Entry #42

Sterling Notebook: Bawal Basahin!
Please Subscribe to read the full chapter

Dear Sterling,

 

               Bumisita pala ulit dito si Ate Yuri.

               This time, nagsabi talaga ako sa kanya kung pwede ulit kami magkaroon ng baking lesson. Since Karina invited me sa kanila for dinner, naisip ko ulit na magdala ng something for them. I think impressed sila dun sa huli kong dinalang butter cookies. Pero I always challenge myself.

               Naks!

               Gusto ko lang malaman ng mundo, kapag si Winter ang tumrabaho, pulido.

               Taray, parang slogan sa kampanya.

               Uso na ulit kasi yung mga nakikita kong hanash sa mga tarpaulins at posters ng mga pulitiko dito sa Manila.

               May ilang tao rin na sinigawan ni Lola Teklay nung isang araw kasi nagkakabit sila ng campaign poster sa may pader ng eatery. Ayaw kasi nilang dalawa ni Mama ng ganun. Hindi rin naman kasi sila masyadong political. Although kapag napag-uusapan yung mga nangyayari sa bansa dahil sa balita, mostly negative yung sinasabi nila about sa current government.

               Eh ano pa nga ba daw ang dapat gawin.

               Nakakapagod na daw ang umasa lagi sa mga nakaupo sa taas.

               Kaakibat ng pangarap ang pagsisikap – Lola Teklay, 2019.

               Bilang isang estudyante na puro acads pa lang iniisip sa buhay, siguro sheltered ako sa mga issues at problema na nangyayari sa paligid ko. Yung mga napapakinggan kong balita, dumadaan lang siya sa tenga ko at hindi ko na talaga iniisip ulit. Sa araw-araw kasing nangyayari, wala akong napapansin na pagbabago sa buhay ng mga taong nakakasalamuha ko.

               Si Manong driver ay ganun pa rin, driver. Si Ateng tindera ay ganun pa rin, tindera.

               Si Mayor ay ganun pa rin, congressman. Yung anak ni Mayor ay ganun pa rin, mayor na.

               Sabi ni Lola Teklay, buong buhay niya pareho lang daw ang mga istorya na nakikita niya.

               Baka nga… Same story, different characters.

               Anyway, di ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko in terms of political issues and social awareness. For now, nakikinig na lang ako kina Mama at Ate Taeyeon.

               Do well sa studies ko at gawin ang best ko lagi.

               Kaya yes, Winter Kim does not half- things – natutunan ko yan kay Ate. Natuwa ako sa term.

               Kung gusto ko magbake ng cake para sa jowa ko, sisiguraduhin kong ginawa ko lahat para ito yung best cake na magagawa ko at the time.

               Nang dumating si Ate Yuri, may kasama siyang bagong girl.

               Hala, wala na ba sila ni Ate Yoona? Bakit iba na kasama niya?

               Pinakilala niya ito sa ‘kin.

               Ate Wendy.

               Junior niya daw sa department nila. Accountant din at kilala niyang avid baker. Nung nagsabi daw dito si Ate Yuri na nagpapaturo ako magbake ng chiffon cake, nagvolunteer ‘to sumama.

               Yas!

               Ang saya lang kasi ang dami kong natutunang technique mula kay Ate Wendy. Ang bilis niya rin kumilos at mas magaling siya mag-explain ng mga bagay-bagay. No offense kay Ate Yuri pero kasi naman kapag nagtatanong ako sa kanya, sasabihin niya lang sa ‘kin na ‘basta ganyan yun’.

               Habang hinihintay namin yung cake sa oven, nagkwentuhan kami about love life.

               Tuwang-tuwa si Ate Yuri nang magsabi ako about sa amin ni Karina. Hindi na rin naman ako nahiya magkwento kahit pa nga first time lang namin magmeet ni Ate Wendy. Ang bait-bait lang kasi ng aura niya. Magaan agad ang loob ko sa kanya.

               Plus, sabi ni Ate Yuri, pareho daw kami ni Ate Wendy.

               Mga baguhang lesbian.

               Hinampas lang naman ni Ate Wendy ang supervisor niya. 

               Tapos pahapyaw siyang nagsabi na she’s been seeing an old friend. Hindi pa naman daw talaga sila since everything is new nga for her. Pero ayun, they’ve been going out na ng madalas. Nakakatawa pa nga daw kasi may history between them nung college and it’s not exactly a nice story.

               ‘Enemies to lovers?’

               ‘Hindi naman. But I was awkward towards her at wala siguro siyang paki sa ‘kin dati.’

               Sobrang amazed ako sa natapos naming vanilla chiffon cake.

               Ang moist!

               Ang sarap nung buttercream!

               Nang matapos kami sa ginagawa, niyaya kami ni Lola Teklay para magmeryenda.

               May ginawa daw siyang minatamisang saging.

               Di ko sure kung tama ba nakita ko pero parang napangiwi si Ate Wendy sa narinig. Tinanong ko siya kung ayaw niya ba ng saging.

               May trauma lang daw siya sa minatamis na saging.

               Kinuha ko number niya in case kailangan ko ng tulong kapag nagbake na ako ng cake for the family dinner with my girlfriend.

               Ready na ako to impress.

               Kelangan ko bumawi.

               Nakatulog lang kasi ako nung huling overnight ni Karina sa bahay.

               Ang saklap.

 

              

              

 

               “So dito nakatira sila Lia?”

               Papasok kami sa parking ng Shangri-la Plaza sa may Ortigas.

               “They live at the residence condominium ng Shangri-la,” sagot ni Karina, pulling the park ticket at tumaas na yung boom gate sa harap. “We’ve visited their place a of couple times before when we’re in high school since it’s so near sa mall. Plus, we can enjoy the pool.”

               Tumango-tango ako. Mahilig nga pala maglangoy-langoy si Karina.

               Birthday celebration ni Lia today.

               House party lang daw and dinner yung gagawin since tinatamad ang lahat na mag out-of-town. Sabi lang ni Lia, naka-reserve na yung apartment nila para sa kanya for the rest of the weekend. May older sister siya who’s got her own place sa BGC at minsan lang umuwi sa Ortigas. Yung parents daw ni Lia are both travelling for business.

               Corporate lawyers ang parents niya.

               Sabi ni Karina, Lia planned to be one herself kaya Business Administration ang kinuha niyang course.

               Hindi naman mahabang lakarin yung papunta sa residence tower katabi ng mall. Nag-enjoy pa kami ni Karina na magwindow shopping since maaga naman kaming nakarating.

               Tinanong ko ang girlfriend ko kung sino-sino ang pupunta sa party.

               It’ll probably be just the same people nung sa Tagaytay trip namin for her birthday. Nasabi ni Lia na she celebrated in advance with her Atenean friends kahapon. Maliit daw kasi yung place masyado if she’ll fit everyone sa isang araw.

               Nasa elevator lobby na kami ng One Shangri-la nang makita ko si Giselle na naglalakad… with Lucas.

               Nanliit ang mata ko.

               Aba.

               Karina followed my gaze at napangiti. Kumaway siya sa bestfriend niya na halatang nagulat nang makita kaming naghihintay sa tapat ng elevators.   

               “K-Kanina pa kayo?” rattled na tanong ni Lucas. Bagong gupit si ungas. May parang highlights din ang buhok niya.

               “Kakarating lang namin,” sagot ko, tiningnan ko siya suspiciously. “Kayo ba? Magkasabay kayo?”

               “No,” mabilis na sagot ni Giselle, hindi tumitingin sa lalaki. “Just saw him na pagala-gala sa mall and we happen to walk here together.”

               Nangiti si Lucas. “Naghahanap kasi ako ng pwedeng gift para kay Lia.”

               May dala-dala siyang bouquet of white roses.

               “I told him we don’t do gifts,” sabi lang ni Giselle. “I mean, it’s not worth it if it’s Lia.”

               “Grabe ka naman,” sabi ko pa.

               Karina smiled and nudged me. “We don’t really do stuff like that, babe. And if it’s Lia, it’ll be difficult since she’s very particular about what she likes.”

               “She’s got bad taste so mahirap hanapan,” straight na sabi ni Giselle.

               Hindi pa kami nakakatungtong sa apartment ay nagsisimula na si Giselle. What more kapag nagharap na sila ng mortal enemy niya. Parang hindi niya aatrasan si Lia kahit pa nga birthday nung isa.

               “Are the others there na ba?” pagbabago ni Giselle sa topic.

               Suspicious pa rin ako sa kanila ni Lucas. Hindi tumitingin sa ‘kin si Lucas. Busy lang siya na inaamoy yung dala niyang bulaklak.

               Apat kaming pumasok sa elevator. Tahimik lang akong nakikinig kina Karina at Giselle. Pinag-uusapan nila yung ibang friends nila.

               “Dala mo yung motor mo?” tanong ko kay Lucas.

               “Ah, nag-Grab ako. Baka kasi umulan mamaya,” sagot ni Lucas, tumaas-taas pa ang kilay niya sa ‘kin. “Bakit? Interested ka na sa ‘kin ngayon, Winter?”

               I gave him a stare.

               Lumingon si Karina sa kanya.

               Tumawa lang si Lucas. “Biro lang, hirap naman maging gwapo dito. Pinagseselosan masyado.”

               “Kapal mo,” sumbat ko sa kanya. Sinulyapan ko si Giselle na walang reaksyon. “Sobrang coincidence na magkasabay kayo ni Giselle, no?”

               “Oo nga eh,” simpleng sagot ni Lucas. “Sabay na lang kaya ako sa’yo mamaya, G?”

               Hindi sumagot si Giselle.

               “Baka naman magkasabay na talaga kayo,” tukso ko. Duda talaga ako eh.

               Humarap sa ‘kin si Giselle.

               Napahawak ako sa bewang ni Karina.

               Tumawa lang naman ang girlfriend ko. Hinawakan niya yung braso ko at malambing na hinalikan ako sa ulo.

               “Hi, Winter,” bati ni Giselle sa ‘kin, the corner of twitching. “Anong pinaglalaban natin ngayong gabi?”

               Nagpipigil lang naman ng tawa si Lucas sa pagkatameme ko.

               Sabi ko nga, di na lang ako magsasalita. I think may sama ng loob pa rin sa ‘kin si Giselle nung last usap namin. Wala daw akong kwentang ka-chat. Besides, mahirap makipagsabayan kay Giselle kapag riled up na siya or kaya kapag nasa mood siya mag atribida.

               Naglakad kami sa hallway papunta sa corner unit ng floor.

               “Okay na ba kayo ni Lia?” tanong ko kay Giselle.

               She scoffed. “No.”

               “Pero umaattend ka ng birthday party niya,” sabi ko pa. “Invited ka rin?”

               “No,” kaswal na sagot ni Giselle. “I came dahil pupunta kayo ni Rina… and well, the rest of us will be here. Baka ako pa pag-usapan if I don’t show up.”

               “Eh ikaw Lucas?”

               “Invited ako siyempre,” sagot ni Lucas. “Palagay mo naman sa ‘kin. Close na kaya kami ni Lia.”

               Umikot ang mata ni Giselle. “That’s like not even a thing to brag about.”

               Nagtatalo pa yung dalawa nang kumatok na si Karina sa malaking pintuan sa may dulo ng floor.

               Bumungad sa amin ang malakas na music sa apartment.

               Si Yuqi ang nagbukas ng pinto.

               “Hey guys!” masaya niyang bati.

               Tiningnan niya yung flowers na dala-dala ni Lucas at natawa.

               “Bago yan ah,” nakangiti niya pang sabi.

               Naabutan namin si Jeno na nasa sala.

               “Where’s Lia?” tanong ni Karina kay Yuqi na naupo na sa mahabang leather couch.

               “She’s in her room with Somi.”

               Nagtingin-tingin lang ako sa loob ng bagong bahay na napasukan ko.

               Ah, hindi naman pala maliit yung place.

               Malaki yung sala, may floor-to-ceiling bookcase na nakapalibot sa TV console sa harap ng couch. Tapos maluwang din yung parang dining area sa tabi ng bintana na may view ng Ortigas skyline. Mahaba yung dining table.

               From the hallway between the living room at dining area, nakita kong lumabas sila Lia at Somi.

               “Good thing nandito na kayo,” sabi ni Lia. “It’s beginning to get boring without us drinking.”

               “What d’you expect?” Giselle deadpanned, “Your birthday’s always boring.”

               Tumaas ang kilay ni Lia na nakayakap sa jowa ko. “Wow, you’re here, again…” sarkastikong sabi niya, nakatingin kay Giselle. “Boring pero you never missed attending kahit di ka naman invited.”

               “Ah – Lia, happy birthday,” singit ni Lucas na inabot ang bouquet niyang dala sa birthday girl.

               “Wow,” excited na sabi ni Lia na inamoy pa yung flowers. Maluwang ang ngiti niya na kinabig ng yakap si Lucas. “You didn’t have to, Lucas, but thank you.”

               “Do you guys wanna drink already?” tanong ni Somi.

               “Wait, nasaan sila Haechan?” asked Yuqi.

               Umiling lang kami.

               Yung huling message ni Ning, paalis pa lang silang Caloocan.

               “Bakit pala hindi ka sumabay kina Ning?” tanong ko kay Lucas nang magtipon yung iba paikot sa dining table at kami ni Lucas ay pumwesto malapit sa may couch. “Sinundo ni Haechan si Ning galing sa bahay ninyo di ba?”

               “Ano yun?”

               “Sabi ko – ”

               “Winter!” excited na lumapit sa ‘min si Somi. Humiwalay siya dun sa grupo nila at hinila ako palayo sa sala. “Sabi ni Karina, magaling ka daw magluto and magbake. Can you help me check yung chicken pastel that I cooked?”

               Hindi na ako nakatanggi kay Somi na dinala ako sa may kitchen.

               Maluwang din yung kusina sa apartment. Marbled counters at stainless steel appliances yung makikita sa loob nito.

               Sinuot niya yung oven mitts at mula sa malaking oven, she pulled a white ceramic dish.

               Ah ito siguro yung chicken pastel.

               Wala nga akong idea kung ano bang klaseng pagkain yung chicken pastel.

               “The thing is,” simula ni Somi na maingat na nilagay yung hawak sa ibabaw ng makapal na pot coaster sa counter, “I just asked my mom how to do this the other night and basically just followed the recipe. Binili ko lang yung ginamit ko for the pie crust since I don’t know how to make one.”

               Lost ako sa sinasabi niya pero mukhang okay naman yung niluto niya.

               Parang amoy chicken ala king yung pagkain.

               “Hindi pa ako nakakapagtry magbake sa oven ng mga ganyan,” sabi ko. “Puro cakes and cookies pa lang talaga yung nagagawa ko.”

               “I should have bought stuff for baking a cake,” sabi ni Somi, smiling at me. “I just started learning to bake. Medyo stressful na kasi yung year and I needed something to do.”

               Humiwa siya ng maliit na slice mula sa pie.

               “Can you taste it for me?”

               Inabot ko yung tinidor.

               “Careful,” babala niya, “It’s hot.”

               Umuusok pa rin ito nang isubo ko.

               Niluwa ko agad ito.

               Napaso ata dila ko!

               Tumatawa lang si Somi na inabot sa ‘kin yung paper towel.

               “Babe?” tawag ni Karina na nakasilip sa may open window na nasa wall partition ng kitchen at dining area.

               Naabutan niya akong pinupunasan yung floor na pinaghul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Tootsiepop
For our anonymous promoter ng SNBB today, thank you for promoting the story dito sa aff! I'm back so wag na kayo mag-isip ng kung anu-ano haha. SNBB is an ongoing story na I intend to finish lol
No comments yet