Final!

Silent Love, Silent Pains!

 

"Oi Winter!  Kanina pa kita hinihintay!" Ang lawak ng ngiti nya sa akin. Masaya nya akong sinalubong pagkababa ko ng tricycle dito sa terminal. Agad nya akong inakbayan tulad ng nakasanayan nyang gawin sa akin. Hindi ko na naman tuloy napigilang mapangiti ng malawak. "Sabi kasi sayo sunduin na lang kita. Ayaw mo pa kasi eh" Ginulo nya ng konti yung buhok ko. Lagi syang ganito sa akin. Ayokong ginugulo yung buhok ko, pero pag sya yung gumagawa,  natutuwa ako.

 

"Strong daw kasi sya! Kaya hindi na sya nag pasundo!" Banat naman ni Giselle na sumingit bigla sa tabi ko habang natatawa pa ng konti. Siniko ko sya kasi alam ko yung ibig nyang sabihin dun. Baliw talaga to minsan. 

 

"Huh!?" na confused ata si Karina sa sinabi ni Giselle. 

 

"Wala yun!  Wag mo ng isipin hahaha" Sagot pa nya bago nya kami iwang dalawa ni Karina at pumunta sa pwesto ni Ningning na nakaupo lang sa isang bench. 

 

Nandito kami sa isang bus terminal, pupunta kasi kami sa isang birthday party at napag desisyunan namin na sabay sabay na kaming pumunta doon. Susunduin sana ako ni Karina kaya lang hindi na ako pumayag. May dahilan naman ako kung bakit. 

 


"Parang sira talaga si Giselle minsan, noh? " Tanong nya sa akin habang nakaakbay parin. 

 

"Hahahaha. Hayaan mo na yun! Para namang hindi ka pa sanay sa kanya"

"Hindi talaga!"Nag make face sya kaya natawa ako lalo "Sayo lang naman kasi ako sanay" Tapos biglang lumawak yung ngiti nya sa akin. "Yieeeee kinilig ka noh?" Tukso pa nya at saka pinisil yung pisngi ko. 

 

"Bwisit ka talaga!...asa ka naman! Never akong kikiligin sayo noh!" Hinampas ko sya sa braso nya. Syempre nag sinungaling ako. Lagi nga akong kinikilig sa kanya eh kahit wala pa syang ginagawa. Kahit nakatayo lang sya kinikilig na agad ako. 

 

"Hindi ba talaga?"


Napakurap ako ng biglang mag iba yung tono ng boses nya. Parang naging seryoso. Taena! Ano ba to!? Gustong gusto ko man aminin na kinikilig ako, pipiliin ko na lang na hindi sabihin ito. 

 

"Pfffffft hahahaha joke lang! Masyado ka namang seryoso eh"
Yung kaninang akbay nya lang biglang naging yakap. Alam nya kasing maiinis ako sa ginawa nya. 
Eto ang hirap eh! Yung ma inlove sa isang best friend! 


Oo mahal ko si Karina. Hindi ko alam kung kailan nag umpisa mag grow yung feelings ko para sa kanya. 9 years na kaming mag best friends. Crush ko na sya dati nung mga bata pa kami tapos napansin ko na lang na nag iiba na yung tingin ko sa kanya nung 2nd year high school kami. Hindi ko namalayan na unti unti ko na pala syang minamahal nun hanggang ngayong 3rd college na kami. 

 

"Hoy!  Tama na lokohan! Andyan na yung bus! Pasok na tayo!" Biglang umepal si Ningning sa gitna namin ni Karina kaya natanggal yung pagkakayakap nya sa akin. 

 

"Panira talaga ng moment to!" Tatawa tawa pang sabi ni Karina sabay hawak sa wrist ko at sabay na kaming pumasok sa bus. Magkatabi kaming dalawa at magkatabi naman si Giselle at Ningning sa bandang kaliwa namin. 

Nagkatinginan kami ni Giselle, umiiling iling sya sa akin. Gets ko na yun. Alam ko na yung ibig nyang sabihin. 


Ngumiti nalang ako sa kanya. Pagkatapos nun sumandal na lang sya sa upuan nya at saka pumikit. 

 

 

 

"Okay ka lang?" Tanong bigla sa akin ni Karina. Napatingin ako sa kanya tapos ngumiti ako ng malawak. At saka tumango ng dalawang beses. 

 

"Liar!" Tinulak nya ng daliri nya yung noo ko "anong problema mo?"

 

"Para kang sira haha...wala akong problema noh!" Tatawa tawa kong sagot. Ang seryoso nya kasi eh. At ang ganda nya lalo pag ganito sya. 

 

"Tsk! Yung totoo nga kasi!?" 


Todo ang pigil ko sa tawa ko kasi alam kong medyo naiinis na sya. Ayaw nya kasing nag sisinungaling ako sa kanya. Kaya lang,  anong magagawa ko?  Kailangan kong mag sinungaling sa kanya. 

 

"Wala nga. Promise!"


Napahinga na lang sya ng malalim. Suko na sya. Hindi ko rin naman kasi talaga sasabihin kahit anong pilit nya. 

 

"Okay....sige sabi mo eh" Tipid nyang sagot, pagkatapos ay dahan dahan nyang pinatong yung ulo ko sa balikat nya. "Pahinga ka na lang muna sa balikat ko... You'll be fine" Sabay halik nya ng marahan sa buhok ko. Napapikit ako ng kaunti sa huling sinabi nya. Magiging okay nga ba talaga ako? Kaya ko nga bang maging okay? 

 

Maya maya pa naramdaman kong nilagay nya sa isa kong tenga yung isang bahagi ng earphones nya. Pareho lang kaming nakikinig ng music mula sa kanyang phone. 

 

Pareho kaming mahilig sa music at pareho din ang gusto naming genre. 

Dahil sa mga kantang pinapakinggan namin, ang dami kong naalala na mula sa memories naming dalawa. Kaya naman simple akong napapangiti habang nakasandal sa kanya. 

 

Naalala ko nun naging magkaibigan kami nung nursery ng dahil lang sa isang candy. Kinuha kasi ng classmate kong bully yung pagkain ko tapos lumapit sa akin si Karina sabi nya wag na daw akong umiyak tapos inabot nya sa akin yung isang mentos. Hindi ko alam pero naalala ko na tumigil ako nun sa pag iyak tapos niyakap ko sya. 

 

Mula nun lagi na kaming magkasama hanggang naging mag best friends na nga kami nung grade 4 kami. 


Sa tuwing may umaaway sa akin sya yung lagi kong tagapag tanggol. Number one supporter ko din sya pag dating sa pagkanta ko. 


Naalala ko pa nun, grade 5 kami. Nagpagawa pa talaga sya ng banner sa mama nya para lang icheer ako. 

Lagi pa kaming sabay pumasok at umuwi dahil medyo malapit lang naman yung bahay namin dati. Hindi kagaya ngayon dahil lumipat na sila. 

Tapos dati nung grade 6 kulang nalang umiyak na ako dahil sa sobra kong takot dun sa asong humabol sa aming dalawa. Buti nalang matapang si Karina. Nagawa nyang pakalmahin yung aso at paalisin.


Niyakap nya ako ng mahigpit nun dahil nanginginig na talaga ako sa takot. Yun ata ang kauna-unahan na parang may naramdaman akong kuryente sa katawan ko pero binalewala ko lang nung mga oras na yun. 

Hanggang sa dumating na kami sa 1st year high school. May mga nag kakagusto na sa kanya nun tapos hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng inis tapos nalaman kong hindi pala inis yun, kung hindi selos. Hindi ko pa maintindihan kung bakit ganun yung nararamdaman ko. Pati nga sila Ningning at Giselle naguguluhan sa akin dahil sa mga kinikilos ko. kaibigan ko na silang dalawa mula nung Grade 6 kami.

 

 Second year high school, dun ko lang napagtanto kung bakit madalas akong nakakaramdam ng selos pag may kasama syang ibang tao, pag masaya sya kahit hindi ako yung kasama nya, pag nagiging sweet na sya sa iba. Nagseselos ako kasi nagugustuhan ko na pala sya. Pero hindi ko yun inamin.


Ayokong aminin! Kasi natatakot ako na baka biglang may magbago sa samahan naming dalawa. At saka masaya na ko na masaya kaming maging mag best friends. 

 

Akala ko okay na talaga ako sa best friend lang, okay lang ako na may magustuhan din syang iba, pero hindi pala.  Nagkaron kasi sya ng girl friend nung malapit na kaming matapos sa 2nd year. Ako pa ang naging tulay nya kay Anne nung panahon na yun. Gustong gusto nya kasi yung taong yun. Makakatanggi pa ba ako kung kaligayahan na nya yung hinihingi nya mula sa akin?  Hindi ko kayang tanggihan ang best friend ko kaya pumayag ako sa gusto nya. 


Sobrang sakit sa akin nun pero pilit ko paring tinago sa sarili ko ang totoo. 

 

Nasaksihan ko kung gaano sya kasaya kay Anne, ngunit nasaksihan ko din kung paano sya masaktan ng iwan sya ni Anne! Galit na galit ako sa taong nanakit sa kanya. Gusto ko syang sugudin at pagsasampalin pero mas inisip ko na lang si Karina. Kailangan nyang mag move forward,  nag umpisa na kasing bumaba ang grades nya that time at nag umpisa na rin syang uminom ng sobra ng alak. Ako ang naging sandalan nya nung mga panahon na yun. Hanggang sa unti unti na syang naging okay nung 4th year high school kami. Ang saya ko kasi nakikita kong bumabalik na talaga sya sa dati. 

 

Naalala ko graduation namin nun,  binigyan nya ako ng bouquet tapos isang frame na ang nakalagay ay sketch naming dalawa. Sabi nya matagal daw nyang ginawa yun kasi gusto nya perfect yung kakalabasan. Sa sobrang saya ko ng marining ko yun at ng matanggap ko yung gift nya,  niyakap ko sya ng mahigpit at saka hinalikan sya sa pisngi. 
Sabi ko sa sarili ko,  konting panahon pa,  aaminin ko na sa kanya yung totoo. 

 

Dumating na kami sa 1st year college. Same university parin kami ng pinasukan pero magkaiba na kami ng course. Ako nag BS HRM kasama si Ningning,  si Giselle naman Civil engineering ang kinuha at si Karina ay Architecture.

Medyo naging busy kami pero lagi kaming nagbibigay ng oras para sa isa't isa. May mga bago na din syang kaibigan nun. At okay lang sa akin. Kasi masaya naman sya. Nakikita kong nag eenjoy din sya sa mga bago nyang kaibigan. Pero hindi ko naihanda ang sarili ko ng umamin sya sa akin na nagugustuhan na daw nya yung isa nyang bagong kaibigan na si Via. Gustong tumulo ng mga luha ko nun pero pinigilan ko. 

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Kasi ayokong malaman nya na nasasaktan nya na ako. 

Sinabi nya sa akin na balak nya ng umamin kay Via, at wala naman akong magawa kung hindi ang suportahan nalang sya sa desisyon nya. 

Kala ko magiging masaya sya nung araw na yun pero nagulat ako ng tawagan nya ako bigla at nasa labas daw sya ng bahay namin. Agad agad ko syang pinuntahan at labis ang lungkot ko ng makita ko syang umiiyak. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Sinabi nyang hindi sila pareho ng nararamdaman ni Via. Inamin daw sa kanya ni Via na kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. 
Lumipas ang isang linggo, kitang kita ko parin ang lungkot sa mga mata ni Karina. Hindi narin nya nakakasama at nakakausap si Via. Umiiwas ata sa kanya. 

 

Naalala ko pa sabi nya sa akin. Dati daw sinabi nya sa sarili nya na sana mahalin din sya ni Via ng higit pa sa isang kaibigan. Pero nung umamin na sya dito at nilalayuan na sya ng babaeng mahal nya, bigla nyang nasabi sa akin na sana maranasan nyang mahalin uli ni Via kahit hanggang isang kaibigan nalang uli. 

Ng marinig ko yun, mas natakot ako na umamin sa kanya. Paano kung mangyari sa akin yung nangyari sa kanila ni Via?  Paano kung pagkatapos kong aminin sa kanya ang lahat,  lumayo din sya sa akin?  Hindi ko kaya yun. Kaya umatras ako sa pinlano ko dati. Minabuti kong gawin nalang muli itong sekreto. 

 

Mabilis nyang nakalimutan si Via. At todo ang pasalamat nya sa akin dahil daw sa pananatili ko sa tabi nya. Masaya daw sya dahil kahit kailan hindi ko sya iniwan at tinalikuran. Masaya sya na ako ang naging best friend nya. 


Best friend?  Hanggang dun nga lang talaga siguro kami. 

 

 

"Winter,  tara baba na tayo nandito na tayo sa resort." Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Karina sa balikat ko. Akala ko natutulog sya kanina,  hindi pala. Agad akong humarap sa bintana kasi naramdaman kong may pumatak na luha mula sa mata ko. Pinunasan ko yun at saka muling humarap kay Karina. 

 

"Tara! " isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. 

Pumasok na kami sa resort kung saan i-cecelebrate ang birthday ni  Kate. Ang taong masasabi kong swerte sa pag mamahal ni Karina. Oo sila ng taong mahal ko,  at isang taon na din sila. 

Saksi ako sa kanilang dalawa. Si Kate ang long time crush ni Karina simula elementary kami kaya lang biglang lumipat ng school si Kate hanggang sa nagkita uli sila nung 2nd year college na kami. Naging malapit sila sa isa't isa. Ramdam ko kung gano sila kasaya pag magkasama silang dalawa. At ramdam ko rin kung gaano ako nasasaktan kapag nasisilayan ko sila. 

Kitang kita ko sa mga mata ni Karina na mahal nya talaga si Kate. Masaya sya pag kasama nya ako pero triple ang saya nya sa tuwing nakakasama at nakakausap nya si Kate. Si Kate ang taong nagbigay ng dahilan upang mailabas ni Karina ang best sa sarili nya na kahit kailan hindi ko man lang nagawa. Paano ko nga naman kasi magagawa kung ang tingin lang naman talaga sa akin ng taong mahal ko ay isang kaibigan lang?  Isang best friend lang. At hindi na hihigit pa doon. 

 

Ako yung taong laging nasa tabi nya, yung taong laging karamay nya sa lahat ng bagay. Yung taong Takbuhan nya pag may mga problema at malungkot sya. Pero kahit ako yung taong laging nandyan para sa kanya,  hindi nya parin ako nakita. Hindi nya man lang ako naramdaman. 

 

"Matunaw naman yung tao!"


Napalingon ako sa taong biglang nagsalita. Si Giselle pala. 


"Eto na lang yung kaya kong gawin eh. Ang tingnan na lang sya."  tipid akong ngumiti sa kanya at saka ko uli tinuon ang mga mata ko sa hawak kong baso na may lamang juice habang pinaglalaruan ko ito.  

 

"Bakit kasi hindi mo inamin sa kanya? .....Malay mo naman diba?" Seryosong  tanong nya sa akin ng umupo sya sa katabi kong upuan. 


Alam ni Giselle at Ningning na matagal ko ng mahal si Karina. At pinakiusapan ko din sila na wag na lang sabihin at wag ng ipaalam pa kay Karina iyon. Ayokong malaman pa nya kahit kailan ang tungkol sa  totoong nararamdaman ko para sa kanya.


Binalik ko ang tingin ko sa gawi ng taong mahal na mahal ko kasama ang taong mahal na mahal nya.

 

 

"Alam ko naman na wala talagang pag-asa,  kaya mas pinili kong ilihim na lang."


Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko ng sabihin ko ito,  kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. 

 

END! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JCLCF4E
#1
Chapter 1: awts peyn pighat8
not_summer
#2
Chapter 1: sino ba 'yang Anne na 'yan? bubugbugin ko lang
partyrock24 #3
Chapter 1: Halaaa bakit naman ganyan otorrrr T_T may part 2 po ba otor? Hehe
EzraSeige
#4
Chapter 1: Tangna hano daw??? Walang ganyanan otornim 😭😭😭
Crossmaltese
#5
Chapter 1: SUMBAGAY NALANG!!! TARA!!!
fallingforseulrene
#6
Chapter 1: kapangalan ko crush ni karina, pero part 2 pwede po na huhu