Entry #43

Sterling Notebook: Bawal Basahin!
Please Subscribe to read the full chapter

Dear Sterling,

 

               Buong linggo, hyper si Ning sa mga chikang nakalap niya nung birthday party ni Lia. Particularly around Lucas and Giselle.

               Nauubos ang lunch period namin kaka-update niya about dun sa dalawa. Suspicious din siya sa girlfriend ko. Baka daw kasi may alam na si Karina at nagmumukha lang daw siyang shunga na nagtitiis sa kaunting information when we could just simply ask Giselle’s very bestfriend na araw-araw namin kasama.

               Sinabihan niya ako na tanungin ko na si Karina about kay Giselle. Wala naman daw mawawala.

               Actually…

               Iniisip ko pa rin yung mga nangyari nung birthday party ni Lia.

               Hindi ako sure kung dahil ba up until now affected pa rin ako dito. Bothered ba yung tamang term?

               Sinabi ko ‘to kay Ning.

               Yung ginawa ni Lia, yung naging sagutan nila ni Giselle, at yung naging pag-uusap namin ni Karina.

               Nabadtrip si Ning sa nalaman.

               Ang hirap daw na pareho kaming outsider sa tropahan ng mga jowa namin.

               Naiintindihan naman daw niya na hindi naman lahat eh kailangan pag-usapan pero tulad nung nangyari, sobrang wrong lang daw na ginawa yun ni Lia.

               Tinanong ko siya kung napag-uusapan ba nila ni Haechan yung ibang friends namin. Kailangan daw tanungin mabuti yung boyfriend niya para magkwento at most ng mga sinasabi nito ay wala naman daw talagang essence. Pinagtitiisan niya na lang ang information na nakukuha niya mula sa jowa.

               Ang payo ni Ning, I should be more forward daw kay Karina.

               As a girlfriend daw kasi, I should know.

               Naalala ko yung nangyari after the party.

               Nung nakauwi kami ni Karina sa kanila, alas dos na rin ng madaling araw nung ready na kami matulog. At by that time, hindi lang pagod yung nararamdaman ko.

               Okay na naman ako, I guess?

               Over na ako dun sa ginawa ni Lia.

               Pero yung feeling lingered sa ‘kin at nakuntento na lang ako na yakapin si Karina. Tinanong niya ako kung inaantok na ‘ko. She was extra attentive sa ‘kin buong gabi.

               The morning after, nang magdrive kami papuntang school, I realized na parang sinayang ko yung pagkakataon.

               Ito ba yung nagagawa ng selos?

               Kasi ang dami ko pang plano sana for that overnight. Hindi ko naman nagawa at sa huli I think I even treated my girlfriend coldly.

               Ayoko na makaramdam ng ganun. Ang unsettling lang kasi ng feeling at pakiramdam ko nagiging unreasonable yung mga pumapasok sa utak ko.

               Tuwing inuulit ko yung mga sinabi ni Karina sa ‘kin that time, it made sense naman talaga kung iintindihin ko siya objectively. Kasi sa ‘kin dati, hindi naman ako humihingi ng kahit ano sa ibang tao. Ayoko pa nga na pinapangunahan nila ako sa magiging opinyon ko about sa ibang bagay.

                Parang yung mga chismis lang ni Lola Teklay. Naging immune na ako dito pero hindi naman talaga ako nagpapaapekto masyado sa naririnig kong bali-balita.

               Pero when it comes to Karina…

               Nagbabago yata personality ko.

               Was it unfair to expect na malaman ko lahat ng mga pwede ko pang malaman about sa kanya? After kasi nung nangyari, yun ang nasa utak ko. Ano pa yung mga hindi niya sinasabi?

               I guess mas maraming alam ngayon si Giselle about sa girlfriend ko.

               Siguro mas comfortable si Karina na magkwento sa kanya.

               How should I know kung tama lang ba na may ganito akong iniisip?

 

 

 

              

               “Are you sure na gusto mo pang umuwi muna?”

               Ilang beses na ‘to tinanong sa ‘kin ni Karina ngayong araw.

               Kaninang umaga, sinabihan niya ako na magbaon na lang ng mga pampalit since mas okay kung direcho na kami sa kanila.

               Sinabihan ko siya na may gagawin pa ako sa bahay kaya pupunta na lang ako sa kanila before dinner.

               It’s Friday.

               May ilang oras pa ako sa hapon para maprepare yung cake na dadalhin ko sa dinner. Pinag-isipan ko din ‘to kung gagawin ko ba siya the night before or sa mismong araw.

               In the end, ginawa ko na lang yung mismong cake kagabi at ngayong happon ko siya lalagyan ng buttercream at konting design.

               Lalo kasi akong kinabahan sa sinabi ni Karina midweek.

               Ipapakilala niya na daw ako sa family niya officially as her girlfriend.

               Ohmygod.

               Ganito ba naramdaman niya nung siya yung pinakilala ko kina Mama last summer?

               Hindi lang pala simpleng dinner yung mangyayari.

               OMG.

               Lahat ay nakadepende sa cake!

               Paano pag hindi masarap yung nagawa ko?

               My girlfriend assured me na it’s just a formality. At least yun daw yung palagay niya dahil nagtatanong na daw mom niya about my next visit sa kanila ever since my first dinner with them.

               Ah, naalala ko yung usap namin ni Mommy Ganda.

               Oo nga, may alam na talaga yun. Para ngang gusto pa niya na bigyan ko siya ng assurance na seryoso ako sa anak niya. Ewan ko lang ha pero yun yung na-feel ko nung tinanong niya ako kung dadalhin ko rin ba sa bahay namin si Karina.

               Hindi naman ako nakaramdam ng cold welcome sa family ni Karina.

               On the contrary, mabait pa nga sila sa ‘kin. Pero siyempre, that’s me being introduced as a friend. Paano kapag girlfriend na talaga yung pagpapakilala sa ‘kin…

               “May gagawin pa ako baby,” paalala ko sa kanya. Ilang beses na rin na ganito ang sagot ko. “Saka at least hindi ko kayo masyado maiistorbo dun sa bahay.”

               “Who said you’re going to disturb us?” reklamo ni Karina, pulling me even closer sa kanya. On the way kami sa car park. “No one’s gonna be there until dinner naman… we’ll have the place to ourselves.”

               Yung landi radar ko!

               Nakakalagnat naman si baby!

               Kanina niya pa ako pinapaulanan ng kanyang sweetness at… suggestiveness. Akala yata ni Karina, hindi ko nahahalata.

               Nung lunch, hindi siya nagpabili ng tubig. After ko uminom, she asked for water at binigay ko naman immediately yung hawak kong tubig. Habang umiinom siya, Karina didn’t break our eye contact.

               Nakareceive na lang ako ng message kay Ning during class na siya daw yung nahiya na nandun siya habang nagtititigan lang kami ni jowabelles.

               Tapos kanina, nauna matapos ang afternoon class namin.  Nagdecide ako na maghintay sa labas ng room nila.

               Masaya ako na nagagawa ko ‘tong mga bagay na normally ay si Karina ang gumagawa para sa ‘kin.

               She kept glancing at me until matapos na ang class nila.

               Binati pa ako ng mga dati naming classmates habang hinihintay ko sila ni Ning na lumabas ng classroom. May dinaldal pa sa ‘kin si Genevie about someone daw sa department namin na nakikipagdate sa ibang girl outside sa school pero hindi na niya natapos yung chika niya dahil tinawag na siya ng kasama niya. Hindi ko na rin natanong sino yung tinutukoy niya. Weird lang na bigla niya akong kinausap.

               May choir practice si Ning kaya nagpaalam na rin naman agad ‘to sa ‘min. Nagpasama muna sa ‘kin si Karina sa toilet.

               The third floor CR.

                Naghintay na lang ako sa loob nang lumabas na si Karina from the last cubicle. Nakalugay na yung wavy niyang buhok. Nakatali kasi ‘to kanina.

               Ngumiti siya sa ‘kin bago siya nanalamin sa may vanity mirror by the sink.

               Sinuklay niya ang buhok with her fingers. Tinawag niya ako at kinuha yung handbag niya sa ‘kin. Hinawakan ko kasi muna ‘to for her.

               She got her lipstick mula sa loob and smiled at me sweetly.

               Tinanong niya ako kung gusto ko maglipstick din after niya matapos mag-apply nito.

               Tumanggi lang ako.

                Sayang daw… It would have been a good excuse para halikan niya ‘ko.

               Napahugas ako ng kamay ng di oras.

               At ngayon nga, from their building hanggang dito sa car park, hindi na niya ako binitawan.

               Hindi naman nakakapanibago na ganito ang kinikilos niya towards me.

               Throughout the week, kahit minsan lang kami magkita at magcatch-up, sobrang sulit ang bawat oras na magkasama kami.

               Little by little, nawawala yung iniisip ko.

               Kapag iniisa-isa ko ang mga ginagawa ni Karina para sa ‘min, I wonder bakit pa ako nag-aalala.

               I’m crazy about her.

               And she’s just as crazy about me.

               Buong linggo, para kaming nag-iingat sa nararamdaman namin.

               It was too much sometimes.

               Napupuyat ako sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi na sapat yung paunti-unting oras. Inaabot na kami ng madaling araw talking just about anything.

               Anything…

               “Baby, overnight naman ako sa inyo,” sabi ko.

               Nakasakay na kami sa sasakyan.

               “Fine. Maybe you can stay until lunch? Sabado naman bukas.”

               “Opo.”

              

               You look into my eyes, I go out of my mind

               I can’t see anything ‘coz this love’s got me blind

               I can’t help myself, I can’t break the spell

               I can’t even try

 

               Pinagmamasdan ko lang si Karina sa driver’s seat.

               Naalala ko yung mga late night talks namin this week.

                I think…  I think lumalagpas na kami sa boundary.

               I mean –

 

               “Are you sleepy na?” she asked, gumalaw yung phone sa gilid niya at saglit nawala sa focus yung camera. Nakikita ko lang yung noo niya sa screen.

               “Oops, sorry,” she giggled, focusing back the camera sa mukha niya.

               “Hindi pa ako inaantok,” sagot ko, smiling lazily.

               “It’s one na, baby… are you sure?”

               “Gusto pa kita kausap,” bulong ko.

               She smiled at what I said. Hindi na maliwanag sa room niya. I think yung lampshade na lang on her bedside table yung bukas na ilaw.

               “What d’you wanna talk about?” tanong niya, adjusting her phone. Baka nilayo niya pa ‘to lalo since nakikita ko na rin ang leeg niya, pati yung collarbone, pati yung…

               Napalunok ako.

               I can’t focus suddenly.

               Tiningnan ko siya.

               There’s a playful smile on her face.

               “Ikaw… I want to talk about you…” sagot ko.

               “About me?”

               Nakikita kong nag-iisip siya mabuti.

               “Can I ask you something then?” maya-maya ay tanong niya.

               “Hmm?”

               “Aw, you’re sleepy na talaga,” sabi niya lang. “We can talk again bukas, babe.”

               “No…” I muttered. “Ano gusto mo itanong?”

 

               I’m in over my head

               You got under my skin

               I got no strength at all

               In the state that I’m in

               And my knees are weak

               And my mouth can’t speak

               Fell too far this time

 

               “What is it that attracts you most sa ‘kin?”

               Natawa ako sa tanong niya.

               She blinked, “Why are you laughing?”

               “Babe,” tawag ko sa kanya, “Baby, hindi ako tumawa dahil nakakatawa.”

               Hindi siya sumagot. Nilapit na niya ulit yung phone.

               “Para kasing you’re asking the obvious…” patuloy ko, nagising ang aking diwa.

               “Maybe I just want to hear it from you,” mahina niyang sabi.

               “S-Siyempre… you’re very beautiful,” sabi ko, “and hot…”

               Siya naman ang tumawa. “So attracted ka sa physical attributes ko…”

               “Pero ang pinakagusto ko talaga,” tinitigan ko siya na parang kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha niya. Hindi ko na talaga kailangan gawin ‘to. I’ve memorized all of it. “What I like most about you is – you understand me well.”

               Ngumiti siya.

               “I do?”

               Tumango lang ako. “Yeah…”

 

               Baby I’m too lost in you

               Caught in you

               Lost in everything about you

               So deep I can’t sleep

               I can’t think

               I just think about the things you do

               I’m too lost in you

               Too lost in you

 

               “You’ve been staring at me.”

               Napakurap ako sa pagkatulala. Karina glanced at me with curiosity.

               I shrugged.

               “May naalala lang ako,” sagot ko.

               “Wanna share?” she asked.

               Namumula akong napangiti. Suddenly nagsisisi akong pinilit ko pa talagang umuwi sa bahay ngayong hapon.

 

               “Puyat na tayo kahapon, magpupuyat pa rin tayo ngayon,” sabi ko lang, nakahiga na ako sa kama at nakabalot ng kumot dahil sa biglang paglamig ng panahon.

               Malakas ang ulan mula pa kahapon.

               Sana okay na ang panahon sa Biyernes. Or kahit sa Sabado.

               Parang ang sarap lang kasi lumabas for a date after ng magiging overnight ko kina Karina.

               “Parang nagrereklamo ka,” Karina replied.

               Tulad kahapon, naka-videocall kaming dalawa.

               “Hindi naman,” nakangiti kong tanggi. “Ikaw kasi iniisip ko. May dance practice pa tayo bukas tapos may execom meeting ka rin…”

               “Ikaw nga yung umattend pa today ng GA ninyo sa Music Society. Hindi ka ba napagod sa practice kanina kasama sila Yuna?”

               “Mas napagod ako makinig sa kwento niya,” sagot ko, nakakunot ang noo. “Kamusta pala si Eunwoo?”

               “Okay na naman siya. He just needs a rest. Sorry if I wasn’t able to stay back…”

               “Babe, mas mahalaga na bantayan mo kapatid mo.”

               “Thank you.”

               “Uhm, so sa Friday… dinner tayo with your family. Tapos? P-Pano mo ako ipapakilala as your girlfriend?”

               “Sasabihin ko lang ‘Meet my jowa.’,” she answered, grinning.

               “Baby naman eh! Baka hindi pa maintindihan nila mommy mo yung term na jowa.”

               “Grabe ka naman kay Mommy,” she was laughing, dropping the phone sa kama na mabilis niya ulit inayos.

               Wait.

               “Baby, yung camera,” sabi ko.

               Upside-down yata yung phone niya.

               I have a clear view of her chin, her neck, then there’s that cleavage…

               “Ayaw mo?”

               Napahugot ako ng malalim na hininga.

               Bumalik na siya sa focus. “There, better?” tanong niya ulit, smiling knowingly.

               “Baliw ka.”

               Sinabi ko sa kanya yung gagawin kong cake. Tinanong ko pa siya sa pwedeng flavor na magugustuhan ni Eunwoo. Sana gumaling na brother niya for the dinner although feel ko lang na wala naman siyang magiging ambag sa usapan kung magkakaroon man ng discussion about my relationship with Karina.

               “After dinner, what do you like to do?” tanong ni Karina, finally covering herself ng kumot. Sobrang nakakadistract kasi yung exposed niyang balikat sa suot niyang sleeveless cotton shirt. Bakit parang di siya nilalamig?

 

               Well you whisper to me

               And I shiver inside

               You undo me and move me in ways undefined

               And you’re all I see

               And you’re all I need

               Help me baby, help me now

               ‘Cause I’m slippin’ away

               Like the sand to the tide

               Flowing into your arms, falling into your eyes

               If you get too near, I might disapper

               I might lose my mind

 

               “How’s your research?”

               Napatingin ako sa kanya. “Research? San?”

               She shrugged. “Nevermind, babe.”

               “Or…”

               I think alam ko na ang tinutukoy niya.

              Ilang ulit ko na pinalagpas yung chances naming dalawa.

              In both times, she’s been very patient.

              Naisip ko, ang unfair ko lang.

              Inisip ko na she kept me in the dark sa mga bagay-bagay about sa kanya at sa mga kaibigan niya. Pero tuwing nagtatanong ako, sumasagot naman si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Tootsiepop
For our anonymous promoter ng SNBB today, thank you for promoting the story dito sa aff! I'm back so wag na kayo mag-isip ng kung anu-ano haha. SNBB is an ongoing story na I intend to finish lol
No comments yet