Party

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ganoon naman yata talaga kapag busy ka at siyempre, kapag masaya ka. 

 

 

 

It was a day after Seulgi created the spotify playlist when I received a bouquet of flowers from her. That marked the first day of her panliligaw - sabi niya. Sinabi ni Seulgi na masyado nang maraming taon ang nasayang naming dalawa at nakakapanghinayang kung patuloy pa namin ito patatagalin, nang wala kaming maayos na plano. Kaya naman, sinimulan niya na ang panliligaw. Ang gusto niya noong una ay hindi na kami dumaan sa ganoong stage dahil para lang naman daw iyon sa mga hindi magkakilala. 

 

 

Pero masisisi niya ba ako kung maarte ako at gusto kong magpaligaw?

 

 

During highschool and college, hindi ako nawalan ng mga gustong manligaw sa akin. I also received flowers, chocolates and foods back then, but I have never given the suitors 'permission' to officially court me. Madami ang nag-attempt, pero wala akong in-entertain dahil ang lahat ng atensyon ko ay talagang na kay Seulgi lang, at siyempre, pati sa pag-aaral ko. 

 

 

"Connect ba natin sa tv, Ate?" nilingon ko si Chaeyoung na hawak hawak ang laptop niya habang sine-set up ko ang camera. 

 

 

 

"Sure. The bigger the screen, the better." tumango lang ito at sinimulang i-connect ang laptop sa tv. 

 

 

 

Ngayong araw ang ginawa naming online bachelorette party ni Joy. 11AM dito sa Pilipinas at 8PM naman sa Las Vegas. Kahapon ay lumipad na silang dalawa ni Wendy patungo doon, kasama ang mga magulang nila. They are staying in the same hotel, but are not allowed to see each other starting today until the wedding day because of the superstitions. Kaya naman si Sooyoung, masyado nanamang grumpy. 

 

 

"Tara na, tara na. Open na natin kasi baka umuusok na ilong ni Sooyoung." natawa ako sa sinabi ni Jennie. 

 

 

"For sure, hindi siya madidiligan, eh." 

 

 

 

Kaming tatlo ay may premium subscription sa zoom, minsan kasi ay ginagamit ito sa meetings kasama ang mga client kaya nag-decide kami na bumili ng premium account. Iyon ang gagamitin namin ngayon sa online party ni Joy para unlimited time ang chikahan. 

 

 

 

"Muntik pa akong hindi maka-join! Kahit kailan talaga 'yon si Taeyeon." si Hwasa ang unang naka-connect sa call at iyon agad ang sinabi niya. 

 

 

 

Natawa na lang ako habang iniisip kung ano kaya ang lagay ko ngayon kung nagta trabaho pa din ako sa hotel? My life when I was still a corporate slave is far different from my freelancing life. Kung dati ay palagi akong sleep-deprived, ngayon naman ay nakakatulog na ako ng sapat araw araw, kahit hindi ganoon ang usual time ng pagtulog. 

 

 

 

"Hayaan mo na, ganyan talaga yan diba. Besides, nag level up ka na ngayon dahil ikaw na ang assistant niya."

 

 

 

"Ang assistant, hanggang office lang. Eh ginawa niya din akong personal alalay, mamsh!" tuluyan na akong natawa sa pagra rant ni Hwasa. Mabuti na lang talaga at graduate na ako dyan!

 

 

"Ang mahalaga, nandito ka ngayon sa bachelorette party ni Sooyoung." 

 

 

 

Isa isa nang nag-join ang mga kaibigan namin matapos namin silang i-inform sa group chat na pwede na silang mag connect sa zoom. Bukod sa circle namin, we have also invited some of Joy's friends from La Salle. Siyempre, ang ilan naman doon ay na meet na din namin noon. 

 

 

 

"Grabe, Jihyo! Ang ganda pa din!" bati ni Jennie sa isang kaibigan namin na kaka-join lang sa zoom. 

 

 

"Jen naman, akala mo siya hindi.."

 

 

"Girl ako ramdam ko na nagka-edad ako. Ikaw, parang hindi."

 

 

Patuloy lang sila sa palitan ng pleasantries. Apparently, three of Joy's closest friends from La Salle joined the call. Iyong si Jihyo na dati niyang block mate, si Nayeon na palaging kadikit ni Joy noon, at si Hayoung na dati niya namang orgmate. 

 

 

"Nasaan na ba ang bride? Pa-vip nanaman masyado si Sooyoung ha." lahat kami ay natawa sa sinabing iyon ni Nayeon, halatang inip na dahil si Joy na lang ang wala. 

 

 

"Bakit, nabs? Ganyan ba siya lagi?" tanong ko.

 

 

"Hay nako, Irene. Buong college, lagi akong pinaghihintay niyan. Akala ko naman nag-iba na dahil na adapt na ang american time." 

 

 

"Mga bakla kayo ng taon. Naramdaman kong pinag-uusapan niyo na ako, kaya heto na!" saktong hindi ko namalayan na naka join na pala si Sooyoung sa meeting at naabutan niyang pinaguusapan namin siya ni Nayeon. Natawa na lang ako. 

 

 

"Ang bagal bagal mo kasi." reklamo sa kaniya ni Hayoung. 

 

 

"Aba, party ko 'to, diba? Kaya wala kayong magagawa kung late ako." umismid si Joy. "Bumawi na lang kayo sa kasal niyo." 

 

 

"Grabe, Sooyoung! Na-miss ko ang pagmamaldita mo!" 

 

 

Natawa kaming lahat sa sinabing iyon ni Jihyo. 

 

 

Joy's bachelorette party will also serve as our group's mini-reunion. Ngayon lang kasi ulit namin nakasa sa group call ang mga kaibigan niya from La Salle. Hindi na din ganoon ka regular ang monthly kamustahan namin ng barkada dahil pare-parehong na-busy. 

 

 

Joy's friends live in different parts of the world, too. Ang alam ko ay nasa Canada si Jihyo. Si Nayeon naman ay nasa Australia, doon nag-migrate pagkatapos sa college. Si Hayoung naman ay bumalik sa Korea dahil nandoon ang parents niya. At siyempre, kaming mga nandito sa Pilipinas.

 

 

"Grumpy yan kasi hindi niya makikita si Wendy bukas." agad namang sumimangot si Joy dahil sa sinabing iyon ni Solar. 

 

 

"Sige, ipaalala mo pa!" 

 

 

It was a long night of chikahans, kalokohans and iyakans. Si Jihyo at Solar ang nag-host ng party. We prepared games, video presentations at siyempre, nag speech isa isa para kay Joy. We also had video messages from some of Joy's friends who were not able to make it to the party. Karamihan sa kanila ay mga high school friend ni Joy.

 

 

"Saan ang honeymoon?" tanong ni Chaeng kay Joy nang matapos na ang program. 

 

 

"Diba ang original plan, sa Bali? Kaya lang ang layo. Hindi pwede ngayon. So sa Hawaii na lang." 

 

 

"Ma'am wag mong i-lang ang Hawaii." Nayeon chuckled. "Gusto kong pumunta dyan because of the beaches! Kaso hindi pa makapunta ngayon dahil sa pandemic." 

 

 

"Ibig ko sabihin kase, we just settled to somewhere near, than Bali na halos 24 hours yata ang travel time kung non-stop yung flight." 

 

 

"Hmm, well. If you're after the beach then yes, Hawaii is a great choice." 

 

 

"How about baby plans? Kayo ang unang ikakasal kaya kayo yung magbibigay sa amin ng idea, if ever." ngayon ay si Solar naman ang seryosong nagtanong. 

 

 

"Well, about that.." nagtaas ako ng kilay. "Wala pa kaming plans, although we already have options, kung ano ang gagawin." 

 

 

"Who's gonna get pregnant then?" natawa ako sa sariling tanong. 

 

 

"Ako, siyempre! Hindi naman papayag 'yon si Wanda." 

 

 

Natawa na din kaming lahat, marahil na-imagine ang itsura ni Wendy kung siya ang magdadala ng magiging baby nila ni Joy.

 

 

"Sige nga, Solar. Imagine mo si Byul na buntis." 

 

 

"Shet ka Joy!" halos maiyak si Solar sa kakatawa dahil sa sinabing iyon ni Joy. "Tama na, lintek kayo. Baka mas piliin na lang 'non na mag-ampon kesa siya magdala!" 

 

 

 

Halos lahat kami dito ay pare-parehas ng partner. Well, except Jennie and Jihyo. Masyado pang maaga para isipin ang tungkol sa pagbuo ng pamilya, pero the thought of me doing it with Seulgi already excites me. 

 

 

 

As a child, I remember being so excited when I heard that my parents were having another baby. Mahilig ako sa bata, I always asked them for another sibling, dahil mga pinsan ko lang ang madalas kong alagaan. Growing up, I realized that I wanted to have my own family, too. I want to nurse a child. My own child. And when I met Seulgi, I knew I had to do it with her. I wanted to build a family - with her. 

 

 

"Oh.. si Irene nagde-day dream na!" nabalik lang ako sa realidad nang marinig iyon mula kay Nayeon. Nahihiya akong natawa dahil doon. 

 

 

"Pagbigyan niyo na siya. Ganiyan talaga kapag matagal nagintay. Madami na din sigurong mga plano yan." 

 

 

"Ano ba plano niyo ni Seulgi, Irene?" napangiti ako. 

 

 

Parang dati lang, ingat na ingat ang mga kaibigan ko na imention ang pangalan ni Seulgi sa harap ko dahil hindi pa siya nagpaparamdam noon at alam nilang hindi pa din kami ayos. Pero ngayon, kulang na lang ay tanungin nila ako tungkol sa love life ko sa tuwing nagkakausap kami. 

 

 

Hindi din naman ako nagre reklamo. I am kind of enjoying this, actually. Gaya nga ng sinabi ni Seulgi noong nakaraan, everyone knew but us. And to be able to share our journey with our friends will bring me great joy. Matagal din nilang inantay na umusad ang relationship namin ni Seulgi, so I have to make sure to update them too, on whatever is going on. 

 

 

"Well, actually, nanliligaw na siya ngayon." nakangiting sagot ko sa tanong ni Wheein. 

 

 

"Ligaw? Ano kayo, highschool?" nginitian ko lang ulit ang eksaheradang reaksyon na iyon ni Hwasa. Dahil oo nga naman, parang masyado na kaming matana ni Seulgi para sa ligawan stage. 

 

 

"Hmm.. yeah. Hindi naman kami nagmamadali. Gusto namin i-enjoy." 

 

 

Sa huli ay nag agree na lang sila sa sinabi ko. 

 

 

Napag-usapan ang ilan sa mga kaibigan din namin, at may mga bagay tungkol kay Seulgi na tinanong nila. It turns out na kilala pala ni Nayeon at Jihyo si Tzuyu, dahil classmate nila ito noong highschool. Sila din ang nagsabi na mukhang niligawan nga ni Seulgi ang kaibigan nila noon, dahil madalas magkasama noong college at kung minsan ay si Tzuyu pa ang pumupunta sa Taft - para kay Seulgi. 

 

 

Magseselos nanaman ba ako? Siyempre, hindi na. Sapat na ang mayroon kami ni Seulgi ngayon para maniwala ako na walang iba, at na kahit sino man ang niligawan niya noon, ako naman ang gusto niya ngayon, at ako ang nililigawan niya ngayon. 

 

 

Ano ang laban ng nakaraan sa kasalukuyan?

 

 

 

"Your wedding will happen the day after tomorrow, Joy. Tiisin mo na lang muna hanggang bukas na hindi makita si Seungwan. After naman 'non, taling tali na sayo, eh." paalala ni Jihyo kay Joy bago tuluyang magpaalam. 

 

 

"I'll try, okay? Ang hirap kaya yung isang buong araw ko siyang hindi magkikita!" 

 

 

"Clingy wife!" tukso sa kaniya ni Hayoung na tinawanan ng lahat. 

 

 

"Huwag kayo ma-late sa kasal ko, ha. At please lang, araw ko 'yon. Huwag niyo akong sapawan sa kagandahan. Hindi ko na kayo ime-mention, alam niyo na kung sino kayo, Irene, Jennie at Jihyo. Paki-sabihan din si Tzuyu na huwag masyado magpaganda." 

 

 

 

Tumagal pa yata ng 10 minutes bago namin tuluyang tapusin ang meeting. Joy became emotional again, at the end of it that we had no choice but to purposely end the meeting para matapos na. Pass-12 na din kasi ngayon doon sa kanila. 

 

 

 

"Alright. Tapusin lang muna namin ni Chaeng ang pagpa-pack, Rene, ha." tinanguan ko ang sinabing iyon ni Jennie. 

 

 

 

Sumandal ako sa couch at napapikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa mga nakaraang araw. 

 

 

I looked around the lounge that is used to be full of Chaeyoung and Jennie's appliances, plus mine. Ngayon ay puro gamit ko na lang ang naiwan dahil ang mga sa kanila ay naka box na. Last week kasi, tumawag ang Dad nila at pinababalik na silang dalawa sa Australia, dahil hindi daw maalis ang pagaalala ni Admiral dahil sa pag-handle ng covid dito sa Pilipinas. Therefore, he wants both of his daughters back in Australia. 

 

 

Jennie and Chaeyoung's dad is a retired Admiral of the Marines. Kaya sila napunta dito sa Pilipinas ay dahil na-assign ang Dad nila noong nasa service na ito. When he retired, that was eight years ago, he came back to Australia with his wife. Hindi lang nakasama ang magkapatid dahil naga-aral pa sila noon sa UST. Ngayon naman, pinapauwi na sila. They had no choice but to comply, lalo at utos iyon ng Dad nila. Kaya pagkatapos ng kasal ni Wendy at Joy ay lilipad na pa-Australia ang magkapatid. Leaving only me in this three-bedroom unit. 

 

 

Pumasok muna ako sa kwarto ko para sana makapag pahinga, dahil busy naman ang dalawa sa pagi-impake. As usual, hawak ko agad ang cellphone ko nang makahiga ako. Chineck ko ang chats sa telegram at nabasa doon ang message ni Seulgi. Katatapos lang din pala nila. 

 

 

Nagta-type pa lang ako ng reply at heto na agad ang incoming call mula sa. kaniya!

 

 

"I was about to ask if I can call you. Nabasa mo yata ang nasa isip ko?" I teased. 

 

 

"We have telepathic powers." natawa si Seulgi at ngumuso ako. "Malungkot ka yata? Kakatapos lang ng party, ah?"

 

 

"Yeah, just that I'm tired.. and a bit sad." 

 

 

"Who made you sad?" kunot-noong tanong ni Seulgi na mahinang nagpatawa sa akin. 

 

 

Ang cute niya lalo kapag galit siya. 

 

 

Hindi pa pala niya alam ang tungkol kila Jennie. Nakalimutan ko din kasing ikwento nang magkausap kami the other. day. Besides, hindi pa din naman ina-announce ng magkapatid sa barkada ang tungkol sa pagbalik nila sa Australia. 

 

 

"So, my baby's gonna be left alone in that lonely apartment after Wendy's wedding?" tumango ako sa tanong ni Seulgi. "Why don't you just come here, instead?" 

 

 

"Seul, mahirap mag ayos ng papers ngayon.." sagot ko, dahil totoo naman. 

 

 

Jennie and Chaeyoung had to go to different troubles just so they can fly back home. Madaming papeles ang hiningi sa kanila. Although they have an Australian passport, they had to undergo an interview in the embassy, to find out their purpose of travel. They are also required to be tested for covid and will only be given permission to fly if it comes back negative.

 

 

 

"Well, I'm sure Tita Boa knows someone from the US Embassy, and maybe you can use her connection to get the process done immediately?" umirap ako. 

 

 

 

Alam kong maraming connection si Tita Boa. Hindi din malabo na may kakilala siya sa US Embassy na pwedeng hingan ng pabor. Ayoko lang na ma-burden si Tita, pati iyong tao na kakilala niya, if ever, dahil lang sa maiiwan ako mag-isa dito sa apartment. 

 

 

"Sa Dasma ka nalang?" umiling lang ako at sumimangot. "Or, I can come home.."

 

 

Sandaling napatigil si Seulgi, pati ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. 

 

 

Half of me wants it, half of me doesn't. Gustong gusto ko nang makita at makasama siya ulit. Pero hindi iyon posible dahil sa pandemic. Sure that the borders are open. Mayroon na ulit mga flight, pero ayokong i-risk ni Seulgi ang sarili niya dahil lang sa akin. Dahil lang sa gusto ko. What if she ends up being infected with the virus on her way home? 

 

 

"N-no. S-stay there." I coughed as an excuse of me, stuttering. 

 

 

 

Really, Bae Joohyun? 

 

 

Parang sinabi mo na din indirectly na gusto mong umuwi si Seulgi sa iyo ngayon. 

 

 

"Are you sure?" naninimbang na tanong sa akin ni Seulgi. 

 

 

"Yes, 'Ga. I am sure. I will be fine. Strong, independent woman kaya ako!" Seulgi just chuckled softly. I sighed with relief because she seems convinced.

 

 

"Alright, if you say so, 'Ga."

 

 

Hindi na nagtagal ang usapan namin na iyon ni Seulgi. Hinayaan ko na siyang matulog dahil bukas ay kailangan niyang umuwi sa Los Angeles, dahil ngayon ay nasa San Francisco siya. She visits her parents at least once a month. Isang linggo siyang nagi stay kapag ganoon. 

 

 

Kahit nakapikit, hindi pa din maalis sa isip ko ang kung anong mangyayari kapag umalis na ang magkapatid. I won't have a problem with the bills because I am now earning triple than my salary from my previous job. Ang magiging problema ko ay dahil wala na akong makakausap lagi sa bahay, wala na akong makakasabay sa pag-kain, at wala na akong tatakbuhan kapag naiiyak o kinikilig ako. 

 

 

With this current situation, I think my mental health will have to make adjustments. 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
29 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.