201
Pink School part 2
Palihim kong tinitingnan si Ning. Pagpasok niya pa lang kasi sa room kanina, nakakunot na ang noo niya. Tinanong ko siya kung bakit no show siya sa terminal kaninang umaga, she smiled at nagwave lang siya ng kamay sa’kin tapos dumiretso sa kanyang upuan. Naiwan siguro ‘yung metal straw niya, nakapatong lang kasi sa mesa ‘yung iced coffee niya.
Sakto naman ang pag-upo ni Winter sa harapan ko, “Anong mayro’n kay Ning?” tanong niya paglingon sa direksyon na tinitingnan ko. Kinuha ko muna ‘yung extra straw ko sa bag, “Abot mo.” May pwersa naman n’yang kinuha sa kamay ko. Kahit kailan, napakabigat ng kamay! “Wala pa akong limang minuto rito, nag-uutos ka na agad!” Natawa na lang ako sa expression ni Winter. Aabangan ko talaga ‘yung araw na tatahol na ‘to.
I mean, okay lang namang magreshuffle ng groupings kung para sa buong section pero sayang ‘yung naumpisahan namin nina Gi! Tapos parang he intended pa to group me with Felix. Isang oras tuloy akong hindi nakaupo nang maayos para ‘di ko makita ‘yung mukha niya. Naiinis ako! Pati posture ko sinisira niya! Lahat na nacompromise ko for him. Buti na lang Yeji’s in our group.
Maagang umalis si Sir, may errands pa raw siya with the principal. Susunod na sana ako kina Winter at Gi pabalik sa spot namin nang harangin ako ni Felix, “Free period naman Rina eh. Talk to me na,” dumaan si Ning sa likod niya. Makahulugan ko siyang tiningnan: tapusin mo na ‘yang mood swing mo please, alisin mo ko rito!
Ano ba Ning, bakit mo ko pinagkibitan lang ng balikat!
“Can you not?” diretso ko na lang tiningnan sa mata si Felix. Kung hindi pa takutin, ‘di pa bibitaw eh. Galit ba sa’kin si Ningning? Hindi na ako mapakali rito, ano bang nagawa kong mali?
“Crush mo?” Winter, kakaupo ko pa lang diba? “Gago,” parehong-pareho kayo ni Giselle, mga walang preno ang bibig. “Eh bakit ka nakatitig? Tsaka diba, sabay pa kayong umuuwi?” kasi pareho kami ng town na inuuwian? Ano? Don't tell me all this time iniisip mo na I'm pursuing Ning?
Winter, alam ko namang slow ka pero
Comments