Entry #41

Sterling Notebook: Bawal Basahin!
Please Subscribe to read the full chapter

Dear Sterling,

 

                Nag-usap kami ni Mama nung isang gabi.

               Siguro dahil sa dumadalas kong paglabas-labas at pag-uwi ng late, kinatok ako ni Mama sa room habang nag-aaral ako two nights ago.

               Buti na lang tapos na yung vid call namin ni jowa.

               It turned out, parang yun yung gustong pag-usapan ni Mama.

               Nangangamusta siya tungkol sa ‘min ni Karina. Sinabi ko lang naman yung totoo – minus yung mga bagay na hindi na niya siguro kailangan pang marinig mula sa anak niya.

               Madalas na daw akong late umuwi. Sabi ko lang na nagtatagal ako sa school para sa org activities at group projects.

               Lagi na daw akong puyat. Sabi ko lang na naghahabol ako ng lessons dahil sa absences ko this week.

               Lahat ng ibinato ni Mama, nasagot ko.

               Totoo naman.

               Parang alam ko na kasi kung ako yung gusto niya sabihin sa ‘kin talaga pero hinahayaan ko lang siya. Alam ko naman na nagbago talaga yung oras ko sa mga bagay-bagay.

               Feeling daw ni Mama na masyado akong nagpapagod at hindi na nagpapahinga sa bahay. Hindi na daw niya ako nakikita tuwing weekend. Lagi daw akong may lakad.

               Hindi ako sumagot.

               Hindi naman galit yung tono ni Mama.

               Sinabihan niya na lang ako na ‘wag na masyado magpuyat at magpagod. Umalis na siya sa kuwarto matapos ang mahabang katahimikan.

               Hindi na niya ulit ‘to nabanggit the next day pero nasa isip ko siya.

               Hindi ko sure kung sino ba pwede kong sabihan tungkol dito. Palagay ko naman nagpapaalala lang si Mama since nagkasakit ako. Pero buti na lang dahil tumawag si Ate Taeyeon nung weekend at parang wala lang na sinabi sa ‘min ni Mama na magbabakasyon daw siya sa Pinas sa October. Marami daw kasi ang nagfile ng leave sa department nila sa Christmas break kaya wala siyang choice kundi mag-adjust. Okay na rin daw since mura ang plane tickets. Nakabook na siya ng flight niya at parang ready na talaga siyang umuwi.

               Halos dalawang taon na nasa Canada si Ate.

               Mukhang nag-eenjoy naman siya dun maliban sa malimit niyang reklamo tungkol sa pagkatigang niya. Di ko sure exactly bakit siya tigang pero iniisip ko na lang na related ‘to sa pagiging single niya. Ito na yata ang pinakamahabang period na walang boyfriend si Ate. Natawa pa siyang nagbiro na baka sa babae din siya mapupunta. Nakita ko lang naman yung panlalaki ng ilong ni Mama.

               Mahigit isang buwan ang approved leave ni Ate. Mid-November ang return flight niya. Dami niya agad nabanggit na pwedeng lakad namin sa sembreak ko. Sabi ko ayaw ko siya kasama. Humanda daw ako dahil hihiramin niya lagi si Karina sa ‘kin since di hamak na mas matino daw ang jowa ko sa ‘kin.

               Nagtanong siya ng mga gusto naming pasalubong.

               I think normal na ‘to sa mga household sa Pinas. Ewan ko lang ha pero ito kasi yung usually kong nakikita kapag nanunuod ako ng Pinoy films. Ganito din kasi nakikita ko sa mga kapitbahay namin tuwing uuwi yung mga kamag-anak nilang mga seaman.

               Wala naman akong maisip pa.

               Kahit sila Mama ay di rin masyado humiling ng kahit ano.

               Nang madala ko na pabalik sa room yung laptop, sinabi ko kay Ate yung mga sinabi ni Mama sa ‘kin. Tulad nga nung naisip ko, worried lang daw si Mama according kay Ate Taeyeon. As long as pinapaalam ko kay Mama lahat ng ginagawa ko especially sa mga lakad ko outside school activities at acads, maiintindihan naman ‘to ni mudrakels.

               Tapos tinanong niya na rin ako about sa ‘min ng girlfriend ko.

               Anong stage na ba daw kami ng relationship namin…

               May stages ba yun?

               Initial stage?

               Tumawa lang si Ate.

Tapos nagkaroon pa ako ng free lesson sa stages of relationship.

               Initial Attraction, Curiosity and Infatuation, Enlightenment, Commitment or Engagement.

               Huwow, ang intense.

               Kung pachumchum pa kami towards each other, nasa Initial Attraction phase pa daw kami.

               Kung maaksyon na ang nangyayari sa ‘min ni Karina at may raging hormones na nabubuo sa aming dalawa, nasa Curiosity and Infatuation stage na daw kami.

               Hindi ako nagcomment pero kabisado na siguro ni Ate ang facial expressions ko for her to tell kung ano ang iniisip ko. Sabi pa niya na masaya daw yung stage two sabay kindat sa screen.

               Tawang-tawa lang siya nang tapusin ko na yung video call.

               Yung nangyari sa ‘min ni Karina dito sa room, ang hirap alisin sa utak.

               Not that gusto ko siyang kalimutan.

               Nang sabihin ko kay Karina yung tungkol sa pag-uwi ni Ate Taeyeon, excited naman siya sa narinig. Okay daw kung magkikita sila sa personal ni Ate. After kasi nung first introduction ko sa kanila sa Skype, hindi na naulit yung videocall. Bukod sa naging busy si Ate, yun yung mga times na hindi pa kami talaga fully adjusted ng girlfriend ko sa schedule namin for this sem.

               Tinanong ko din siya if may alam siya about stages of relationship.

               Nang masabi ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Ate, hindi na ako tinigilan ni Karina sa panunukso.

               In my opinion daw, saang stage na kami ng relationship…

               Hindi pa ba obivous?!

 

P.S  Nagresearch ako at sabi sa ibang sites na nabasa ko, second stage could last four months to a year… Medyo nagcompute pa ‘ko sa utak, ilang months pa meron kami sa stage na ‘to? Chos! Joke lang! Pero seryoso… Ah, ito na siguro yung honeymoon stage!

              

 

 

               Naghikab ako na sumandal sa car seat, kinukusot ang pagod kong mata habang nakatingin sa unahan. Parang lumalabo na sa paningin ko yung mga ilaw mula sa ibang sasakyan at mga poste na nadadaanan namin.

               Lumingon sa ‘kin si Karina.

               “Hey, are you okay?”

               Tumango ako. “Baka matulog ako ng maaga ngayong gabi. Grabe yung antok ko.”

               “Yeah, do that,” sabi ng girlfriend ko, “Sorry if natagalan yung meeting sa Dance Edge.”

               “Okay lang naman,” sabi ko na minamasahe ang batok. “Ang haba lang kasi ng araw na ‘to. Ganun yung feeling. Lahat ng profs ko today maraming pinagawa sa class.”

               “Sleep ka muna,” inabot ni Karina ang balikat ko at pinisil ‘to ng kamay. “I’ll wake you up kapag malapit na tayo sa place nyo.”

               Umiling ako. “I’m okay, baby.”

               Binawi na niya ang kamay. “You look grumpy.”

               “Ha?”

               I stared at her. 

               Nakatingin na ulit siya sa daan, may maliit na ngiti na naglalaro sa mga labi. Sumulyap siya sa ‘kin pero hindi naman nagsalita.

               “Grumpy?” ulit ko sa sinabi niya.

               “Uhuh.”

               “Bakit?”

               Nakaharap pa rin siya sa daan. Tinitigan ko ang magulong pagka-clamp ng buhok niya. Busy din siya buong araw. She just stayed back dahil sa execom meeting nila sa club. Pinag-usapan daw nila yung about sa training camp after midterms. Ah oo nga pala, next month na ‘yun.

               “Parang marami kang iniisip. Even nung lunch, you look serious,” sagot ni Karina, stretching her neck, exposing more of it habang parang minamasahe niya din ito. “Is there something bothering you?”

                Hindi agad ako nakasagot.

               Napapatulala lang ako sa leeg niya, the smoothness of her skin that extends to her jaw… Hugis na hugis ang mukha niya at mas naappreciate ko ito whenever she drives me home like this.

               “Babe?” she asked again, glancing at me.

               “Uhm – wala naman,” maagap kong sagot, blinking furiously at nahihiyang iniwas na ang mga mata sa mukha niya. “Marami kasing activities lately sa clubs at pati na rin sa mga major subjects ko. Napapaisip lang ako.”

               “About your time? How you’ll manage?”

               Tiningnan ko lang siya and smiled a little.

               Killala na niya talaga ako.

               Sinabi ko sa kanya yung mga nasabi sa ‘kin ni Mama. Kasama na rin yung mga worries ko about it. Kahit naman may assurance kay Ate Taeyeon na worried lang ang parent namin sa kapakanan ko, I couldn’t help but think na somehow, associated siya sa kung ano ang nangyayari sa ‘min ngayon ni Karina.

               Ayoko talaga isipin ‘to pero hindi ko maiwasan.

               “Babe, you don’t have to push yourself too much,” sabi ni Karina. “Your mom is worried because you got sick. It’s natural. And if you have to miss out on practices sa clubs – ”

               “Pero gusto ko magpractice,” singit ko sa maliit na boses, “Honestly, gusto ko yung mga ginagawa ko ngayon. Besides, gusto ko maging core member this year sa Dance Edge.”

               “The practices will be spread out throughout the semester,” sabi lang ng girlfriend ko after a long silence. “I think may plan for two training camps this semester alone.”

               Sumimangot ako.

               “Parang ayaw mo ko umattend,” may halong pagtatampo kong sabi. Siguro nga pagod lang talaga ako ngayong gabi dahil parang mabilis uminit ang ulo ko.

               “I didn’t say that,” Karina quickly replied. “Babe, you know naman na I want you to get in sa core group. I think you’ll get in this year. I’m just letting you know what you can expect early on. The most important thing is conditioned ka to take as much practice as you can. It’ll be useless if magkakasakit ka ulit or sobrang mapapagod…”

               “Sabi mo kasi grumpy ako,” bulong ko pa, looking out the car window, “ayan tuloy, grumpy na ‘ko.”

               Narinig ko ang pagtawa niya.

               “Are you sure you’re not on your period?”

               I stared at her.

               Pinisil niya ang pisngi ko.

               “Don’t be angry na,” she coaxed, “you look so cute kapag galit ka, nanggigigil ako.”

               I blushed.

               “Do you want me to do something about it?” nakangiti niyang tanong, looking sideways sa intersection before accelerating palagpas ng traffic light.

               “Ang ewan mo…” mahina kong sabi, pinipigil ang ngiti. Sinulyapan ko ang labi niya.

               She gave me a knowing look. “I was talking about the dance practice ha,” nanunukso niyang paglilinaw. “Maybe we can practice in private sa mas convenient na time for you…”

               Okay, let’s pretend na wala akong inisip na mahalay.

               “Babe, ano bang iniisip mo?” tanong niya pa.

               “E di yung practice din…” I answered in a small voice. I cleared my throat at huminga ng malalim, “Anyway, baby sorry naman kasi ang ewan ng mood ko ngayon.”

               Malapit na kami sa bahay.

               Saktong alas siyete na ng gabi.

               “Gusto mong kumain sa ‘min?” yaya ko, eyeing my girlfriend expectantly.

               “Sure…” sagot ni Karina, “Actually, I was going to ask you something sana. Maybe I can ask na rin si Tita.”

               Hala. Anong itatanong niya?

               “Ano ‘yun?” medyo may kaba kong tanong.

               Napansin niya yung bigla kong pagtense.

               “Babe, I’ll just ask you to spend dinner with us sa bahay some time this month. I think last week ng July?”

               “Oh,” nawala yung worry ko. “Baby, hindi mo na naman kailangan maging formal about sa pagpapaalam kay Mama tungkol d’yan. Ako na bahala.”

               “I want to,” sagot ni Karina, tone serious. “Plus I ‘ll ask if pwede ka mag-overnight sa bahay.”

               “Oh…”

               Napalunok ako.

               Sister Bernadine!

               I need cleansing!

               Bakit puro ganun yung pumapasok sa utak ko every time may something na nababanggit ang girlfriend ko na remotely related sa ano… sa ano –

               “You’re thinking about it again,” Karina smiled at me.

               Nakaparada na kami sa tapat ng bahay.

               She pulled me close and leaned towards me.

               Hinalikan niya ako.

               “Love you, babe.”

               “Love you too…” sagot ko.

 

 

 

 

               Tulad nung mga nakaraang araw, jampacked pa rin ang schedule ko. Mamaya, may dance club studio practice kami sa Makati. Kasabay ko si Karina papunta dun. She’ll drop me off na rin sa bahay.

                Mag-overnight siya.

                Thursday ngayon at yung usual na general assembly ng dance club, isasama na lang daw sa dance practice sessions para isang meeting na lang ang gagawin ng mga members bawat linggo.

                I suggested kay Karina na tuwing Thursday, pwede siya mag overnight sa ‘min. If ihahatid niya ako, mas okay nang dun siya sa bahay matulog kesa magdrive pa ulit pabalik ng Greenhills. Pumayag naman siya nang sabihin ko sa kanyang nasabi ko na ‘to kay Mama.

                Kaya siguro kahit hindi kami magkikita ngayong lunch, hindi na ganun kasama sa loob ang nangyayari. I’m already looking forward sa practice at sa overnight ni Karina.

               “Winter?”

               Napatingin ako k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Tootsiepop
Space link for tonight!
https://twitter.com/i/spaces/1yNGaWbgRdNxj
No comments yet