1-Iced Coffee

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Sa panahon ngayon kapag narinig mo ang salitang traffic madalas kasunod na niyan ang salitang stress o kaya naman pag nabuburyon ka na at nakakaranas ng mga sintomas ng stress, maaring isa sa dahilan niyan ay traffic. 

 

 

Ito yung dalawang salitang hangga't kayang iwasan ni Irene, ginagawa niya. Hangga't kaya niyang lubayan, makakahanap siya ng paraan. Hindi lang talaga sumasang-ayon sa kaniya ang mundo ngayon dahil nalagay na naman siya sa pang 7AM shift kahit na nga nag-rotate na sila ng schedule o sa salita ng mga ka-trabaho niya mas accurate sabihin na 'napag-tripan ka na naman ni Ma'am Miya'.

 

 

"Ma! Male-late na po ako, bye!" paalam ni Irene sa nanay at nagmamadaling lumabas ng gate. 

 

 

"Anak! Ang dilim pa sa labas magpahatid ka sa tatay mo kahit hanggang Robinsons lang!" sigaw ng nanay niya. 

 

 

Narinig ni Irene ang sinabi ng kaniyang ina pero hindi na niya ito pinansin dahil mas lalo lang siyang male-late kapag nagpahatid pa siya. Di siya sigurado pero sa tingin niya, tatay lang niya yung napakaraming seremonyas bago makarating sa luma nilang Starex sa tuwing magpapahatid siya. 

 

 

Nandiyan yung hindi agad bumabangon kahit na sabihing male-late na si Irene. Minsan naman nakaupo na sa driver's seat ang tatay niya pero biglang bababa at magdadahilang may kukunin lang daw, ayun pala naman ay nakaramdam ng tawag ng kalikasan at napilitang umupo sa trono. Ang pinaka-nagpasimangot kay Irene ay yung nakaandar na sila ng ilang pulgada pero inatras pa ang van nila dahil nakalimutan daw ng tatay niya yung driver's license nito.

 

 

Kaya para makaiwas sa foreseeable delays mas minabuti na lang niyang suungin ang kadiliman ng kalsada paglabas ng bahay nila. Malapit lang naman sa sakayan ng jeep ang street nila Irene. Ilang hakbang tapos kaunting pagkabog ng dibdib dahil sa kabang makasalubong siya ng kung ano ay mararating na niya ang dulo. Yung sikat na kanto kung saan nakatambay yung mga nanghihingi ng barya kapalit ang ilang kumpas ng kamay sa mga nakahinto at palisaw-lisaw na hari ng kalsada.

 

 

Humahangos na pumara ng jeep si Irene at swerte siya dahil halos wala pang gaanong mga pasahero ang kasabay niyang nagaabang. Pag-upong pag-upo niya ay sinilip niya agad ang wrist watch niya. 

 

 

"5:05 AM" bulong niya sa sarili. 

 

 

Kung hindi magpapa-gas itong jeep na sinasakyan niya o di kaya ay biglang mafa-flatan, makakarating siya sa Robinsons Nova ng 5:15AM. Tamang tama lang para hindi siya maabutan ng dagsa ng mga tao sa pila ng UV Express papuntang SM North.

 

 

Isang malaking bangungot ang haharapin ni Irene kung hindi siya makakasakay ng UV Express ng eksaktong 5:15AM. May hindi kasi maipaliwanag na dahilan ang mga taga-Fairview kung bakit bigla na lang nati-triple ang volume ng sasakyan sa lugar nila pagtungtong ng 5:30 ng umaga. Mata-trap ka na kasi sa tinaguriang traffic capital of the Philippines kung hindi mo susubukang i-defy ang hiwagang dala ng Fairview. (Pasintabi sa mga taga Cavite dahil balita ni Irene ay nakikiagaw ito sa trono ng Fairview sa kung saang lugar ang pinaka-traffic.)

 

 

Ang number one rule: siguraduhing bumiyahe bago mag-alas singko y medya ng umaga para malagpasan ang Fairview kung ayaw mong abutin ng siyam siyam.

 

 

Taga Zabarte Road si Irene at wala siyang choice kundi ang baybayin ang traffic congested street a.k.a Fairview palabas ng Commonwealth Avenue kung gusto niyang makarating sa trabaho niya. 

 

 

Akala mo na-nominate sa pagka-employee of the month si Irene sa tuwang nadama niya nang makitang hindi pa nakakaalis ang unang UV Express na babyahe sa umagang iyon. 

 

 

"SM NORTH! SM NORTH!" sigaw ng isang barker. 

 

 

"Miss! Nurse ganda! Dito HIGHWAY MRT!" tawag kay Irene ng isa pang barker. 

 

 

Derederetso siyang lumapit sa barker na nagtatawag ng mga pasahero biyaheng SM North. "Kuya, may nakaupo na ba sa harap?" 

 

 

"Wala, bakante." sagot ng barker at tsaka siya ipinagbukas ng pinto. Nagtaka siyang bahagya nang mapansin ang isang duffel bag na nakapatong sa shotgun seat. 

 

 

"Ne, sige upo ka lang. Gamit ko yan." sabi ng driver na sa tingin ni Irene ay ka-edad lang ng tatay niya. 

 

 

Tinanguan lang niya ang driver at umupo na. Di niya pinahalatang gusto na niyang mapa-yes sa tuwa dahil ang ganda ng pwesto niya ngayon. Shotgun seat, malakas ang buga ng aircon, at higit sa lahat walang istorbong katabi. Perfect combination para sa taong nagbabalak umidlip sa biyahe.

 

 

5:20AM nang makumpleto na ang sakay ng UV. Nag-ready na rin si Irene at nagsuot na ng seatbelt. Di nagtagal nakita na niyang ibinaba ng driver ang handbrake at nagsimula na nga silang umandar.

 

 

Ito na yung cue niya, arms folded across her chest, head bowed down, eyes closed ready to fall asleep any minute when the driver suddenly asked her something. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Nilalamig ka? Ang init init eh." malumanay na tanong nito. 

 

 

Bilang isang magalang na pasahero tumingala si Irene at pinaunlakan ang small talk na sinimulan ng katabi. 

 

 

"Hindi naman po. iidlip lang po kasi ako." magalang na sagot ni Irene.

 

 

"Ah ganun ba? Wag kang matulog, panoorin mo yung paligid." sagot ng driver and then he gave Irene a fatherly smile.

 

 

"Araw-araw ko na pong dinadaanan ito eh. Kabisado ko na po."

 

 

Tumango ang driver. Akala ni Irene ay tapos na ang paguusap nila at makakatulog na siya. "Pero kahit na. Di naman araw-araw parehas ang makikita mo. Panoorin mo lang yung mga tao, yung mga nangyayari sa paligid. Malay mo makita mo sa daan yung hinahanap mo." dugtong ng katabi.

 

 

Napaisip si Irene kung ano ba ang pinupunto ng kausap kaya hindi siya naka-pagsalita. Napalingon siya sa kaniyang kanan at nakita ang isang lumang building, Fairview Center Mall kung tawagin ng mga tiga-roon. Ibig sabihin lang noon ay malapit na silang makalagpas ng Fairview.

 

 

'Yown! Hindi ako na-trap.' pagcecelebrate ni Irene internally. 

 

 

"Pwede natin hintuan tapos babain mo." biglang sabi ng driver na may maamong ngiti. Patungkol pa rin ito sa sinasabi niya kanina kay Irene.

 

 

"Pwede naman po." sagot ni Irene hoping na matutuldukan na nito ang usapan nila. Nginitian niya pabalik ang driver at nabaling ang atensyon niya sa namumuong traffic jam sa harap. 

 

 

Na-curious tuloy siya kung bakit nagsimulang bumagal ang daloy ng traffic gayong wala pa namang 5:30 ng umaga. Nang makalagpas sila sa kumpulan ng sasakyan, nakita niya ang isang babaeng pababa ng minamaneho nitong itim na Nissan Terra. Kumakamot sa likurang bahagi ng tenga dahil sa frustration sa inabot ng sasakyan niya. 

 

 

"Mukhang nabangga siya nung Jollibee delivery man ah." komento ng driver na hindi pinansin ni Irene dahil abala siya sa pagtitig sa babaeng driver. 

 

 

Pinilit niya pa itong lingunin kaya lang bumilis na ang takbo ng sinasakyan niyang UV kaya hindi na niya nakita pa ang mukha ng babae. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagka-interes usisain ang banggaang iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagbaba niya mula sa sinasakyang van napahinto siya saglit dahil mag-aalasais pa lang ng umaga. Umiwas nga siya sa traffic pero napaka-aga naman niyang dumating sa SM North. 6AM pa nagpapapasok ang mga guards ng SM para sa mga tenants o yung mga empleyado ng mga store sa loob ng mall. Considered as tenants din silang mga nagta-trabaho sa mall-based clinic kaya kailangan niyang sumunod sa patakaran.

 

 

Naisipan niya munang dumaan sa bakery kiosk na naka-pwesto sa tapat ng pilahan ng jeep.

 

 

"Uy, ganda! Cheese bread ulit?" tanong ng tindera. Tumango lang si Irene at nag-abot ng bente pesos.

 

 

"Napapadalas bili mo dito ah? Di ko na nakikita yung ibang nurse." dugtong niya.

 

 

"Ako po kasi morning shift ngayong month eh." pagdadahilan na lang ni Irene.

 

 

Hindi naman talaga dapat siya buong isang buwan sa morning shift kaya lang yung ex-friend slash head nurse na niya ngayon ay nag-eenjoy atang pahirapan siya kaya dalawang magkasunod na sched rotation siyang tinalaga sa pang-umagang shift.

 

 


Binubuyo siya ng mga kaibigan na magreklamo at kausapin ang manager nila para matigil ang pangpa-power trip ni Miya sa kaniya pero dahil nga allergic si Irene sa stress at confrontation ay hinayaan na lang niya.

 

Pagtungtong ng alas sais ng umaga ay nagtungo na si Irene sa employee's entrance para makapasok. Hindi pa bukas ang main entrance ng mall kaya ang mga tenants na maaga ang pasok ay napipilitang dumaan sa likod.


"Miss, nasaan SM id mo? Di porket maganda hahayaan na namin kayong pumasok na wala yun ah." sabi ng masungit na guard. 


"Kuya, relax ka lang po. Ito oh nasa likod ng clinic ID ko." mabait na sabi niya. 


Masama kasing galitin ang mga guards ng SM dahil kapag trip nila di ka nila papagamitin ng elevator paakyat. Nasa 5th floor ang clinic na pinagta-tra

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Kumusta? Mainit init na chapter 15 para sa inyo.


Care to share your thoughts?
No comments yet