Entry #40

Sterling Notebook: Bawal Basahin!
Please Subscribe to read the full chapter

               “Oh my god! I miss you!”

               Nakaabang lang naman ako sa nangyayaring beso-beso time ni Karina with her friends na nauna sa ‘min sa U.P. Town Centre sa may Katipunan.

               Matagal na rin nung huli ko silang nakita. Halos three months na ang lumipas since Karina’s birthday celebration sa Tagaytay. Sila Somi at Lia yung mga friends nila na nag-aaral sa Ateneo. Sila ngayon ang kasama namin for dinner.

               Bumaling sa ‘kin si Somi as Lia pulled my girlfriend into a hug.

               “Hey Baby Winter,” maluwang ang pagngiti ni Somi na hinila ako at niyakap din. Nakaka-conscious kasi ang bango niya tapos ako ay parang dugyot na dugyot sa kaitsurahan ko.

               “Somi,” tawag ni Karina, looking over the two of us, “stop calling her baby.”

               Tumawa lang si Lia na hinila din ako at nakipag-beso sa ‘kin. “Hi, just Winter,” she greeted coolly. Bumulong siya sa ‘kin, “but really, you’re such a baby.”

               Namumula ako sa mga hirit ng friends ni jowa.

               “What brought you to our side of the woods?” tanong agad ni Somi. “Wala din kayong class every Friday?”

               Umiling si Karina. “We ended early today and decided to go to a park.”

               Lia’s forehead wrinkled. “Park? Where?”

               Tinapik ni Somi ang kaibigan sa braso. “La Mesa. Girl, we were there for a subject last month. It’s like a nature trip thingy. Sobrang maputik yung bike trail.”

               “We didn’t really do the full trail experience since we’re not dressed for that,” sabi lang ni Karina. She looked at me and smiled, tumaas bahagya ang kilay niya as if asking me to speak if mali ang sinasabi niya, “but we enjoyed the stroll, yung butterfly sanctuary… the flowers sa terrace.”

               Tinaas-taas ko lang ang mga kilay in agreement.

               Somi whistled and smiled. “I feel like I’m thirdwheeling sa inyong dalawa. Buti na lang I’m with Lia,” dagdag niya, glancing at the other.

               “We should start looking na talaga,” sabi ni Lia, nakatingin kay Karina. “I mean, look at Karina. Never expected you’d be dating a girl, to be honest. Pero you just went there as if it’s no big deal.”

               Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Karina sa hita ko.

               “We’re not going to talk about sa ‘min ni Winter ngayong gabi, right?” nakangiti niyang sabi. “It really isn’t a big deal. I mean,” tumingin siya sa ‘kin saglit bago siya humarap sa kausap, “Winter’s very likeable to start with.”

               Tipid ang ngiti ko. Hinawakan ko ang kamay ni Karina and ran my thumb along her fingers.

               Dumating na yung mga food na inorder nila Somi.

               On our way kasi ay nagsabi na si Karina sa mga kaibigan na sila na ang bahalang pumili ng pagkain since matatagalan pa kami.

               “You’re phone’s vibrating a lot,” pansin ni Somi sa phone ni Karina na nakapatong sa table.

               “I can only think of one person who’d be spamming you right now,” irap ni Lia.

               Di ko na kailangan mag-isip kung sino ba ang tinutukoy niya. May idea na kasi ako sa dynamics ng barkada ni Karina.

               I watched my girlfriend checked her messages at mabilis na nagcompose ng reply.

               “So how’s Giselle nowadays?” tanong ni Somi. “I just sent her a message na we’ll be having dinner with you dito sa QC and she never got back to me.”

               “Don’t tell me she’s seeing someone,” mabilis na singit ni Lia, “I’ll really flip kapag mas nauna pa siyang magkajowa sa ‘kin.”

               Somi rolled her eyes. “Lia, you have someone.”

               Napatingin kami ng sabay ni Karina kay Lia.

               “Laglagan tayo dito?” she said, pero mukha namang she didn’t mind the slip of info about sa kanya. “It’s nothing serious,” sabi niya nang humarap sa ‘min.

               Tumawa ng malakas si Somi.

               Hinampas siya ni Lia. “Somi, grabe reaction mo ha.”

               Nagtingin muna ako sa phone.

               Mukhang magpipilitan pa sila bago may magkuwento.

 

Gigi:                      Winter!

                              What’s happening na sa dinner?

                              Why is Rina not replying?

                              Is Lia there too?

 

               Jusko.

               Parang ako pa yata ang magiging number one source ng chika ni Giselle ngayong gabi. Hindi pa naman ako magaling magtranscribe ng naririnig ko. Sanay ako magnotes in bullet points at yung main thought lang talaga yung nilalagay ko.

               Karina glanced at me at tiningnan yung phone ko.

               I mouthed at her.

               Si Giselle, yung luka-luka mong bestfriend.

               She giggled at bumaling na kami ulit sa dalawa sa harap namin.

 

Winturrr:             Hi Giselle!

Gigi:                      WTH Winter tell me the deets!

Winturrr:             I gotchu. Teka nakikinig pa ko hehe

                              Wag ka maingay pls thanks!

 

               “… but like I said, nothing serious,” pagtatapos ni Lia, sinuklay ang buhok at itinikwas ito palikod, “It’s just an eye-opener fling… Is that still a thing?”

 

Winturrr:             Sabi ni Lia – nothing serious

Gigi:                      What??

 

               Tikom lang naman ang bibig ni Somi na mukhang nagpipigil magsalita. Tumingin sa ‘kin si Lia.

               “How about you, Winter?” tanong niya. “When did you realize you’re into girls?”

               Sharing is caring kaya di naman ako nagshy away pa sa pagkukwento sa kanila ng nangyaring gay awakening process ko. Pahapyaw ko ring sinabi pano ako nadevelop kay Karina at natawa yung dalawa dun sa part na na-friendzone ko ang barkada nila.

               “Karina’s always been very attractive,” sabi ni Lia nung sinabi ko yung about kay Chaeyeon. “Like, she attracts guys and girls just the same. Our friend’s just too oblivious about it. Remember nung high school tayo, there were a lot more girls na nagbigay sa’yo ng card and flowers during Valentines.”

               Ngumiti si Somi. “You also gave one kay Karina,” sabi nito kay Lia, “and Giselle basically threw them from Karina’s desk.”

               Umikot ang mata ni Lia. “I can never understand bakit sobrang inis pa rin siya sa ‘kin.”

               “I think we know,” tumatawa pang sabi ni Somi. “And Karina being oblivious? I don’t think so,” she winked sa girlfriend ko. “She just knows what she wants.”

               Tumawa lang naman si Karina sa tabi ko. “You’re making it sound like I don’t care.”

 

Gigi:                      Winter!!!

                              Ayusin mo messages mo. Where are you sa Uptown?

Winturrr:             Sa ground floor

                              Teka kasi nagshare ako ng story namin ni Karina hehe

                              Cute daw yung friendzone part

Gigi:                      I know that already!

Winturrr:             Sinabi ko lang!

                              About Valentines topic namin ngayon

Gigi:                      Valentines?

                              It doesn’t make sense

Winturrr:             Sabi ni Somi gets niya bakit inis ka kay Lia

Gigi:                      Really? What did she say?

Winturrr:             Wait ulit

 

               Ang hirap naman mag live-chat ng mga nangyayari sa dinner. Hindi ko na alam ang topic at nakakahiya sa mga kasama ko na patingin-tingin ako sa phone.

               “Malapit na pala birthday mo,” banggit ni Karina, looking at Somi. “Do you have plans?”

               “Wala pa,” sagot ni Lia. “It’ll probably be a last-minute invite pero just reserve the date na rin in case we go somewhere far.”

               “It’s on a Sunday,” sabi ni Somi, checking her phone calendar.

               “Reserve ninyo na yung buong weekend,” sabi ni Lia. “You guys have to be there. Invited lahat.”

               “Even Giselle?” Somi joked.

               Lia scoffed. “Wala akong problema sa kanya. She can come, I don’t care. Basta it’ll be my party, my rules.”

               “We’re almost halfway sa college,” sabi ni Somi. Hindi na niya ginagalaw ang food niya. “Shouldn’t you guys be over na sa nangyari before?”

               “I was over it right after it happened,” defensive na sagot ni Lia. “Siya yung hindi maka-move on.”

               “Giselle’s acting the way she does because you never really apologized properly,” sabi ng girlfriend ko, her tone even. “I’m not saying it’s your fault but maybe if the two of you talk it out, it won’t be an issue na.”

               “Yeah,” sang-ayon ni Somi. “And the noise level will be tolerable na kapag magkakasama tayo.”

               Natawa na din si Lia kasama namin, shrugging nonchalantly.

               “It’s honestly not my call.”

               “Di ka rin kasi nagpapatalo,” Karina said, smiling knowingly.

 

Gigi:                      Hello?

                              Winter!

Winturrr:             Magbati na daw kayo ni Lia sa birthday niya

Gigi:                      Hell no

                              That’s so random

Winturrr:             Okie

Gigi:                      That’s it?

Winturrr:             Ang sarap nung tonkotsu :)

Gigi:                      Anything else useful?

Winturrr:             Grabe ka. San ka ba?

                              Akala ko may lakad ka

Gigi:                      I just stayed home

 

               Hindi na rin naman kami nagtagal pa sa dinner. Malayo pa kasi ang biyahe namin ni Karina at may gagawin din daw si Lia soon. Tinukso pa siya ni Somi na pupuntahan niya lang yung semi-jowa niya.

               Hindi ko na masyado nasundan pa yung usapan at pagpapaalam ng dalawa. I could hear Lia complimenting Karina’s attire.

               “You look so hot in that muscle tee.”

               Napaangat ang tingin ko saglit mula sa phone at napatitig sa girlfriend ko. 

               Ang hot niya nga talaga.

               “Thank you,” maaliwalas na tugon ni Karina.

               Hanep talaga si baby ko.

               Basta compliments, tanggap agad.

               Lumapit sya sa' kin at pinaikot na ang kamay sa braso ko.

               “Bye, Somi… Lia…” paalam ko.

               “Bye, see you soon!”

                

 

 

              

               “Winter,” madramang simula ni Ning na nakaupo sa computer chair sa kuwarto, “kaya ka siguro nagkasakit kasi hindi ka sanay umabsent.”

               “Baliw ka,” pambabara ko sa kanya. “Naulanan nga kasi ako.”

               “Masyado mo siguro dinibdib na nagcutting ka,” pagpapatuloy ni Ning na obviously hindi nakikinig sa ‘kin. Bumaling siya kay Karina. “Bigyan natin ng readings, baka gumaling.”

               Natatawa lang naman si Karina na nakaupo sa kama, sa tabi ko. Naabutan nila akong nakahiga at nagpapahinga after kong kumain ng tanghalian. Although bumaba na ang temperature ko overnight, parang nasa recovery mode pa rin ang katawan ko. Nanghihina pa rin ako nitong umaga kaya hindi na ako nakapasok. Nagmessage agad ako kay Karina. Then kay Ning. Tapos kay Chaewon.

               Nung weekend, pinagbawalan ko talaga ang girlfriend ko na pumunta sa bahay. Masama talaga pakiramdam ko nun at sobra yung sipon at ubo ko. Useless din kung pupunta siya kasi hindi ko rin naman siya papapasukin sa room. Kahit nga sila Mama at Lola Teklay, hindi na ako masyadong pinuntahan sa kuwarto. Nagdala na lang sila ng food sa ‘kin at sinisilip na lang ako tuwing gabi bago ako matulog.

               Mabuti na yung nag-iingat.

               Ngayong Lunes, nagpilit na sila Karina at Ning na pupuntahan daw nila ako.

               Wala na yung sipon ko at di na ako masyado inuubo.

               Sana lang ay hindi sila mahawa.

               Sa totoo lang, miss ko na si Karina.

               I’ve been surviving the weekend sa mga pictures na pinapadala niya at sa videocalls namin tuwing gising ako. Tulog lang kasi ako ng tulog buong weekend.

               Grabe lang.

               Feel ko high na ko ‘dun sa iniinom kong cough syrup. Para lang kasi akong lutang at ramdam ko yung antok matapos kong uminom ng gamot.

               “Parang ang sarap tuloy magkasakit,” sabi pa ni Ning na kinakalikot yung music box sa desk, “ang sakit sa bangs ng mga lessons ngayon. First time ko magbuklat ng textbook.”

               “Mahiya ka naman kay Karina,” sabi ko. Inangat ko ang aking katawan at sumandal sa pinagpatong kong unan.

               Lumingon sa ‘kin si Ning. “Hoy, nag-aaral kaya ako this time. Di ba, Karina?”         

               “May effort na si Ning, babe,” tipid lang na sagot ni Karina na tinulungan ako sa kumot at inayos ‘to sa pagkakabalot sa ‘kin.

               “See?” proud pang sabi ng bestfriend ko. Gumalaw at tumunog yung music box. “Ay ang cute naman neto. Saan mo ‘to nabili?”

               “Gift sa ‘kin ni Karina,” sagot ko. “Sa may BGC na shop – ” di ko na natapos ang sasabihin dahil sa pag-ubo.

               “Ew, germs,” sabi pa ni Ning na tumatawa pa sa kaitsurahan ko.

               “B-Bwisit ka,” hingal kong sabi.

               Inabot sa ‘kin ni Karina yung water tumbler na nakapatong sa study table.

               “Drink water, babe,” alok niya sa ‘kin.

               Napangiwi ako. “Uhm, di ko pa napapalitan yung water d’yan mula kagabi.”

               “Oh, okay. I’ll get – ”

               “Ako na,” tumayo si Ning at kinuha yung tumbler mula kay Karina. Nangingiti pa siyang tumingin sa ‘kin. “Kunwari naniniwala akong luma na yung tubig dito.”

               “Totoo!” natatawa kong sabi.

               Karina was smiling beside me, namumula ang mga pisngi.

               “Sige, punta akong Baclaran, bibili akong tubig,” paalam pa ni Ning na nagtuloy na palabas ng room. “Para mahaba-haba yung alone time ninyo ni jowabells. Grabe, bestfriend of the year na talaga ako.”

               Naririnig pa namin ang tawa niya palayo ng kuwarto.

               Sinara niya din yung pinto pagkalabas.

               Ning, alam kong topak ka, pero thank you.

               Natatawa lang naman kami ni Karina.

               I cleared my throat.

               Medyo naconscious ako kasi grabe makatitig si Karina sa ‘kin.

               “B-Bakit?” alanganin kong tanong sa kanya.

               She took a deep sigh. “I think kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit…”

               Napangiti ako.

               Nung Sabado pa namin ‘to pinagtatalunan. She felt so guilty dahil sa ginawa naming lakad nung Biyernes. Napagod daw ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Tootsiepop
Space link for tonight!
https://twitter.com/i/spaces/1yNGaWbgRdNxj
No comments yet