DOUBLE

DOUBLE PA NGA
Please Subscribe to read the full chapter


Isang gabi, matapos maisipan ni Irene na itapon ang nakatambak na basura sa kusina. Ilang araw na kasi siyang nag oovertime sa trabaho, kaya nakaka ligtaan niyang itapon ang mga ito. Nakaka tulog na kasi siya, dahil na rin sa sobrang pagod. Ikaw ba naman, pagsabayin mo ang pag rereview at trabaho. Maagang naulila sa magulang, kaya nagsisikap para may pang gastos sa araw- araw, at sa kaniyang pag aaral.


So ayun nga, dala- dala ang dalawang black bag na puno ng basura. Habang pababa siya, napansin niya ang isang babae sa di kalayuan.


Nakasandal sa isang pader, nakaupo sa ikalawang baytang ng hagdan. Naka pikit ang kaniyang mga mata.


Bago sa kaniyang paningin. Kilala niya na kasi ang mga taong naninirahan dito, mula sa mga kapitbahay, hanggang sa mga tambay sa kanto.


Sakto namang nasa baba lang ng hagdan yung tapunan ng basura (na kinoklekta naman ng mga garbage collector tuwing madaling araw.) kung saan malapit na nakapwesto yung babaeng nakasandal sa pader, na ang himbing ng tulog?


Dahan- dahan niyang ibinaba ang mga dalang basura. Saglit na napatitig sa babaeng estranghero.


'Ang weird. Dito matutulog. Kawawa naman.'


"Miss.." dahan- dahang dumilat ang mga mata. Tila napako sa kinatatayuan si Irene nang maglapat ang kanilang mga tingin. Kung may anong pwersa ang humihigop sakanya't hindi niya maialis ang tingin sa babae.


"Miss.. may.." mahinag sabi nito, "May extra kang ?"


"Huh? Excuse me?!" gulat na reaksyon niya.


"I mean.. uh.. .." napakamot, na nahihiyang nagiwas ng tingin. "Natagusan kasi ako.."


Pagkarinig na pagkarinig niya, humagikgik nalang bigla si Irene. Natawa sa pag amin ng babae. Rinig niya naman ang mahinang malutong na mura, "Putangina naman."


"Look.. I'm sorry.. I didn't mean to laugh.. it's just that.. " at humagalpak uli sa tawa, gabing- gabi na pero yung tawa niya rinig sa kabilang siyudad.


"Pota di na nga ako makauwi, tinawanan pa ako. Apaka swerte mo talaga Kang.." pabulong na sabi nong babae.


"Kalma lang te, parang di mo pa yata naranasan matagusan, sa buong buhay mo." inis na dagdag niya.


"Sorry.. ehem.." saglit na inayos ang sarili, matagal tagal na rin kasi siyang nakatawa ng ganito, yung tawang nag eenjoy ka. Yung tipong masaya ka. "Pasensya na kung natawa ako.. ngayon lang kasi ako naka encounter ng taong magtatanong kung may extra akong .."


"Pota nakakahiya.. pero kakapalan ko na mukha ko. Pahiram, or bilhin ko nalang. Parang awa.. gusto ko nang umuwi."


"Ano ba kasing nangyari?" nakangiti niyang tanong, um

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
gusto ko syang gawing socmed au kaso..

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
😔
Moksy23
#2
Chapter 19: balik kana author
Moksy23
#3
Chapter 19: ud nmn po otor :(
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 19: Thank you sa update! Hehe
iana013
#5
Chapter 19: oohhhh... they want her back... what will joohyun do??😭
profshaklu #6
Chapter 19: welcome back author hihi
Moksy23
#7
Chapter 12: Welcome back authornim Ayan my update na ulit :))
Kylie_123 #8
Chapter 18: 28 reasons let's goooooo !!!
Kylie_123 #9
Chapter 18: Hihihihi nakakakilig naman author 🧡🧡
AnneTokki 50 streak #10
Chapter 18: 💓💓💓💛💛💛