LD(R)

Kumusta ka na?

 

 

 

 

 

 

Para pa din akong nasa cloud nine dahil sa nangyari. 

 

 

 

Nagtagal ang usapan namin ni Seulgi at hindi namin namalayan ang oras. Jennie offered me snacks pero hindi na ako nakalabas para doon. Gusto pa yata ni Seulgi na magka-usap kami hanggang sa magsimula ako sa trabaho. 

 

 

 

 

“Alam mo, Seul, massado ka nang sweet. Matulog ka na nga lang dyan.” Natatawang sabi ko dahil anong oras na, bumabanat pa siya. Akala mo naman wala nang bukas.

 

 

“Hindi pa nga kasi ako inaantok.” sagot niya sa akin na akala mo’y bata na pinapatulog na ng nanay niya. 

 

 

 

“Hindi ka pa inaantok dahil kausap mo ako. Try to end this call now and you’ll slowly fall asleep.” umirap ako. 

 

 

“So ano ang gagawin ko, love? Should I end the call, now?”

 

 

“Oh please! Don’t use that to me?” iritableng sabi ko na ikinatawa lang ni Seulgi, sapat para mas mainis ako. 

 

 

“Ang alin? Love?” 

 

 

“Tigilan mo ako, ha, Kang Seulgi. Baka gusto mong ipamigay kita sa mga babae mo dyan.” 

 

 

“Selos na selos ka naman, Hyun.” 

 

 

Hindi ko alam kung bakit ang pagtawag niya sa akin sa tunay kong pangalan ay laging dahilan ng panghihina ko. Siya lang, bukod sa parents ko ang tumatawag sa akin ng ganoon. Pero simula nang mawala ang mga magulang ko, hindi ko na narinig ang pangalan na Joohyun. Even Ate Tiffany and Tita Boa rarely calls me by my real name. 

 

 

Noong dumating si Seulgi sa buhay ko, at noong malaman niya ang tunay kong pangalan, doon lamang muling may tumawag sa akin na Bae Joohyun, o Hyun. Akala ko ay mahihirapan akong tanggapin iyon. I thought that it will only remind me of the beautiful memories I had with my parents. I thought that it will only bring me pain. But it was different. It felt like Seulgi filled the gap that was long gone because of my parents' death. 

 

 

I was in a tunnel for a long period, and Seulgi was the light by the end of that tunnel. 

 

 

 

"Panong hindi ako magse selos eh ang dami mo ngang babae dyan?" 

 

 

"Wala akong babae sa Los Angeles. Nasa Pilipinas. Kausap ko ngayon sa facetime." 

 

 

Pilit kong pinigilan ang kilig. Kahit ano yata kasi ang gawin at sabihin ni Seulgi, lagi akong kikiligin. Iba din talaga ang epekto nito. 

 

 

"Alam mo, matulog ka na nga." sagot ko sa kaniya, hindi na mapigilan ang ngiti. 

 

 

"Promise me one thing muna." 

 

 

Ngumuso ako. "Ano?" 

 

 

"Promise me that you won't be jealous anymore? of anyone?" 

 

 

Bumuntong hininga ako dahil sa gusto niyang mangyari. Paano ba yon?

 

 

How can I stop myself from being this jealous and insecure when it is part of my personality? Kahit noon pa ay alam kong marami ang nagkakagusto kay Seulgi. Kaya nga siya nag transfer sa Zobel - dahil may mga nag away away at pinagagawan siya. Both men and women were attracted to her. Alam ko na niligawan niya si Tzuyu noon, dahil naging usap usapan iyon sa batch namin. May La Sallian na dumadayo sa Espanya dahil sa nililigawan niya? That was a thing, yes. 

 

 

Alam ko na may basis din ang pagse selos ko dahil kay Krystal Jung. She is biual. Sure she is now engaged with Kuya Minhyuk, but I've heard once from Ate Tiffany that Ate Jessica's younger sister had a relationship with an American Music Producer - Amber Lee. 

 

 

Kaya't paano ko pipigilan ang sarili na magselos kung ganoon ang history ng dalawang babae na palaging kasama ni Seulgi sa California? At paano kung may iba pa? Wala pa naman kaming relationship at hindi pa committed sa isa't isa kaya may dahilan pa din ako para mag selos at ma-insecure. 

 

 

"Answer me please, Hyun?" 
 

 

 

"Parang ang hirap naman yata niyan?" tinagilid ko ang ulo ko at pilit na ngumiti. 
 

 

 

Seulgi sighed. "Ano pa ba ang kailangan para maniwala ka na ikaw lang?" 
 

 

 

Label? Natawa ako sa isipan ko. Masyado pang maaga para hilingin ko iyon. Parang masyado naman yatang magiging mabilis kung kakaamin lang namin sa isa't isa tapos ay magiging kami na agad. 
 

 


Besides, hindi naman kami nagmamadali at hindi naman kailangan na mayroon na agad kaming commitment. Kailangan ba talaga 'yon? 
 

 

 

"I-i'll try, okay? I'll try." tanging sagot ko na lamang dahil nagiintay pa din si Seulgi sa reaksyon ko. Bumintong hininga na lang siya. 

 

 

"Ikaw lang, Irene. Ikaw lang." at sa wakas, ngumiti na din siya. "Goodnight!" 
 

 

 

"Goodnight!" 
 

 

 

Hindi naging mabuti ang pakiramdam ko pagkatapos ng usapan na iyon. Dahil sa totoo, bothered ako sa nangyari. 
 

 

 

When I said that I wanted to confess my feelings for Seulgi, I never thought of what could happen next. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mutual ang nararamdaman niyo. Kaya hindi ko inihanda ang sarili sa posibilidad na magiging ako at si Seulgi. I wanted to confess for my self. I wanted to confess to finally let go of the words I have been keeping - the feelings I have been hiding. Parang unfair naman kasi sa kaniya kung bestfriend ko siya at hindi ko ipapaalam ang nararamdaman ko.

 

 

I didn't want to pressure her because of my confession. I did not want her to feel that we have to be a thing just because she likes me, too. Kaya't sa tingin ko ay hindi matatapos ang issue ko tungkol sa pagse selos, pati na din ang insecurity ko. Nagse selos ako dahil hindi ko inaalisan si Seulgi ng karapatan na makipag-kaibigan sa ibang babae. Nagse selos ako at kasalanan ko iyon, dahil masyado akong selfish at gusto kong walang ibang binibigyan ng atensyon si Seulgi - ako lang. 
 

 

 

"That's the tenth time you sighed. Ayos ka lang ba, Ate Irene?" pagod akong tumingin kay Rosé. 
 

 

 

Nasa office na kami ngayon at nagsisimula nang magtrabaho. Hindi ko namalayan na naubos pala ang oras ko kakaisip sa sitwasyon namin ni Seulgi ngayon. 

 

 

 

"Love problem, perhaps." si Jenni ang sumagot sa tanong ng kapatid niya. Inalis na din nito ang tingin sa pc niya at lumapit sa akin. 
 

 

 

"Nako, I can't give you the right advice about that, Ate. Doon ka makipag usap sa psych." natawa ako sa sinabing iyon ni Rosé. 
 

 

 

"Ang sabihin mo, hindi ka lang makapag-isip ng maayos ngayon dahil occupied pa yang utak mo sa confession ni Jisoo." natahimik naman si Chaeng at in-ignore ang sinabing iyon ng Ate niya. 
 

 

 

Natawa din ako sa isipan ko. Ang buhay pag-ibig nga naman, oh. 
 

 

 

Last month ay nakatanggap si Chaeyoung ng message mula kay Jisoo. Iyong kaibigan namin na nasa Cebu. Close sila ni Chaeng since college - even after that. Nauna kasi matapos ng college si Jisoo dahil matanda siya ng dalawang taon kay Rosé. 
 

 

 

Apparently, Jisoo has feelings for Rosé since third year college, at ngayon lang niya inamin iyon. Both Jennie and I believed that Jisoo is attracted to Chaeng, since then. Pero hindi naniniwala si Chaeyoung. She is the type of person who will not believe something unless you say it on her face. In short, hindi siya assumer. 
 

 

 

Kaya ang confession ni Jisoo - it was something that she did not expect. Ang sabi niya, she didn't see it coming. Talaga naman na sweet si Jisoo sa kaniya, at nararamdaman namin iyon. Pero dahil nga sa personality ni Rosé, hindi niya na realize na may romantic feelings attached, kaya ngayon ay hindi pa din niya sinasagot ang confession ni Jisoo. She is the type of person who needs time to think. Pinagiisipan niyang mabuti ang mga desisyon niya, kaya't hanggang ngayon ay hindi pa nire reply-an si Jisoo. 

 

 

 

"Hay nako, Chaeng. Ano ba kasi ang pinagiisipan mo pa? Napaparanoid na yata 'yon si Jisoo sa Cebu, baka akala niya hindi mo siya bet." natawa kami ni Jennie dahil sa sinabi ko. 

 

 


"Ate, sinabi ko na 'yan, diba?" she sighed. "I am still weighing things. Hindi pa din ako sigurado kung may feelings din ba ako sa kaniya, o wala." 
 

 

 

"Bakit, feeling mo ba, meron?" I wiggled my eyebrows at tumawa. 
 

 

 

"It's complicated, ate. I'm not sure if I am attracted to her romantically or I just like having her around." 

 

 

 

Pagod na tumingin sa akin si Rosé. This is the second time she received a confession from a girl. Ang una ay noong second year college. Kaibigan din namin sa UST. They briefly dated but broke up because 'it did not work' , ayon kay Rosé. Kaya ngayon ay hindi namin alam kung nasaan na kaya iyong si Suzy, dahil nauna din siyang matapos ng college, kasabay ni Jisoo. 

 

 

 

"Teka muna, hindi ba problema mo ang paguusapan? Bakit nalipat sa akin, Ate Irene?" tuluyan akong natawa ng malakas nang ma-realize ni Chaeng na hindi dapat siya ang ginigisa ngayon. 

 

 

"Sisihin mo Ate mo, huwag ako."
 

 

 

Sinamaan lang ako ng tingin ni Jennie bago lumapit sa kapatid niya at yakapin ito. Na-miss ko tuloy bigla ang kapatid ko. 

 

 

 

"Don't pressure yourself too much. It's alright, take your time. I'm sure Jisoo can wait." nangiti ako sa sinabi ni Jennie. "Besides, she assured you that she's not expecting anything in return naman, diba?" 
 

 

 

Tumango. "I just don't want to hurt her, Ate." 
 

 

 

"That's part of the experience, Chaeng. I'm sure she'll understand.." nginitian ko siya tapos sabihin iyon. 
 

 

 

Humarap na ako sa pc ko para magsimula na sanang magtrabaho, pero lumingon ako ulit dahil tinawag ako ni Jennie. 
 

 

 

"Akala mo ba ligtas ka na?" natawa na lang ako. 
 

 

 

"Bakit? Ano ba gagawin ko? Magta trabaho lang naman ako, ah." depensa ko. 
 

 

 

"Nope. Kakamustahin pa namin ang love life mo." 
 

 

 

"So kamusta ang buhay ldr, Ate Irene?" excited na tanong sa akin ni Chaeng at tuluyan pang ipinuwesto ang swivel chair niya sa tapat ko. 
 

 

 

"LDR?" litong tanong ko. 
 

 


"Long distance relationship!" natawa ako dahil pagdating talaga sa kalokohan, laging in sync ang magkapatid na ito! 
 

 

 

"Woah, woah.. Relationship? Sinong nagsabi sa inyo na in a relationship na ako?" 

 

 

"Hindi ba long distance relationship na ang meron sa inyo ni Seulgi? Don't tell me, hindi?" 

 

 

 

"Long distance. Long distance lang, walang relationship." nilakihan ako ng mata ni Rosé at may kasama pa iyong pag yugyog, natawa na lang ako kahit medyo naiinis na. 
 

 

 

"You mean you are no longer bestfriends. Kasi sabi mo long distance lang, walang relationship!" 
 

 

 

Inirapan ko si Jennie. "What I meant was not the relationship you are thinking." 
 

 


"Pikon!" panunuya sa akin ni Jennie at sabay pa silang magkapatid na nangulit. 
 

 

I just sighed. Wala yata silang balak mag trabaho. 
 

 

 

"Let me work, girls."  

 

 

"It's not even time for work. 8PM pa lang! We usually start by nine." Jennie shrugged. "So how are you two?" 
 

 

 

"Jennie, parang kailan lang, sobrang against ka kay Seulgi ha?" 
 

 

 

"That was before I was able to confront her, okay? Iba na ngayon dahil alam ko na ang dahilan nang--" napahawak si Jennie sa bibig niya na para bang hindi niya dapat sinabi ang mga salitang iyon. 
 

 

 

 

Pilit na lang akong ngumiti. Ibig sabihin pala ay alam na ni Jennie ang nangyari. She and Seulgi probably talked about it the other day. 

 

 

"Was it a justifiable reason?" marahang tanong ko. 
 

 

 

"It was." 

 

 

Sapat na iyon para sa akin. Ang malaman na tanggap ni Jennie ang dahilan ni Seulgi ay nangangahulugang matatanggap ko din iyon. Alam ko naman na may justifiable reason talaga ang pag-alis ni Seulgi. I know that she is not the type of person who would do something over a petty reason. 
 

 

 

Iyo nga lang, hindi pa ako handa na malaman ang tungkol doon. May pakiramdam kasi ako na involved din ako sa dahilan ng pag-alis niya. May pakiramdam ako na ginawa niya iyon dahil sa akin. 

 

 

 

"Okay.." I sighed in defeat. "I'm just worried, jealous and insecure." 
 

 

 

"Jealous and insecure? Of who, Ate?" litong tanong ni Rosé. 
 

 

 

"Tzuyu and Krystal, obviously." Jennie rolled her eyes. "Bakit ka magse selos 'don eh sayo nag confess si Seulgi? Hindi naman sa kanila?" 

 

 

 

"Pero ako ba ang kasama ni Seulgi ngayon? Ako ba ang araw-araw niyang nakikita? Nakakausap? Ako ba ang kasama niya nang tatlong taon?" sunod sunod na tanong ko na hindi pinansin ni Jennie. 

 

 

 

"Kung hindi ikaw ang tunay na gusto, hindi siya magi-intay nang tatlong taon bago mag reach out sayo ulit, bago umamin sayo. She could have easily dated Tzuyu or Krystal during those three years that you weren't contacting each other." paliwanag ni Jennie na tinanguan ko lang. 

 

 

 

"But what we have is not enough of an assurance. Paano kung gusto niya nga ako, pero hindi naman niya gustong maging kami?" 
 

 

 

"Paano 'yon, ate? Gusto ka lang niya because?" 
 

 

 

Kung minsan, sa ganitong mga seryosong usapan ay hindi talaga maiwasan ni Rosé ang hindi magpatawa. Kaya wala na din akong magawa kung hindi ang tumawa, pati na din si Jennie. 

 

 

 

"Irene wants more than just being bestfriends. Label ang gusto niya." umiiling iling si Jennie habang sinasabi niya iyon. 
 

 

 

Ako naman ay napa-kagat labi na lang dahil sa sinabi niyang iyon. Aminado naman ako - pero ang marinig iyon mula sa kaniya ay medyo mahirap tanggapin. 
 

 

 

"Noted. Sasabihin ko kay Ate Seulgi 'yan." 

 

 

 

Parang sensor ang pagsabing iyon ni Rosé at biglang umilaw ang cellphone ko. Mabilis ang magkapatid kaya nauna silang makuha iyon para tingnan ang message na dumating. Umirap na lang ako at hinayaan sila na gawin iyon. Sanay naman na ako, at kung minsan ay ginagawa din namin talaga iyon sa isa't isa. 
 

 

 

Muntik akong mahulog sa swivel chair ko dahil sa gulat nang sabay na tumili ang dalawa. Si Rosé, may kasama pang paghampas at pagpay sa mukha dahil sa pamumula niya. 
 

 

 

"Ewan ko na lang kung magselos ka pa dyan." sabi ni Jennie bago ibalik ang cellphone ko. 
 

 

 

 

Lito ako nang kuhanin iyon para tingnan ang dahilan ng pagtili nila. Bukas ang telegram ko at may message doon mula ay Seulgi. 
 

 

 

 

Bubu Bear 🐻💛

Goodmorning, hyun. I couldn't sleep properly because I kept on thinking about what happened. 
 

That's why I was able to make this. 

 

Listen to this while working. :) I love you, 'Ga! 
 

 

 

 

Ang dahilan nang pagtili nila? 
 

 

Itong spotify playlist na ginawa ni Seulgi na may tatlong kanta. 
 

 

 

 

Ikaw ang aking tahanan. 
 

 

 

Ikaw lamang. 
 

 

 

Iyong iyo. 
 

 

 

 

Parang bigla tuloy nawala ang lahat ng kaartehan ko dahil sa playlist na iyon! 
 

 

 

Nakangiti ako habang nagta type ng reply sa kaniya, pinakikinggan ang unang kanta sa playlist na iyon. At saka ko pa lang nabasa ang description ng playlist. 

 

 

 

To my Irene: 

I'm sorry if I am making you feel like you aren't enough. I am sorry if you are jealous of the other girls. But please know that you have the very right to be jealous. Because I'm yours. Only yours. 
 

I love you, Bae Joohyun. This is truer than my other truths. 
 

 

 

 

                                   ----------------------- 

spotify playlist link is here : https://open.spotify.com/user/vlh3nb9rz5zvh0q5hh988ki8j/playlist/3e7NWYqdSKinyht9YyrH5u?si=DUguc51KQuyLdbWGh9k4jg

 

 

thanks for reading! :) 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.