CHAPTER 0

STILL, YELLOW LIGHT
Please Subscribe to read the full chapter

Meet me in Amsterdam, a prologue...

 

 

Two birds sitting in a line — a coffee bar and bakery located in the heart of The 9 Streets.

 

[I can't fly out tomorrow because I need to accompany Dad to a business conference in Japan. So ikaw lang talaga ang inaasahan kong mag-proxy sa akin.] He crossed the street while carrying a bundle of hot vanilla cappuccino and iced coffee, five boxes of sliced cakes, waffles, sourdough, and cinnamon bread. After placing them on the front basket, he straddle on his bike and pedaled away.

 

"I have a new project coming up next week so I need to work on it."

 

[Next week pa naman pala. Tsaka Red it won't take much of your time.]

 

"Unnie, paano kung ayoko talaga?"

 

Narinig niyang bumuntong hininga ang nakatatandang kapatid sa kabilang linya.

 

[Ano bang palagi kong sinasabi sayo?]

 

"Always follow my heart."

 

[What does your heart want right now?]

 

"Hmm... Yung starcraft plane."

 

[Jusko. Napaka-materialistic mo talaga~ Pumunta ka sa exhibit ni Cali kundi susunugin ko 'to tapos isesend ko sayo kasama ang credit card bill ko.]

 

"Unnie..."

 

[Riddle Ethelred Kim DeMarcus, alam ko gusto mo siyang makausap kaya ka nga nandyan diba?]

 

Saglit siyang natahimik para mag-isip.

 

[Ang tagal naman mag-decide oh~]

 

"Okay fine."

 

[Good. Wala ng bawian yan. Take a lot of photos and send it to me for proof before I send this toy to you.] Habang nakikinig siya sa mga bilin ng kapatid, nakita niya ang isang purple haired girl na pumasok sa vintage shop na nagbebenta ng mga lumang camera, betamax player, cd-dvd, casette tapes, walkman, atbp. Doon niya biglang naalala yung mga litratong pinadevelop niya.

 

Kaya pumedal siya papunta sa direksyon na iyon at pagtigil niya sa tapat nito, nakita niyang tumitingin siya ng mga postcards malapit sa bintana. Matapos niyang i-park ang bike pumasok na siya sa loob at agad na lumapit sa counter.

 

"I came here yesterday to develop my camera film. Is it already available?" The guy just smiled at him before taking out a bundle under the glass table.

 

"Where's my camera?"

 

"That lady took your camera and paid $2000 for it." He placed two $1000-dollar bills on the tab.

 

"What? Why did you sell it to her?"

 

"I did not. She just took it while I wasn't looking." Nang marinig niya yun napangisi na lang siya.

 

"Is it true that you know each other?"

 

"I think so... Anyway, just keep the money. We'll be back here once I get my camera from her."

 

Pero makukuha pa ba niya ang camera?

 

Sa kakaisip niya ng paraan hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng isang kulay gray na building. Makalipas pa ang ilang saglit, binitbit na niya ang bike papasok sa gate na hanggang bewang lang niya ang taas. Kung saan makikita ang isang staircase patungo sa main door na may signage board na 3x4 at mababasa dito ang mga katagang you're not lost, you're here.

 

Indikasyong nasa apartment na siya ng kaibigang si Meadow Tolentino, isang webtoon creator.

 

Pagpasok niya sa sala naabutan niyang seryoso siya habang nakabaligtad sa bar at hinihila ang sarili pataas.

 

"Good morning!" She beamed a smile before sitting back on the bar and safely jumping down. "Did you find the best coffee shop that suits your taste?" She asked while wiping her sweat with a towel before drinking from the bottle.

 

Hindi siya sinagot ni Red kasi may airpods siya sa tenga kaya possibleng hindi siya narinig.

 

When Red came back from the kitchen, he was carrying two plates and utensils. Then, he placed them on the table before taking out waffles for each plate.

 

"Choose between peanut butter or strawberry jam." Sambit niya paglapit ni Mead.

 

"Diba bukas na yung exhibit? Pupunta ka?"

 

"I guess so. I mean, wala akong choice."

 

"Why?"

 

"Susunugin ni unnie ang starcraft plane at isesend niya sa akin yun kasama ang credit card bill."

 

Hindi alam ni Mead kung tatawa siya o tahimik na lang aasarin ang kaibigan?

 

"Dapat lang. Malaking balita kaya sa art industry ang exhibit ni Calista Cambria."

 

Ngunit hindi siya ulit sinagot ng kaibigan na may tahimik na binabasa sa kanyang iPad.

 

"Nagkita na naman kayo noh? Kaya wala ka na naman sa mood..."

 

Red raised an eyebrow before shifting his gaze from the screen to her. "Bukod doon kinuha niya ang camera ko at nag-iwan ng $2000 dollars sa vintage owner para doon pero di ko tinanggap."

 

"Pinadevelop mo lang yung film nun diba?"

 

She sat across her and took the iced coffee.

 

"Oo. Natipuhan ata niya kaya kinuha~"

 

"Eh baka naman kasi akala niya binenta mo dun?"

 

"Sinabi sa kanya nung owner na hindi yung for sale pero kinuha pa rin niya."

 

"Iba rin yang ex mo ah."

 

Mas lalong kumunot ang noo niya bago nilapag ang iPad sa kaliwa niya.

 

"Kaya nga nasira yun kasi hinulog niya sa tubig nung mag-break kami. Buong gabi kong hinanap yun at pinatuyo ko para sana gumana pa pero sa sobrang tagal na nitong nababad sa tubig kaya kahit pinatignan ko dun sa kaibigan kong maalam sa camera. Sabi niya hindi na daw maayos."

 

Napangisi si Mead nung marinig niya yun.

 

"Eh baka nga kaya niya kinuha kasi naguguilty siya sa ginawa niya?"

 

"Hindi siya ganung klaseng tao. May agenda siya kaya niya ginawa yun."

 

"Akala ko ba iniiwasan ka niya?"

 

Nang sabihin niya yun biglang tumunog ang phone ni Red.

 

"So you still have each other's phone numbers?"

 

Red hushed her before picking up the phone.

 

"Hello, this is Red speaking."

 

[It's me.] He froze for a second but managed to speak coldly.

 

"Oh. What is this about?"

 

[Come to the exhibit.]

 

"Ah. Yeah. Unnie asked me to proxy for her."

 

[About that... Do you have some spare time afterward? Maybe you want to grab a beer?]

 

Red let out an annoyed sigh.

 

"Ibabalik mo ba ang camera ko kung magkita man tayo?"

 

[Who knows?]

 

After he ended the call, Mead stood by his side with a suspicious gummy smile.

 

 

******

 

 

(30 minutes before...)

 

 

Ate calling...

 

"Yeah?"

 

[Nakausap mo na? Pupunta daw ba siya?]

 

"Tatawagan ko pa nga lang pero may alibi nako para magkita kami."

 

[Ano namang alibi yan?]

 

"Right now, he must be annoyed because I took his camera for $2000."

 

[What?]

 

"And I am right, Ate. He still retrieved our photos despite the camera being broken."

 

[Syempre. Memories yun noh~]

 

"But do you think he still likes me?"

 

[Feeling ko. Pero iba rin kasi talaga ang DeMarcus na yan~ Mahirap basahin ang iniisip.]

 

"Sabagay. Sige na, Ate ibaba ko na 'to."

 

 

Matapos nun binalik niya yung karayom sa gitna ng vinyl record bago naupo sa couch.

 

At tila nag-iisip pa kung pipindutin na ba niya ang green phone button sa kanan ng pangalan nito sa kanya contacts. Pero ilang sandali pa binitawan niya ang phone at kinuha yung carbonated drink sa harap niya at naupo sa harap ng laptop niya na nakapatong sa mababang table.

 

"Why are you checking on his IG feed again?"

 

Hindi niya ito hobby o madalas na ginagawa. Minsan lang kapag namimiss niya ang dating kasintahan. Tinitignan niya ang ig feed nito para malaman kung may bago ba siyang collection ng laruan? O kung may update siya tungkol sa husky niyang si Chocoey? O kung may bago na siyang girlfriend— isang bagay na hinihiling niyang sana hindi niya makita doon.

 

This two heartstrings meet in college. Red was a popular baller for the Crogveris Wolves while she is also known for her pretty face and clean image as the captain of the swimming team.

 

Pero sa lahat ng maganda school nila, siya lang ang hindi pinapansin ni Red. Kahit alam ng lahat na member pa siya ng Reddicts o yung fans club na ginawa ng mga babaeng may crush sa kanya.

 

Ngunit isang araw bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin nang makipag-break ang ComArts Goddess na si Tali kay Red.

 

Sabado nun, alas tres ng hapon, sa isang lomi house malapit sa dorm nila. Kumakain siya kasama ang kaibigang si Lei. Habang nagkukwentuhan sila bigla na lang may tumawag sa pangalan niya. Hindi niya kilala yung lalake pero nakasuot ito ng green na uniform at may bitbit na white and blue roses. It was wrapped with a purple silk paper and tied using a white ribbon.

 

"Kanino po ito galing?"

 

"Kay Red po."

 

"Ah."

 

"Pa-picture na lang po." She held the flowers. "Thank you po, ma'am. Have a nice day!"

 

Pagbalik niya sa table nila naramdaman niya ang mga matang nakatingin sa kanya maging si Lei.

 

"Kaya pala niya tinatanong kung nasaan ako..."

 

"Dapat hindi mo na lang sinagot."

 

"Hindi naman ako ganun kasama."

 

"Ang sabihin mo head over heels ka sa kanya!"

 

Hindi niya agad sinagot ang tanong ni Lei dahil nag-message yung isa.

 

Red: Don't think of anything. It's just a peace offering.

 

"Peace offering lang daw."

 

"So inamin din niyang foul ang mga sinabi niya sayo nung isang araw?" Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. "Mabuti naman at marunong pala siyang mag-sorry. Akala ko manhid talaga eh."

 

"Lei."

 

"Hoy, hindi ko pa nakakalimutan ang panghihiya sa'yo ng Red na yan! Isa pa, hindi porket crush mo siya may karapatan na siyang sabihan ka ng ganon!"

 

Hindi niya masabi kay Lei na may mas malalim pang dahilan kung bakit niya natanggap ang flowers na yun. Kasi nung oras na yun nandun rin si Tali kasama ang mga kaibigan niya.

 

"Well, it's time to let bygones be bygones."

 

"Whatever." Napahinto siya ng makita ang bestfriend ni Red naka-dorm din malapit sa school.

 

"Lei, let's go?"

 

Sumama lang siya sa kaibigan ng hindi inaalam ang purpose ng paglabas nila pero pagdating nila sa fruit stand na halos katapat lang ng lomi house doon na siya napaisip.

 

"Para kanino 'to girl?"

 

"Kay Red. He's sick."

 

"Wow, paano mo nalaman?"

 

"Sinabi niya."

 

Bilib rin naman talaga si Lei sa perseverance na meron si Zayne pero minsan kasi naabuso yun ng hindi niya nalalaman at doon siya naiinis kapag naargabyado ang bestie niya.

 

Samantala, paglabas ni Drew sa lomi house nagulat siya nang bigla siyang lapitan nung dalawa.

 

"Hello, diba ikaw yung friend ni Red?"

 

"Yup. What can I do for you?" She looked at Zayne before she noticed Lei's stare that she couldn't hold for a second and kept on glancing away. It made her smile and told herself that she was cute.

 

"Pwede bang pakibigay sa kanya 'tong fruit basket?"

 

"Huh?"

 

"Nalaman ko kasing may sakit siya."

 

"Really? Kaya pala nagpabili ng lugaw... Anyway, salamat dito."

 

"Pagaling kamo siya." Pahabol ni Zayne bago sila tuluyang maghiwalay ng landas.

 

"Makakarating."

 

Pagtalikod nila agad niyang napansin ang pinipigil ni Lei na emosyon.

 

"Crush mo yun?"

 

"Hoy! Hindi. Pero cute siya."

 

"Eh? Same na rin yun?"

 

"Nope. Hindi ako kagaya mong simp!"

 

Matapos niyang sabihin yun iniwan niya sa gitna ng kalsada ang kaibigan na agad sumunod sa kanya para asarin siya ng paulit-ulit.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coldbrewrae
Did you like this update? Please leave your thoughts... and don't forget to vote and subscribe! Thank you~

-Raek @coldbrewrae on twitter

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 3: Okay . CaliAda is back .