Akda 3: Checklist

Mga Akda
Please Subscribe to read the full chapter

Plot: Gusto na ni Karina magjowa kaya gumawa siya ng checklist ng mga ideal type niya sa isang tao. Lahat ng qualities na iyon ay nakita niya kay Winter ngunit mukhang wala man lang interest ang naturang babae sa kahit kanino sa kanilang school.

Genre: Fluff / Romance / University life / Crushes / Ideal Type

A/N: An unplanned oneshot tbh. Nishare ko lang sa Twitter tapos ewan ko ba, nademonyo ako ng utak ko kagabi. But anyway, enjoy. :D Mejo....corny. HAHAHAHA.

 

--

Maganda/pogi Matalino Magaling kumanta Hindi DDS Marunong maggitara Magaling sumayaw May paninindigan.

 

Napailing na lamang si Ningning ng makita ang sinusulat ng kanyang kaibigan sa yellow Scribbles notebook. Ito yung notebook na maganda ang papel na mula pa ata sa kanilang high school days. Ni hindi niya nga lubos maisip kung panong nadala pa nito ang notebook na iyon hanggang sa unibersidad nila sa Maynila.

 

“Ano ba yan, ha? May assignment ba tayo na magsulat ng personality ng favorite nating artista na di ko alam?” pag-usyoso ni Ningning sa kaibigan na si Karina Yu na busy pa din pagsusulat. 

 

Nagtry naman si Ningning alalahanin kung may assignment ba siyang nakakaligtaan. Medyo makakalimutin pa naman siya so maari talagang may nakaligtaan siya. Napakamot ng kilay si Ningning ng wala siyang maalala at tinignan siya ni Karina ng may halong pagtataka.

 

“Bakit naman artista agad ang naisip mo?” naguguluhan din na tanong ng dalaga. Sinarado na niya ang kwaderno at binalik ito sa bag. Humalumbaba si Karina sa table nila sa cafeteria kung saan sila tumatambay ng kaibigan during free period. May ilang minuto pa sila para maging idle.

 

“Eh pang artista kasi yung personality ng pinagsusulat mo. Ano ba kasi yun?” pangungulit pa ni Ningning sa kaibigan na ginaya na din ang postura ni Karina sa paghalumbaba sa table. Madaming tao sa cafeteria at medyo maingay din ang ibang students na abala sa kani-kanilang gawain.

 

Si Ning Yizhou at Karina Yu ay matalik na magkaibigan na sabay lumuwas ng Maynila upang mag - aral at maabot ang kanilang mga pangarap. Mag tatatlong taon na sila sa isang sikat na unibersidad at marami na din silang nakasalamuha pero iba pa din ang bonding pag sila lang.

 

Kaya kapag minsan na gusto nila humiwalay sa kani - kanilang grupo ay sila lang dalawa ang nagsasabay pagkain ng lunch. Katulad ng araw na iyon. Nagsigh muna si Karina bago sumagot.

 

“Aahh...listahan yun ng gusto ko sa isang tao.” pagsagot ni Karina at nagsimula ng kainin ang sandwich na binili niya kanina. Nilunok niya muna yung nanguya niyang tinapay bago nagsalita muli. “Alam mo yun, parang gusto ko na din kasi magjowa.”

 

Napatango tango naman si Ningning sa sinabi ng kaibigan. Si Karina na nga lang naman ang single sa kanilang magkakaibigan. Nakakapagtaka man kasi madami din naman manliligaw sa kaibigan niyang ito. 

 

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kagaya ni Karina?

 

Maganda, matangkad, maputi, matalino at higit sa lahat, mabait. Kung bakit single ito, siya lang ang nakakaalam - at marahil ngayon si Ningning na din. 

 

May checklist naman pala ang kanyang matalik na kaibigan.

 

Yun nga lang mukhang artista ang gusto nito at hindi ordinaryong tao. 

 

Kumakanta, sumasayaw at tumutugtog ng instrument. Entertainment package yan?

 

Kahit medyo natatawa sa pinag-iisip ay sumang-ayon na lang si Ningning sa kaibigan, yun ang trip niya eh. Supportive friend lamang siya.

 

“So, paano mo na hahanapin yung jojowain mo? Dapat pasado sa checklist?” pagsisiyasat pa ni Ningning. 

 

“Bad idea ba?” pagbabalik tanong ni Karina. Nagshrug ng shoulder si Ningning. Matapos ang ilang minutong katahimikan na nagdaan ay nagligpit na din sila ng mga gamit dahil malapit na ang next period.

 

“Madami ka naman manliligaw, maybe meron sa kanila na papasa sa checklist mo.” pag eengganyo pa ni Ningning habang naglalakad sila pabalik sa building kung saan ang next schedule nila.

 

“Siguro. Hayaan mo na nga.” pambabalewala ni Karina at nagpatuloy bilisan ang lakad. Ayaw niya mawala ang pagiging president’s lister niya by being late ng dahil sa slight kaharutan ng utak niya.

 

--

“Kaya mga kapwa iskolar ng bayan, tara na at ipaglaban ang ating karapatan!” malakas na pag-engganyo ng mga grupo ng aktibista sa loob ng classroom nila Karina. Karamihan ng mga kaklase niya ay di nakikinig at busy sa kani kanilang topic.

 

Si Ningning man ay di nakikinig sa tabi niya dahil kumokopya ng assignment nila sa Linguistics. 

 

Ang nasa kabilang side niya naman ay si Winter Kim. Ang aloof pero genius nilang kaklase. Nakabend down ang ulo sa desk at waring natutulog. Ganun naman lagi ang pwesto nito sa kanilang klase.

 

Pansinin ito kahit nung first day pa lang nila nung first year ngunit sadyang mailap lamang ito sa mga tao kaya walang nagtatangkang lumapit dito. Lagi itong blangko ang ekspresion sa mukha at nagmamasid lamang sa paligid pag may group work.

 

Madami pa ding sinasabi yung speaker sa unahan ngunit nawala na dito ang attention ni Karina at napunta na sa katabi sa kaliwa. Ang mysterious nilang kaklase na ayon sa bali-balita ay miyembro daw ng isang dance org na mapili sa mga kukunin na students.

 

Medyo nagulat siya na sa tabi niya ito umupo kanina dahil madami pa namang bakanteng pwesto. Ngunit dali dali niya din inalis sa utak niya ang malisya. Nasa likurang bahagi sila ng classroom at dinahilan niya na lang na baka gusto lang talaga nito matulog sa likod. 

 

No big deal.

 

Nabalik ang attention niya sa unahan ng nagsabi na ng closing remark yung speaker at nagcollective sigh ang karamihan sa kaklase nila. Samu’t saring reaction ang narinig niya pagkalabas ng grupo, kadamihan pagtutol sa mga punto ng aktibista.

 

Ngunit ang mahina ngunit firm na statement ng akala niya ay tulog na kaklase niya ang nangibabaw sa kanyang pandinig. “May point naman sila. Ang bull ng gobyerno.” mapait na sambit nito at pumikit na ulit. 

 

Medyo napatanga si Karina sa kanyang upuan. 

 

Kinausap ba siya ni Winter Kim o para iyon sa sarili niya? 

 

Doon na napatitig si Karina sa maamong mukha ni Winter Kim.

 

Maliit na hugis ng mukha, mahabang pilikmata, maliit na labi, matangos na ilong at puting puting mga pisngi. Maganda talaga siya. Parang baby na ang sarap pisilin ng pisngi. Di namamalayan ni Karina na mahabang minuto na pala siya nakatingin dito.

 

“Is there something in my face, Ms. Yu?” pormal na tanong ni Winter sa kanya ngunit nakapikit pa din.

 

“Ha, wala.” mabilis na tugon ng nahuling dalaga. 

 

Namula ang pisngi at tenga ni Karina habang dali daling nagturn ang mukha sa side ni Ningning na oblivious sa mga nangyari dala ng pagfocus sa assignment. Tinignan siya ng kaibigan na may nagtatanong na mga mata sa weirdong aksyon ng kaibigan niya.

 

Bigla kasi nagsalita si Karina at di nadinig ni Ningning si Winter. Baka di din ito maniwala na si Winter ang nagsalita sa sobrang snob ni Winter, on normal occasions.

 

“Sino kausap mo?” tanong ni Ningning. Umiling na lang si Karina.

 

“Wala. Tapusin mo na yan.” pag - uutos ng may ari ng assignment na kinokopya. “Baka dumating na si sir.” pagdugtong ni Karina to mask her embarrassment.

 

Pero deep inside mejo nagpapanic din siya. 

 

Naalala niya ang listahan na ginawa niya.

 

Maganda/pogi ✔ Matalino  ✔ Magaling kumanta Hindi DDS.  ✔ Marunong mag gitara Magaling sumayaw  ✔ May paninindigan.

 

Kung totoo ang pagiging miyembro ni Winter sa dance team, 4 agad dun ang check na siya. Di naman siguro siya marunong kumanta at mag gitara diba?

 

Napalunok si Karina.

 

Pero bakit nga ba nilagyan niya agad ng checkboxes si Winter sa munting listahan niya?

 

‘Ah. Ewan. Kabag lang siguro to.’ pagdadahilan ni Karina sa sarili. 

 

She’s trying desperately to ignore the butterflies in her stomach habang katabi niya si Winter Kim.

--

 

“You’re so KJ talaga Winwin.” maarteng sabi ng isang dalaga na dumaan sa harap ni Karina sa linear park kung saan siya nagbabasa ng notes mag-isa. Napatingin siya sa dumaan na dalawang babae na kilalang kilala sa campus.

 

Giselle Uchinaga - ang best friend ni Winter Kim na madalas mapagkamalan na jowa nito. 

 

Nakalink arms ang dalawa habang pumupunta sa mas malayo pang parte ng park malapit sa mga nag gigitara sa gilid.

 

“Gigi, I told you I don’t like practicing with strangers.” mariin pero soft pa din na sagot ni Winter. Naupo ang dalawa sa pagitan ni Karina at mga naggigitara. Siguro ay mga isang dipa ang pagitan kaya nadidinig pa niya ang pag - uusap ng dalawa.

 

“Still, you’re a member of the dance troop Win. You can’t always ditch practice.” patuloy na pag-nag ni Giselle sa kaibigan. 

 

“You know better than anyone else that I don’t need practice.” confident na sagot ni Winter Kim. Nililipad ng malamig na hangin ang mahabang buhok ni Karina kaya nagtuck siya ng buhok sa tenga at nag focus ulit sa notes.

 

“I hate your photographic memory at times.” naiinis na sambit ni Giselle sa kayabangan ng kaibigan at sumandal na din. “You owe me one for saving your all the time.” pagbabanta pa ng conyo na si Giselle dahil andami ng missed absences ng kaibigan.

 

“Whatever.” walang pakialam na sagot ni Winter. 

 

Aalis na dapat si Karina dahil she felt like she was intruding a private conversation kaso natigilan siya sa kasunod na sinabi ni Giselle.

 

“How about you play for me na lang as pambawi?” pagtatanong ni Giselle habang nakatigin sa kabilang side kung saan may isang grupo na nagjajamming. “I’ll borrow guitar for you.” dagdag pa nito.

 

“Nababaliw ka ba?” nagtatakang tanong ni Winter sa kaibigan at nagshake pa ng ulo. “Tsaka dito talaga?”

 

“And why not here?” pagbabalik tanong ni Giselle. “Look oh, they’re playing and jamming din kaya.” pagturo nito sa isang grupo further ahead ng park.

 

“Nakakahiya Gigi.” pagtanggi ni Winter ulit at sinamaan siya ng tingin ng bestfriend niya. “I’ll play for you-” di na natapos ni Winter ang sasabihin ng biglang tumayo si Giselle. Dapat sana ay sasabihin nito na she’ll play for her friend next time.

 

“Yay, thanks Winwin!” mabilis na pinuntahan ni Giselle ang mga nag gigitara at nagpapacute sa mga ito. “Hey guys, can we make hiram of your guitar please? I kinda miss my friend playing for me eh.” entrada nito with matching puppy eyes pa sa mga naggigitara. 

 

Napailing na lamang si Winter sa inasta ng kaibigan. 

 

Kahit kailan, walangya talaga.

 

Si Karina naman ay nasa notebook pa din ang mata pero tahimik na nagmamasid, lalo na yung tenga niya sa pakikinig stealthily. 

 

‘Baka naman paggigitara lang ang alam niya.’ pagdadahilan ni Karina pero nag aanticipate din siya sa impromptu na pagtugtog ng kaklase. 

 

Hindi maintindihan ni Karina kung bakit siya ang kinakabahan. Di naman siya yung magpeperform ngayon.


“Uy, thanks talaga ah!” masiglang pagpapasalamat ni Giselle sa mga lalaki at dali daling lumapit sa kaibigan habang dala dala na yung mahogany colored na guitar na nahiram niya sa mga ito.

 

“Here ya go!” proud na proud na nakangisi pa si Giselle habang pinapakita kay Winter ang instrumento na nahiram nito. Nakasunod naman ang tingin ng mga kalalakihan sa maganda at extraverted na babae.

 

“I swear Gigi, you’re so embarrassing at times.” namumula na komento ni Winter habang nahihiyang tumango at pilit na ngumiti sa mga may ari ng gitara. Naghiyawan naman ang mga lalaki sa galak dahil dalawang babaeng maganda ang nakapansin sa kanila.

 

“But you love me still.” confident na sagot ni Giselle at umupo na sa tabi ni Winter. 

 

“So go and do your thing na.” utos nito sa kaibigan. Huminga ng malalim si Winter bago inabot ang stringed instrument. 

 

Nagstrum ng isang beses si Winter at inayos ang timpla ng gitara bago nagsimula. “Magkakalat lang ako dahil wala kong practice.” pagwawarning pa ni Winter na dahilan upang magroll eyes naman si Giselle, completely not buying that statement. 

 

Si Karina naman ay tahimik na nakikinig lamang sa kabilang gilid, expecting na guitar playing lang ang masasaksihan. 

 

Nagsimula na ang pamilyar na beat at tono ng pagpluck sa strings ni Winter.

 

Napakunot ang noo ni Karina dahil ang perfect ng musika na nanggagaling sa gitara. 

 

Wala pang practice yun? Grabe. 

 

Tuloy tuloy pa din ang intro ng sikat na lumang kanta na kasalukuyang tinutugtog ng blockmate niya. Napapabob ang ulo ni Karina sa saliw n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet