Chapter One: Bugbog saradong Unggoy.

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Tainō University is a school where frats and sororities are allowed and not prohibited. In this school, joining a frat or a sorority is a replacement of joining extracurricular clubs that happens in a normal school. It's pretty obvious that this school is not normal, because this school... is made for delinquent students like me.

 

Kasalukuyan akong nagmu-muni-muni rito sa rooftop nang walang istor-

 

Blag!

 

"Bossing!"

 

Ponyawa. May kalokohan na naman sigurong ginawa ang mga mokong na hindi nila kayang panindigan.

 

Masama ang tingin kong hinarap ang gumambala ng aking self-time. "Bakit na naman?" Taas-kilay kong tanong at tumingin sa pinto ng rooftop na 50/50 na lagay dahil sa lakas ng pagkakabukas nitong babaeng kaharap ko ngayon. "Gaga ka, sisirain mo pa 'yong pinto." Dagdag ko. 

 

"Maaayos naman nila agad 'yang pinto," Hingal niyang sagot. Nag-madali atang umakyat dito. "Pero 'yong mukha ni Ryujin, hindi."

 

Sabi ko na nga ba eh!

 

"Nasaan na ba si Kumandante?" Tanong ko. 

 

"Nando'n." 

 

"Oh, nando'n naman pala eh!" Saad ko. "Bakit ako pa ang ginambala niyo?"

 

Napakamot naman siya ng batok bago ngumiti nang patagilid. "Eh kasi pinapanood niya lang na mabugbog si Ryu."

 

Napailing naman ako sa sagot niya. Bwiset na Kumandante 'yan. Siya dapat ang mag-aasikaso eh!

 

Napabuntong-hininga ako. "Yuna, nasa'n sila?" 

 

"Nasa cafeteria." 

 

Jusko, do'n pa talaga.

 

Pina-una ko si Yuna tapos sumunod ako. Pag-dating namin, nakita namin ang mga estudyanteng nag-kumpulan sa isang particular na area ng caf. 

 

Agad kaming naki-siksik sa mga estudyante. 

 

Napangiwi ako nang suntukin si Ryujin sa mukha, specifically sa ilong. Uuwi na namang sira ang ilong si gaga. 

 

Mabuti nalang at medyo nabalanse ni Ryujin ang sarili niya kaya hindi siya natumba kahit na medyo malakas 'yong impact na natamo niya. 

 

Hinanap ng aking mga mata ang Kumandante. 

 

At tignan mo nga naman, talagang tuwang-tuwa pa siyang naka-upo sa may sulok habang ngumunguya ng popcorn.

 

Shuta. Akala niya ba nasa sinehan siya at nanonood ng isang action film? 

 

Naki-siksik ulit ako sa mga estudyante para makapunta ako sa likod niya. 

 

"Malalamog na 'tong si Ryujin." Rinig kong bulong niya at humagikgik pa talaga. 

 

Agad ko siyang binatukan at mabilisan naman siyang humarap sa akin. Bahagya pang nanlaki ang mga singkit niyang mata nang makita ako.

 

"Hi, Minjeong." Bati niya sa akin nang may pilyang ngiti.

 

Kumunot ang noo ko. "Anong 'hi, Minjeong'? Patigilin mo 'yang laban dahil malalamog na talaga 'yang si Ryu. Kakagaling lang niyan sa ospital nung nakaraang linggo tapos ito na naman. Gusto mo bang madedo 'yang unggoy na 'yan?" 

 

Umiling naman siya bilang sagot sa tanong ko bago bumuntong-hininga. "Sabi niya kasi, huwag daw akong makialam. Sinunod ko lang naman ang gusto niya dahil alam kong gusto niyang bumawi at balian ng buto si Jaemin."

 

Tumingin ako kay Ryujin na hindi na masyadong makailag dahil mabilis ang kilos ni Jaemin. Oo, si Jaemin na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong