Entry #44

Sterling Notebook: Bawal Basahin!
Please Subscribe to read the full chapter

               Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may something sa dibdib ko.

               Maliwanag na sa kuwarto dahil sa sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana.

               I think maganda yung panaginip ko. Hindi ko na siya fully matandaan pero naaalala ko na may superpowers daw ako at somehow bumalik ako sa senior high para maging head ng review sessions para sa entrance exam sa Harvard.

               O di ba.

               Napatingin ako sa bandang dibdib nang maramdaman ko ulit na parang may mabigat na nakapatong dito.

               Sakto naman ang biglang katok sa pinto.

               “Baby…” bulong ko.

               Nakayakap si Karina sa ‘kin, spooning me habang nakahiga ako patalikod sa kanya at nakaharap sa bintana katapat ng kama.

               Nakapasok ang kamay niya sa loob ng pantulog ko at mukhang matagal nang nakapatong ‘to sa aking dibdib, specifically on my left .

               Naramdaman ko ang pagpisil niya.

               “Baby,” mas malakas ang boses na tawag ko kay Karina. Mukhang tulog pa rin siya. Inalis ko ang pagyakap niya sa ‘kin at humarap sa kanya.

               Malalakas na ang katok sa pinto.

               “Rina? Winter?” tawag ni Mommy Ganda mula sa labas ng kuwarto.

               Mabilis namang binalik ni Karina ang kanyang braso sa may bewang ko, pulling me closer, burying her head sa dibdib ko.

               “Gising na,” natatawa kong sabi. “Babe, gising na! Yung si mommy mo, nasa labas ng room…”

               “What time is it…” nag-aantok pa ring tanong ni Karina. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

               “Oras na para gumising,” sagot ko. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang bumangon.

               “Girls, gising na!” malakas nang sigaw ng mommy ni Karina. “Time to cook breakfast! Winter, help me out!”

               Nagmamadali akong umalis ng kama, wrestling my girlfriend away dahil mukhang wala pa siyang balak bumangon.

               Tiningnan ko yung alarm clock sa bedside table.

               Alas-sais pa lang ng umaga.

               Mabilis kong sinuklay ang buhok at nanalamin sa may dressing table bago ko binuksan ang pinto.

               “Goodmorning, Winter!” maaliwalas na bati ni Mommy Ganda. Nilagpasan niya ako ng tingin at tiningnan yung anak niyang nakahiga pa rin sa kama.

               “G-Goodmorning po,” mahina kong sabi, nakatakip ang kamay sa bibig.

               Pwede bang magmumog muna?

               “Let’s go sa kitchen, we’ll cook breakfast,” yaya ni Mommy Ganda na hinawakan na ako sa may braso.

               “P-Pwede po magtoilet muna ako?” paalam ko.

               Tumawa lang siya.

               “Of course,” nakangiti niyang sabi, “I’ll wait for you sa baba, okay?”

               “Opo,” tango ko.

               Tiningnan ko siyang naglakad na sa may hallway papuntang stairs.

               Binalikan ko muna si Karina na mukhang natutulog na ulit.

               “Baby,” tawag ko ulit sa kanya.

               “Hmmm…”

               “Gising na.”

               “Five minutes…”

               “Punta lang ako sa kitchen ha? Si mommy mo kasi. Samahan ko daw siyang magluto. Okay lang ba?”

               Wala sa loob ang pagtango niya, nakapikit pa rin ang mga mata at tinakpan pa ang mukha ng braso.

               Mabilis ang ginawa kong paghalik sa nakaawang niyang labi.

               “Baba ka na mamaya ha,” bilin ko sa kanya before ako lumabas ng kuwarto at nagtuloy sa toilet.

               After five minutes, nakababa sa ako sa may kusina at naabutan ko si Mommy Ganda na nilalabas pa lang yung mga lulutuin namin ngayong umaga.

               May egg carton, pancake mix, sibuyas, kamatis, at bacon sa ibabaw ng counter.

               Sumilip siya mula sa nakabukas na refrigerator.

               “You know how to do omelette?”

               Tumango ako. “Opo…”

               “Good! Iniisip ko kasi siyang lutuin since matagal na rin yung last na nakakain ako ng proper breakfast. I don’t know kung ano ba ang hinahanda ni Fely para sa mga bata,” tuloy-tuloy na sabi ni Mommy Ganda na nilabas ang isang carton ng fresh milk at isang pack ng sweet ham mula sa fridge. “So, I think pwede namang mag-omelette na lang tayo since my kids like eggs. What do you think?”

               Oo na lang ako.

               Tumango ako at lumapit na sa counter.

               Parang ang dami yata nung sibuyas at kamatis na nakalabas.

               “You think those are enough?” tanong niya sa ‘kin while watching me survey the ingredients. “Wala kasi si Fely today at hinanda niya lang mga ‘yan before siya umalis kagabi.”

               “Lahat po ba tayo kakain?”

               “You mean all of us here sa bahay? Yes, sabay-sabay tayo kakain.”

               “Tulungan ko na po kayo magprepare,” pag volunteer ko.

               “Sabi ni Rina you know your way sa kusina,” nakangiting banggit ni Mommy Ganda. “You also know how to bake. We still have some cake from yesterday.”

               “Tumutulong lang po ako kina Mama,” nahihiya kong sagot.

               Nagsimula na ako maghiwa ng kamatis at sibuyas. Tinanong ko rin si Mommy Ganda kung may mushroom sila at kung may quickmelt cheese na available.

               Habang busy ako sa ginagawa ko, parang naging busy naman si Mommy Ganda sa pagtatanong niya sa ‘kin about sa bahay namin in general. Napansin ko lang na ready na lahat ng ingredients para sa omelette at nahanda ko na rin yung pan para dito.

               Tiningnan ko yung pancake mix.

               “Magluluto din po tayo ng pancake?”

               “Oh yeah. Nagbilin si Eunwoo last night na he’d like pancakes for breakfast.”

               Naghanda na rin ako ng malaking bowl para paghaluan ng batter.

               “So si Lola Teklay mo ay matagal nang nakatira sa inyo…?

               Kwentuhan ulit.

               Tinulungan ako ni Mommy Ganda na kunin yung isa pa nilang kawali para sa pancake.

               Naglabas din siya ng isang tub ng beef tapa na nabili daw nila kahapon nang dumaan sila sa meatshop.

               Parang ang dami yata naming iluluto.

               Nagkukwento na si Mommy Ganda about her daughter’s childhood nang dumating na si Karina sa kusina. Mabilis siyang sumingit sa usapan.

               “… Don’t tell Winter anything weird. She might believe you,” sabi pa niya.

               Hanep lang.

               Yung mag-ina, nakaupo na lang sa may stools by the counter at parang kuntentong pinapanood na lang ako magluto ng pancake.

               “Mom, you’re not helping Winter at all,” akusa ni Karina sa mommy niya.

               “I helped her! I got all her needs. Di ba Winter?”

               Nga naman, kinuha niya yung mga ingredients pati na rin yung dalawang kawali.

               Ang laking tulong, Mommy Ganda.

               Pero seryoso, okay lang naman talaga sa ‘kin. I think gusto lang talaga ako makausap ngayon ni Mommy Ganda. Bonding session, ganern.

               “Oo naman po,” pabibo kong sagot. “Ba – K-Karina, wag ka nga… Magkatulong kami ni Mommy Ganda – ,” nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa mag-ina.

               Rattled na kasi ako nung muntik na akong madulas sa pagtawag sa jowa ko ng baby.

               Pero shemay!

               Mas nakakahiya na narinig ng mommy ni Karina yung tawag ko sa kanya.

               Nanlaki din ang mata ng girlfriend ko.

               “Mommy Ganda?” ulit ng mommy niya, amused na nakatingin sa ‘kin. “Did you call me Mommy Ganda, Winter?” excited niya pang tanong.

               Oo ba ako o hindi?

               “Uhm, yung pancake…” natatawang sabi ni Karina na tinuro yung umuusok na kawali.

               Ngarag kong binaliktad yung niluluto ko.

               Thankfully, isa lang naman yung nasunog sa mga nagawa kong pancakes. Okay din yung omelette. Pati na rin yung bacon at tapa…

               Nakapagsaing na ng kanin si Mommy Ganda kanina kaya nung matapos ako magluto, tinawag na nila si Daddy Chickboy at si Eunwoo.

               Okay, kailangan ko na talagang itigil ang pagbibigay ng nickname sa mga tao.

               Baka matawag ko pang Daddy Chickboy yung stepdad ni Karina, juskopo!

               Tuwang-tuwa naman na kinuwento pa ng mommy ni Karina sa asawa niya yung nickname ko for her. Hindi na daw siya tatanggap ng anything less than Mommy Ganda na tawag sa kanya. Magpapalit na rin daw siya ng nameplate sa hospital.

               “Eh yung sa ‘kin?” enthusiastic na tanong ng stepdad ni jowa. “May naisip ka na for me?”

               Hindi ninyo po magugustuhan, I thought awkwardly.

               Natatawa na nahihiya na lang ako buong oras na kumakain kami. Nang magpaalam na for work ang parents ni Karina, malambing na niyakap pa ako ni Mommy Ganda at nanggigil na hinalikan sa pisngi. Ang cute ko lang daw kasi and she’s happy to have a second daughter.

               Namumula pa rin ako nang maiwan kami ni Karina sa kusina. Pumunta na ulit si Eunwoo sa sala para manuod ng favorite cartoons niya.

               “You called me Ate Ganda before,” sabi ni Karina, smiling. “Tapos ngayon si mommy naman yung Mommy Ganda mo?”

               Tinitigan ko siya at sinimangutan. “Nadulas lang ako.”

               Tumatawa pa siya nang tawagin niya ako ulit. Kasalukuyan siyang nasa lababo at naghuhugas ng pinggan. Ako naman ay nasa malapit na counter at pinupunasan ang ibabaw nito.

               “Baby, look oh.”

               She showed me the sponge.

               “Remember this?” pinisil-pisil niya ito, then squeezing it hard afterwards.

               Ay bastos!

               Tawang-tawa lang naman ang girlfriend ko sa inis kong itsura after niya ipaalala yung nangyari kagabi.

               “Ginawa mo rin kaya ‘yan kanina!” sabi ko pa.

               “I did?” medyo gulat niyang sabi pero ngumiti lang siya at malokong nagtanong, “Did you like it, babe?”

               Karina, mana ka talaga sa pinagmanahan!

               Naku lang.

              

              

              

 

               Kakatapos ko lang ng pagrereview sa library kasama sila Chaewon at Ryujin. Free kasi kami halos buong umaga dahil parehong wala yung mga professors namin sa morning classes. Dahil wala rin naman kaming masyadong pagkakaabalahan, nagyaya na lang si Chaewon na magreview para sa midterms. Two weeks na lang kasi ay exams na namin. August na next week at parang ang bilis lang ng panahon. Masyado kasi akong maraming ginagawa at halos puno lagi ang bawat araw ko. Since may class naman sila Karina, pumayag ako sa review sessions.

               Again, iniisip ko na lang na okay na kami ni Ryujin. As long as hindi siya mag-aattempt ng kahit ano sa ‘kin, I don’t think may problem kami. Napansin din ni Chaewon na sumasama na ulit sa ‘min yung isa at nag-uusap na ulit kami.

               Tinanong ni Chaewon kung okay na kaming dalawa.

               Gulat pa kami kasi hindi naman siya nagsasalita about it nung lumayo si Ryujin at hindi na tumabi sa aming dalawa sa class.

               Gets niya daw yung nangyari at kung nag-away man kaming dalawa, she’s happy na we were able to resolve it.

               Crushable kasi ako Chaewon…

               Charot!

               Tapos tinanong na niya si Ryujin kung sino yung lagi nitong minimeet sa labas ng school. Kaswal lang naman yung sagot niya na high school friend yung lately nakakasama niya pauwi. Bigla lang daw kasi nilang naisipang magcatch-up.

               Before eleven, nagpaalam na ako sa dalawa dahil may lunch kami nila Karina at Ning sa labas. Kasabay namin yung mga taga-La Salle. Matagal-tagal na rin kasi nung huli akong nakasama sa lunchout nila.

               “Nasaan yung iba?” tanong ni Ning na nakatingin kay Giselle. Tumabi na agad sa kanya si Haechan sa dulong silya paikot ng table.

               “Yuqi’s out with her blockmates and Jeno is – I don’t know,” maarteng sagot ni Giselle na nakatingin lang sa nag-iisang bakanteng upuan na available for her.

               Sa tabi ni Lucas.

               “Upo ka na,” sabi ko.

               Nagkatinginan kami ni Ning, parehong nagpipigil ng mga malisyosang pagngisi.

               Mabilis na inayos ni L

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Tootsiepop
For our anonymous promoter ng SNBB today, thank you for promoting the story dito sa aff! I'm back so wag na kayo mag-isip ng kung anu-ano haha. SNBB is an ongoing story na I intend to finish lol
No comments yet