Utsukushī tsuma

Utsukushī tsuma
Please Subscribe to read the full chapter


NOTE: Hello, it's been a while! Miss niyo ba ako? Eme. Eto ayuda bago mag comeback ang aespa. Naka 26k words na pala ako, hindi ko namamalayan. Hope you'll enjoy it! Paki pindot nalang title nung songs if ever gusto niyo mapakinggan.

 

Akala ko mga pagkain sa ayuda lang ang instant, pati pala ang asawa.

 

johnny stimson, jeff bernat, jesse barrera - casual

timmy albert - roses & sunflowers

 

 

"Ma, anong ulam?" Tanong ko agad pagkababa na pagkababa ko ng hagdan, medyo inaantok pa ako. Naghihikab at nagkukusot ng mata akong umupo sa pwesto ko sa hapag kainan habang inaayos ang buhok ko gamit ang daliri ko.

 

Kabagot.

 

Wala kasing ganap dahil bakasyon namin ngayon at malapit na rin magpasko kaya naman ayan, pahila hilata nalang ako sa bahay, walang masyadong ginagawa. Kagabi naman, naglinis ako ng kwarto ko pero pinagalitan pa ako ng nanay ko dahil nakita niya akong nagwawalis. Masama raw yun, dahil nagtataboy raw ako ng swerte? Hindi ko alam, hindi naman sa wala akong pake sa mga pamahiin pero parang ganun na nga?

 

Pero syempre, hindi nalang din ako sumagot dahil wala naman na akong magagawa. Ayoko na rin makipagtalo sa mga pinaniniwalaan ng nanay ko, kaya tinigil ko nalang. Hindi naman ako mananalo kasi isisingit niya ang namin, malamang mas matanda siya. Matakot kami pag mas matanda pa pala ako, hay.

 

"Wala. Magluto ka ng itlog diyan, tsaka bantayan mo yung kapatid mo, aalis ako!" Mukhang nagagahol pa ito habang inaayos ang make up niya kaya naman agad na napakunot ang noo ko. Saan ang punta?

 

"Saan lamay?" Tanong ko agad dahil nakabusangot ang mukha niya kahit na patuloy pa rin siya sa paglalagay ng kolorete sa mukha tapos naka white pa siya.

 

Sinamaan naman agad ako ng tingin nito kaya napangiti ako ng alanganin. Grabe, nagtatanong lang. Nakalimutan ko pikon nga pala 'tong nanay ko.

 

"Anong pinapalabas mo, ha?" Masungit na tanong nito habang nag-aapply ng lipstick kaya naman pinigilan ko na matawa. "Sa birthday ni Aling Pasing ako pupunta!"

 

Napapatango naman ako bago pumunta sa harap ng ref at buksan ito, pag talaga binuksan mo ang ref namin mapapasabi ka nalang ng wow, dagat. Dahil puro tubig lang ang laman, ay meron din palang uling.

 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may ice cream na mint chocolate ang flavor kaya naman agad ko itong kinuha at excited na binuksan kaya lang agad din akong nadismaya nang makita na isda pala ang laman.

 

Kainis.

 

"Ayan, asa pa!" Parang demonyo na humalakhak ang nanay ko nang masaksihan ang nangyari kaya naman inirapan ko rin siya. Napaka talaga.

 

Wala naman na sa amin ang biruan na ganito dahil lumaki ako na para kaming magtropa, pero hindi naman ibig sabihin non na hindi ko na siya ginagalang. Alam ko pa rin ang limits ko, alam ko na anak ako at nanay ko siya. Kaya naman hindi ko siya binabastos o tinuturing na para talagang kaibigan na pwede mong hampas hampasin, murahin, at sabihan ng kung ano ano lalo na pag biruan.

 

Pero grateful naman ako kahit na ganito ang nanay ko, napalaki naman niya kami nang maayos at naturuan niya rin kami ng magandang asal. Kahit na inaasar ko siya madalas, o siya naman eh kung ano ano ang inuutos sa akin, thankful pa rin ako na siya ang naging nanay ko.

 

Kahit madalas siya ang source ng stress ko.

 

"Kaurat naman, ma. Huwag nga kayo maglalagay ng isda sa lalagyanan ng ice cream na mukhang bago pa! Umaasa yung tao, eh." Inis na kinamot ko ang ilong ko habang nagrereklamo at tinakpan ulit ang lalagyanan sabay balik sa pwesto nito kanina sa ref. Kinuha ko na yung itlog na sinabi ng nanay ko na lutuin at tinignan ko na rin kung may nuggets pa sa freezer. Fortunately, meron pa naman kahit konti nalang, atleast kasya na sa amin 'to ng kapatid ko.

 

"Bakit parang kasalanan ko?" Panggagaya pa nito sa favorite character niya na si Bobbie sa four sisters and a wedding. Inismiran ko naman siya habang naiiling iling na cinrack ang itlog para haluin. Scrambled ang gagawin ko dahil kakakain ko lang ng sunny side up kahapon, wow parang may naiba eh itlog pa rin naman.

 

"Ewan ko sa'yo, ma. Bakit naman ang aga aga magpaparty ni Aling Pasing?" Tanong ko naman at tinignan ang wall clock na nakasabit malapit sa TV namin, 10:17am. "May mga clown ba riyan?" Tanong ko ulit at nasa tono ko ang pang-iinis kaya naman hinampas ako nito sa braso.

 

"Lunch kasi yun, pero kaming mga kaibigan niya, maaga niya pinapapunta dahil may paguusapan daw kami!" Sagot naman niya habang tinitignan ang repleksyon sa salamin, mukhang chinecheck kung maayos ang pagkakamake up niya.

 

"Wow, prayer meeting?" Natatawang tanong ko kaya naman nakatikim na naman ako ng isang matalim na tingin, "Ma, hindi na magbabago mukha mo. Umalis ka na baka malate ka pa sa padasal." Hindi na nga ako nakapagpigil at bumunghalit na ako kakatawa at mukhang hindi na rin siya nakapagpigil dahil binatukan na niya ako.

 

"Bahala ka riyan, Winter!" Mataray na sabi nito at kinuha ang sandals niya na itinago pa niya, sobrang iniingatan niya yan at nilalabas niya lang talaga pag may okasyon.

 

Hindi na ako sumagot at nagsimula nalang akong prituhin ang itlog, itlog everyday. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil hindi naman talaga kami ganoon kayaman pero purgang purga na ako sa itlog. Pero sige, pwede na. Paborito ko naman. Itlog ng manok, hindi ng lalaki. Eww.

 

Napatingin naman ako sa kapatid ko at medyo napangiti dahil kasalukuyan itong nagkukulay sa coloring book niya habang nanonood ng cocomelon. Natatandaan ko napaiyak ko siya noon dahil pinanood ko sa kaniya yung cocomelon na version ni Coco Martin, at may mukha ni Coco Martin na nakataas ang kili kili bandang huli.

 

Gabundok na sermon tuloy ang natanggap ko sa nanay ko dahil mukhang natrauma ang kapatid ko, gusto kong matawa dahil ang sama naman kay Coco Martin na may napaiyak siyang bata pero pinigilan ko nalang din dahil naawa rin ako sa kapatid ko at the same time. Buti ngayon, nanonood ulit siya at hindi ko na siya pinakeelamanan. Baka mamaya, masapok na naman ako ng nanay ko, eh.

 

"Winter, ikaw na ang bahala kay Summer—"

 

"Anak ng puta, naka make up pa!" Parehas kaming natahimik ng nanay ko nang may isang estranghero na pumasok sa pinto, nakataas pa ang tshirt nito kaya naman kitang kita ang tyan nito na medyo lumalaki na kakainom ng alak. May hawak pa itong red horse at namumula pa ang mukha.

 

Pero charot lang, tatay ko 'to. Pero madalas hindi ko nalang siya inaacknowledge bilang tatay ko dahil wala naman siyang ambag sa buhay ko. Sakit ng ulo at sama ng loob lang nabibigay niya sa amin. Umagang umaga lasing na naman.

 

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya, dahil once a week nalang siya umuuwi rito, minsan nga hindi talaga siya umuuwi at all. Alam naman naming dalawa ng nanay ko na sa babae niya siya umuuwi. Hindi ko alam kung nasasaktan ba si mama dahil hindi naman niya pinapahalata o sinasabi. Hindi siya umiiyak para sa tatay ko o talagang hindi niya lang gustong makita ko siya na umiiyak.

 

Pero nung isang beses na tinanong ko siya kung kaya ba niya makipaghiwalay sa tatay ko if ever, sabi niya ay handa naman na siya. Hindi na rin siya nasasaktan dahil nasanay na rin siya na wala ang tatay ko, mukhang wala na talagang plano magbago ang tao na yun. Nakakalungkot lang.

 

Pero bata palang naman ako, namulat na ako sa realidad. Hindi talaga lahat ng relasyon, nagtatagumpay na nairaraos. Ganon siguro ang nangyari sa kanilang dalawa, o baka talagang gago lang ang tatay ko at babaero.

 

Alin man don, hindi ako natutuwa sa kaniya sa ginagawa niya sa amin. Sa mga sinasabi niya, sa mindset niya. Sa pananakit niya.

 

Tapos ngayon eto, uuwi siya at lasing pa. Minsan hinihiling ko nalang na huwag na siya umuwi. Dahil hindi maganda na nakikita pa siya ng kapatid ko na ganiyan.

 

Hindi na rin naman niya kami sinusustentuhan. Wala na siyang naitutulong sa amin. Hindi niya naaayos ang responsibilidad niya bilang tatay namin. Ako na rin at ang nanay ko ang pumupuna ng mga pagkukulang niya. Ginagawa namin ang mga bagay na dapat ginagawa niya rin.

 

Nakakainis lang yung fact na pareho nila kaming binuo, pero mag-isa lang inaako ng nanay ko ang responsibilidad sa amin. Siya lang ang gumagawa ng lahat para mapag-aral kami, mapakain kami. Mabigay ang mga pangangailangan namin.

 

At yung tatay namin? Ayan, nakikipag-inuman. Ineenjoy ang buhay. Nagfefeeling binata.

 

Nakakairita.

 

"Ma, umalis ka na." Mahina ngunit madiin na usal ko sa nanay ko pagkalagay ko ng itlog sa plato at pagkalapit ko sa pwesto niya. Pasimple ko lang iyon na binulong at nagkunwari pa akong may kinuha sa cabinet sa tabi niya dahil ayoko na rin makausap pa ang tatay ko. Alam ko na gulo lang pag pinatulan pa namin 'to.

 

Kaya lang parang nagpantig ang tenga ko sa sumunod na sinabi ng halimaw na 'to.

 

"Alam mo yung mga gusto ko, Winona?" Natatawang tanong nito sa nanay ko pagkatapos tumungga sa iniinom na alak, "Yung walang make up, yung natural na ganda ba!" Lasing na turan nito sabay upo sa kahoy na upuan sa may pintuan.

 

Napakunot ang noo ko dahil sa sinambit niya at binalingan ng tingin ang kapatid ko para tignan kung nakikita ba niya ang tatay namin ngunit buti nalang ay busy siya sa ginagawa niya at medyo malayo siya sa amin ngayon dahil ayoko na masaksihan pa niya ang kabobohan na sinasabi ng tatay namin.

 

"Hindi naman niya tinatanong kung ano ang gusto mo, pa." Pabalang na usal ko at diniinan ko pa ang salita na pa, dahil sarcastic yun. Hindi ko alam kung deserve pa ba niya matawag na tatay namin, eh. Siguro mas bagay yung term na donor nalang? Salamat nalang sa niya at nabuo kami, pero wala akong pasasalamatan sa mga nagawa niya sa amin, dahil wala naman.

 

Halatang nainis ito dahil bigla ko siyang sinagot ng ganon, mukhang may natapakan na naman akong ego.

 

"Hoy, ikaw Winter, kailan ka pa natuto na sagut sagutin ako, ha!" Inis na sabi nito at medyo hindi pa nga clear ang pagkakabigkas niya dahil lasing na rin siya. Kahit naman siguro hindi siya lasing, hindi pa rin matino ang pag-iisip niya.

 

"Tagal na." Mahinang usal ko, hindi ko alam kung narinig niya pero wala naman akong pake. Tinignan ko ang nanay ko na nakatingin na rin pala sa akin ngayon.

 

"Ma, umalis ka na. Malelate ka na." Yun nalang ang nasabi ko dahil ayoko na rin mastress pa siya o sumama pa ang loob niya bago siya umalis dahil party pa naman ang pupuntahan niya. Pag nasira pa naman ang araw mo, maaapektuhan na ang mga gagawin mo sa buong araw.

 

"Sinasabi ko lang ang gusto ko!" Pagpapansin na naman ng tatay ko at humalakhak pa kaya naman napairap ako. Kulang ba sa aruga 'to? "Nagpapaganda pa kasi ang nanay mo, ano yan naghahanap ng lalaki?"

 

Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa tinuran nito, ang lakas naman pala ng loob niya na ipasa sa nanay ko ang mga bagay na ginagawa niya?

 

"Pwede ba?" Iritadong tanong ko naman at naramdaman ko ang paghawak ng nanay ko sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya, umiiling siya na para bang sinasabi na huwag ko na patulan kaya naman napakatat ako.

 

"Ma, alis na. Please." Mahinang pakikiusap ko sa kaniya kaya naman napabuntong hininga siya.

 

"Aalis na ako, nak. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo." Bilin nito sa akin kaya tumango nalang ako sa kaniya.

 

Pero kahit na ganon, hindi pa rin ako natutuwa at naiinis pa rin ako sa fact na nandito lang sa bahay ang tatay ko, tumatawa pa siya na parang demonyo kaya naman mas lalong dumadagdag ang iritasyon na nararamdaman ko ngayon.

 

"Wag ka lang talaga magpapakama sa iba, sinasabi ko sa'yo!" Pahabol pa nito kay mama nang lumabas ito at dumaan sa harapan niya dahil nasa may bandang pintuan siya. Nakita kong hindi umimik ang nanay ko at tahimik lang siyang lumalakad palabas ng gate ngunit tiyak ko na narinig niya iyon, baka nga pati kapitbahay namin na nakatambay sa labas eh narinig sa lakas ng pagkakabigkas ng hayop na 'to.

 

"Tumahimik ka nga!" Hindi na ako nakapagpigil dahil hindi ko gusto na ginaganon ganon niya ang nanay namin. Ang kapal ng mukha, ang bastos ng bunganga. Para akong sasabog ngayin dahil hindi ako natutuwa sa sinabi niya, na para bang sinasabi pa niyang kirengkeng ang nanay ko at nagpapagalaw sa iba't ibang lalaki. Kailanman, hindi na tumingin sa iba ang nanay namin kahit na deserve niya ng mas better kesa sa batugan na 'to. Hindi niya iniisip yun at ang gusto lang naman niya ay ang makapagtapos kami, lalo na ako, dahil ako ang mas matanda at tutulungan ko rin naman siya pag nagtatrabaho na ako.

 

Tapos ang lakas ng apog niya na sabihin iyon na para bang alam niya lahat ng pinagdaanan namin eh hindi naman siya present sa mga gabi na kapos na kapos na kami at pumupunta lang siya rito kung kailan niya maisipan. Para manira ng araw.

 

Napatingin ulit ako sa kapatid ko at nakita kong wala pa rin itong kaalam alam sa nangyayari at sumasabay pa ito sa kumakanta sa cocomelon kaya marahas kong kinuha ang mga utensils na parang nagdadabog para maipakita sa hayop na 'to na naiinis na ako. Napakakapal talaga ng mukha niya, hindi ako pinalaking bastos pero lumalabas talaga sungay ko rito.

 

"Sinisigawan mo ba ako?! Nagdadabog ka na?!" Puna na naman nito sa akin kaya agad akong tumingin sa gawi niya at wala akong pake kung ano pa man ang isipin niya sa akin ngayon, basta masama ang tingin ko at hangga't maaari, gusto kong malaman niya na kaya kong lumaban lalo na't si mama na ang binabastos niya. Yung babae na nagpalaki sa amin at hindi kami iniwan sa hirap o ginhawa. Na hindi niya nagawa para sa amin na mga anak niya.

 

"Oo, bakit?!" Asik ko sa kaniya at padabog na inilapag ang kutsara sa plato, hindi ko na naisip na baka marinig kami ng kapatid ko dahil nilalamon na naman ako ng pagkamuhi na matagal ko na tinatago. "May magagawa ka ba, ha?!"

 

Agad siyang tumayo kahit na medyo nahihilo dahil sa kalasingan at pasuray suray na lumapit sa akin ngunit bago pa siya makalapit ay kinuha ko na ang kutsilyo sa tabi ko at iniamba sa kaniya.

 

"Punong puno na ako sa'yo." Madiin na usal ko at nakita ko ang pangamba sa mata niya nang mapagtanto kung ano ang hawak ko, bahagya rin siyang napaurong kaya naman umayos ako ng tayo, at hinigpitan ang hawak sa kutsilyo. Ayoko na magkaroon pa siya ng pagkakataon na maagaw iyon sa akin dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng taong ito ngayon. Basta ang alam ko, masama siyang tao. Inaabuso niya kami palagi. Pakiramdam niya, kayang kaya niya kami tapakan anumang oras dahil siya lang ang lalaki sa bahay na 'to.

 

Hindi naman ako ganito, hindi ko naimagine na gaganituhin ko ang tatay ko pero mukhang napuno na nga talaga ako. Hindi ko kailanman naisip na tutukan siya ng kutsilyo dahil alam kong masama na ganunin ang magulang mo pero paano naman kung punong puno ka na sa mga kahayupan niya?

 

Wala rin naman akong balak na saktan siya, hindi ako mamamatay tao. Pero gusto ko lang ipakita sa kaniya na kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko. Kaya ko na ipagtanggol ang pamilya na 'to, mula sa kaniya. Na dapat siya ang gumagawa.

 

Sinong mag-aakala na ang haligi ng tahanan ang mismong sisira sa buhay mo? Ng bahay niyo? Hindi literally pero siya ang nakakasira ng pamilyang pilit mong binubuo. Nakakadismaya. Pero hindi na ako umaasang magbabago siya.

 

Tapos na ako ron.

 

Tapos na ako sa phase ng buhay ko na yon, sobrang disappointed ako sa kaniya at wala nang paraan para magbago pa ang tingin at pananaw ko. Hindi na siya magbabago, at kahit na magbago siya, hindi na gagaan ang loob ko sa kaniya.

 

"I-ibaba mo yan!" Kinakabahang sabi niya at parang nawala ata ang kalasingan niya nang makita niyang may hawak akong patalim na nakatutok lang naman sa kaniya. At kung may sumanib man sa aking demonyo ngayong mga oras na 'to, eh baka naitarak ko na 'to sa kaniya.

 

I laughed sarcastically, "Ay. . . so ngayon, ganyan ka? Hindi ba kanina para kang papatay sa sobrang galit mo nung sinagot kita?"

 

"Winter, hindi kita pinalaking ganyan—"

 

"Ikaw?" Padarag kong ibinaba ang kutsilyo sa lamesa habang matalim ang tingin na ipinupukol ko sa kaniya, "Sure kang ikaw ang nagpalaki sa akin? Hindi ba't matagal mo na kami inabandona? Pasensya na, pero nakikitira ka nalang dito. Yun nalang ang tingin ko sa'yo."

 

Mukhang naoffend naman siya sa sinabi ko.  That was really my purpose so I told him that. I want to attack him with my words, I want to slap him with the fact that he didn't really treat us right. He was a monster, he abandoned us. Umuuwi lang siya just to make himself feel better sa situation na 'to— para hindi siya maguilty for completely leaving us pero para sa akin, wala na siya. Umuwi man siya, o hindi. Wala na akong pakeelam.

 

I became numb after he ruined our family. He was my first heartbreak. The first man who broke my heart into pieces.

 

Malaki ang galit ko sa kaniya.

 

Halata naman, hindi ba?

 

Pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin siya magawang saktan, dahil alam ko na siya pa rin ang tatay namin. Kahit na walang wala lang sa kaniya ang saktan kami na para bang hindi niya kami laman at dugo. May part pa rin sa akin na kinikilala siya bilang ama namin. Pero sobrang konti nalang ng pursyento na yon sa pagkatao ko. Napuno na talaga ako ng pagkamuhi sa kaniya, ayoko lang dumating sa punto na magdilim na talaga ang paningin ko at makagawa pa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko rin bandang huli kaya naman kinakalma ko pa rin ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon.

 

Kahit na hindi niya deserve ng second chance na matagal na niyang sinira, pang ilang chance na ba ang binigay namin sa kaniya? Hindi ko na mabilang.

 

Wala akong matandaan na magandang bagay tungkol sa kaniya, ang nakikita ko nalang ngayon ay isang halimaw— halimaw na sumira ng lahat, nanakit sa nanay ko, tandang tanda ko pa ang iyak ko nung makita ko na binubugbog niya ito sa tuwing hindi nabibigay ang gusto niya. Tandang tanda ko pa ang pamamahiya niya sa amin noon at sinabihan niya akong pokpok at parausan daw kagaya ng nanay ko. Ang kapal talaga ng mukha niya na ipagkalat ang mga bagay na hindi naman totoo, na ikasisira naming dalawa ng nanay ko— na mag-ina niya.

 

Hindi ko alam kung paano niya naatim iyon, paano niya nagawa sa amin iyon. Hindi na ako papayag na may gawin din siyang malala sa kapatid ko kaya naman ngayon palang ay pinapakita ko na matapang ako, pinapakita ko na kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko, si mama, at ang bunso namin. Laban sa kaniya.

 

"Saan mo ba nahuhugot yan?" Angil nito at inilapag ang bote ng red horse niya, medyo padabog din. Mabuti nalang at hindi nabasag, ayoko magpulot ng bubog.

 

At talagang itinatanong pa niya.

 

"Umalis ka na, wala kang mapapala sa amin. Aalis din kami." Yun nalang ang sinabi ko at tumalikod na, kinuha ko na ang nuggets at nilagyan ko ulit ng mantika ang kalan at pinainit muna saglit tsaka ko ipinrito ang nuggets na sakto lang sa amin ng kapatid ko. Bahala siya, wala siyang pagkain. Wala naman siyang ambag sa pagrocery, pwe.

 

"Anong karapatan mong paalisin ako sa sarili kong pamamahay? Hindi porket legal ka na ay may karapatan ka na sagut sagutin ako! Tatay mo pa rin ako, ako ang padre de pamilya rito, mas mahalaga ang opinion ko kesa sa'yo—"

 

"Walang kwenta naman ang opinyon mo." Pambabara ko sa kaniya habang hinihintay na maluto ang nuggets, sandali lang naman 'to. Makakakain na rin kami at nagpaplano nalang ako ilabas 'tong kapatid ko dahil badtrip na rin ako, siguro aayain ko nalang mga bonak kong kaibigan at mamamasyal nalang siguro kami para na rin makakapag unwind.

 

"Deputa kang babae ka—"

 

"Bakit?" I cut him off as I glanced at him, nakita kong namumula na ang mukha niya, marahil sa alak at sa inis. "Totoo naman, hindi ba? May kwenta ba yung mga opinion mo? Parang wala naman." I laughed in a sarcastic manner. "Kagaya kanina, bakit? Anong masama sa mga nagmemake up? For your information, girls do not wear make up just to please boys. Kung doon sila confident, then so be it. Hindi nila kailangan ng opinion ng mga kagaya mo dahil hindi naman sila nagpapaganda para sa inyo. Mahiya nga kayo, sino ba kayo?" Pang-iinis ko pa at hinead to toe siya na mukhang mas nakadagdag sa galit niya.

 

"Hindi nagmake up si mama para sa'yo, sino ka ba? Pake ba niya sa sasabihin mo? Wala kang karapatan na sabihin sa kaniya kung ano ang mga dapat niyang gawin kahit pa na kasal kayo dahil mukha niya yon, katawan niya yon, buhay niya yun. As if your opinion matters sa buhay niya." I shrugged my shoulders habang kinukuha na ang nuggets nang makitang luto na ito.

 

"Hindi ka relevant, huwag kang feeling." Sabi ko pa sa kaniya at nginisian siya, nakita ko naman na mukhang sasabog na siya kaya naman tinawanan ko nalang siya at nilapitan na ang kapatid ko.

 

Mukhang wala naman itong clue sa nangyayari kaya naman nagpapasalamat ako dahil busy siya sa ginagawa niya. Lumuhod ako sa harapan niya habang sinisilip ang ginagawa niya, napangiti ako dahil tapos na niya ang kinukulayan niya.

 

"Wow, ang galing naman ng baby namin." Masuyong sambit ko habang hinihimas ang ulo niya, sa ngayon ang gusto ko nalang talaga ay ang mapalaki siya nang maayos, matulungan si mama sa pagpapaaral sa kaniya at maprotektahan siya sa tatay namin. Mahal na mahal ko ang batang 'to kahit na minsan, maingay siya at natatago niya yung mga school papers ko.

 

"Yay, tenchu, tete." Napatawa naman ako sa tawag niya sa akin dahil kahit na ilang beses ko na sinasabi na ate yun, lagi niya pa rin akong tinatawag na tete pero sige, hayaan na. Pagbigyan na, bata naman, eh. Kaya lang ang sagwa talaga lalo na pag nasa public place kami, hindi naman kasi lahat alam ang meaning behind that nickname.

 

"Gusto mong mamasyal?" Nakangiting tanong ko habang hinahawi ang buhok na humaharang sa mukha niya, kamukhang kamukha ko talaga siya nung bata ako. Hindi ko lang alam kung magiging magkamukha rin kami pag tumanda na siya, malaki ang namin pero hangga't maaari, gusto ko na close kami kahit na tumanda na siya. Pero sa ngayon, baby pa namin siya at siguro pwede na kami mapagkalamang mag-ina kung iisipin nilang na ako at maagang nabuntis.

 

Tumango naman siya habang nakanguso, her eyes shimmered in happiness kaya naman napangiti ako lalo. Wala naman akong ibang gusto kundi ang makita ang masayang mukha niya. Yun lang ang hiling ko sa araw araw. Ang makitang masaya siya sa buhay, that only matters to me right now.

 

"Tara na, kain tayo tapos take a bath na, hmm? Prepare na tayo dahil aalis tayo!" Sabi ko naman sa kaniya at nakita ko naman ang sunod sunod niyang pagtango, binaba na rin niya yung mga krayola niya at inalalayan ko na siya na tumayo. Nang madaan ako sa pwesto kanina ng tatay namin eh nakita ko na wala na siya kaya naman napangisi ako at nakahinga nang maluwag. Ayoko na makita pa siya ng kapatid ko, hindi naman siya magandang ehemplo.

 

"Yey, nuggets!" Masayang sabi niya nang alalayan ko siya paupo, napangiti naman ako dahil masaya na siya kahit sa mga simpleng bagay lang at hindi siya mahirap isurpresa dahil kahit na ano, naaamaze na siya.

 

"Eat well, baby, okay? Kain ka marami para may energy ka." Sabi ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya, marunong naman na siya kumain mag-isa pero ako pa rin ang naglalagay ng kanin at ulam sa plato niya dahil gusto ko rin naman asikasuhin siya. Dati nga sinusubuan ko pa siya pero syempre, dapat tinuturuan din natin siya na matuto sa sarili niya.

 

Kinuha ko naman agad ang bote niya at pinagtimpla siya ng gatas dahil paborito niya yun kahit na hindi naman na talaga siya baby. Nasanay na rin siya na may gatas araw araw.

 

"Tete, si dada?" Tanong niya habang ngumunguya, kumakain lang din ako ng pandesal at itlog.

 

Napatigil naman ako sa pagnguya at napatingin sa kaniya, nginitian ko nalang siya nang tignan niya rin ako. I smiled while patting her head. "Umalis na, baby." Sana hindi na bumalik.

 

"Finish your food na then take a bath na, we'll go after you finished preparing, hm?" Nakangiting sabi ko naman kaya naman energetic siyang tumango at nagpatuloy nalang sa pagkain.

 

Kinuha ko naman ang cellphone na nilagay ko sa mesa at agad na nagchat sa gc namin ng mga tropa kong bugok.

 

Winxx: hey mga b0nak lezzgo sa aeschant city

Tokningning: bkt

Gigigalunggong: TARA!!! ANG G SA GISELLE AY GORA!!!

Yejakz: Tara na mga panget ayos na ako last week pa

RJ: pass muna mga tol bebe time

 

Napatawa naman ako nang makita ang chat ni Ryujin, sus. For sure hindi na siya tatantanan ng kantyaw ng mga bugokers na 'to. Mukhang allergic pa naman ang mga 'to pag nakakakita ng word na bebe time, palibhasa mga walang jowa. Makapagsalita naman ako, eh 'no. Wala rin naman ako. Pwe.

 

Tokningning: dapat sa mga may jowa kinikick sa gc e

Yejakz: So true bestie

Gigigalunggong: panget mong nilalang ryujin

 

Hinayaan ko nalang sila na magbardagulan at ibinaba ko na yung phone ko para makaligo na rin ako. For sure naman eh gora lang talaga ang mga bano dahil wala naman silang ganap sa mga buhay nila, basta may mag-aya, g agad. Si Ryujin lang minsan ang tumatanggi dahil sa dalawang rason, nasa bahay siya ng gf niya. O yung gf niya yung nasa bahay niya. Hay nako. Pero syempre, supportive naman kami sa lovelife niya na minsan naghihingalo na, charot. Masaya naman kami para sa kaniya, hindi lang halata.

 

Kinuha ko na ang plato ni Summer nang makita kong tapos na rin siya at madalian ko lang na hinugasan iyon habang nakikibalita sa TV, baka kasi may mga news pala ngayon about sa pisting yawa na gobyerno o kung ano pa man, eh. Akala mo naman nasosolusyonan. Mga gago.

 

"Summer, baby. Maligo ka na, okay." Tinuruan naman namin siya na maligo sa sarili niya at dahil fast learner naman siya, hindi naman kami nahirapan sa kaniya. Kaya kahit na baby pa rin namin siya, marami na rin siyang kayang gawin mag-isa. Syempre, ginaguide pa rin namin ni mama pero most of the time, kaya naman niya ang sarili niya.

 

Tumango naman siya bago pumasok sa CR, habang nakasabit sa balikat ang towel na binigay ko sa kaniya. Hindi naman na ako nag-aalala dahil kaya naman na niya ang sarili niya at inatupag ko nalang ang mga dadalhin namin mamaya. Hindi naman ako masyadong marami magdala pag aalis ako, cellphone, at wallet lang okay na ako. Pero magdadala pa rin ako ng bag dahil itong kapatid ko naman ang mahilig magdala ng kung ano ano, rito ko na rin ilalagay ang gatas at mga pangangailangan niya kung sakali man. Magdadala na rin ako ng extra damit niya dahil for sure papawisan siya tsaka mga baby powder and towels.

 

Pagkatapos kong magprepare ng mga dadalhin ay kinuha ko na rin ang towel ko at pumasok sa CR dahil dalawa naman ang CR namin. Yung isa, nandon ang inidoro pero pwede mo rin naman siya gawing paliguan kaya naman maganda rin pag nagmamadali ka na at may tao sa CR. Madalian lang akong naligo dahil alam kong reklamador si Luningning at baka mabatas pa ako pag nalate ako, tinext ko kasi sila kanina na roon na kami magkita kita dahil hindi naman iyon sobrang malayo sa mga bahay namin. Dito lang din siya sa area.

 

Yung aeschant city, para siyang enchanted kingdom, star city. Pakiramdam ko nga yung may ari non iyon din ang pinagkuhanan, eh. Pero mas maganda ron kasi parang pinagsama lahat ng mga nasa star city, at enchanted kingdom. Sobrang nakakaamaze talaga dahil maraming rides, mga pwedeng laruin, may mga horror house rin and such. Kaya naman ginawa na rin iyong pasyalan ng karamihan at kahit na hindi taga rito ay dumarayo talaga para mag enjoy.

 

Affordable rin siya dahil isahang avail nalang siya. Once na makapasok ka, unlimited na lahat ng rides mo. Kaya naman sobrang tuwang tuwa ang mga tao rito, especially mga kabataan. Medyo mahal lang per head pero sulit naman kung buong maghapon ka tatambay. Pero syempre, gagastos ka pa rin sa mga food stalls, mga foodtruck dahil hindi na iyon sagot ng entrance fee mo.

 

"Summer, are you ready na ba?" Are you ready for this? Jemjalabem. Natatawa nalang ako sa naiisip ko. Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag na dala ko para kay Summer at nakita ko namang lumabas na rin siya ng kwarto niya, suot suot ang bestida na inihanda ko sa kaniya. Bago lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, maayos naman ang itsura ko, sana. Naka simpleng white t shirt lang ako na nakatuck in sa black wash jeans ko at nilagyan ko ng black belt to make it more stylish, nagsuot din ako ng patent black boots and newsboy cap. And tada, mukha akong gago na may class.

 

Hinawakan ko na ang kamay niya pagkalabas namin ng gate at matapos kong ikandado ang lahat, mahirap na manakawan. May susi naman yung nanay ko kung sakali na mauna siyang umuwi sa amin. Hindi ko rin alam kung anong oras sila matatapos dahil for sure magkakasiyahan pa sila ron.

 

Hindi naman kami nahirapan na makarating ni Summer sa aeschant city dahil hindi naman traffic at hindi rin naman sobrang punuan sa mga jeep, pormang porma pa naman ako tapos mainit pala, pota. Pero okay lang, ang mahalaga ay nandito na kami at naabutan ko naman si Ningning na nakakunot na ang noo kasama si Yeji na kumakain ngayon ng potato chips. Pormang porma si Ningning, ah. Si Yeji naman simple lang pero syempre, ganda pa rin. Baka bff ko yarn.

 

"Saan si Gigi?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila. Nakanguso naman si Ningning nang tanungin ko siya habang si Yeji naman ay agad na binuhat si Summer para laruin, mukhang binigyan din niya ng pagkain.

 

"Ang tagal nga, eh. Baka naman sobra sobra ang pag-aayos non." Reklamo nito na parang bata, napansin ko pang pinasadahan ako nito ng tingin at maya maya ay ngumisi rin. "Ganda natin, ah? May imemeet up ka 'no?" Parang gago na akusa naman nito kaya inirapan ko siya. Mukha bang may plano akong magjowa? Wala talaga sa hulog madalas 'tong babae na 'to.

 

"Gaga, hanggang kailan mo ba ipupush yan? Hindi nga sabi ako magjojowa." Tugon ko naman sa kaniya habang nakikikuha na sa chips na kinakain ni Yeji ngayon, hindi naman mainit sa pwesto namin ngayon pero napapaisip nalang ako kung mga anong oras kami makakapasok.

 

"Sus, sinasabi mo lang yan!" Pang-iinis pa nito at prenteng dumekwatro pa sa kinauupuan niya, may bench naman kasi rito sa labas kaya naman pwede rin tumambay kung wala kang pang entrance fee, charot.

 

"Bahala ka sa buhay mo. Ikaw ba, kailan?" Balik ko naman sa asar niya, nakita ko naman natigilan siya kaya napatawa ako at kinuha ang opportunity na yon para asarin pa siya lalo. "May label na ba kayo ni Giselle, ha?"

 

"Alam mo, ang panget mo." Mataray na sagot niya sa akin at umiwas ng tingin, napatawa ako lalo nang makitang namumula na ang mukha niya. "Huwag mo na nga ako kausapin!" Sabi pa niya at bahagyang tumalikod pa sa akin.

 

Pabebe nito, hinayupak.

 

"Huwag ka na nga maarte riyan, parang hindi ko naman alam!" Sabi ko naman habang tinutusok ang tagiliran niya. Inaasar siya lalo, hinampas naman niya ang kamay ko kaya natatawa kong hinimas iyon.

 

Lumingon ako kay Summer na kasalukuyang nilalaro ngayon ni Yeji, nakita kong may nilalaro sila sa cellphone ni Yeji kaya naman napangiti ako dahil mukhang tuwang tuwa naman ang kapatid ko. "Yeji, akin nalang." Sabi ko naman sa kaniya at nginuso ang potato chips niya, napahalakhak siya at walang pag aalinlangan na binigay iyon sa akin kaya naman kinindatan ko siya.

 

"Thanks, kaya sa'yo ako, eh." Pambobola ko naman sabay subo ng chichirya, sarap kasi, eh.

 

Nakita ko namang pabiro niya akong inirapan at umarte pa na masusuka, "Hindi tayo talo, gago." Minouth lang niya yung mura para hindi marinig ni Summer kaya naman pasimple ko siyang pinakitaan ng middle finger. Napatawa nalang kami habang walang kaalam alam yung bata na naglalaro na may nagdedemonyohan na sa magkabilang gilid niya.

 

"Ha, hatdog." Sabi ko habang kumakain, umayos na ako ng upo at saktong pagtingin ko sa harapan ay nakita ko si Giselle na lumalakad na papunta sa pwesto namin kaya naman kinawayan ko siya na agad naman niyang ibinalik habang nakangiti.

 

Siniko ko si Ningning sa gilid ko kaya naman hinampas niya ulit ako, napaka sungit talaga. "Bakit ba!" Mataray na sabi niya sa akin kaya naman nginuso ko si Giselle na malapit na sa pwesto namin at sinundan naman niya ng tingin ang tinuturo ko, nakita ko na naman kung paano bumalik ang pamumula ng pisngi niya at napaiwas ng tingin. Napangisi nalang ako at tumayo para salubungin ang bruha.

 

"Giselle, my friend!" Panggagaya ko kay Tommy sa Pepito Manaloto. "Ang tagal mo naman, pa VIP ka talaga." Pag-irap ko naman kaya napa peace sign siya at ngumiti ng alanganin.

 

"Sorry na! Kasi naman yung aso ko, medyo perwisyo kanina kaya inasikaso ko pa. Tapos traffic pa ron sa way na nadaanan namin." Pagpapaliwanag naman nito kaya naman pabirong sinuntok ko nalang siya.

 

"Tara na, kanina pa mahaba nguso ni Luningning." Ikiss mo nga. Syempre hindi ko tinuloy yon kahit na gustong gusto ko na magkatuluyan sila, parang ewan kasi 'tong dalawang 'to. Naghihintayan pa. Hindi nalang umamin ng tunay na nararamdaman nila para sa isa't isa pero hindi ko rin naman masisisi dahil baka nasasabi ko lang 'to ngayon dahil hindi ako ang nasa kalagayan nila.

 

After naming magturuan sa kung sino ang magbabayad ng entrance fee namin, we ended up in a game where whoever loses, she will pay for it and because I was indeed a lucky hooman, kahit na ako ang nag-aya sa gala na 'to, Ningning lost and she (sadly) paid for our entrance fee. Yung laro? Wala, rock paper scissors lang naman.

 

"Saan tayo?" Tanong ko pagkapasok namin habang manghang mangha na nililibot ang tingin. Hawak hawak ko ang kamay ni Summer habang pinapasadahan ko ng tingin ang aeschant city, kahit na nakapunta naman na ako rito noon, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa lawak at ganda ng loob. Sobrang sulit ang bayad mo sa dami ng pwede mong gawin.

 

Naramdaman ko nalang na may humahatak sa laylayan ng damit ko kaya naman napatingin ako kay Summer, agad akong yumuko para pakinggan kung ano ang sinasabi niya at mukhang may tinuturo siyang cotton candy shop.

 

"You want that, baby?" Tanong ko naman, naninigurado kung iyon ba talaga ang tinuturo niya. Sunod sunod naman siyang tumango kaya naman agad ko siyang kinarga.

 

"Hoy, iwan ko muna 'to sa inyo. Sandali lang kami ni Summer, bibilhan ko lang siya cotton candy." Sabi ko naman kela Ningning na agad namang tumango, mukhang nag eenjoy naman sila ngayon sa nagmamagic doon sa may stage sa 'di kalayuan dahil nakatutok doon ang mga bugok. Binuhat nalang ni Giselle ang bag na dala ko kaya naman pumunta na agad ako roon sa tinuturo ni Summer para ibili siya ng cotton candy niya.

 

"Pink!" Masayang sabi niya nang tanungin ko siya kung anong kulay ang gusto niya, parang flower ang design nung cotton candy na binili ko para sa kaniya at kulay pink iyon gaya ng gusto niya. Nakangiti naman niyang tinanggap iyon at niyakap pa ako sa leeg, binigyan niya rin ako ng isang halik sa pisngi sabay sabi ng thank you tete kaya naman napangiti nalang ako. Cute.

 

"You're welcome, baby." Bulong ko naman sa kaniya, naalala ko na bibigay ko nga pala sa kaniya ang id ko incase na mahiwalay siya sa amin na sana hindi, pero mas mabuti na rin na handa kaya naman isinabit ko iyon sa leeg niya.

 

"Baby, kung sakali na mahiwalay ka sa amin, huwag ka sasama kung kani kanino, ha." Bilin ko sa kaniya habang lumalakad ako pabalik sa pwesto namin nila Giselle kanina, nandoon pa rin sila at hinihintay kami habang nanonood ng magic show. "Basta, pag mukhang mabait, at hindi ka ilalabas dito sa loob, ipakita mo 'tong ID na 'to at sabihin mo na contact-in yung number na nakalagay rito. Okay?" Tumatango naman siya sa sinabi ko habang kumakain ng cotton candy niya, mukhang naintindihan naman niya ako.

 

Hindi ko hinihiling na mahiwalay siya pero mas okay na rin na alam ng mga tao na makakakita sa kaniya kung sino ang tatawagan nila dahil wala namang alam si Summer sa mga ganung bagay, mabuti na rin na nabilinan ko siya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko if ever.

 

"Mas maganda rin kung sa babae ka manghihingi ng help, okie?" Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga lalaki pero parang ganun na nga.

 

"Yesh, tete." Sabi naman niya kaya naman tumatango tango nalang ako, nakabalik na kami sa pwesto nila Yeji at nakita ko namang mukhang excited sila.

 

"Doon tayo sa roller coaster!" Sabi ni Ningning kaya naman umaktong nasusuka si Giselle.

 

"Nakakahilo naman!" Sabi nito kaya naman napairap si Tokningning.

 

"Corny mo talaga. Doon ka nalang sa carousel." Ganti naman nito ngunit mukhang sineryoso iyon ng shunga at nakakuha pa ng idea.

 

"Oo nga 'no, sasamahan ko nalang si Summer sa carousel at shoo, sumakay na kayo sa nakakasukang rides na yan!" Parang bata na usal nito at lumapit sa akin para kuhanin si Summer na buhat buhat ko, nagtataka man ako ay ibinigay ko nalang sa kaniya ang bata na masaya pa ring kumakain ng cotton candy.

 

"Seryoso ka? Mangangabayo ka nalang?" Natatawang tanong ni Yeji kaya naman napatawa na rin ako sa term niya, cowgirl yarn. Ay wait, bakit cowgirl? Horse girl nalang. Pwe.

 

"Oo, bumalik kayo rito pagtapos niyo! May naisip akong puntahan." Humahalakhak na parang demonyo na sabi niya kaya naman nagsalubong ang kilay ko, ano na namang trip ng hinayupak na 'to?

 

"Tara na nga, hayaan niyo na yan." Sabi naman ni Ningning at nagpatiuna na sa pila sa roller coaster, mukhang taeng tae na siya sumakay ah, agad ko namang hinalikan sa noo ang kapatid ko at nagpaalam muna saglit sa kaniya. Sumunod na rin kami ni Yeji kay Ningning at napalunok na rin ako dahil kahit hindi naman ako ganon katakot, syempre nakakahilo pa rin 'tong mga ganitong rides. Baka maiwan pa kaluluwa ko.

 

Iniwanan ko nalang si Summer kay Giselle dahil hindi rin naman siya palasakay sa mga extreme rides, kaya ko lang naman siya sinama ay para mabili ko siya ng mga gusto niya at makasakay sa mga rides na bagay sa kaniya. Katulad nalang ng mga carousel, o kaya naman yung mga ferris wheel, sasakay kami ron mamaya. Alam ko naman na aalagaan siya ni Giselle kahit minsan gago yun. Close naman ni Summer ang apat na bugok kong kaibigan, kahit si Ryujin. Talagang ang tigas ng bruha na yon, ah. Hindi talaga sumunod. Mukhang ayaw talaga iwanan ang girlfriend niya. Yan ang understanding.

 

"Putangina, hindi na ako uulit!" Sumusuko na sabi ni Yeji at maduwal duwal na lumalakad habang papunta kami sa pwesto nila Giselle, mukhang tapos na sila sa carousel at nilalaro nalang ni Summer ang unicorn niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha, baka binigay ni Giselle.

 

"Binili mo?" Tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya at nginuso ang plushie na hawak ng kapatid ko.

 

"Ayan, ah hindi. May nagbigay lang sa kaniya, mukhang natuwa kay Summer." Natatawang sabi niya kaya naman kumunot ang noo ko, sino naman kaya yun?

 

"Saan tayo next?" Tanong naman ni Ningning habang umiinom ng blue lemonade, bumili siya kanina pagkatapos naming sumakay sa roller coaster. Mukhang wala lang sa kaniya eh, shuta.

 

"Teka, papahinga lang ako!" Sabi naman ni Yeji at umupo sabay sandal, mukhang nahilo talaga siya sa rides, gago same.

 

"Horror house tayo!" Excited na sabi naman ni Giselle habang pumapalakpak pa.

 

"Gago, kayo nalang muna. Ako na magbabantay kay Summer, papakainin ko na rin!" Presinta naman ni Yeji kaya natatawa ako sa kanila. Talagang ginagamit pa nila ang kapatid ko para makatakas sa mga gagawin namin. Jusko.

 

"Pero bago yun, bibili muna ako footlong." Sabi naman ni Giselle, nakakita pa nga ng pagkain si gago. Sumama naman sa kaniya si Ningning na mukhang naakit din sa mga food stall kaya naman naiwan kaming tatlo rito nila Yeji at Summer.

 

"Nag-enjoy ka ba, baby?" Tanong ko naman habang pinupunasan ang likod niya, naglalaro na naman siya sa cellphone ni Yeji habang si Yeji naman ay nakasubsob sa lamesa kung saan kami nakatambay ngayon. Nilagay siguro 'tong mga mesa rito para sa mga kakain sa food stall na nakapalibot dito, parang food court eh.

 

"Yesh, tete! Ate Gigi also bought me candies!" She bragged and beamed a smile while showing her candies, nakangiti naman ako habang nakatingin sa kaniya. "And a beautiful stwenjer gave me this stwuff twoy!" Nakangiting dagdag niya habang pinapakita sa akin ang unicorn na kanina pa niya yakap yakap.

 

"That's so cute, did you say thank you?" I asked her while patting her head.

 

She nodded and gave me a big smile, "Yesh, tete! You told me to say thanks evewytime!"

 

"That's good, baby." I chuckled and pinched her nose. "Sabihin mo lang kay Ate Yeye ang gusto mo, okay? Pupunta lang kami sa horror house." Hindi naman namin pwede isama 'tong si Summer don dahil alam kong baka pati kami eh matakot at masaktan lang siya, matatakutin din kasi siya kaya naman hindi na kami mangangahas. Mas mabuti na rito nalang siya kasama si Yeji, alam naman ni Yeji ang gagawin niya.

 

"Owkey, tete." She whispered and turned back her attention to whatever game she's currently playing right now on Yeji's cellphone.

 

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ko kay Yeji nang balingan ko siya ng tingin, nakadukdok pa rin siya sa lamesa at mukhang malamya na.

 

"Hmhm," Tumatango tango naman siya habang nakasubsob pa rin. "Okay lang naman, mamaya nalang ulit ako sasama. Ayoko na makipagsiksikan pa sa horror house, baka makasapak pa ako ng multo." Sabi pa niya kaya naman napatawa ako. Sana nga hindi ganon ang magawa ko.

 

"Tara na!" Napatingin naman ako kela Ningning nang tawagin na nila ako kaya naman nagpaalam na ako kela Yeji at Summer. Tumayo na ako at lumapit sa dalawang bugok na kumakain ngayon pero paubos na rin naman. Mukhang inuubos na rin nila bago kami pumasok sa loob.

 

"Sure na ba kayo?" Tanong ko pa habang lumalakad kami, sabi kasi nila nakakatakot daw ang horror house rito sa aeschant city at may inatake pa raw ata sa puso, jusko.

 

"Tama ba mga desisyon natin sa buhay?" Tanong pa ni Ningning at umangkla sa braso ko, nakakaintindi ko namang tinapik ang kamay niya.

 

"Tara na nga, tama yan! Maganda nga 'to, kailangan natin matakot para tumapang tayo!" Walang sense na sabi naman niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

 

"Sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya kaya naman napabungisngis siya.

 

"Wala!"

 

Lumapit ako sa tenga niya at binulungan siya, "Ikaw ba kailan magiging matapang na aminin ang iyong nararamdaman?"

 

Nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin so I just gave her a teasing smile.

 

By batch ang papasok sa loob ng horror house at nasa pito lang ata kami ngayon, madilim na rin kasi sa loob nang makita ko ang mga makakasama namin sa loob kaya naman hindi ko na rin naaninag ang mga mukha nila. Basta ang alam ko, puro kami babae at mukhang kaedaran lang namin ang apat na babae na makakasabay namin.

 

"Baby, I'm scared—" Rinig kong sabi nitong nasa likod namin, dahil medyo malapit siya at natatamaan ng ilaw ang mukha niya, naaninagan ko pa ang mukha niya nang tignan ko sila dahil nacurious ako at maganda yung babae. Mukhang magjowa sila nung babae na medyo matangkad sa kaniya ng kaunti at mukhang oso, grabe makalingkis yung babae na mas maliit at mukhang natatakot talaga siya.

 

"Baby, it's okay. I got you." Narinig ko namang tugon nung isa kaya naman lihim akong napangiti, edi sana all. Sana all nalang.

 

Napatingin naman ako roon sa dalawa na kasama rin namin at titignan ko kung magjowa rin 'tong dalawa na 'to, hindi ko makita ang mukha nila pero mukhang hindi naman sila magkasintahan o talagang judgmental lang ako? Mukhang magkaibigan lang kasi silang dalawa, nagbabangayan pa nga.

 

"Karina, ang arte mo!" Narinig kong sambit nung kasama nung matangkad, hindi ko makita ang mukha nila kaya naman na rin ako nag abala pang tignan. Basta ang alam ko, yung Karina yung matangkad at nakalugay yung mahaba niyang buhok. Yun lang.

 

"Gusto mo bang sakalin kita ngayon, Yeri? Tumahimik ka nga." Sagot naman nung Karina. Hindi ko naman intensyon na makinig pero dahil nga magkakasama lang naman kami ngayon sa iisang kwarto na tahimik pa at madilim, naririnig ko ang bawat sinasabi nila.

 

Lumapit na ako sa dalawang bugok at narealize ko na mukhang 7th wheel ako rito. Lahat sila magkakatabi kaya maman napasapo ako sa mukha ko, talaga ba, shuta.

 

Narinig ko nalang ang sigaw nila, syempre nangunguna si Ningning nang biglang umuga uga ang sahig na tinatapakan namin at magsimula nang magpatay bukas ang ilaw, may tumatawa na ring demonyo kaya naman nagtitilian na 'tong mga kasama ko, syempre ako rin, gago.

 

"Mama, mahal ko pa buhay ko!" Narinig kong sigaw ni Ningning kaya naman imbis na matakot eh natawa nalang ako, masasabi mo sa tono ng boses niya na natatakot talaga siya. Nanginginig nginig pa nga.

 

"Baka naman mabali na yung braso ko kakahatak mo!" Reklamo naman ni Aeri sa tabi niya dahil grabe makahawak sa kaniya si Ningning. Napapailing nalang ako at nagsimula na kaming maglakad nang bumukas na ang pinto. Napalunok naman ako dahil para talaga kaming nasa horror movie, mabuti nalang at hindi naman kami sobrang kaunti dahil kung ako lang mag-isa rito, baka hindi nalang ako mag effort na lumabas.

 

"Huwag kayong tumakas! Hindi kayo makakalabas!" Isang malakas na boses ang nagsabi niyan kasunod ang isang halakhak, grabe nakakatakot taena. Pagkalabas namin ng kwarto, bumungad sa amin ang mga dugo na nakasulat sa pader, ang daming kalat, gulo gulong mga upuan, pati na rin ang random na phrase sa pader kagaya ng sino yang kasama mo, magtago ka na at kung ano ano pa. Napapaisip tuloy ako na grabeng effort din ang nilaan nila para gawin 'tong horror house na 'to na mukhang totoo, namamatay rin ang ilaw from time to time. Minsan nagiging red pa.

 

"Ay palaka, gago!" Narinig kong mura nung mukhang oso na babae dahil medyo nauuna na sila nung girlfriend niya, grabe nakaakbay pa siya ron kahit na medyo natatakot na rin siya. When kaya? Napaismid nalang ako hindi naman sa naiinggit ako pero parang ganun na nga. Sinabihan nga kami na isang linya lang pero eto kami ngayon, nagkalat dahil nagkakatakutan na.

 

Nagulat din ako nang biglang may kumalabit sa akin at bumungad sa akin yung babae na puro dugo ang mukha kaya naman imbis na matakot talaga eh hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng pagkaka make up sa kaniya. Hmm, ang effort talaga. Pwede na rin, kung sobrang matatakutin ka.

 

"Mama!!!" Narinig ko nalang na sigaw na naman ni Ningning, nangingibabaw talaga ang boses niya sa sigawan. "May multong humawak ng paa ko!"

 

Ang gulo na, ang dami na multo ang nakapaligid sa amin ngayon at lahat sila iniisip ko na tao rin 'to, tao rin 'to, talo lang din sila. Para naman hindi ako matakot talaga, pero gonna admit it talaga, sobrang ganda ng pagkaka gawa nila ng horror house. Para siyang haunted mansion na pinaglumaan na talaga, ang daming kalat, tapos may mga dugo pa sa paligid na for sure hindi naman totoong dugo. Pati na rin yung mga sahig na gumagalaw galaw. Syempre, yung mga nananakot din, ang angas lang. Kanina ko pa rin nakikita yung mga gilid na parang may gumagalabog.

 

"Teka, hahanap tayo susi." Narinig kong sabi nung Karina, hindi ko pa rin siya nakikita dahil ngayon nakatalikod na sila sa akin. Nangunguna na sila ngayon habang ako naman ay nagpapahuli at sinusundan nalang sila. Nakakatamad na mag-isip kung paano kami makakalabas sa bahay na 'to kaya naman hinahayaan ko nalang sila. May pa ganito pa kasi ang horror house na 'to at hindi nalang kami hinayaan na mag explore, kailangan pa namin gumawa ng way para makalabas. Masyadong ginalingan.

 

"Hoy, puta! Wag ako! Si Giselle nalang!" Walang habas na ipinagkanulo ni Ningning si Giselle kaya naman napatawa ako habang pinapanood sila na nagtutulakan at ginagawang shield ang isa't isa. Kung gaano ka sweet yung dalawang magkasintahan sa harapan namin na pinoprotektahan pa nung isa yung jowa niya, eto namang dalawa kulang nalang isakripisyo ang isa't isa para maligtas ang sarili nila. Parang mga timang talaga.

 

"Rina!" Sigaw naman nung Yeri nang nakita kong may bumulaga sa kaniya na clown, ano 'to, IT low budget version?

 

"Oh my god, I saw the key na!" Masayang sabi naman nung Karina kaya naman napangiti ako dahil ang cute niya, tumatalon talon pa siya. Kahit na pabigat ako rito, at wala talagang ginagawa at all, may moral support naman ako, sa paraang hindi niya alam.

 

"Baby!" Nagulat kami nang tumakbo yung isang jowa nung babae na mukhang oso kaya naman agad agad siyang hinabol nung babae at hindi na namin alam kung saan sila napunta. Mukhang natakot ata talaga siya, sinundan ko nang sila ng tingin kahit na hindi ko na rin masyadong makita dahil papatay patay na naman ang ilaw.

 

"Hayop, ganitong ganito yung mga nakikita ko sa horror movies, eh. Yung isa isa mababawasan hanggang sa mamatay na lahat!" Parang ewan na sabi ni Ningning kaya naman humaba talaga ang biyas ko ngayon para batukan siya dahil puro kagaguhan na naman ang lumalabas sa bibig niya. Hindi naman nakakatulong, yawa.

 

"Basta, isa lang ang alam ko, pag nagkagipitan na, iaalay talaga kita." Pang-aalaska naman ni Giselle sa kaniya kaya nakita kong nakatanggap siya ng batok. Ayan, buti nga. Mag away kayo, mga hangal.

 

"Hoy, ang ingay niyo, tumulong kaya kayo." Bulong ko naman sa kanila kaya naman kinurot ako ni Giselle sa tagiliran.

 

"Coming from you, ha. Nakatingin ka lang dyan kanina pa!" Pambabatas naman nito kaya napatawa ako. Aliw kasi manood, eh. Naeentertain naman ako na panoorin yung Karina sa mga ginagawa niya, pero parang ang creepy naman ng ginagawa ko, 'no? Hindi ko naman siya kilala pero sinusundan ko siya ng tingin kanina pa.

 

"Hindi kayo makakatakas!" Nagulat kami nang may tumunog na nakakatakot na background music at nagsilabasan yung tatlong lalaki na may hawak na palakol at may mga dugo sa katawan at mukha.

 

"!" Narinig kong pagmumura nung Yeri dahil nahawakan siya nung isang lalaki. "Teka, saan niyo ako dadalhin!"

 

"Hoy, teka wag si Ningning!" Narinig kong reklamo ni Giselle sa lalaki na para bang susundin siya nito eh ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. Lihim na napangiti nalang ako dahil siya 'tong nagsabi kanina na iaalay niya si Ningning pero tignan mo nga naman.

 

Kanina pa kami may nakakasalubong na iba't ibang uri ng nakakatakot na nilalang, merong tyanak na lumitaw kanina, at babae na mahaba ang buhok na mukhang white lady na gumulat sa amin kanina dahil sa taas siya sumilip. Meron din namang mga serial killer lang, may mga clown, kapre, manananggal, at iba't ibang nakakatakot na itsura ang nanggugulat at nanghahabol sa amin.

 

"Luhod!" Sigaw nung lalaki habang pinang aamba ang palakol niya, alam naman namin na tao lang siya at hindi kami sasaktan. Pero nakakatakot pa rin, lalo na nung makita namin yung nasa gilid namin na may kulungan pala at kanina pa may nagwawala na parang mga baliw.

 

"Luhod!" Pag-uulit pa nito kaya naman nagkatinginan kami nila Ningning at napalunok, sumunod nalang kami kahit na ang lakas ng tili nung Yeri na kasama namin. Kumukurap kurap na naman yung ilaw at may naririnig na kami na parang umiiyak na background music kaya kinilabutan ako.

 

"Grabe, sila lang pala makakapagpaluhod sa akin." Natatawang bulong ni Giselle sa tabi ko kaya naman napatawa ako sa kaniya.

 

"Gayahin niyo 'ko!" Ang lakas ng boses nung isang lalaki habang tinataas ang dalawang kamay niya, "Ganito!" Pagpapakita niya kaya naman sinunod namin siya agad at tinaas din ang dalawang kamay namin. Tangina, ano ba 'to?

 

"Ulitin niyo ang sasabihin ko." Nakakatakot ang boses niya, dagdag pa ang itsura niya. Para siyang serial killer sa mga movies na anytime, pwede ka patayin gamit ang palakol niya. Nakalagay pa ito sa balikat niya habang diretsong diretso ang pagkakatayo niya. Gumagalaw na naman yung pader sa gilid habang lumalakas ang pag-iyak.

 

"Buko for sale!" Sigaw nito kaya naman napaawang ang bibig ko, hindi agad nagprocess sa utak ko ang sinambit nito at narinig ko nalang ang tawa ni Ningning.

 

"Horror house ba 'to? Bakit nagiging comedy bar!" Natatawang sabi nito kaya naman nakita kong binatukan siya ni Giselle, ang ingay niya. Pero kahit man ako, natawa. Ang lakas ng trip ng mga tao rito, ah.

 

"Buko for sale!" Napangiti ako dahil attentive naman si Miss Karina sa harapan ko at talagang inulit niya yung sinabi ni kuya.

 

Cute.

 

Nakatakas agad kami nang sinabi niyang tumakbo na kami at kung hindi kami mawawala sa paningin niya sa loob ng limang segundo ay hahabulin niya kami.

 

Madaling madali naman kami at natapakan pa nga nung Karina ang paa ko at todo sorry naman siya sa akin habang nakayuko, kaya hindi ko na naman nakita ang mukha niya. Kung hindi dahil sa dilim, dahil naman sa nakaharang na buhok niya. O 'di kaya nama'y nakatalikod siya sa akin.

 

"Nagbayad ba talaga tayo para takutin tayo?!" Rinig kong reklamo nung Yeri kaya naman napahagikhik ako, napansin ko na lima nalang kami rito dahil hindi na nakabalik yung magjowa kanina. Nasaan na kaya sila? Mukhang matatakutin talaga yung mas maliit na babae, sana ayos lang siya.

 

"Multo ka lang, si Ningning ako!" Narinig ko namang pagmamayabang ni Ningning doon sa white lady na lumabas mula sa kurtina at ginulat siya, magkaangkla kasi sila ni Giselle kaya naman sa tuwing magugulat at mapapasigaw si Ningning eh mahahawa rin si Giselle. Ang ingay tuloy nilang dalawa.

 

"Gaga, hindi ka kilala niyan." Tugon naman ni Giselle sa sinabi niya, bahagyang natatawa pa marahil sa inaasal ni Ningning.

 

"Hindi ko rin siya kilala, quits lang aba." Napailing nalang ako dahil wala na namang sense ang lumalabas sa bibig ng bruhang iyan. Napapatawa nalang ako dahil para silang ewan na nag-uusap sa gitna ng pananakot ng mga multo na 'to.

 

"Hala! Omg! May humawak sa paa ko." Parang gago na ulat ko sa kanila habang tinuturo ang paa ko nang may humawak dito, ilang tao ba ang nagtatago sa mga ilalim para lang makapanghawak ng paa?

 

"Parang hindi ka naman natakot." Tumatawang sagot ni Giselle nang makita ang mukha ko kaya naman napakibit balikat ako.

 

"Gusto ko lang matakot para hindi sayang effort, respeto naman." Natatawang sambit ko naman habang lumalakad na ulit kami. Natatanaw ko pa rin naman si Karina ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin na mag-isa nalang siya. Nasaan yung Yeri? Yung kaibigan niya.

 

"Hoy, Yerim! Lumabas ka na nga, nasaan ka ba, gago." Maiiyak na ata yung Karina nang mahalata rin niya na hindi na niya katabi ang kaibigan niya. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya lalo na nung malaman kong mag-isa nalang siya, gusto ko man siya lapitan para kausapin, pinapangunahan ako ng hiya ko. Hindi naman kami magkakilala kaya wala akong lakas ng loob na i-approach siya. . . hindi lang ako, ganon.

 

I was looking at her intently, observing her actions. I don't know if I'm giving her worried glance right now pero nag-aalala lang ako dahil nilalagay ko ang sarili ko sa posisyon niya na nagkahiwalay kami ng kaibigan ko sa loob ng horror house. Kahit naman bugok 'tong dalawa na 'to, hahanapin ko pa rin sila pag nawala sila sa paningin ko. Buti nalang bugok nga talaga sila at sumusunod din sa akin.

 

", nasaan ka ba— oh my!" Narinig kong nagulat ito nang biglang namatay nang tuluyan ang ilaw. Pero kahit na hindi ko na sila makita, kahit na marami naman akong dapat gawin, pagtuunan ng pansin—

 

Sa kaniya pa rin ako nakatingin.

 

Sa pigura niya na nakatalikod sa akin sa 'di kalayuan, halatang tense na tense siya kaya naman hindi ko magawang i-alis ang tingin ko lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ko na wala siyang kasama ngayon. She's probably feeling awful right now. Sana bumalik na yung kaibigan niya, nawala lang ang tingin ko saglit eh nagulat nalang ako na nagkahiwalay na pala sila.

 

"Win, sino ba tinitignan mo riyan! Hinahatak kita kanina pa." Bulong ni Giselle sa akin kaya naman napakurap ako at napatingin sa gawi nila, sakto namang pagtingin ko sa kanila ay bumukas na ang ilaw pero hindi pa rin ganon kaliwanag. Mas makakakita ka lang kumpara kanina.

 

"Huh?" Wala sa loob na tanong ko habang kinakamot ang kilay ko.

 

"Sino ba kako tinitignan mo riyan at hindi ka mapuknat, wait yung babae ba—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sumigaw si Ningning kaya naman dali dali siyang lumapit don habang napapabuntong hininga nalang ako at sandaling hinilot ang sentido ko.

 

Grabe, ang dami na namin nakita, nasaksihan. Tatlo na rin nawawala sa amin, hindi pa ba kami makakalabas? Tanginang horror house 'to.

 

Palakad lakad lang kami at bawat hakbang namin eh makapigil hininga dahil maraming nanggugulat, gumagalaw pa kamo minsan ang sahig o ang dingding sa gilid na dinadaanan namin.

 

Binalik ko ang atensyon ko kay Karina, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na ibaling ulit ang buong atensyon ko sa kaniya dahil pagkaharap ko ay nakita kong nakatingin din siya sa akin.

 

My brain worked slower than usual, my body's not functioning the moment our eyes met. My heart pounded, I don't even know why. I felt a warm blush rise to my cheeks. I blinked twice, trying to process what the hell just happened to me.

 

Pero mukhang nawala na ata talaga ako sa sarili lalo na nung bahagya niya akong ngitian.

 

Dapat ba akong ngumiti pabalik?

 

Get your together, Winter. You're making yourself look like a fool in front of her. The .

 

In the end, I just gave her a small smile, didn't need to put an effort, baka nga hindi niya rin nakita dahil umiwas na rin siya ng tingin.

 

Oh holy, hindi naman sana ako nagmukhang snob sa paningin niya. Hindi naman siguro niya inisip na mataray ako.

 

I couldn’t help but think of the beauty she possessed. Seriously, the light caused by her smiles was dazzling. Jaw dropping. Stunning. Beautiful. Glamorous. Fascinating. Too many words to describe and justify it.

 

I have also seen many people that are beautiful and attractive but why does it have a different effect? Why does her beauty and charm affects me alot? Am I enchanted?

 

Isang ngiti lang, ganun na agad epekto sa akin.

 

Ano 'to?

 

Bakit ganito?

 

"Huy, Winter, bakit nakatulala ka riyan! Naengkanto ka na ba!" Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman kong niyuyugyog na ni Ningning ang balikat ko. I pursed my lips and looked at her. I was asking the same exact question earlier.

 

Naengkanto ba ako? Bakit ganito ang epekto sa akin nung mga ngiti na yun?

 

"Hindi, gago." Kumakamot ang ulo na sagot ko naman kahit na hindi na rin ako sure.

 

"Etong si Giselle, grabe makatingin sa multo kanina!" Parang bata na nagsumbong ito sa akin habang dinuduro pa si Giselle na nanlaki ang mata at halatang nagulat sa biglaang pagtuturo ni Ningning.

 

"Huh? Bakit ako na naman?" Nagtatakang tanong nito at tumingin pa sa akin kaya nagkibit balikat ako. Hindi ko nga alam sinasabi ni Ningning.

 

"Totoo kaya," Giit ni Ningning, magkasalubong pa ang kilay. "Gandang ganda ka pa ata!"

 

I sighed when I realized that they were still arguing here, while we hadn't left the horror house. Mukhang walang plano lumabas ang dalawang 'to dahil mas inaatupag pa nila ang pagsasagutan. It's also embarrassing because Karina's still here, maybe she can hear these two.

 

I massaged my temple, releasing my stress. Narinig ko namang napatawa si Giselle, "Nagseselos ka ba sa multo?" Hindi makapaniwalang tanong nito, gets ko naman siya. Hindi ko rin alam bakit nagseselos si Ningning sa multo, parang siraulo.

 

"Ako? Magseselos?" Ningning scoffed sarcastically, crossing her arms. "Mas maganda naman ako ron!"

 

"Oo nga, alam ko naman." Giselle mumbled without even hesitating while staring at her eyes. Napangiwi naman ako nang makita kung paano namula ang mukha ni Ningning at mukhang cue na iyon para lumayo ng kaunti sa kanila at iiwas ang tingin ko. Masaya naman ako na ganiyan silang dalawa at baka iyan na ang way para magkaaminan talaga sila pero hello, rito talaga?

 

Kailangan muna naming makaalis. Inuuna ang harot, mga pisti.

 

Parang minagnet na naman ang tingin ko Karina dahil natagpuan ko na naman ang sarili ko na nakatingin sa kaniya habang naglalakad na ulit kami. Tahimik na siya habang ako rin ay tahimik na nakasunod sa kaniya. Naririnig ko naman yung yabag nung dalawa kahit na medyo maingay rito kaya hindi ko na sila nililingon. Mukhang tapos na sila magbangayan.

 

"Ah, putangina!" Napasigaw sila Ningning nang biglang may lumabas na naman, isang lalaki na nakablack at puting puti ang mukha. Tapos katabi niya si Valak, shet. Ang ganda nung pagkakamake up, kamukhang kamukha nga ni Valak.

 

"Saan kayo pupunta, ha!" Sigaw naman nung lalaki, napakunot ang noo ko nang mapansin na nakahawak siya sa braso ni Karina habang pilit naman na lumalayo si Karina.

 

Lumunok ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko i-react, ayoko naman na bigyan ng malisya o i-judge yung lalaki dahil ayoko makipag-away pero mukhang hindi na comfortable si Karina sa pagkakahawak niya.

 

Mukhang hindi naman napapansin nung dalawa ang nakikita ko dahil una sa lahat, hindi naman sila nakatingin palagi kay Karina gaya ng ginagawa kong pagbabantay sa kaniya. Pangalawa, busy sila sa pagtataboy at pag-iwas kay Valak na hinahabol sila.

 

Ayokong magpadalos dalos ng kilos pero mukhang nandilim na talaga ang paningin ko sa hindi mawaring dahilan nang makita kong bumababa na ang kamay nung lalaki sa bewang ni Karina at mukhang uncomfortable na talaga si Karina ngunit hindi siya binibitawan nung lalaki.

 

Manyak ang gago.

 

"Bitawan mo nga asawa ko." Mabilis ang pangyayari, hindi ko rin alam kung paano pero nakita ko nalang ang sarili ko na nasa tabi ni Karina at hinatak siya mula sa manyak na multo at napagtanto ko nalang na sinambit ko pala talaga ang mga salita na iyon habang nakahawak sa bewang niya.

 

What the actual , Winter.

 

At bakit ko sinabing asawa? Puta, ang sarap magpakain sa lupa ngayong mga oras na 'to lalo na nung maramdaman ko ang tingin sa akin ni Karina. Sa dinami dami ba naman ng pwedeng sabihin, asawa pa talaga ang nasabi ko? Namumula na ang mukha ko ngayon, alam ko. Pero sana isipin nila na dahil iyon sa galit at hindi sa hiya.

 

"S-sorry, boss." Mukhang natakot naman yung lalaki nang sabihin ko na asawa ko yung chinachansingan niya kahit na hindi naman. Ang funny lang tignan na siya ang multo at dapat na nananakot tapos siya 'tong mukhang natakot sa akin. Pero hindi funny 'tong kaba na nararamdaman ko ngayong mga oras na 'to, puta.

 

Namumutla ang mukha niya at lumayo rin siya agad sa amin, lalo na nung hapitin ko ang bewang ni Karina. Pasensya na talaga, mamaya nalang ako mahihiya. At oo, yan matakot kang manyak ka, wala dapat espasyo ang mga tulad mo sa mundo.

 

"Huwag mo na uulitin 'to kahit sa ibang babae, mahiya ka nga. Stop taking advantage of the situation, multo ka rito at ang trabaho mo, manakot. Hindi mangmanyak, pwede ba?" Mababanaag ang pagkairita sa mukha ko at maririnig na rin ang iritasyon sa tono ng boses ko. Hindi ako natutuwa, hindi ko man kaano ano si Karina pero hindi niya deserve na mabastos. Nakakatakot nga naman talaga maging babae, kahit sa mga simpleng lugar na ganito na dapat natatakot ka sa mga multo, mas matatakot ka pa sa mga bastos sa paligid mo, eh.

 

Simple lang, sobrang normal na araw lang, pero pwede ka p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Pasensya na sa errors AHSAHSGHAD lets be moots sa twt btw @baetokkism

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2138 streak #1
Chapter 1: gusto ko din ng asawa ajsjsj
EzraSeige
#2
Chapter 1: Congrats otornim promoted po 👏👏👏🙌😍
howdoyouknowmee
526 streak #3
Chapter 1: Promoted huhu
syrenity
#4
Chapter 1: Ang ganda nito so much. Kiliggg. 😫💜
gomtokkim
2138 streak #5
Chapter 1: Done rereadinggg
Privbluu
#6
Chapter 1: Kaka open ko lang sa tab na 'to last night, tapos biglang promoted!! Congrats tor!!
ryujinie__
680 streak #7
Chapter 1: Congrats! 🥳
seiikihavre
#8
Chapter 1: ang ganda ganda. well written po. more pa po please 🥺🫶
MyJMJTY
#9
Chapter 1: ang ganda 🥺 sana may sequel, thank you for writing this story
Young_DP
#10
Chapter 1: ganda hehe