Ang Superior Birthday Food

Sugod Mga Shanghai!

A/N: Yung kwento ng Siomai Family ay parang oral history na nakuha ko lang sa kwentuhan ng college orgmates ko. Pinagpasapasahan kaya marami na naging pagbabago. Hindi ko lang sure saan nanggaling at ano yung original story. Shoutout na lang po sa nag imbento at makikihiram lang po sana for wenrene my loves.

 

Habang nakapila sa buffet table, may dalawang magkaibigang kanina pa nagbabangayan.

 

“Ikwento mo na kasi!” Pabulong na sigaw ni Seulgi sa bespren niya habang naglalagay ng sandamakmak na kanin sa plato.

 

Tinulak siya ni Seungwan papunta sa food warmer na may lamang chicken pops para siya naman ang makakuha ng kanin. “Ayoko nga! Pano kung di siya matawa edi sasablay nanaman ako?”

 

Kumuha si Seulgi ng dalawang chicken pops. “Legendary kasi yun! Magiging crush ka na ng crush mo pramis!” Kumuha pa ulit ito ng dalawang chicken pops bago lumipat sa food warmer na may creamy beef with mushroom.

 

“Eh pano pag naturn off? Ilalakad mo ba ko ha? Panget mong wingwoman!” Nakakawalang gana tong usapan nila. Halos wala tuloy kinukuhang ulam si Seungwan.

 

“Magwowork yan seryoso!” Muntik pa makatapon ng sauce si Seulgi sa katakawan nito.

 

Umaapaw na ang plato.

 

“Ewan ko ba sayo.” Naiinis na sabi ni Seungwan. “Wag mo na titigan yang chopsuey, kumuha ka na lang!” Inip na inip na siya kasi nasa dulo pa yung gusto niyang ulam.

 

Syempre kumuha nga si Seulgi kahit wala na mapaglagyan sa plato. “Init ng ulo mo masyado, lapit naman na tayo sa peyborit mo.”

 

 

Habang nag-iisip kung ilang hotdog na may marshmallows ang kukunin, nagkaroon bigla ng bright idea si Seulgi.

 

 

“Aha! Alam ko na!” Napasigaw pa ito.

 

“Tanga ang lakas ng boses mo. Bilisan mo nga kumuha.”

 

Kumuha si Seulgi ng dalawang sticks ng hotdog na may marshmallows at tinutok ito sa bespren. “Bawal ka kumuha ng shanghai!!!”

 

“Tang—ano bang sinasabi mo? Yun nga lang dahilan bat nandito ako eh!”

 

 

Walangya naman. Katabi lang ng repolyong pinagtutusukan ng mga hotdog na may marshmallows yung shanghai tas ngayon pa siya pipigilan ng kaibigan? Parang hindi naman ata makatarungan iyon.

 

Eh ang kaso, hindi niya maitulak ang kaibigan kasi threatening yung hawak nitong sticks kahit na marshmallows lang ang nasa dulo.

 

 

“Hindi Seungwan! Bawal ka kumuha ng shanghai hangga’t hindi naririnig ng crush mo yung mahiwagang Siomai Family!!”

 

“Para kang tanga Kang Seulgi!! Lumayas ka dyan sa harap ng mga shanghai! Halos kanin lang tong nasa plato ko ano ba!!”

 

 

Pero wala siyang magawa.

 

 

Isinapuso ng kaibigan ang misyon at gamit ang plato bilang shield, hotdog sticks bilang swords, si Kang Seulgi ay nag transform bilang isang tunay na Shanghai Warrior. Todo bantay siya sa harapan ng table kung nasaan ang mahihiwagang golden, crispy, mouthwatering lumpiang shanghai.

 

 

Handa na sanang ialay ni Seungwan ang kanyang braso. Ipantatakip niyo ito sa mukha at bahala na kung matusok siya ng sticks. Basta ang importante, malagpasan niya si Seulgi at makakuha kahit tatlong shanghai man lang.

 

Kahit wala na sigurong sauce.

 

 

Kaso noong lalaban na sana siya, biglang may nagsalita sa pila.

 

 

“Huy! Baka naman gusto niyo kaming pakuhanin ng ulam. Kanina pa kayong dalawa dyan sa dulo!”

 

Napalingon tuloy ang magkaibigan sa likod nila.

 

 

Oo nga pala.

 

 

Nakapila nga pala sila buffet table.

 

At pag minamalas ka nga naman, ang crush pa ni Seungwan na si madam Bae Joohyun ang nagreklamo sa pila.

 

 

“Ay!” Napakamot sa ulo si Seungwan. “Hi crushie! Anong gusto mong ulam, kuha na kita!”

 

 

“Oh my god, Wannie.”

“Ayan nanaman siya.”

“Give up mo na yan.”

 

Sabay sabay na reaksyon ng mutual friends nilang nakapila rin. Paano ba naman kasi? Napakatagal nang crush ni Seungwan si Joohyun at kahit anong gawing pagpapapansin nito ay hindi pa rin siya crush ng crush niya. Napapagod na lang tuloy ang mga nakakarinig ng mga hirit niya.

 

 

“Ang gusto ko…umalis na kayo dyan sa pila. Shoo!”

 

 

Humarap na lang si Seungwan sa bespren niyang Shanghai Warrior. “Kasalanan mo to bwisit ka.”

 

Puno ang bibig ng marshmallows na tumawa ito. Evil laugh pa nga. “Mwahaha! Umupo ka na! Balik ka na lang dito pag nakwento mo na yung favorite story ko!”

 

“Awit sayo bespren. Lika na samahan mo ko dun sa table!”

 

“Hindi! Baka mamaya tumakbo ka pabalik tas makakuha ka pang shanghai. Magbabantay lang ako dito hanggang matapos kwento mo.” Mayabang na sabi nito.

 

Pinandilatan niya ng mata ang Shanghai Warrior. “Gaga ka ba alangan namang pigilan mo sila lahat kumuha niyan??”

 

“Sino ba nagsabing pipigilan ko sila? Ikaw lang bawal!” Nilapag ni Seulgi ang plato niyang punong puno ng handa sa mini table kung nasaan ang food warmer ng shanghai at huminga nang malalim.

 

 

*CLAP CLAP CLAP*

 

 

“HAPPY TO SERVE!” Sigaw nito sa mga nasa pila. “Sabihan niyo lang ako kung ilang shanghai ang gusto niyo. Oh sige na, sige na, pagalawin ang pila!” Utos nito sa mga tao habang may hawak na tongs na pangkuha ng superior birthday food.

 

Masama ang loob at umiiling iling na naglakad si Seungwan papunta sa table kung nasaan ang may birthday.

 

Walangya. Akala niya birthday party ang pinuntahan, wala namang nagsabi na SM Hypermarket pala.

 

 

------------------------

 

Hindi nagtagal ay marami na ring umupo sa may table kung nasaan sina Seungwan at Moonbyul. Nandito lahat ang mga malalapit nilang kaibigan tsaka si Joohyun. Si Seulgi lang talaga yung nawawala kasi nakatayo pa rin ito sa may mini table at nagbabantay ng shanghai.

 

Sobrang dedicated ni tanga. Doon na nga ito nagsimulang kumain kahit na nakatayo lang.

 

 

Nagngingitngit na si Seungwan sa galit. Tiniis niya na nga lang makiparty dito dahil nabalitaan niyang maraming shanghai tapos ipinagkait pa ni Seulgi yung opportunity. Napakalungkot naman ng mundo.

 

Inggit na inggit pa siya sa mga ka-table kasi lahat sila mayroon.

 

Minsan talaga wala kang ibang masasabi kundi, naol.

 

 

At dahil hindi na niya talaga kinakaya, minabuti niyang sundin na lang ang ‘deal’ nila ng bespren.

 

“Mamser!” Agaw atensyon niyang sigaw sa mga ka-table.

 

“Jusko po Seungwan kung babanat ka nanaman kay Joohyun, kumain ka na lang. Wag mo na ituloy.” Mataray na sabi ni Jennie bago sumubo ng pagkain.

 

“Hindi! Napag-usapan kasi namin ni Seulgi kanina yung Siomai Family baka lang gusto niyo rin marinig.”

 

 

Yung kwento ng Siomai Family ay parang nanggaling pa sa mga ninuno ni Seungwan. Madalas niya rin itong gawing icebreaker sa mga gatherings kaya naman hindi maiiwasan na ang ilang kaibigan niyang nasa table rin ay nagets agad ang plano niya.

 

“Uyyy maganda yan! Tagal ko na hindi naririnig yung story.” Mabilis na pagsuporta ni Lisa.

 

“Ako rin! Yan na birthday gift mo sakin, galingan mo ah!” dagdag pa ni Moonbyul.

 

Sa totoo lang, friends naman talaga sila ni Byul. Nag inarte lang siya na hindi pupunta sa party nito kasi alam niyang nandito rin si Joohyun. Bakit naman niya gugustuhing makita ang crush niyang nag-eenjoy sa party ng ibang tao?

 

Pero buti na lang at sinuportahan ni Byul ang naisip niya. Kahit saglit tuloy ay napatingin si Joohyun kay Seungwan dahil sa pagkeclaim ni Byul ng gift.

 

 

Salamat naman. Akala ni Seungwan eh kay Moonbyul na lang titingin ito magdamag. Magkatabi pa ang dalawa. Tsk.

 

 

Pero eto na yun. This is it pansit. Sisimulan na niya ang alamat.

 

“Okay so isang araw…”

 

“Wait! Wait!” Sigaw ni Seulgi na puno ng kanin ang bibig. “Lalapit ako, gusto ko marinig!”

 

At dahil dedicated nga talaga ang Shanghai Warrior, binuhat nito ang mini table kung saan nakapatong ang binabantayang ulam at inilapit sa table ng mga kaibigan.

 

“Okay Wannie, kwento mo na!”

 

 

Nako jusko. Kung di lang talaga niya gusto ng shanghai eh di niya iririsk ang joke na to sa harap ng crush niya. Pero bahala na.

 

 

“Okay so isang araw sa kingdom ng mga siomai, sinugod sila ng mga shanghai…”

 

Kakasimula pa lang pero pigil na pigil na ang tawa ng mga nakakaalam ng punchline. Yun namang mga first time marinig ito ay kunot noo lang na nag-aabang ng kasunod.

 

“Matibay talaga yung kingdom ng mga siomai kaso masyadong malakas ang mga shanghai. Tapos bilang mukha silang mga stick, mas matangkad tuloy sila sa mga siomai. Hirap na hirap lumaban ang mga dumplings.” Medyo lumungkot ang tono ni Seungwan. Parang feel na feel niya yung hirap ng mga taga Siomai Kingdom.

 

 

In fairness, nag work ang pagkukwento niya. Napatigil sa pagkain ang mga tao at medyo napalapit pa sa kanya.

 

 

“Tapos, wala. Wala na talagang maisasalba. Masyadong malakas ang shanghai colonizers. Kaya yung isang daddy siomai, narealize niyang kailangan na lang nilang tumakas ng pamilya niya. Hinatak niya sina mommy siomai at baby siomai papunta sa labas ng kingdom kung saan may bangka silang magagamit para makalayo.”

 

 

*Sniff sniff*

 

 

“Ang lungkot mehn. Sorry nakagulo ako.” Pagkukunwari ni Lisa na affected. Nakakatawa naman ang itsura nitong may fake tears kaya medyo nawala ang tensyon sa table. Di nila maiwasang matawa kay Lisa.

 

“Anyway, edi sumakay na sila sa bangka.” Pagtutuloy ni Seungwan. “Nagsimula nang magsagwan si daddy siomai nang mapansin nilang may humahabol pala sa kanilang mga shanghai. Grabe! May bangka rin pala sila!”

 

Sa totoo lang gusto na bigwasan ni Seungwan ang mga kaibigang may alam ng kwento. Napaka-OA na kasi nila mag react kala mo lungkot na lungkot sa nangyayari. Pero naisip niya, di worth it itigil ang kwento kaya tiniis niya na lang.

 

“Tapos naghabulan sila! Sa sobrang bilis ng pagsagwan ni daddy siomai, hindi niya namalayang may waterfalls na pala silang patutunguhan…”

 

“Shet!” Malungkot na sigaw ni Lisa. Napaakbay pa ito kay Seungwan at kagat labing humikbi.

 

Niyakap na rin ni Seungwan ang kaibigan. “Sa kasamaang palad, nalaglag ang Siomai Family…

 

 

The end.”

 

 

Yung mga kaninang nasa edge na ng upuan nila para sa kwento ay halos sabay sabay na napasandal. Lahat disappointed.

 

“Yun na yun Seungwan? Final answer??” Pikon na sabi Solar.

 

“Birthday gift tawag mo dyan?!” Gatong ni Jennie.

 

“Foul!” Depensa ni Moonbyul. “Yan kaya yung best gift ever!!”

 

Hindi maipinta ang mukha ni madam Joohyun. Bukod sa hindi siya natuwa sa kwento, di niya rin maintindihan kung bakit ito dinedefend ng crush niya.

 

“Wow! Best gift talaga? Best mo na yun Seungwan????”

 

 

Nagkatinginan naman ang lahat at sabay sabay na nangkupal.

 

“OhhHhHHhHHHHhh!!!!!”

“La ka pala eh!”

“Minus points ka don!!”

 

 

Hagalpak naman sa tawa si Shanghai Warrior na nakatayo pa rin sa gedli. “Wannie, hinahamon ka oh!! Kwento mo nga yung Lighthouse!!!”

 

“Aba aba sige, kwento pa ko ng isa!”

 

Umirap lang si Joohyun. “Kung kasing boring nung last mong kwento, salamat na lang sa lahat. Itigil na natin yan.”

 

“Hindi, ito maganda to!” Nag stretching pa si Seungwan tapos minasahe siya ni Lisa. Kala mo naman sasabak sa boxing match yung dalawa.

 

 

“Okay so isang araw…mayroong lalaki at babae sa isang Lighthouse. Kakatapos lang magpropose nung lalaki sa babae kaso pareho silang malungkot. Kailangan kasi umalis nung guy for 7 years. Kailangan daw siya ng military.”

 

“Saet nun lods.” Support nanaman ni Lisa.

 

“Kaya nga eh. So ayun sabi na lang ng guy, pagdating ng 7 years, magkita ulit sila sa Lighthouse. Pag nagkita sila ulit, magpapakasal na raw sila.”

 

“Wala pa kasing phones at internet nung time na yun!” Singit ni Seulgi just in case may kumwestiyon sa bespren niya.

 

“Tapos ayun, 7 years nag yearn si ate mo girl. Nung dumating yung tamang oras, nagpunta siya sa isang Lighthouse para abangan ang nobyo. Ilang oras siya naghintay doon pero walang dumating. Gumabi na’t lahat pero wala pa rin yung lalaki.”

 

“Sama ng ugali naman non.” Comment ni Solar.

 

“Hindi naman.” Kwento pa ni Seungwan. “Nagpunta yung lalaki kaso ibang Lighthouse pala yung nabalikan niya. Sa city kasi na yun, dalawa talaga yung Lighthouse. Nakalimutan lang nung lalaki yung tamang pupuntahan kasi matagal nga siyang nawala.”

 

“Jusko Seungwan sure ka pa ba dyan?” Pagtatanong ni Jennie.

 

“Oo. Tapos syempre nasaktan si ate girl. Sa sobrang lungkot at galit niya, tinanggal niya yung engagement ring tapos tinapon niya sa malayo. Iyak siya nang iyak talaga. Pagkatapos ng isang oras, nagsimula na siyang tumahan tapos uuwi na sana siya kaso may nakita siyang parang kumikislap kislap sa baba ng Lighthouse. Parang may lumulutang…ano kaya yung lumulutang?”

 

Tinignan ni Seungwan ang mga kinwentuhan. Mukhang nag-iisip naman ang mga ito.

 

 

“Sus! Corny nanaman! Edi yung singsing.” Sabi ni Joohyun.

 

“Eengk! Wrong answer!”

 

“Basura! Ocean pollution ganern!” Pabibong sagot ni Jennie.

 

“Mali! Next answer!”

 

“Alam ko na! Alam ko na! Mermaid!!!” Sobrang excited na sagot ni Solar.

 

“Mali kayong lahat. Yung nakita niyang lumulutang…

 

 

 

 

Si baby siomai, nanggaling dun sa may waterfalls.”

 

 

“Puta.”

“Finally!”

“HAHAHAHAHAHA!!”

 

 

“Tangina lods, first part pa lang nginig na ko sa tawa!” Nakahawak sa tiyan na humahalakhak si Lisa.

 

“Oh sabi sa inyo best birthday gift yan eh!” Tawang tawa na rin si Moonbyul.

 

“Nice WAN bespren! Pwede ka na kumuha ng shanghai lika rito!”

 

 

Proud si Seungwan kasi nag work yung Siomai Family story niya. Pero kahit masaya siyang natuwa ang mga kaibigan, isang tao lang naman ang hinihintay niyang mag react.

 

 

Tinignan niya si Joohyun na katapat niya sa table.

 

 

Pakiramdam niya sasabog na ang cheeks ni Joohyun kasi pigil na pigil itong tumawa. Napakapride naman palang tunay. Kunwari pa itong walang nararamdaman sa mga hirit at banat ni Seungwan simula nung umamin itong may gusto sa kanya.

 

“Grabe naman yan crushie, kahit isang ngiti lang!”

 

Hindi nagsalita si Joohyun pero tumayo ito. Lumapit sa Shanghai Warrior at kinuha ang platter ng superior birthday food.

 

Dahan dahan itong lumapit kay Seungwan at umupo sa tabi nito.

 

“Corny ng mga kwento mo.” Sabi nito habang nilalagyan ng shanghai ang plato ni Seungwan.

 

“Suuuus. Bakit mo ko binibigyan niyan? Kunwari ka pang corny eh part naman yun ng charms ko. Nagwork naman no?”

 

“Medyo mayabang ka pero okay. Nagwork nga. Give ko na sayo.”

 

“Yiie salamat crushie!”

 

“Ako naman may kwento.”

 

“Ano yun?”

 

“Gusto mo bang gumawa ng…

 

 

 

 

Baby siomai?”

 

 

“OHHH”

“POTAENAAAA”

“JOOHYUN LANG MALAKAS”

 

“5 SECONDS! WALANG MALISYA! 5 SECONDS! WALANG MALISYA!”

 

 

 

May shanghai na si Seungwan, may Joohyun pa siya.

 

 

Salamat sa lahat, Dumpling Gods.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hyehye29
#1
Chapter 1: HAUP NA KWENTO NG SIOMAI FAMILY YAN HAHAHHAHAHAAHA
wishwishwish #2
Chapter 1: bakit di ako sa aware sa kwneto ng siomai family na yan? HAHAHHAA pero lt kainis
wintzkie #3
Chapter 1: Akala ko talaga kung ano yung lumulutang ii . 🤣🤣🤣
hi_mitochondria #4
Chapter 1: Bumalik nanaman ako dito dahil why not 😭😭😭
M_jeeh08
#5
HAHAHAHA😭 laughtrip potarrrrr ba't ngayon ko lang to nakita
divein2daloonaverse
#6
Chapter 1: HAHAHAHA dakilang tsundere talaga si madam eneri
EzraSeige
#7
Chapter 1: Amp talaga, naki bday lang meron na... LT kang tunay.
revelnc #8
Chapter 1: SANA ALL BABY SIOMAI
jjae96
#9
Chapter 1: baby siomai ang potek
Hime_Emjha #10
Chapter 1: The best talaga to eh! Tuwing nakakakita ako ng siomai at shanghai ito yung pumapasok sa isip ko para tuloy akong tanga na nagpipigil tawa! Kingina!