I'll always be the lucky one. (Jensoo)

Para sa Babaeng Tatlo ang Pangalan
Please Subscribe to read the full chapter

 

Para with feels

 

 

 

“Lagi, ang dami mo namang dala? Mag-iwan ka na ng ibang gamit na hindi naman kailangan baka mahirapan ka i-akyat yan” sabi ko sayo ng makita ko ang dadalhin mo. Yung totoo Jennie Ruby Jane, aakyat ba tayo ng bundok o magbabakasyon? Parang pang isang-linggo kasi yung dala mo.




 

“But lagi, kailangan ko lahat yan!” sagot mo naman sa akin na parang di makapaniwala na sinabi ko sayo yun.




 

“Magdala ka lang ng makakapal na damit kasi sobrang lamig don. Almost 2 days lang tayong mawawala di mo kailangan magdala ng maleta. Bahala ka ikaw din di kita tutulungan magbuhat niyan. Sapat na yung isang backpack.” sabi ko na lang sayo. Naiinis man, ginawa mo na lang din ang sinasabi ko.




 

“Pinasok mo ba yung car mo sa may gate?” tanong mo habang nag-aayos ka ng gamit.




 

“Oo pinapasok ako ng mama mo kanina. Mag grab na lang tayo papunta dun sa meet-up place ha. Ayoko iwan kotse ko dun eh.” sagot ko at tumango tango ka lang. Bumalik ka na ulit sa pag-aayos ng gamit. Napangiti na lang ako sa istura mo, para kasing hirap na hirap kang magbawas ng gamit. Pinag-iisipan mong mabuti kung kailangan mo ba talaga o hindi. Pagkatapos yata ng isang oras ay sa wakas natapos ka na din.




 

“Okay na final na? Ready ka na?” pang-iinis ko sayo at inirapan mo lang ako.




 

“Lagi, yung deal natin ha? Magstart yon paglabas natin ng bahay niyo.” pagpapaalala ko sayo.




 

“Oo na Lagi. Pasalamat ka talaga birthday mo bukas! Never ko inexpect na aakyat ako ng bundok!” Inis na sabi mo sakin. 




 

“Alam ko namang di mo ko tatanggihan eh.” 




 

“Ewan ko sayo Lagi. Let's go na, paalam na tayo kila mommy baka malate pa tayo sa meet-up.” 




 

Ala una na ng umaga ng makarating tayo sa Mcdo sa may EDSA dahil dito yung meeting place kung saan makakasabay natin yung mga aakyat din ng bundok. Isa kasi sa mga nasa bucket list ko ang makaakyat ng Mt. Pulag at bilang kaarawan ko kinabukasan, inaya kita at sinabing ang pagsama mo na lang at ang deal natin ang regalo mo sa akin sa kaarawan ko. Nakailang pilit pa ko sayo bago ka umoo. Hindi mo talaga ako matatanggihan. Maya maya pa dumating na din yung service natin at napansin kong halos puro pala tayo babae maliban na lang kay Kuya Jude na magiging guide natin sa pag akyat ng bundok. Tahimik lang ang biyahe dahil na din madaling araw pa lang. Nakasandal ka lang sa balikat ko at mahimbing na natutulog. 





 

“Lagi, nandito na tayo.” bulong ko sayo ng sinabi ni Kuya Jude na hanggang dito na lang yung van. 




 

“Jennie, gising ka na maiiwan tayo.” gising ko ulit sayo pero wala kang reaksyon. Napaka tulog mantika mo talaga kahit kailan. Kailangan ko ng gamitin ang magic technique para magising ka. For sure maiinis ka na naman sa akin. Natawa na lang ako sa magiging reaction mo. Pinagsiklop ko ang hintuturo at gitnang daliri ko at inilagay ko sa ilong mo.




 

Isa.. dalawa… tat... 




 

Iminulat mo ang mga mata mo. “Oh my God Lagi I thought I was drowning! Nakakainis ka talaga.” sambit mo ng marealize mo na nanaginip ka lang pala. “Lagi mo na lang ginagawa sa akin yon mamaya nyan di na ko magising.” 




 

“Ikaw kasi eh kanina pa kaya kita ginigising. Tara na doon hinihintay na tayo nila Kuya Jude sa labas.” 




 

Kumuha muna tayo ng medical certificate dahil hindi pala tayo pwede umakyat ng wala nito. Kailangan kasi ay fit to climb tayo dahil nakakapagod at nakakahingal umakyat ng bundok. Pagkatapos makakuha ay nagpunta tayo sa isang room dahil i-oorient tayo sa mga rules and regulations sa pag-akyat ng bundok.




 

“So goodmorning sainyo hikers. Sino dito ang mga first timer na aakyat sa bundok?” tanong ni Ma’am Gemma na siyang nag-oorient sa atin ngayon. Itinaas natin ang kamay natin, medyo marami-rami rin ang nagtaas ng kamay at ang iba naman ay mahahalata ng may experience sa pag-akyat ng bundok.




 

“Alam niyo ang pag-akyat ng bundok ay para na ring buhay natin. Sa una mahirap, maputik, at maraming balakid. Mapapaisip ka kung ano bang pinasok mo at kung tama ba na umakyat ka pa eh mapapagod ka lang naman pero kapag nakarating ka na sa taas, sinasabi ko sainyo, mawawala lahat ng bakit at pangamba at mapapalitan ito ng ‘buti na lang.’ Buti na lang hindi ako sumuko, buti na lang tumuloy ako. Hindi ba't mas magandang sabihin na 'buti na lang' kesa sa 'paano kaya kung?'. Mas ayos ng sinubukan mo kesa sinukuan mo. Pero tama na tayo sa drama kasi ang aga aga pa.” sabi ni ma’am at lahat tayo ay natawa.




 

“Kung magtatanong kayo sa mga hikers kung ano ang isa sa mga gusto nilang akyatin na bundok, hinding hindi mawawala sa mga sagot nila ang mount Pulag at sa totoo lang hindi mahirap maghanap ng rason kung bakit. From the majestic view of sea of clouds and rolling hills to uphill trails and scenic sunrise, mount Pulag surely knows how to make someone fall head over heels for her. Pulag is Luzon’s highest peak at 2,926 meters above sea level. May apat na trails para makaakyat sa bundok pero ang Ambangeg trail which is the easiest ang trail na daraanan ninyo mamaya. Please lang, hangga't maaari ay huwag kayong sisigaw at panatilihin ang katahimikan sa lugar dahil una sa lahat, may mga nakatira dito sa paligid. Pangalawa, kapag sumigaw kayo ay baka galitin niyo ang mga ancestors at biglang umulan. Naniniwala kasi sila na hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin ng mga ancestors ang bundok na ito. Nangyari na yan sa mga ibang hikers at umakyat sila ng bundok ng sobrang putik at hindi maganda ang naabutan nilang view sa itaas dahil nga umulan. Pangatlo, ang mga indigenous people dito ay itinuturing na sagrado ang mount Pulag dahil malapit ito sa langit at naniniwala sila na pwede nilang makausap ang Diyos sa tuktok. Kaya sa mga single dyan, chance niyo na ‘to na para humiling kay Lord na magkaroon kayo ng forever.” tumingin ka naman sa akin at nakakalokong ngumiti.




 

“Oh bakit? Hindi ko na kailangan humiling. Girlfriend kita diba?” Sabi ko sayo. Ngumiti ka na lang at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ito. 




 

“Oo nga pala, sayo nga pala ako.” sabi mo tapos nag dila face ka tapos humarap na ulit kay Ma’am. Napangiti na lang ako sa magkahawak nating mga kamay. Claim ko na, ito ang magiging best birthday ever ko.




 

“Mount Pulag gives us the moment to bear witness of the sunrise for success and sunset upon leaving the memories behind. Memories lang ang iiwan ha, hindi ang mga kalat niyo. Whatever you bring with you, take it home with you and respect nature. Always remember the mountaineer’s creed: “Take nothing but pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time.”” pagpapatuloy ni Ma’am Gemma. Nagsabi din siya ng iba pang do’s and dont’s.




 

“Hiking Mt. Pulag may be challenging but nothing compares to the experience it brings to every mountaineer. Not only do you get to take home priceless memories, you can make new friends along the way. Hindi ko na papatagalin pa to para makapagpahinga pa kayo. Nawa’y maging masaya ang experience niyo with Mount Pulag.” pagtatapos nito sa kanyang orientation.










 

“Really Lagi? Sa taas talaga tayo ng jeepney sasakay?” di makapaniwalang tanong mo.




 

“Oo nga. Wag ka mag-alala nandito naman ako eh, hindi kita itutulak.” pang-iinis ko sayo.




 

“What? I’m not scared of heights, sa ating dalawa ikaw yung takot sa heights diba? Ako ang nag-aalala for you Lagi.” pang-iinis mo namang balik sakin. Totoo naman yon, takot talaga ako sa heights. Naalala ko nung minsang inaya mo ko mag zipline, takot na takot ako at todo ang kapit ko sayo. Nakapikit pa ako noon dahil nalulula ako pero noong nasa gitna na tayo, pinabukas mo sa akin ang aking mga mata at ibang klase ng ganda ang aking nakita. Ang ganda pala talaga ng nature, tapos ang ganda mo pa kaya nawala ang aking takot at napalitan ng paghanga. Hindi ko inasahan  na kaya ko palang gawin ang mga bagay na hindi ko magawa dahil sa takot ko. Kaya ko pala kasi andyan ka naman. Kaya nga ikaw ang inaya kong umakyat dito sa bundok kasi alam kong kahit anong takot ko, kakayanin ko yun kasi kasama kita. Sumakay na tayo sa tuktok ng jeep. Habang paakyat tayo ng paakyat ay palamig ng palamig. Feeling ko tuloy wala na tayo sa Pilipinas. Buti na lang at makapal ang pinasuot ko sayo kasi kung hindi for sure hindi ka makakatagal dahil lamigin ka pa naman. Nalulula na ako sa tuwing liliko ang jeep dahil makikita talaga yung nasa gilid ng kalsada which is yung bangin.




 

“Scaredy.” bulong mong sabi. Hindi ko alam kung bulong ba yon or sadyang nilakasan mo para marinig ko. Hindi na lang ako nagsalita kasi talagang nalulula ako.




 

“Hey, look at me Lagi.” ani mo at hinawakan ang pisngi ko at iniharap mo sayo ang mukha ko. “I’m here, hindi mo kailangang matakot kasi nandito ako.” sabi mo at nag gummy smile. “At tsaka ano ka ba paano ka mahuhulog diyan eh para kang koala kung makakapit.” sabi mo na nakapagpatawa naman sa akin. Kapit na kapit naman kasi talaga ako sayo ngayon. Hay… alam mo talaga kung paano ako papakalmahin kasi isang ngiti mo lang ay nawala lahat ng takot ko tapos sasabayan mo pa ng corny jokes kagaya niyan. Ang swerte ko talaga sayo Jennie Ruby Jane. 







 

Mga 12 pm na ng makarating tayo ng ranger station. Dito tayo magtatayo ng tent kasi hindi na ko nagrenta sa may homestay dahil masikip at alam ko naman na ayaw mo ng marami masyadong tao sa iisang lugar tapos dalawa lang naman tayo.




 

“May tent ka nga hindi mo naman alam kung paano mag set-up!” Naiirita mong sambit sa akin dahil ilang minuto na tayong nagsset-up pero wala pa rin tayong progress. Or ako lang pala yung gumagawa kasi wala pa atang 10 mins ayaw mo ng tumulong kasi naiinis ka na sa akin dahil hindi ko alam ang gagawin. 




 

"Eh kung tumulong ka kaya sakin para matapos natin to?"




 

"I have no idea how that thing works. Nagugutom na din ako Lagi!" Hay nako kapag talaga sinumpong ka ng gutom parang hindi ka na nakakakilala at nagsisimula ka ng topakin. 




 

“Hello guys. Need help?” sabi ng isang babae na kasama namin simula pa ng nasa van. “I’m Rosé nga pala and girlfriend ko si Lisa.” turo niya sa babaeng nag-aayos ng tent.




 

“Sorry pero kakapalan ko na mukha ko, galit na galit na kasi yung kasama ko eh. Wala na kaming pag-asang maayos ‘to” sabi ko at natawa na lang si Rosé.




 

“It’s fine. First time niyo diba?” tanong ni Rosé at tumango ako. “Ganyan din kami nung una ni Lisa. Hirap na hirap din kami magset-up dati pero tingnan mo ngayon, hindi na niya kailangan ng tulong ko.” sabi ni Rosé at tumawa. Sinimulan na namin ulit ayusin ang tent habang tinry mo na din tumulong ng nakita mong nagmumukha na siyang tent. 




 

“Oh my God thank you Rosé. What a lifesaver. I’m Jennie nga pala and uhh this is Jisoo. Matagal na kayong naghhike?” tanong mo ng matapos natin ang tent. Anak ng carrots ganun lang pala kadali buuin yon??




 

“Nagstart kami last last year. Once you experience hiking, you can’t stop na. Iba talaga yung satisfaction kapag nasa peak ka na ng bundok eh. If you don’t mind me asking, mag jowa din ba kayo?” tanong ni Rosé. Tumingin ka sakin at nahihiyang um-oo kay Rosé.




 

“I knew it! Kanina ko pa kayo gustong kausapin sa van kaso natutulog kayo eh. If you want sabay na kayo samin mag lunch ni Lisa after maset-up yung tent.” 




 

"Hindi namin yan tatanggihan, parang mangangain na anytime si Jennie eh” sabi ko at nakatanggap ako ng irap sayo at tawa mula kay Rosé.




 

May parang karinderia sa may gilid malapit sa may homestay. Adobong manok at sinigang na baboy na lang ang natirang ulam dahil late na din tayo pumunta dito. Umorder ako ng adobo habang sinigang naman ang sayo. Naalala ko bigla noong college days natin, sumama ka sa akin kumain sa carinderia. Weekly kasi yung allowance na binibigay sakin nila papa tapos pinambili ko ng mga gamit sa school yung ibang pera kaya hindi ko na kayang makisabay sayo kumain sa mga fastfood or resto. Sabi mo ililibre mo na lang ako pero nahihiya naman ako sayo dahil madalas mo na akong ilibre. 




 

“Lagi, sumama ka na lang kumain kila Irene, kaya ko naman kumain mag-isa dito.” sabi ko sayo dahil alam kong di ka naman kumakain sa mga gantong lugar.




 

“Para maging third wheel sa kanila ni Seulgi? No way! And ayaw mong magpalibre diba, so sasamahan na lang kita dito. The food looks edible naman tsaka alam ko namang kumain ng pork in sour broth no. I remember nagpaluto ako kay mommy niyan kasi nagcrave ako nung may nakita akong commercial sa tv.” hindi na ako sumagot dahil alam ko namang hindi ka magpapatalo. 




 

“How much po ma’am?” tanong mo kay ate na parang nagulat pa ata ng tinawag mo siyang “ma’am”. Isa ito sa mga nagustuhan ko sayo. Ang yaman yaman mo pero hindi ka matapobre. Maarte ka pero kaya mong makisabay sa mga trip ko. Hindi alintana sayo kung malaki ang pagkakaiba natin sa buhay. 




 

“Sagot ko na ‘to Lagi.” Magmamaktol ka pa sana pero nagpacute na ako sayo. “Okay fine!” sagot mo na lang.




 

“Lagi! Okay ka lang ba?” pagbabalik mo sakin sa realidad. “Eat your food na, lumamig na yung pork in sour broth mo.” natawa na lang ako sayo at nagpatuloy na kumain.




 

“Sa Manila din kayo nakatira?” tanong sa amin ni Lisa. 




 

“Oo kayo ba?”




 

“Pare pareho pala tayo. Swakto! Nagwwork na kayo?” 




 

“Oo, I work at a construction management company tapos si Jennie naman may clothing business.” 




 

“Talaga? Baka naman naghahanap ka ng models?” 




 

“Actually naghahanap nga ako pero wala pa kong natitipuhan eh. I mean they're okay naman pero I'm looking for someone eh." sagot mo naman.




 

“Try mo si Rosé. Model yang girlfriend ko.” proud na sabi ni Lisa.




 

“Omg talaga? I would love to! Feel ko bagay sayo, no scratch that. Bagay talaga sayo yung mga designs ko. I’m so sure of it.” masigla mong sabi. Nagpalitan kayo ng contact details nila Rosé. Binigay din ni Lisa yung number niya if kailangan mo daw ng magaling na photographer. Nagkakilala kasi si Lisa at Rosé sa isang photoshoot. Si Lisa ang photographer habang si Rosé ay isa mga models.




 

“Ano pa lang meron at naisipan niyong umakyat ng bundok?” tanong ni Lisa ng kumalma na kayo sa pag-uusap about sa business mo.




 

“Birthday kasi ni Jisoo bukas.” masaya mong bati.




 

“Ahwaw advance happy birthday!” pagbati sakin ni Lisa.




 

“Salamat. Kayo ba? May occasion ba?”




 

“Oo, anniversary namin ngayon. Every anniversary namin umaakyat kami ng iba ibang bundok. Una namin sa Pico De Loro tapos last year sa Mt Batulao. This year sa dito naman sa Mt. Pulag. Sabi ko nga sa kanya kapag umakyat na kami ng Mt. Apo magppropose na ko sa kanya eh.” 




 

“Ang dami mong alam love” sabi ni Rosé sa kanyang girlfriend.




 

"Seryoso ako doon love!" sagot ni Lisa. 




 

“Happy Anniversary sainyo.” bati mo at bumati na rin ako.




 

“Salamat, salamat. Kayo ba matagal na kayo?” tanong ni Lisa. Tumingin ka naman sa akin at parang sinasabi sa akin gamit ang mga mata na ako ang sumagot sa kanila.




 

“Matagal na, since college pa. So mga 5 years na din.” sagot ko at hinawakan ko ang kamay mo at itinaas baba ang aking mga kilay. Nakita kong namumula ka. Ang bilis mo talagang lamigin, namumula na tuloy mukha mo. Napangiti na lang ako, 5 years... ang tagal na pala kitang minamahal.




 

“Wow relationship goals!” tukso sa atin ni Lisa. Nagkwentuhan pa tayong apat saglit at bumalik na din sa station. 




 

“Gusto mong umidlip Lagi?” tanong ko sayo.




 

“No, super cold, feel ko di rin ako makakasleep.” 




 

“Abangan na lang natin yung sunset?” pag-aaya ko sayo at tumango ka na lang.




 

Alam kong malamig sa Benguet pero hindi ko inaasahan na ganitong kalamig, para talagang nasa ibang bansa ako. Ang ganda ganda ng kapaligiran kahit na ba ang foggy. Tiningnan kita na naglalakad sa aking gilid at bumaba ang tingin ko sa ating mga kamay.




 

"Lagi, ano.. pwede bang.. pwede bang ano?" Anak naman ng kerots Jisoo bakit ba hindi mo masabi! 




 

"What?" 




 

"Anopwedekobanghawakanyungkamaymo?" Mabilis kong sabi.




 

"Wala akong nagets Lagi. Ano ba kasi yun??" Nagtitimpi mong sabi. 




 

"A-ano pwede ko bang hawakan y-yung kamay mo?" tanong ko sayo na nahihiya at nakatitig ka lang sa akin tapos bigla ka na lang natawa.




 

Kinuha mo ang kamay ko at hinawakan ito. "Nahiya ka pa eh hinahawakan mo naman palagi kamay ko ah?"




 

"Iba ngayon, girlfriend kita eh." Nahihiya kong sabi.




 

"Drop the act Lagi, kapal ng mukha mo para mahiya, may pa 5 years ka pa kanina." Nang-iinis mong sabi.




 

"Grabe ka naman. May hiya naman ako!" 




 

"Whatever.. pero Lagi, you don't have to ask permission to hold my hand, you're my girlfriend." Tapos kumindat ka. Hindi ko alam kung kindat ba yon or napuwing ka lang eh. Basta ang alam ko, ang cute cute mo.




 

"Edi pwede din kitang halikan?" Tukso kong sabi.




 

"May sinabi ba akong kiss?" 




 

"Sabi ko nga wala eh, damot!!" Tampu-tampuhan kong sabi.




 

"Hindi bagay sayo Lagi, tara let's take a picture here!" Aya mo sakin. 




 

Itinapat mo sa atin ang camera. Background natin ang papalubog na araw.. ngumiti ako sa camera at nakita kong humarap ka sa akin..

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Curryfontina
#1
Chapter 1: hoy grabe naman. grabe namang plot twist to
leeplay
#2
Chapter 1: aray ang saket!!! napakaganda po nito, napagtanto ko din na ang cute pala ng pet name na lagi hahaha. pero jensoo sana ok lang kayo ang totorpe niyo, nasaktan ako. hahaha salamat sa pagshare author! sana makapagsulat ka pa more super naenjoy ko to!
markaxel
#3
Chapter 1: WOW. Sobrang ganda nung pagkakasulat nito. Ramdam na ramdam, and sobrang sakit din. 🥲

P.S: salamat sa playlist, lalo kong naramdaman yung kwento habang nakikinig!