The Woman Who Can't Be Moved

The Woman Who Can't Be Moved
Please Subscribe to read the full chapter

Joohyun's POV

 

Sinong mag-aakala na yung taong makikilala mo lang sa Manila bay ay yung taong hahawak ng mundo mo sa isang iglap. Yung payapa ang buhay mo kaso dumating siya. Hindi sa sinira ka niya pero ang alam mo okay ka na, na ikaw lang, pero may mas hihigit pa pala sa okay, yun yung presence niya.

 

Presence niya na every after class mo eh andun siya naghihintay sayo. Nakagisnan mo na kase na tumambay sa Manila bay, pinapanood yung sunset, naging comfort mo na yun sa buhay na magulo at masakit. Kaso sa presence pa lang niya tinapatan niya ang sinag ng araw, dahil mas nagningning ang buhay mo nung dumating siya.

 

-----

 

Same place, same spot, with three purple tulips. Hindi ko nga alam saan siya kumukuha ng tulips kase ang hirap kaya nitong ipropagate sa Pilipinas. Tsaka sabi pa nga niya hindi "I love you" ang ibig sabihin ng tatlong tulips kundi "Joohyun, mahal kita", hindi ba same lang yun? Ang corny niya pero sa mga ganitong banat niya napapasaya niya ko.

 

Ang akala ko noon imposibleng maging masaya dahil lamang sa presence ng isang tao sa buhay mo. Kaso mali ako, dahil nasa tabi ko lang siya nakakalimutan ko lahat, lahat lahat ng pasakit sa buhay ko. Pumapasok ako sa mundong ginawa niya, kung saan pwede akong maging masaya, kung saan pwede akong maging malaya na gawin ang lahat, sa mundong walang bawal, sa mundong hindi bawal na mahalin siya sa mata ng iba. Sa mundong tanggap ang relasyon na ganito.

 

-----

 

Kaso may mga bagay talaga na hindi nagtatagal. May mga bagay talaga na panandalian. Dahil yung mundo ko gumuho, gumuho ng isang iglap. Na kung paano ako nahulog sa mundong to ng ganun kabilis ganun din sa pagkagunaw.

 

Wala na yung taong naghihintay sa akin kapag natapos ang klase ko. Wala na yung taong inaabutan ako ng tatlong purple na tulips. Yung aaraw arawin na maririnig ko ang "Joohyun, mahal kita", sabay na makikita mo yung ngiting mas maganda pa kaysa sa crescent na hugis ng buwan.

 

-----

 

Bigla kang nawala. Biglang hindi nagparamdam. Biglang hindi kita matawagan. Siguro pagsuko na lamang yung kaisa isang choice na mayroon ako pero yung pagmamahal ko na gusto kang ilaban, na gusto kang hanapin at pabalikin sa piling ko. Kung hindi ko pipiliin ito at pinili kong sumuko baka pagsisisihan ko.

 

Hindi ko naisip na may iba. Hindi ko naisip na nagsawa ka. Hindi ko naisip na baka may nangyaring masama. Pero ang inisip ko, babalik ka. Naalala ko kasi yung isang araw na mas nauna ako sa Manila bay kaysa sayo. Akala ko hindi ka na pupunta dahil dalawang oras ka ng late.

 

"Naghintay ka", tanong mo at nangiti.

 

"Oo. Dahil sabi mo babalik ka", sabi ko at napanguso na dahil napakatagal mo.

 

"Diba sabi ko naman sayo, lagi akong babalik sa kung saan kita unang nakita, sa kung saan ko nakilala ang taong mahal na mahal ko na ngayon", sabi mo na sobrang lawak ng ngiti mo.

 

-----

 

 

Cause if one day you wake up and find that you're missing me

 

Araw-araw akong nandito sa pwesto kung saan una tayong nagkita. Baka kase isang araw magising kang namimiss mo na ako. Baka kase isang araw lang na wala ako dito baka yun yung araw na nandito ka. Kaya dapat wala akong palya na pumunta dito.

 

Sinubukan ko naman magpunta kung saan ka nakatira kaso wala ka na raw doon at mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
incorrecthyun
Sino may gusto ng SEULGI POV? Maglalapag ako KUNG mananalo si Wendy sa music shows!!!!! So vote na mga sizt and stream Like Water!!!! Uwu xx

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Chapter 1: Sorry, di ko kaya iupvote ito,🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹, kawawa Naman si Baeby.
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 1: POV ni Seulgi when? de jk lang po
its_aaarrriii
30 streak #3
Chapter 1: Kunti nalang Ate K magsisisi na kong dinive ko tong aff mo jsko po
kang_ddeul
#4
Chapter 1: awwww, ang sakit bhie! 🥺😭
kittnam #5
Chapter 1: Ah, haha di nan masucket
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 1: Hala, potek. Sequel pleaseeeee 😭 Sakit naman nun kay madam. 😭 #GhosterSeulgi🙄
Maatt_booii #7
Chapter 1: P*ta so anu pala ni seulgi si joohyun dati tambayan???


Kagat lang ng langgam yung sakit..
Varcenciel21
#8
Chapter 1: Halaaa, sorry sa word pero g*g0? >_<
ynylsc30518 #9
Chapter 1: Mapanakit 🙃
Baka may sequel naman dyan otor, kahit POV ni Seulgi