chapter four

MISFIT
Please Subscribe to read the full chapter

Chaewon's POV

"Chae, won't you come?"

Nakasandal ako ngayon sa backseat ng kotse ni Hyewon at iningcline ang upuan dahil nangangawit na ako. Gaya ng pinangako namin kay Rina susunduin namin sila ng kapatid niya. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa pag-inom namin kagabi ay sumama ako, tiyak na magtatampo kasi siya kapag nalaman niyang hindi ako sumama.

"I'll sleep here na lang. Ang sakit ng ulo ko." Nanghihinang sagot ko.

Hindi na sumagot pa si Hyewon, ang pagbukas at pagsara ng pintuan nalang ang narinig ko.

Ano ba naman kasing pumasok sa isip ni Yena at nagyayang uminom. Alam nilang mahina ang tolerance ko sa alak, unlike them. Hindi lang naman kasi ang lasa ng alak ang hate ko, mas hate ko ang aftermath nito. The day after ko palang kasi nararamdaman yung epekto ng alak. Hindi naman masyadong marami ang naimon ko pero daig ko pa ang nakainom ng isang galon ng tequila sa nararamdaman ko ngayon.

After kasi ng 2 shots ay tumanggi na ako. Sinamahan ko nalang sila at pinakinggan ang kadramahan nila.

Wala pang nag-alaga saakin kahapon, kaya kailangan kong ipunin ang lakas para maligo. Alangan naman magpaligo ako sa mga kasama namin sa bahay.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit nanatili akong nakapikit, maliwanag pa masyado sa labas at masakit sa mata. Sa dami naman kasi ng pwedeng pagpilian ay tanghaling tapat ang flight nila.

Naramdaman ko na may bumeso saakin, it's Karina. I'm sure of that, Minju will never kiss me, suntok pwede pa. Speaking of, buti hindi siya maingay, iwas badtrip.

"What came into your minds ba? You know she's not use to drinking alcohol. Hindi talaga namin kayo maiwang tatlo." Ayan na ang nagging ni Rina, kahit hindi ako ang sinasabihan niya ay sumasakit ang tenga ko.

"Answer, hindi yung you look stupid sitting there." Muntik na akong matawa, takot kasi 'tong si Kang kay Karina eh. Sakanya lang naman siya nakikinig.

"Rina, stop please. My head hurts. They didn't force me naman." My voice is hoarse.

"Gosh Chaewon! You look like a mess."

Minulat ko ang mata ko sa narinig at tinignan ng masama si Karina. She tilt her head side ways as if asking me if I have a problem with what she said, I rolled my eyes and slouched on my seat.

"How's your trip?" Tanong ni Hyewon habang nilalabas ang sasakyan sa parking.

"It was a lot of fun. Me and Min did a lot of fun adventures together. Right, Ming?" Napatingin ako kay Minju, na siya palang katabi ko ngayon.

"Right. I missed going on adventures with ate. You should come next time, ate Hye." Masigla din niyang sabi, matching her sister's enthusiasm.

"Ang tan mo." Syempre ako nagsabi niyan. Totoo naman kasi, masyado yata nilang na-enjoy ng ate niya ang araw.

"Whatever. Matulog ka na nga. Hindi ka naman kasali sa usapan eh." Masungit niyang sabi.

Nagkibit balikat lang ako at humiga, nakataas ang paa ko sa may window.

Hindi tumakas sa paningin ko ang pagtitinginan ng best friends ko bago umiling.

"Nagpaluto ba kayo ng pagkain?" Karina asked.

"Yep. Kaya lang wala yung tatlo, na delay yung flight ng dalawa. Yena's not home also."

"Where is she?"

"San pa ba? Edi nando'n sa bahay nila Yuri."

Pinabayaan ko lang mag-usap yung dalawa sa harap. Tahimik lang din 'tong kasama ko sa likod habang nag c-cellphone. Pasimple akong humiga sa lap niya, nahihirapan kasi ako sa pwesto ko eh.

She scowled at me and I stared blankly at her, she was trying to remove my head from her lap pero nagmatigas ako. Sumakit lalo ulo ko. Ang arte akala mo naman gusto kong humiga sakanya, wala lang akong choice.

"Masakit ulo ko, pahiga lang, please." I said while looking at her.

She sighed before she stopped pushing my head. Lihim akong napangiti. Pinikit ko ang mga mata ko, maya-maya lang ay naramdaman kong may nag m-massage sa ulo ko. Nang tignan ko siya ay sa labas ng bintana siya nakatingin.

Magulo ang utak ko sa tuwing malapit ako sakanya. I want her to always notice me, maybe because nasanay ako, since bata kasi ay mag-kaaway kami palagi. I get nervous when she's around kaya inaasar ko siya, that's the only way I know to talk to her and get her attention.

Growing up it's so rare to see the both of us getting along. I mean, most of the times kami rin magkasama, lalo na nung wala pa si Yeji. Bihira lang na makita nilang magkasama kami na hindi nag-aaway. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya naasar.

Naiinis ako madalas sakanya, lalo na kapag ang ingay niya. Naasar ako kasi masyado siyang pa-cute lalo na kay Hyewon. Tsaka ang sungit niya kapag ako na, para siyang tigre sa tuwing magkausap kami.

Ganon pa man, ewan ko ba kung bakit parang may kung anong nagtutulak sakin palapit sakanya.

Sa loob ng 3 years akala ko maraming magbabago, kaya masaya ako na wala. Magkaaway pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet