Chapter 7

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 7

 

"Joke." Irene added. Hindi ko alam kung nagjo-joke ba talaga siya dahil poker face pa rin siya kahit na sinabi na niya yung word na joke. Mas nakakatawa pa siguro yung fact na nag-joke siya pero ganyan yung mukha niya. 

 

Hindi ko na talaga siya maintindihan, sarap nalang maiyak dahil ang bilis talaga magbilis ng mood niya. Minsan salungat pa ang eskpresyon ng mukha niya sa mga sinasabi niya. Yung tipo bang seryoso yung mukha niya tapos sarcastic naman sinasabi niya o inaasar ka niya ganon, lakas din ng topak, eh.

 

"Araw pala ako para sa'yo, huh." Natatawang sabi ko naman kaya sinamaan niya ako ng tingin. Agad naman akong natigilan dahil okay, nakakatakot yung pagkakatingin niya sa akin. Para bang ready siya sakmalin ako anytime soon.

 

Takot pa ako na mamatay pero kung ganito ba naman kaganda ang papatay sa akin, syorrrr, why not? Pwede naman pag-usapan yen debe.

 

Charot lang. Napapailing na natatawa nalang ako sa pinag-iisip ko. Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang, halos maihi ako sa takot nung tumingin sila sa gawi ko, lalo na nung masalubong ko ang nakakatakot na tingin ni Irene, tapos ngayon, parang wala nalang sa akin lahat ng tingin niya.

 

Yung mga tingin niya na siguro pag sa iba niya ginawa, baka matakot agad at iwasan siya, pero pag sa akin, mas natutuwa pa ako. Pakiramdam ko siya yung Irene na nakilala ko sa tuwing ganito siya, mas okay na 'to kesa makita ko ang malungkot niyang mukha.

 

Pakiramdam ko madudurog ang puso ko kung sakaling makita ko siyang umiiyak.

 

Kaya siguro mas okay na yung ganito, nabibwisit man siya sa mga ngiti at sinasabi ko, atleast ito ang Irene na gusto kong makita, at masaya ako makita.

 

Inis man siya sa akin, gusto ko lang naman pagaangin ang loob niya. Gusto ko lang naman makalimutan niya kahit papaano yung sakit na nararamdaman niya, kahit saglit, kahit ilang minuto lang, habang kausap ako.

 

Yung kinatatakutan ng lahat, nandito lang sa tabi ko at wala manlang akong nararamdaman na kaba o takot.

 

Mas lamang pa nga ang saya.

 

Ilang beses ko na sinabi 'to sa sarili ko tuwing nakakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing nasa harap ko siya pero; nababaliw na ata ako.

 

"Oo, araw ka kasi masakit ka sa mata." Napasimangot naman ako sa sinabi niya at narealize ko na sunog ako dun. Kagabi, natututo na siyang asarin ako pabalik. Dati kasi pag inaasar ko siya, dalawa ang ginagawa niya, it's either iirapan ako at sasamaan ng tingin, o lalayasan nalang pagtapos ako sungitan. Ngayon, sumasagot na siya sa akin at binabasag na mga banat ko, aray ko po.

 

"Grabe si miss president." Nakangusong sabi ko, humawak pa ako sa dibdib ko na parang umaaktong nasasaktan. Nahahawa na ako sa pagiging sad girl nila Jisoo. "Alam mo, masaya ako kahit na sinusungitan mo ako, nakakapanibago dahil nung una talaga takot ako sa'yo." Biglaang pag-amin ko dahil ayoko na munang isipin niya ang nangyari kanina. Alam ko naman na magsasabi siya kung gusto niya magsabi at kung hindi ay ayos lang din. Kaya iniba ko nalang ang topic at sinabi ang gusto kong sabihin dati pa. Takot naman talaga ako sa kaniya noon. I mean lahat ng estudyante talaga rito takot sa kanya, siguro lalo na yung mga taong sobrang taas ang tingin sa kaniya. Malaman pa nga lang na papadating na siya eh nagsisi-ayos na. 

 

Normal lang naman din na maintimidate ako sa kanya lalo na't transferee ako tapos ganoon ang bumungad sa akin, culture shock. Wala naman kasing paganyan sa dati kong school, puro dugyutin pa nga mga tao don. Dito may pa F4 girl version pa pala, puro matatalino at talented pa. Sino ba naman hindi matatakot?

 

Dagdag mo pa ang nakakatakot na titig niya na para bang sinasabing umayos ka, makakatikim ka sa akin pag hindi mo inayos. Hindi na tuloy ako nagtataka bakit ang ayos ayos ng school na 'to, maganda ang reputasyon ng school na 'to at matunog na ang pangalan kahit na nung hindi pa ako nagtatransfer dito.

 

Lahat halos eto ang dream school, dahil nandito na lahat, magandang facility, maaayos na teacher na magagaling magturo, at pag dito ka gumraduate, makakakuha ka agad ng trabaho dahil kilala ang school na 'to sa mga maaayos na estudyante, hindi rin basta basta tumatanggap dapat ang average mo ay 85 pataas. May entrance exam pa kahit highschool. Nakapasok ako rito dahil sa scholarship, kaya ayun matic na need ko talaga i-maintain ang grades ko. Buti nga tinanggap ako kahit na grade 12 na ako lumipat, at hindi na ako pinaulit ulit sa grade 11, eh. 

 

"Bakit ka naman matatakot? Eh nakakayanan mo ngang tumingin sa salamin araw araw." Walang prenong sabi niya kaya naman napasimangot ulit ako. Tangina, tuwang tuwa siya sa pang-aalaska sa akin ah. Hindi ito ang Irene na kilala ko, ibalik niyo ang Irene na kilala ko! Charot lang, pero masaya ako kasi ganito na siya, ibig sabihin ba comfortable na siya sa akin dahil binibiro na niya ako at sinasakyan mga sinasabi ko?

 

I hope so.

 

"Kanina ka pa." Nakasimangot na sabi ko habang kumakamot pa ng kilay. Alam nyo yung tipong ang harsh ng mga sinasabi niya pero poker face yung mukha niya? Tipong inaasar ka pabalik pero hindi manlang ngumingiti, kahit anong reaksyon walang pinapakita. 

 

Pero atleast, dumadaldal na siya hindi katulad kanina na tahimik lang at mukhang iniisip ang nangyari sa kanila ni Bogum kanina. Keri na yun kahit kanina pa niya ako nilalait.

 

I like it when she's like this.

 

"Nakakatakot ba ako?" Biglaang tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin kaya naman napalunok ako, sa totoo lang, pag tinignan mo si Irene, ang amo ng mukha niya. Pero kakaiba kasi yung awra niya. Kung paano siya lumakad o tumayo. Kung paano siya tumingin, kung paano siya mag-hawi ng buhok, kung paano siya magsalita. Ibang - iba, eh. Idagdag pa na strikto at masungit siya kaya takot na takot ang mga estudyante sa kanya.

 

Confident na confident siya sa mga ginagawa niya, nakadagdag siguro yun sa dating niya. Alam niya na magaling siya, matalino siya, at maganda siya. Alam niyang kaya niya lahat kaya naman kahit anong gawin niya ay nananatili siyang kalmado na para bang alam na alam na niya ang gagawin sa kahit anong sitwasyon na kalalagyan niya. I admire her for that.

 

"Aaminin ko nung una, natakot ako sa'yo. Nung first day ko rito at nung makita ko kayong apat na naglalakad sa hallway, idagdag pa ang sinasabi ni Jennie about sa inyo ay natakot at kinabahan ako. Lalo na nung makita ko kung paano magtakbuhan ang mga estusyante nung malaman nila na nandiyan na kayo. Pero ngayon? Ngayon na nandito ka sa tabi ko? Hindi, eh." Yung emosyon ko ngayon ay hindi takot, kundi saya. Gusto ko idagdag pero baka isipin niya na naman crush ko sya— hindi kaya.

 

Baka mamaya lumaki pa ang ulo nito at lalo pa akong asarin, hindi pa ako ready for that. Baka dumagdag pa siya sa pang-aasar nila Byul at asarin din ako sa sarili niya, nako po, baka hindi ko na alam ang maramdaman ko.

 

Totoo ang sinabi ko, walang halong biro. Takot talaga ako nung una, pero ngayon, wala, eh. Mas masaya talaga ako na sinusungitan niya ako. Hindi naman ako pinanganak na masokista ng nanay ko pero ewan ko nalang ngayon.

 

Ma, I'm sorry, mukhang nagbabago na ang mga desisyon ko sa buhay, eme.

 

"Honestly speaking, bukod sa mga kaibigan ko talaga, ikaw yung nakakausap ako na hindi nanginginig at natitignan ako sa mata." She sighs, while playing with her fingers. Para itong bata ngayon na nag eexplain ng mga hinanakit niya sa buhay. "Masungit ako, strikto, o kung ano pa man, but syempre kailangan ko rin ng mga makakausap. Ibang kaibigan. Marami rin naman akong kaibigan dahil sa mga clubs na sinasalihan ko pati na rin yung ibang officers, pero gusto ko rin na maging comfortable sa akin yung mga estudyante rito, pero mukhang takot na takot talaga sila sa akin." Sabi naman niya kaya naman naawa agad ako. Parang may kumirot sa puso ko lalo na nung makita ko siyang parang bata na nagsusumbong sa magulang niya.

 

Sa itsura niya kasi na mukhang masungit— well, masungit naman talaga siya. Mataray. Laging nang-iirap. Pero tao pa rin naman siya at maayos naman siya kausap. Kinatatakutan siya ng mga estudyante kaya naman wala masyadong lumalapit sa kanya na hindi niya ka level upang makipagkaibigan. Sabagay, kung ako rin naman ganon ang iisipin ko. Hindi ko siya ka-level, masyado siyang mataas para sa akin kaya naman matatakot ako l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1147 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?