Akda 2: Inspirasyon (1/4)
Mga Akda
Plot: Umuwi si Karina sa probinsya dahil may kailangan siyang gawin ngunit inspirasyon ata ang nahanap niya.
Genre: Fluff / Romance / Light Angst / Trilogy
A/N: Predictable pa din ang kwento. Don't expect much cause this is a side project from my actual ongoing stuff. I know you guys are asking for a sequel ng Cliché kaso wala talaga ko maisip. I'll write a sequel for that if an idea comes. For now, this will be a Tagalog story collection na lang hence the title change to "Mga Akda= plural." Most likely oneshots and trilogy like this one. Ang lakas niyo sakin, eh. HAHAHA.
I hope magustuhan niyo din to like how you liked my first Tagalog attempt. Pagpasensyahan, nangangapa pa ako sa pagsusulat ng Tagalog.
And madaming cuss words pa din. Sorry na agad. Enjoy~
--
“She like to be on top
She want to be my boss
You so bad
You should make use of that
Girl, you so bad
But you already knew all that”
Napapaindak ang ulo ni Karina Yu habang pinapakinggan ang masayang tyempo ng kanta ni James Reid na tumutugtog sa kanyang in-ear monitor. Tinignan niya ang mga punong dinadaanan ng bus kung saan siya nakasakay pabalik ng kanyang probinsya.
Ang payapa ng tanawin sa labas habang ang liwanag ng buwan ay nagdadagdag liwanag upang mas maappreciate niya ang mga dinadaanan. Nakakatawang isipin na kung gaano kakalmado ang kanyang nakikita ay siya namang ikinagulo ng kanyang musika.
Parang ang kanyang nararamdaman sa byaheng ito. Hindi alam ni Karina kung makakabuti o makakasama lalo sa kanya ang pagbalik sa probinsyang kinalakihan. Pamilyar ang mga lugar na kanyang dinadaanan at napabuga si Karina ng hangin.
‘Malapit na.’ ang tanging bagay na naisip niya at sandaling namangha sa mga punong dinadaanan.
‘Sana mahanap ko na ang aking inspirasyon.’ hiling niya sa kung Sino man ang nakikinig. Ipinikit ng babae ang kanyang mga mata saglit. Siguro kailangan lamang niya ng tulog kaya kung ano ano na nasasabi niya sa isip.
--
“Welcome back, insan!” malakas ang boses ng pinsan niyang si Tiffany matapos siyang makita sa terminal ng bus kung saan siya bumaba. Mabilisan din siyang tinulungan nito sa kanyang bitbit na mga bag.
“Thank you for picking me up, ate.” sagot ni Karina at niyakap ang pinsan at bineso.
“Sus. Ikaw pa ba?” natatawa pang tanong ni Tiffany tapos lumingon sa likod kung saan nandoon ang maliit na babaeng may blondeng buhok. “By the way, si Erika.” pagpapakilala ni Tiffany sa kalive in partner niya.
Nagbigayan sila ng ngiti at naghandshake habang nagpapakilala.
“Hanggang kelan ka pala dito?” pagtatanong ni Tiffany habang naglalakad sila papuntang sasakyan ng magjowa na pulang Ford EcoSport.
“Inaayos pa yung titulo sa lupa pero mabilis na daw yun. So maybe until that's done.” sagot naman ni Karina habang nakaangkla sa braso ng nakakatanda niyang pinsan sa mother side.
Bilang lamang sa daliri ang mga kamag-anak na pinagkakatiwalaan ni Karina at isa si Tiffany dun. Sa father side, medyo ayaw niya na lang magtalk.
Dahil namatay ang magulang ni Karina, kailangan nilang ayusin ang titulo ng lupa na naiwan nila para maghati silang magkakapatid ng maayos. Kung maaayos.
“I see.” tumango si Tiffany sa nalaman. “How’s your book pala?”
“Still stuck.” malungkot na saad ng bagong dating na kasalukuyang may author's block. Isang kilalang manunulat si Karina Yu ngunit nagtatago siya sa kanyang pen name. Madami dami na din siyang nasulat na libro ngunit hindi niya matapos ang book na sinusulat niya ngayon na part ng kanyang pinakakilalang collection.
“Walang progress at all?” tanong ni Tiffany dahil parehong sagot ang nakuha niya sa pinsan niya a week ago ng kinumusta niya sa telepono. “E di dito ka muna until matapos yan.”
“What?” nabigla naman si Karina sa biglaang pagyaya ng pinsan niya na iextend ang pagstay sa province,
“Maganda ang view dito. Baka makainspire sayo.” paghikayat ni Tiffany sa pinsan tapos naglambing pa by saying “And ayaw mo ba kami kabonding? Ang tagal tagal na ng last uwi mo.” May pag pout pa ang pinsan niya na akala mo e hindi siya mas matanda kay Karina.
Mahinang natatawa lamang si Erika sa inaasta ng jowa niya. Nasa likod ang maliit na babae na nagdala ng gamit ni Karina. Ayaw sana ni Karina kaso siya nag-insist para mas makapag-usap pa daw sila ng maayos.
“Ate…” tawag ni Karina ng malambing. “You know why naman eh.”
Hindi komportable si Karina sa idea ng pagstay ng mas matagal kesa sa kailangan. Matagal niya ng binabaon sa limot ang lugar. Ayaw niyang maalala ang disappointment sa mukha ng magulang niya ng malaman ang kanyang gender preference.
“Wala naman mawawala sayo to stay. It’s been 7 years since last ka namin nakasama.” pagpipilit pa ni Tiffany sa kagustuhang makasama pa ang pinsan.
Saglit na nag-isip si Karina. Wala naman na din ang magulang niya. Wala naman siguro ngang mawawala gaya ng sabi ng pinsan. Besides, hindi naman siya pinapabalik agad ni Cath - ang editor nila, dahil pwede naman niya ipasa ang trabaho niya sa net anytime.
“Pffft. Fine.” napipilitan na sagot ni Karina. Ngumiti ng napakalawak si Tiffany, showing her famous eye smile. Gusto na lang magface palm ng bagong dating. Nascam ata siya ng pinsan niya - nauto, rather.
Hinayaan na lang muna niya at sumandal sa backseat ng kotse habang nagdaldalan sila ng pinsan niya. Si Erika ang nagdrive hanggang makarating na sila sa subdivision kung san nakatayo ang bahay nila.
“Are you sure kaya mo magstay dito mag-isa? You can stay with us naman.” alanganing tanong ni Tiffany dahil mag - isa lamang si Karina sa outhouse. Nasa main house ang buong pamilya niya.
‘Wala man lang sumalubong sakin sa mga kapatid ko.’ Tsk. Naisip ni Karina at nagsigh. Nakakapagod umasa at madisappoint palagi. Pero ano bang bago? May mababago pa ba? Wala na ata.
“I’m sure.” tipid na ngiti ang sinukli ni Karina. “Anyway, thank you ate. It’s late na oh.” turo niya sa oras sa wristwatch niya where it says na almost 1am na.
‘Grabe ang lamig naman.’ reklamo ni Karina sa isip ng dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang braso at tumaas ang mga balahibo niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok.
“Homebound.” text ni Karina sa friend niyang si Giselle bago nagpainit ng tubig at nag half-bath. Medyo maalikabok pa ang kabahayan pero hinayaan niya na lang muna at natulog. Gusto na niyang magpahinga.
It’s been a very long day.
--
“Tiktilaok!” ang maingay na paggising kay Karina ng manok na alaga ng kanilang kapitbahay. Nabahing ang dalaga sa alikabok na nanuot sa kanyang ilong habang siya ay natutulog. Nag-inat siya ng kanyang braso at napatingin sa blue watch na nasa kanyang braso.
5: 04am. Madilim pa ang kapaligiran sa labas hudyat na hindi pa sumisikat ang araw.
Halos 4 hours pa lang ang tulog niya ngunit nagdesisyon na si Karina na bumangon. Medyo masakit sa likod ang papag na ginamit niyang higaan kagabi. Alam niyang kailangan na niyang maglinis sa bahay na tutuluyan niya pero mas naeengganyo siyang manuod ng pagsikat ng araw.
Nagawi ang tingin niya sa bisikleta na lagi niyang ginagamit noon. Napangiti ang dalaga at nagpalit ng damit. Nagdesisyon siyang magsuot ng puting crop top jacket at itim na hapit na jogger pants at umalis na dala dala ang cellphone at wallet sa bulsa ng jacket.
Nagbike si Karina papunta sa may elementary school na malapit sa may burol upang mas makita niya ang unti unting pagpapakita ni haring araw. Siguro kailangan niya ng kagandahan sa buhay para mas ganahan siyang magsulat sa kanyang libro.
Nililipad ng hamog ng hanging probinsya ang itim na itim na mahabang buhok na tinali niya kanina. Naenjoy naman niya ang paghampas ng malamig na hangin sa kanyang mukha habang pumapadyak ang mga paa niya sa pedal.
Nakatama naman ang setting ng gear ng bike niya kaya tuloy tuloy lang siyang nagbike habang nakikiramdam sa paligid. Medyo madilim pa ang daan kaya tinalasan niya ang pandinig at baka may makasalubong siyang sasakyan sa mga likuan.
Mga kalahating oras din siyang nagbike bago niya narating ang paroroonan. Napangiti siya habang bumababa ng bisikleta. Nilagay niya ang bike sa tabi ng puno at umupo sa malaking bato sa tabi nito.
Nilabas niya ang cellphone at kumuha ng litrato. Gusto sana niyang ipost ang magandang tanawin sa IG kaso napagpasyahan niyang ipagdamot ito the last minute. Nag open na lang siya ng Google Docs at nagtype ng kasunod na kabanata ng kanyang sinusulat.
Ibang klaseng inspirasyon ang naidudulot ng natural resources.
Winter didn’t answer anymore and they watched as the sun started peaking from its place and color the sky with brightness. It was a sunny day after a dark night. The display of the new beginning marks the start of a new day.
“Ang cliche pero even if the yesterday was dark and painful, lagi nam