

 

Pero oo, aaminin ko naman na ang laking ganda ko sa kanya kaya hindi ko rin alam bakit ako nagpabudol sa toxic na babaeng yun. Hindi rin kasi maganda ang ugali niya.

 

Nung una, okay pa. Pero nung nagtagal, naging sobrang manipulative niya without me realizing it. Pinagtiisan ko na lang kasi nga first girlfriend ko siya at gusto ko rin talagang mag work out kami.

 

Bulag na kung bulag.

 

Tumagal din kami ng 2 years.

 

Pag iniisip ko, hindi ko maimagine na tinagalan ko yung toxic niyang paguugali at hindi niya kagandahang mukha sa loob ng dalawang taon. Sayang yung oras ko!

 

Ang sama ko pero may pagka chaka talaga siya. But tulad nga ng sabi ko, basta mahal ako at mahal ko, okay na. I was so naïve pa dati.

 

Nakipag break na rin ako sa kanya pagkatapos kong mahimasmasan after ng dalawang taon.

 

Sobrang unhealthy ng relationship namin to the point na kahit mahal ko siya despite her chaka looks, inoverlook ko yung red flags niya na sandamakmak sa dami.

 

Kung mayrong itatalaga as Queen of Red Flags, baka i-volunteer ko siya.

 

Yung araw na nakipag break ako sa kanya was yung araw na pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hindi ako nagpapaka exagge. Para talaga akong nabunutan ng malaking tinik.

 

Narealize ko na mahal ko siya dahil matagal na kami pero I was not in love with her anymore.

 

Ikaw ba naman pagbayarin lagi sa lahat ng dates niyo.

 

Hello estudyante lang ako sis?! Ako pa nagbibigay ng pamasahe pauwi niya sa Manila. Kaloka lang.

 

Tapos maya’t maya nagseselos sa lahat ng lumalapit sakin. Ayaw pa akong pasamahin sa friends ko. Lagi rin akong ginagaslight.

 

Good riddance, ika nga. I knew I deserved better.

 

Going back sa sinabi ko na hindi ako tumitingin sa physical appearance ng tao at ang mahalaga sakin ay yung kilala ko na siya personally, kalimutan na lang natin yun kasi lahat naman ng words na ‘yon ay kinain ko na.

 

Changed woman ang peg ko.

 

Eto kasi yun. May nakilala ako sa Tinder. Jusko. Oo, sa Tinder.

 

Kahiya hiya mang aminin eh talagang na love at first sight ako kay Miss Pretty.

 

Unang tingin ko pa lang ng pictures sa Tinder profile niya, tumulo na laway ko. Not in a manyak way ha. Ang ganda lang kasi talaga niya.

 

Siya na siguro yung definition ko ng perfect. Siya yung tipong pag naging jowa ko at tinanong ako ng mga tao about her, ang isasagot ko agad MAGANDA SIYA SOBRA! MATALINO. MAGANDA. MABAIT. MAGANDA. MUKHANG MAMA MARY NA MILLENIAL. MAGANDA ULIT.

 

Hindi ko alam pano nangyari pero talagang tinamaan yata ako sa kanya.

 

UP Diliman student siya taking up BS Computer Science. And for the past two years niya sa UP, consistent University Scholar lang naman siya. At higit sa lahat, sobrang galing niya sa Math — ang pinaka ayaw kong subject.

 

Yun ang gusto ko eh, yung mafifeel ko na bobo ako. Chos.

 

Hindi rin siya katulad ng ibang tao sa Tinder na sobrang mema at ang hanap lang sa dating apps is .

 

Actually nagtataka nga ako bakit siya nasa Tinder kasi feeling ko para lang sa aming mga hampaslupa ang app na ‘yon.

 

Siya na yata pinaka finesse na babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Ako na ang mahihiya kay Lord pag tinry ko pang ikompara yung ex ko sa kanya.

 

Huhu ang ganda niya talaga at ang sosyal sosyal ng awra niya pero hindi siya maarte. Feel ko tuloy bigla ang dugyot ko kahit well off din naman ang family ko.

 

Yung aura kasi ni Karina, nakaka intimidate. I don’t think I deserve someone like her. But who knows, diba?

 

Magkachat kami constantly for two weeks. Hindi naman maghapon at magdamag pero enough for us to get to know the basic things about each other.

 

Pareho kaming taga UP pero different campuses. UP Diliman siya, ako naman UP Los Baños.

 

Both of us are second year students sa University. Kaya siguro we clicked din at naging comfortable makipag usap sa isa’t isa kasi we have something in common.

 

Pareho rin kaming mahilig sa food especially sa desserts.

 

Usually yun ang pinaguusapan namin – mga food na na-try na namin. We also give each other restaurant recommendations.

 

Very chill lang ang usapan at walang halong kalandian.

 

Her name is Kat, short for Katarina.

 

She insisted na tawagin ko na lang siyang Karina kasi raw she always wanted to be called Karina since all her friends and family call her Kat or Rina.

 

Ako ‘tong si tanga at assumera, kilig na kilig naman sa napakababaw na dahilan. Inisip ko kasi ang special ko dahil ako lang tatawag sa kanya ng ganon. Hihi.

 

Karina Karina Karina. Para na akong nauulol.

 

Lumipas ang mga araw, naramdaman ko na baka friendship lang ang ending ng aming Tinder story. Ang saklap.

 

Yung third week kasi ng pagchachat namin, hindi siya nakakareply minsan at kung nakakareply naman siya, mabilis lang yung usap namin and maikli yung replies niya.

 

Pero sabi niya naman ay sobrang busy lang dahil patapos na ang semester and most ng subjects niya ay nagrerequire sa students to take final exams.

 

Usually kasi, pag maganda yung standing mo sa subject, exempted ka dito. Pero minsan, like in Karina’s situation, required magtake ng final exam.

 

Buti na lang exempted ako sa mga subjects ko except sa Math. Hay ang hirap talaga ng Math.

 

Hindi na rin naman ako nagdwell at nalungkot sa nangyayareng progress samin — or the lack of it — kasi sa totoo lang, yung pagchachat namin for two weeks, never kaming nag flirt sa isa’t isa in the first place.

 

She never gave me any mixed signals for me to hope for something other than friendship.

 

Para kaming getting to know each other pero walang ulterior motives. She even said na she’d like us to stay friends kasi I’m nice to talk with.

 

She doesn’t use Tinder daw talaga and pinilit lang siya ng bestfriend niya na mag-download ng dating apps. And to shut her friend up, nag download na lang din siya.

 

Hindi ko na lang tinanong kung bakit, siguro yung bestfriend niya ay gusto siyang ireto kung kani-kanino.

 

Sobrang busy kasi ni Karina and according to her, puro studies siya lately. Ako nga lang daw ang nakausap niya sa Tinder kasi ako lang daw ang mukhang matino.

 

Para akong pusang kinakatay sa sounds na lumabas sa bibig ko nung sinabi niya yun.

 

Nakakakilig palang masabihan ng “Hindi ka mukhang creepy.” Char.

 

Yun din ang dahilan kung bakit hindi ako nagbibigay sa kanya ng implications na gusto ko ng something more than friends.

 

Baka kasi isipin niya ay katulad lang din ako ng ibang tao sa Tinder.

 

Hindi ko alam but for unknown reasons, ayokong maging panget yung image ko sa kanya kahit hindi naman kami ganon magkakilala.

 

Hindi naman kasi ako yung someone na magdedwell sa iisipin sa akin ng ibang tao pero pag kay Karina, nacoconscious ako.

 

Ayos na rin naman sakin na friends kami.

 

Ayoko rin kasing magmukhang hayok na hayok sa kanya porket maganda siya. Maganda rin naman kasi ako eh. Charing.

 

Pero ayun, feeling ko lang kasi she’s way too out of my league kaya I never really tried na makipag flirt sa kanya.

 

Nahihiya rin ako at baka isipin niya ay 'yun lang ang habol ko kaya ko siya tinetext.

 

If friendship yung gusto niyang ibigay sakin, then I’ll take it. Minsan na lang magkaron ng friend na sobrang ganda na, sobrang talino pa.

 

Hindi ko kinakaya.

 

Pero if magkakaroon ng chance na magdevelop kami into something more than that, I’ll definitely grab the opportunity.

 

Sino ba naman ako para tumanggi sa ganoong pagkakataon? Si Karina na yon eh.

 

May isang beses nga na muntik akong mahimatay sa kilig when she tagged me on Facebook sa isang song cover from a youtuber.

 

Hindi kasi kami friends sa FB so for her to look pa for my profile para i-tag lang ako was really nakakakilig, to say the least.

 

Lagi na lang akong kinikilig sa maliliit na bagay when it comes to Karina. I got it bad, sabi nga ni Kuya Usher.

 

Pero ayun nga, napagusapan kasi namin na gusto namin both si Lewis Capaldi. Kaya naalala siguro niya ako nung nakita niya yung cover ng “Someone You Loved”.

 

Ikaw Karina ha, lagi mo siguro akong iniisip. Pagiinarte kong sinabi sa sarili ko.

 

Kat Yu: @Winter Check this out omg! Ang galing niya ❤❤❤

 

Jusko! Mga isang oras ko yata inisip kung anong irereply ko sa kanya at nung nakapag reply na ako, inedit ko yung comment after 3 minutes kasi feeling ko muntanga yung sinabi ko.

 

Overthinker na kung overthinker pero kasi ayoko talagang mapahiya kay Karina!

 

Sana naman hindi niya nakita na inedit ko at baka kung ano pang isipin niya.

 

Nakakahiya talaga. Kasi naman bakit may pa tatlong hearts ka diyan, Karina?! Ang ibig sabihin ba ng mga yan is “crush din kita” keme.

 

Sa ngayon, we text each other pa rin naman pero sobrang minimal lang.

 

OA na kung OA pero namimiss ko siya kapag hindi kami magkatext. Ang lakas lang ng tama ko. Hindi yata maganda to.

 

Hindi siya nawawala sa isip ko. Naloloka ako kasi never nangyari sa akin yung ganitong bagay.

 

Halos one month pa lang kami magkakilala gustong gusto ko na siya.

 

Kahit pag nasa klase, natutulala ako pag naiisip ko siya. Pero hindi naman ako para magtext nang magtext sa kanya at magmukhang desperada.

 

I don’t want her to feel weird about me at may konting pride pa rin naman ako. Marami rin kayang nagkakacrush sakin!

 

Wait ko na lang siguro siyang magtext ulit. Until then, try ko muna mag focus sa bwiset na Math subject ko na hindi ko maintindihan kahit yata tumambling ako ng kwarentang beses.

 

Need ko yata magpa tutor. Huhuhu.

 

 

 

 

“Huy Winter, sabay tayo mag lunch.” Pagyaya sakin ng orgmate kong si Ningning na kakaumpisa pa lang ng araw namin eh lunch na agad ang nasa isip.

 

Samantalang ako, syempre si Karina ang nasa utak.

 

Nagpost kasi siya ng selfie sa IG story niya. Nabitawan ko pa yung phone ko sa banyo habang jumejebs kanina.

 

Sino ba naman kasing mukhang fresh na fresh at 7am?!

 

Stressed pa siya sa acads sa lagay na yon ha. Jusko. Samantalang ako, parang eyebags na tinubuan ng mukha.

 

Why naman ganon Karina? Muntik pang mahulog yung cellphone ko sa toilet bowl. Kadiri lang.

 

“Hoy Winter! Sabi ko sabay tayong mag lunch. Iniisip mo nanaman yung Tinder sweetheart mo, noh.” Maart

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Thank you for waiting ❤️

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ulol terwin
boss123 #2
still one of my favorites to this date
httpdaniyoo #3
Chapter 60: Alam na alam talaga kung paano ako paiyakin😭 Their relationship is just too pure😞✋ I want that kind of relationship with my future partner too🤧
httpdaniyoo #4
rereading this🤩
kjkj__ #5
Should I force myself to read this even though I don't understand tagalog at all 😔
jushshhh #6
Chapter 6: yikes 😃😃😃
bigboy123
132 streak #7
Reread~ 🥹
boss123 #8
Chapter 35: huhu i love u minju 😞
klaygalaxyzero
#9
Chapter 63: Another amazing story 💙
jeongsilog #10
Chapter 28: KAKAYANIN!!!!