Chapter 6

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Note: Happy 30 upvotes! Thank you rin sa mga nag subscribe, at nagcocomment. Thank you po sa inyong lahat. <3

 

Chapter 6

 

"Could you just please shut up?!" Natigilan ako sa paglalakad sa hallway nang marinig ko ang boses na halatang inis na inis at sobrang lakas na dahil sa galit. Madiin ang pagkakasabi nito na para bang nagbabanta na sa kung sino man ang kausap niya.

 

Kinilabutan ako dahil nakakatakot ang boses at halatang galit na yung may - ari nung boses.  Siguro kahit na sino pa man ang makarinig ng sigaw na iyon ay matatakot at lalayo nalang. Baka nga kung ako ang sigawan ng ganon, maihi nalang ako sa salawal. 

 

Pamilyar pa nga sa akin ang boses pero hindi ko masyadong nabosesan dahil mas nagfocus ako doon sa emosyon nung boses niya, halatang inis na inis ang may-ari nung boses. Narinig ko ang itirasyon sa boses nito.

 

At dahil inatake ako ng pagiging chismosa, agad akong sumilip sa isang kwarto kung saan nanggagaling ang boses at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Irene na may kasamang lalaki naka-uniform na pang-basketball. Dahil bago palang ako dito sa school na 'to, hindi ko sya kilala. Kahit na may mga estudyante naman na akong kilala rito dahil pinapakilala sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ang isang 'to, hindi talaga pamilyar ang mukha ng lalaking ito. Parang ngayon ko nga lang siya nakita sa campus, eh. Pero halata naman sa itsura nya na varsity player ‘tong si boy. 

 

Mukhang may pinagtatalunan sila ni Irene. 

 

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila, kung paano sila magtinginan, at nakita kong hawak hawak nung lalaki ang braso ni Irene.

 

Si Irene na kasama ko lang kanina, maaga akong gumising para makauwi dahil hindi ko naman dala ang uniform ko kaya naman sinabihan ko siya na mauna na ako. Siya pa ang nagsakay sa akin nang sabihin ko iyon at nung babayaran ko na si manong driver, nagulat ako nung sabihin nitong nabayaran na pala siya ni Irene, sobra sobra nga raw ang binigay nito dahil hindi raw ito sure kung magkano ang babayaran ko kaya naman sinabi nya raw na keep the change na. Iba talaga pag mayaman.

 

Magpapasalamat nga pala ako sa kaniya dapat kaya lang hindi siya pumasok sa first subject namin dahil may meeting daw bigla ang mga officers kaya yung cake girls ay wala kanina. Ngunit si Irene hanggang second subject ay wala pa rin habang yung tatlo naman ay nakapasok na. 

 

Umihi lang talaga ako at nadaan ako rito sa building na 'to dahil narinig kong may nag momol sa CR sa building namin, jusko. Building 'to ng STEM, talagang nakaabot pa ako rito wag lang makaabala sa mga gumagawa ng milagro.

 

Kaya lang ayon, naabutan ko nga sila na nagtatalo rito. Parang nagsisisi tuloy ako na sumilip pa ako, ngayon nakita ko pa ang pagtatalo nila ng lalaking 'to na hindi talaga pamilyar ang mukha sa akin kahit na ilang beses ko pa isipin kung nakita ko na ba siya dati, nakasalubong, o ano.

 

Nakakatakot ang awra ni Irene ngayon, magkaibang magkaiba sa Irene na kasama ko kagabi, after naming kumain, at after ko maghugas, naabutan ko siyang nanonood sa sala kaya naman tumabi ako sa kanya dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Alangan namang mauna ako sa kwarto kung saan man ako matutulog eh hindi ko naman bahay yun. Kaya hihintayin ko nalang siya na mag-aya na dahil ayos lang naman sa akin hintayin siya. 

 

Tahimik lang naman kami kagabi pero may mga napag-usapan naman kami tungkol sa isa't isa kahit papaano, ayos naman siya kausap kaya lang pikon talaga siya at mataray, eh. Pero madalas sarcastic siya at take note, natututo na siyang mang-asar.

 

Sinasabayan niya na ang mga pang-aasar ko sa kaniya and I don't know if it's a good thing dahil ang hirap niya lalo basahin, hindi ko alam if nagjojoke pa ba siya o ano. Madalas kasi kahit halatang nagbibiro siya o nagpapaka sarcastic, seryoso pa rin ang mukha niya kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko, eh. Parang ewan lang.

 

Ngayon, yung itsura niya parang mananakmal ng tao. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila nung lalaki pero sure ako na napuno na si Irene sa kaniya para magalit ito nang ganito katindi. Idagdag mo pa na sobrang intimidating din ng itsura niya kaya parang lalo siyang naging nakakatakot, knowing na siya ang president ng school na ‘to at pwedeng - pwede ka nyang patalsikin o pahirapan sa isang pitik lang ng kamay niya. 

 

Hindi ko alam saan kumukuha ng lakas ng loob yung lalaki para galitin si Irene. Nakakatakot siya pag ganito ang itsura niya.

 

Kung ako siguro ang tignan ni Irene katulad niyan, baka tumakbo nalang ako papalayo at lumipat na ng ibang school. Uunahan ko na siya, baka mamaya siya pa ang magpatalsik sa akin, nakakahiya naman.

 

"Baby. . ." Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang tawagin siyang baby nung lalaking naka-uniform na pang basketball player. Hindi ko alam ang name niya kaya naman tawagin nalang natin siyang kulangot. Oo, kulangot talaga. Naiinis ako sa kaniya kaya gagawin ko siyang kulangot.

 

Napahawak naman ako sa dibdib ko, parang may kakaibang sakit kasi itong naramdaman nung marinig ko kung paano siya tawagin nung lalaki.

 

It really hurts.

 

Charot.

 

Hindi ko naman gusto si Irene kagaya ng pang-aasar sa akin nila Jisoo, siguro nagulat lang ako dahil eto pala yung sinasabi nilang boyfriend ni Irene. May nabanggit kasi sila Jisoo sa akin nung inaasar nila ako kay Irene na may boyfriend ito pero parang wala rin dahil mukhang hindi raw sila magjowa, puro cool off at away raw ang nangyayari. Sinabi niya iyon sa akin at inassure pa ako na hindi ko raw magiging karibal masyado ang jowa ni Irene dahil mukhang nawalan na rin daw ng interes ang dalaga rito. Mga gago, gagawin pa akong sidechic.

 

Alam nila iyon dahil kaklase nila si Irene dati pa man at nahahalata nila iyon sa kaniya, mga Aling Marites talaga, eh.

 

Biniro pa nga ni Jennie na konti nalang daw magbebreak na. Sabi pa niya na hindi raw alam ng lahat na may boyfriend si Irene kaya wag ko nalang din daw ipagsabi para walang gulo. Pero kahit na may mga ganun silang kwento, hindi ko pa rin nakikita ang mukha nung lalaki. Halos makalimutan ko na nga na may kwento nga pala sila na may boyfriend si Irene.

 

Ito pala yun.

 

Medyo napataas ang kilay ko, may itsura siya, gwapo siya to be honest. Pero may something sa aura niya, eh. Parang mayabang? 

 

Mag-aaral ako ng psychology at sure ako na tama ang pagjujudge ko sa lalaking ito. Yung tindig niya parang ang hangin, eh. Hindi ko gusto yung awra niya. Hindi ako natutuwa.

 

Ang judgmental ko sa part na 'to pero wala akong pake.

 

Parang nabuo ang inis ko sa lalaki lalo na nung makita ko kung paano mainis si Irene sa kaniya, ano bang ginawa ng ugok na 'to?

 

"Shut up! Wag mo akong tawaging baby kung makikipag- ka rin naman sa ibang babae?! Bumalik ka na sa mga yun, sarap na sarap ka eh 'no? Kakabalik mo lang sa school after din ng isang buwan na walang paramdam tapos gaganyan ka? Napapaisip nalang ako na deserve mong masuspend dahil sa mga kabalastugan mo sa buhay." Muntik na akong mapaubo dahil sa narinig, mabuti nalang at napigilan ko kundi patay ako nito pag nalaman ni Irene na nakikinig ako sa usapan nila nung jowa nya. Nakakatakot pa mandin siya ngayon, jusko. Parang anytime ay pwede ka niyang suntukin pag may mali kang nasabi.

 

Hindi ko alam kung ano ang pinaka context nung pag-aaway nila pero base sa narinig ko na sinabi ni Irene, nakipag- 'tong ugok na 'to sa ibang babae? Laking gago naman pala.

 

Hindi ko maintindihan bakit may mga taong kayang magloko, kayang magcheat na parang wala lang. Kaya kang sabihan ng I love you pero sinasabi rin pala sa iba.

 

We all fall in love and get into a relationship. Syempre at first, there is kilig. It seems fine. But all of a sudden things change. The relationship that we think is not how we imagine. Then it leads us to disappointments. Nakakalungkot. We feel unhappy. And seek satisfaction, contentment and fulfillment. At ang masakit don, sa ibang tao pa hahanapin. In short, we cheat. Guys cheat and also girls. Tao lang din. Pero bakit? Pwede naman hindi.

 

Cheating is never an acceptable response to problems in a relationship.

 

Why cheat kasi in the first place. Yung ibang guy sasabihin, impulsive mistake lang. Hindi sinasadya. Well, you can't justify cheating in anyway. You cheat. Nagloko ka. If you're unhappy with the relationship, why not tell your partner. Why bother looking for someone else to satisfy your needs.

 

All people make mistakes. But not all mistakes are forgivable.

 

"Alam mo kasi? Sawang - sawa na ako sa ganitong set - up natin! Hindi natin mapagsigawan ang relasyon natin sa iba dahil diyan sa punyetang pangalan at posisyon mo. Gets ko naman na maaaring madaming humusga sa atin pero hindi ba dapat pinaglalaban mo 'yun? Dapat pinaglalaban mo ako. Kaya huwag mo ako sisihin na naghanap ako ng kasiyah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
0 points #1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1143 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?