Akda 2: Inspirasyon (3/4)
Mga Akda
Plot: Umuwi si Karina sa probinsya dahil may kailangan siyang gawin ngunit inspirasyon ata ang nahanap niya.
Genre: Fluff / Romance / Light Angst / Trilogy
A/N: I know I said dapat trilogy to kaso ang haba pa pala ng kasunod so baka magkaron pa ng part 4 and 5. Bahala na. Will change part numbering pag natapos na. Sorry in advance dahil ang conyo ng pagkakasulat.
--
“Aba…Winter.” Maligaliw na pagbati kay Winter ng tindera sa pwesto kung saan sila tumigil magbike. Mula sa bahay nila Karina ay may mga 15 minute bike papunta sa may gubat kung saan andoon ang ilog na malapit sa kanilang subdivision. “Naligaw ka, dine.”
Kilala ni Karina ang kainang ito dahil sikat ito sa mga tricycle driver sa kanilang subdivision kahit nasa mejo liblib na lugar na ito sa kanilang lugar. Lugaw at pansit ang trademark items ni ate Lorena na siyang maligayang kinausap ang kasama ni Karina.
“Hello po, ate Lorena.” pagbalik bati ni Winter while showing her dimples. Tipid na ngumiti muna si Karina, unsure kung babati din dahil mukhang di siya kilala ng tindera.
Hindi din naman masisi ni Karina kung bakit, matagal na din siyang hindi umuuwi. Kahit na noong nakatira pa siya sa bayan ay hindi din siya pala-labas. Nadadaanan niya lang din ito noon pag pumupuntang ilog.
“Aba at may bitbit ka pang date ah.” naputol ang pagmumuni muni ni Karina ng biniro ni aling Lorena si Winter habang binibigyan ng makahulugang tingin. “Napakagandang bata naman ni’re.” pagbati nito sa kanya ng may maluwang na ngiti sa labi sabay lingon ulit kay Winter.
“Iyan baga ay jowa mo? Ay bagay na bagay kayo ah.” pagcompliment pa nito sa kanila habang palipat lipat ang tingin sa dalawang dalaga sa harap niya. Namula ang mga pisngi nila pareho.
Bakit ba kasi natyempuhan nila na wala pang masyadong customer si aling Lorena?
“Hello po.” nahihiyang pagbati ni Karina. Humigpit ang kapit ni Karina sa manibela ng nakahintong bike. Nagtataka si Karina kung bakit di niya magawang ideny agad ang accusation na magjowa sila.
Mas mabuti na siguro na si Winter ang maglinaw.
Ngunit mukhang wala itong balak dahil ang sagot nito ay….
“Hala....yun po ay depende sa kanya.” pabirong pahaging ni Winter habang tinitignan ang kasama ng nakakaloko ngunit malaman. Inirapan lamang siya ni Karina bago nilingon ang chismosang tindera.
“Wag niyo po pansinin si Winter at siya ay nagbibiro lamang po.” magalang na pagsagot ni Karina habang may ngiting nakaplaster sa bibig. She’s trying her hardest not to show her irritation sa mga banat ni Winter.
Napakababaero talaga nito. Di man lang nagbago.
Syempre dahil kilala ni Karina ang likaw ng bituka nito ay ayaw niyang magpadala sa mga panghaharot nito.
“Napakagalang na bata pa.” natutuwang komento nito bago tinitignan ng masinsinan ang dalaga sabay tanong. “Bago ka ba dito hija?”
“Ate Lorena….si Karina iyan.” pagpapakilala ni Winter bago pa makasagot si Karina.
Kakaunti lamang ang mga bahay sa kanilang subdivision dati kaya karamihan ng mga lumaki sa lugar kagaya nila ni Karina ay kilala ng mga native na nakatira dito. Lalo na si ate Lorena na dati pang nakapwesto dito.
A flash of recognition registered in her eyes.
“Aba, yanong tangkad mo na ineng. Parang nung dati ay pabike bike ka lamang dito mag-isa.” pag-aalala nito sa mga panahong bata pa nga si Karina dahil sikat na biking route din ang pwesto niya. Lalong lumuwang ang ngiti ni aling Lorena habang tinitignan si Karina ng mataman. “Napakagandang bata mo talaga, manang mana ka sa papa mo.”
Natahimik si Karina sa pagbanggit sa kanyang nasirang magulang pero ngumiti ng tipid sabay sagot. “Salamat po.”
May kirot na dumaloy sa puso ni Karina dahil doon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sila nagkaron ng gap sa bahay.
Kilala naman talaga ang pamilya ng papa ni Karina dahil sa angking kagandahan at kakisigan ng angkan nila. Suki ng mga beauty contest ang mga pinsan ni Karina kahit noon pa pero dahil hindi niya tinuloy ang expectation sa kanya ay nadisappoint ng labis ang tatay niya noon.
Iyon ang unang beses na hindi sila nagkasundo ng magulang.
“O siya, ay bakit pala kayo naparito?” ang tanong ni ate Lorena ang nagdistract na naman sa pagflashback ni Karina.
“Ay ihahabilin sana namin ang aming bike at kami ay hahayon sa may ilog.” pagsagot ni Winter para sa kanila. Ipinakita pa ang backpack na bitbit bitbit sa likuran niya.
“Ohh?” gulat na sagot ng tindera at tumango in understanding. “Ay hala sige, siya ay ilagay niyo na lamang diyan at malayo pa pala ang inyong paroroonan.” mabilis na suhestyon ng tindera dahil sadyang ginagawang habilinan naman talaga ang kanyang pwesto.
At si Winter at Karina ang nasa harap niya ngayon. Sila ay mga batang nakita niyang lumaki sa kanyang mga mata kahit di niya nakilala agad si Karina kanina dahil sa laki ng pinagbago nito.
“Sige po.” mabilis na pag sang ayon ni Winter at nagsabi ng, “Salamat po.”
Pumunta si Winter sa gilid ng pwesto kung saan niya lagi nilalagay ang bisikleta. Natatanaw iyon sa lugar ni ate Lorena kaya dun niya nilagay ang kanilang mga bisikleta.
Bumalik sila sa pwesto ni ate Lorena bilang formal na pagpapaalam.
“Ate Lorena, salamat po uli. Kami ay hahayon na.” sabi ni Winter.
“May gusto ba kayo kainin pagbalik mamaya?” tanong pa din nito kay Winter.
Saglit na tinignan si Karina ni Winter. Nagshrug lamang ang dalaga.
“Kung ano na lamang po ang matira...dun na po kami.” sagot ni Winter.
“Ay hala sige. Mag iingat kayo ah.” paalala nito na magalang na pinagpasalamatan ni Winter. Humayo na sila sa pathway na napapaligiran ng mga puno ng kawayan papasok sa gubat kung saan nakalocate yung ilog.
--
“Malayo pa ba?” tanong ni Karina sa kasama habang tagaktak na ng pawis ang kanyang noo at dibdib. Halos 30 minutos na ata sila naglalakad sa loob ng gubat. Nung huling punta ni Karina ay halos 20 minutes lang sila naglalakad ng mga kapatid niya noon.
O dahil mas bata at mas mabilis siya maglakad dati?
Pero kahit isang trace ng flowing water ay walang nadidinig si Karina. Dati naman ay meron. Para silang naglalakad sa isang malaking parang(fields) na walang katapusan. Pero may mga iba’t ibang klaseng bulaklak ang nakatanim sa iba’t ibang area bukod sa mga damo.
“Pagod ka na ba?” nang-aasar na ngiti ni Winter habang nagtatanong. Wala man lang bakas ng panghihina dito at mukhang amoy Johnson’s baby powder pa din sa pagiging fresh. Ang tirik naman ng araw.
“H-hindi pa ah.” pagmamaang-maangan ni Karina kahit na kanina pa masakit ang paa kakalakad nila. Kahit na nalalayuan si Karina sa nilalakad ay nasasatisfy din siya sa iba’t ibang uri ng halaman at puno na nadadaanan nila.
Iyon lamang ay pabago bago ang temperatura dahil tanghaling tapat. Ang mga mapuno na area ay mas malamig ng di hamak sa field na tutok sa araw.
“Talaga lang ah.” di naniniwalang panghahamon ni Winter habang tuloy tuloy pa din ang paglakad ngunit binagalan ang speed para di masyado nahihirapan ang kasama niya.
“Di nga.” ingos ni Karina habang nakapout. Natatawa lamang si Winter habang pinagmamasdan ang kasama na ang ganda ganda sa suot nitong skinned tone blouse. Nakalugay ang mahaba at healthy nitong buhok.
‘Napakaganda talaga.’ naisip ni Winter pero di niya na iyon navoice out dahil alam niyang di naman siya seseryosohin ng kasama. Masyado itong fixated sa idea na babaero siya.
“Pwede naman kita buhatin.” pagpiprisinta ni Winter confidently.
Maliit man siya, batak ang katawan niya sa mga physical activities dahil nalibang siya sa paggym at pagbabike.
“Wow, strong.” pang-aasar ni Karina habang sinusundan si Winter. Tumigil si Winter at nilingon si Karina.
“Oo nga. Kapit ka lang sa leeg ko.” sagot nito at nagbend down para ipiggy back ride nga si Karina.
“Ewan ko sayo.” walang tiwala na pinalo ni Karina si Winter sa shoulder.
Pano ba naman siya mabubuhat nito ay mas matangkad pa siya dito. Nakasimangot na tumayo ulit si Winter at naglakad na ulit.
“Anyway…look.” Tinuro ni Winter ang field ng Rhododendron mucronulatum or Korean rosebay (kunwari meron sa PH) na nadaanan nila. Halatang proud na proud ito sa mga pink na bulaklak na nagbungad sa kanila sa daan. Nalilibang din naman talaga si Karina sa mga scenery na natunghayaan nila paglalakad.
Maganda ang view ng bundok kanina. May fog din kanina sa may mga kakahuyan at iba ibang uri ng halaman na din ang nadaanan nila. Nakakabusog sa mata ang view.
“Ang ganda.” bakas sa mukha ng matangkad na dalaga ang pagkamangha sa mga bulaklak.
Napako ang tingin ni Winter sa mukha ng kasama na nakangiti pa din. Napangiti na din si Winter habang minamasdan ang maaliwalas na ekpresyon sa mukha ng kasama. Nakakafulfill na napapangiti niya ng ganoon ang isang Karina Yu.
“Parang ikaw.” di na napigilan ni Winter ang salitang namutawi sa kanyang bibig.
Pero totoo naman kasi. Kahit pawisan na si Karina ay ang ganda pa din talaga nito. Parang may built in bokeh effect ang mata ni Winter dahil ang focus niya lamang ay ang mukha ng kasama.
Winter mentally captured the scene in he