Fin

We’re both girls naman
Please Subscribe to read the full chapter

 

ps. May makikita talaga kayong parang nagtetext lang ako kasi ganon po ako magtype pag tagalog. Sorry sa mga OC hahaha. Sabihin ko rin kayang tagalog is not my first language? Char baka kasi dialect na yung iba hindi ko lang namalayan hahaha. Oh! At yung lumang system po ng highschool yan kase hindi ako familiar sa bago kaya yung oldies na hindi oldies relate kayo jan hahaha enewey enjoy sa first tagalog fic sana hindi parang ewan😂

 

Not edited to the max

 

 

 

 

 


 

 

 

“Andyan na siya!” rinig ni Wendy sa kaklase niyang nag aabang sa bintana ng classroom nila. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa pader ng classroom nila. Ah, Miyerkules pala ngayon at mag aalas-kwatro na. Hudyat ng paglabas nga mga 4th year para sa PE subject nila. Hudyat rin ang pagdaan ng diyosa ng school nila na palagi nagbibihis ng pe uniform sa cr sa tapat ng classroom nilang mga 3rd year.

 

 

“Hay, mas gumanda pa ata siya ngayon,” sambit ng kaklase niyang tila nakadikit na sa jalousie, tiyak na magmamarka sa kakadiin. Mas lalong gumulo sa loob ang room, especially wala pang teacher. At nagsiayos nalang sila ng upo ng mapadaan na ang diyosa at ang mga kaibigan niya.

 

 

Parang commercial lang sa tv, mala fashion week lng ang peg ay parang rumarampa ang diyosa sa hallway ng highschool nila, pinagpapala ang mga matang nakatitig sa kanya at iniirog ang mga tengang marining ang tawa niyang dinala ng hangin.

 

 

“Hay, ang ganda talaga ni Irene,” rinig ulit ni Wendy na nakatingin din sa diyosa bago tuluyang pumasok sa cr. Routine ng diyosa na diyan sa cr nila magbihis pag pe at ginawa naring routine ng mga kaklase nilang mag abang rin.

 

 

Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong sila lang.

 

 

Kase kasama siya sa mga nag aabang tuwing napapadaan ang diyosa sa classroom nila pag Miyerkules. Crush niya rin yon e. Pero buong populasyon naman ata ng school nila may crush doon, kaya hindi espesyal ang paghanga niya. Ang tatlong taon nyang pagpahanga sa senior.

 

 

“Hay,” napabuntong hininga na lang si Wendy. “Lalim ng iniisip natin a,” sambit ni Joy habang nagpapaganda sa pocket mirror niya.

 

 

“Wala to bes. Magpaganda ka na lang jan. May date kayo ng boyfriend mo mamaya diba,” sabay balik ni Wendy ang tingin sa tinatapos niyang assignment para bukas. Gusto niyang wala na siyang aalahanin pag uwi niya. At ayaw niya ring pagsabihan ni Joy na paulit ulit sabihang umamin na lang kay Irene. Naalala niya yung last nilang pagtatalo.

 

 

‘Mag confess ka na lng kaya?’ Sambit ni Joy habang nakatingin sa pocket mirror niya. Hindi niya man lang nilingon si Wendy pero alam niyang titig na titig ito sa CAT sa harapan ng flagpole. Kase maganda parin daw si Irene kahit naka simpleng white tshirt at tuck in sa blue na maong.

 

 

‘Luh, san nang galing yan? Hindi kita inaano,’ kakain na sana siya ng shawarma pero napahinto ito at sa sinabi ni si Joy.

 

 

‘Oo nga pero parang nilalamon mo na si Irene sa tingin mo’

 

 

‘Hoy Joy Park!’

 

 

‘Luh wala akong ibig sabihin don. Ikaw tong manyak’

 

 

‘Joy Park!’

 

 

‘Okay, jowain mo na kasi’

 

 

‘Bes, hindi nya nga ako kilala. Hindi ko nga alam if straight yan or..but I’m nobody here. What makes you think she’ll consider me?’

 

 

'Bes, walang paduguan ng ilong please? Tsaka isa ka kaya sa pinakamaganda sa year naten! Pumapangalawa ka nga lang saken. At ikaw pinaka cute pagnaka drum and lyre kang attire. Parang hamster na naka costume. Ang cute,’ sabay pindot sa pisngi niya.

 

 

‘Asa. Ah basta. Hanggang sa grumadweyt na lang siya tong pantasyang to. Okay na ako makita siya sa flag ceremony o mapadaan lang man lang siya classroom naten.'

 

 

 

 

Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Wendy. Nakita niyang tapos na mag apply ng liptint si Joy.

 

 

“Hindi ko talaga gets bakit nagkukumpulan pa sila kay Irene eh may sariling diyosa naman ang section na to,” sabay pag tayo at namewang.

 

 

“Na-uumay na kase,” bulong ni Wendy.

 

 

“Hoy, Wendy Shon!” Tumawa na lang si Wendy. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na nakalabas na sina Irene sa cr. Hindi niya na lang pinansin.

 

 

“Basta text mo lang ako pagkatapos ng date mo. May practice at dress rehearsal pa kami sa banda. Malapit na foundation day. Cute daw ng bagong uniform sabi ni Yeri,” sabi ni Wendy habang nilalagay yung mga gamit sa bag niya.

 

 

“Hala, hoy gusto ko makita!”

 

 

“Ayoko, lumandi ka na lang!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagod na si Wendy at mas napagod pa siya dahil pinagpiestahan nanaman pisngi niya. “Ayon ang pula, mukha na akong si Pucca,” ani niya habang tinatanggal ang sombrero na part ng costume ng drum and lyre. Nasa cr siya ngayon ng floor nila kasi dito talaga siya komportable magbihis.

 

Halos mag aalas syete na ng gabi at dahil pinag hintay pa siya ng teacher-in-charge nila for instructions kaya siya yung pinaka huling uuwi. Napabuntong hininga na lang siya.

 

 

“Bat ba ang dami kong co-curricular? Hindi pa naman ako gagradweyt, hay,” nilagay niya bag niya sa sink saka kinuha niya pamapalit niyang damit. Nang makalapit siya sa mga cubicle ay doon na lang rin niya narinig ang mahinag pag iyak ng babae. Napahinto siya.

 

 

Rold. Huwag kang ganyan please. Hindi to horror. Hindi to horror. Hindi to horror.

 

 

Narinig nanaman niya ang hikbi at sigurado siyang sa pinakadulong cubcle ito nanggagaling.

 

 

Kulang lang yan sa tulog Wen. Hindi yan multo. Mas nakakatakot si Joy pag di nakakain. Hindi mo talaga yan naririnig—

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Vicheca
Hahaha hi! Sorry gusto ko lang magsulat ng tagalog. Ubos na po english ko nagcrave na lang ng tagalog. I'll update my other fics after my hurdles on Wednesday I hope. Okay Happy WR day!

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
88 streak #1
Chapter 1: ang kyot 🥹😁🥰
wintzkie #2
Chapter 1: Otor Yun na Yun ? Final na yan ? Wala ng Part 2 ? 😅 Baka naman .
Emgeelex
#3
Chapter 1: 😂😂😂😂
wandaful77
#4
Chapter 1: Ano ganto nalang? Wala na talagang kasunod? 😩
Shinee7012 #5
Chapter 1: gusto ko to. gusto ko rin ang idea na pra syang cliff hanger ganun, basta ang importante malandi si madam
Monsterguita #6
Chapter 1: seryoso ka na ba author na di mo na to dadagdagan....😭😭
CairoBlue25
#7
💙💙💙
Santa_Clause #8
Chapter 1: Angggg ganda.... Sana may sequel pa....
Hahahahha ate irene... Inlababu na....
WluvsBaetokki #9
Chapter 1: Hoy bakit bitin 😭 tawang tawa pa naman ako sa pagkakiri ni ate mo Irene hahaha
jochiiee
44 streak #10
Chapter 1: napaka whipped naman po pala ni ate mo irene kay wends HAHAHA at nako yerim hulog ka ng langit kamo sa paningin ni madam eneri HAHAHAHA 😂